Filipino 4 Q 2 Week 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 4
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Melanie L. Tulod
Manunulat

Nelia G. Abejar
Tagasuri

Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix


Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator

Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
INAASAHAN

Pagkatapos masagutan ang mga gawaing nakapaloob sa araling ito, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat,
tula, at awit (F4PN-IIf-3.1)
2. Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin;
salitang hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura (F4PU-IIa-j-
1)
3. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggang teskto (F4PN-IIb-12)
4. Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing, pasukdol)
sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili, ibang tao
at katulong sa pamayanan (F4WG-IIa-c-4)

Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng alamat ng Butiki at sagutin ang mga
sumusunod na tanong

Sa isang malayong nayon, namumuhay ang mga taong hirap sa


pagtatrabaho sa bukid upang matustusan ang mga pangangailangan nila sa
buhay. Sinasabing hawak ng isang lalaking tanyag ang buong nayong iyon.
Kilala siya ng lahat dahil sa taglay niyang yaman. Siya ay si Butiki.

Kaya niyang bilhin ang lahat, kahit ang matataas na gusali. Kapag ginusto
niya ay kaya raw niyang ipatibag, tulad ng ginawa niya sa bahay ng dahil lamang
sa inakala niyang tiningnan siya nang masama. Kaya niyang bayaran ang mga
tao upang basahan lamang siya ng mga babasahing gusto niya, ngunit ang
nakatutuwa ay nakatawag ng pansin sa kaniya ang kumikinang at nakasisilaw
na mga diyamante at ginto sa kaniyang katawan. Namumutiktik sa alahas ang
bawat bahagi ng kaniyang katawan. Hindi pwedeng walang alahas sa kahit
saang bahagi ng kaniyang katawan mula ulo hanggang paa.

1. Saan naganap ang kwento?


________________________________________________________________

2. Ano ang pinagkakaabalahan ng mga taong naninirahan doon?


________________________________________________________________

2
3. Sino ang sikat o tanyag dahil sa yaman niyang taglay?
________________________________________________________________

4. Ano ang nagagawa ng pera para kay Butiki?


________________________________________________________________

5. Paano mo ilalarawan si Butiki?


________________________________________________________________

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng


mga halimbawa. Piliin sa kahon ang letra ng
tamang sagot. Isulat ito sa patlang.
______1. bumubulahaw = malakas na tugtog;
ingay ng mga naglalarong bata
______2. perhuwisyo = abala; problema
______3. residente = mamamayan
______4. iskedyul = oras, lugar, araw
______5. iiling- iling = hindi pag-imik at pagtutol

A. Taong permanenteng nanininirahan sa isang lugar


B. Pakaliwa at pakanan pagkilos ng ulo
C. Talaan o plano ng gagawin, oras at iba pa
D. Ingay na gumagambala sa katahimikan
E. Pinsalang natamo sa kabuhayan, pamamahay at iba pa

B. Panuto: Ibigay ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na teksto


ayon sa iyong karanasan.

1. Naglalaro ang mga bata sa pool nang hindi nila namamalayan na sila ay
napupunta na sa malalim na lugar. __________________________________
______________________________________________________________________
2. Ibinilin ng Nanay kay Jela na bantayan ang sinaing nito dahil siya ay
may ginagawa. Nalibang si Jela sa kanyang panonood.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Nagsampay ang nanay ng mga damit sa labas ng bahay. Nakaidlip siya
hindi niya namalayan na umuulan na pala.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3
4. Iniwanan ni Kuya Ken ang cellphone na naka-charge at nakalimutan
Ni ya ito nang maghapon.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Inutusan siya ng kaniyang tatay na umigib ng tubig dahil magluluto
ng pananghalian. Nakita niya ang kaniyang mga kaibigan na naglalaro.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

1. Lantay - Ang isang pangngalan o panghalip ay lamang. Hindi ito inihahambing


sa ibang panghalip o pangngalan.
Halimbawa:
Ang paglalaro ng pantintero ay nakakaaliw.

2. Pahambing - Ginagamit ang pahambing na antas upang ihambing ang


katangian ng dalawang pangngalan o panghalip. Maaaring
magkatulad o di magkatulad ang mga ito.
- Magkatulad
Halimbawa:
Magkasingbait sina Luisa at Ricardo.
- Di magkatulad
Halimbawa:
Mas mabait si Noel kaysa kay Nora.

3. Pasukdol - Sa paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o panghalip,


ginagamit ang kaantasang ito. Sinasabi nito na ang katangian ng
isang pangngalan o panghalip ang pinakamatindi o nakahihigit sa
lahat. Ang mga katagang ginagamit sa pasukdol ay sakdal, ubod,
napaka, hari ng, pinaka, walang kasing- at lubha.
Halimbawa:
Ubod nang tamis ang halo-halo sa restawran.

Lantay Pahambing Pasukdol


malikhain mas malikahain pinakamalikhain
mabagsik mas mabagsik pinakamabagsik
mahirap mas mahirap pinakamahirap
malupit mas malupit pinakamalupit
malusog mas malusog pinakamalusog

4
Ang pagbibigay ng sariling opinyon, palagay o kuru-kuro sa binasang
seleksyon o talata ay pagbibigay hinuha. Maaari kang makapag-bigay ng sarili
mong palagay upang ang isang pangyayari o kwento ay magkaroon ng wakas na
gugustuhin mo.

Pagsasanay 1:
Panuto: Magbigay ng tig-dalawang hinuha sa bawat talata at isulat ito sa
iyong sagutang kuwaderno.

1. Pinukpok ni Sajid ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang malalaking


pukyutan.
Hinuha 1: __________________________________________________________
Hinuha 2: __________________________________________________________
2. Nakita ni Eli ang makukulay na mga bulaklak sa hardin. Papasok na
siya sa paaralan nang umagang yaon.
Hinuha 1: __________________________________________________________
Hinuha 2: __________________________________________________________
3. Nalaglagan ng isang subong kanin ang mga langgam sa ilalim ng mesa.
Hinuha 1: __________________________________________________________
Hinuha 2: __________________________________________________________
4. Sumakay ang mga sundalo sa helicopter at lumipad ito sa himpapawid.
Hinuha 1: __________________________________________________________
Hinuha 2: __________________________________________________________
5. May naiwang bag sa isang tricycle na naglalaman ng maraming pera.
Kinuha ito ng tatay mo.
Hinuha 1: __________________________________________________________
Hinuha 2: __________________________________________________________

Pagsasanay 2:

Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit.


Isulat ang letrang L kung ang kaantasan ng pang-uri ay LANTAY, PH
kung ito ay PAHAMBING, o PS kung ito ay PASUKDOL.

____ 1. Si Gary ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.

____ 2. Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel.

5
____ 3. Ang buhok ni Lola Francia ay kasimputi ng balahibo ng tupa.

____ 4. Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang.

____ 5. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina.

____ 6. Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya!

____ 7. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis.

____ 8. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita.

____ 9. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niyang aktres.

____ 10. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito.

Ang pagbibigay hinuha o palagay sa maaaring kahinatnan ng mga


pangyayari sa binasa ay isang paraan ng pagsasagawa ng mapanuring pag-
unawa.
Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay,
Pahambing, o Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkakaiba.
Lantay – Ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing
na dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas,
mabigat, at mahinahon.
Pahambing – Ito ay nasa pahambing na antas kapag may
pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari o mga panghalip. Ang mga halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-
lapad, at mas kasya.
Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay
nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay
pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.

Mga Halimbawa ng Pang-Uri:


Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.
Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng
Malapatin at Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng
Sandawa.

6
A. Panuto: Bumuo ng hinuha sa mga sumusunod na talata at isulat ito sa
iyong sagutang kuwaderno.
1. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng
magsasaka.
Hinuha __________________________________________________________________
2. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot
na ang mag-ama.

Hinuha __________________________________________________________________

3. Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-apat na grado ang sinanay ng kanilang


guro sa Musika. Suot na nila ang magara nilang uniporme at sila’y patungo
na sa bayan.
Hinuha _________________________________________________________________

4. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat
ng kalaro at kababata ni Cris.

Hinuha _________________________________________________________________

5. May taling pabigat sa binti ni Aimon at humihiyaw ito sa sakit. Awang-awa


ang kaniyang mga kamag-anak.

Hinuha ________________________________________________________________

B. Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit.


Gamitin ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay LANTAY,
PH kung ang kaantasan ng pang-uri ay PAHAMBING, o
PS kung ito ay PASUKDOL.
____1. Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop sa kulungan.
____2. Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.
____3. Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.
____4. Ang manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil
na pagtatrabaho.
____5. Ang mabubuting-asal at pagpapahalaga ay dapat ipakita
natin sa mga kabataan.

7
____6. Di-masyadong maanghang ang laing na ito kung ihahambing sa laing
na luto ni Ate Rosita.
____7. Sinong bayani ang mas dakila para sa iyo, si Rizal o si Bonifacio?
____8. Natutuhan namin ang wastong pagbigkas ng mga salita.
____9. Mukhang antok pa ang bata kaya hayaan mong matulog muna siya sa
sopa.
____10. Ang suliranin ni Ben ay lubhang masalimuot kaysa sa suliranin ni
Mario.

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

Panuto: Bumuo ng hinuha sa mga sumusunod na talata at ang mga ito sa


iyong sagutang kuwaderno.
1. Nagising si Jun-Jun na umiiyak at takot na takot. Humahangos siyang
pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Hinuha ____________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Clean Air Act at Anti-Smoking Law ang dalawang bagong batas. Galit
na galit ang mga mamamayang naninigarilyo.

Hinuha ____________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Palagi silang nagsisipagtago pag may dumarating na mga girilyang


Hapon.

Hinuha ____________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Nagpasya si Prinsipe Bantugan na umalis na lang sa kanilang


kaharian. Nagtungo siya sa ibang bayan.

Hinuha ____________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Hindi sinunod ni Abraham ang kahilingan ng Diyos. Itinago niya si


Isaac at isang matabang tupa ang kaniyang inialay.

Hinuha ____________________________________________________________
____________________________________________________________________

8
B. Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may
salungguhit.Gamitin ang letang L kung ang kaantasan ng
pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o PS kung
ito ay pasukdol.

____ 1. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang


lumakas pa ang iyong resistensiya.

____ 2. Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha.

____ 3. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng


mukha mo!

____ 4. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon.

____5. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay
makasaysayan.

____ 6. Sa Tsina matatagpuan ang pinakamahabang tulay na dinadaanan ng


tren.

____ 7. Ang talento sa pagsayaw ng pangkat na A-Team ay kahanga-hanga.

____ 8. Di-hamak na malaki ang kuwarto ni Denise kaysa sa sala namin.

____ 9. Kasinglaki ng holen ang bato na tinanggal ng doktor mula sa kidney


ni Romy.

____ 10. Magkasing bigat ang mga sakong karga ng dalawang magsasaka.

9
Sanggunian
MISOSA Filipino 4. Modyul 8. pp 1-5 MISOSA Filipino 4.
Modyul 11. pp 1-5 Hiyas sa WIka 5. 1999. pp 82 -87
MISOSA Filipino 4. Modyul 14. pp 3-10
MISOSA Filipino 5. Pangyayari at Epekto Nito. pp 4 – 14
MISOSA Filipino 4. Modyul 22. pp 1-11 MISOSA Filipino 6.
Modyul 16. pp 5-9 Hiyas sa Pagbasa 5. 1999. p 194
www.samut-samo.com
www.spireuplearning.com
teacherabiworksheets.blogspot.com
Ugnayan Wikat at Pagbasa
Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig

8. PH 9. PH 10.. PH

1. L , 2. PH , 3. PS, 4. PS, 5. L 6. PS, 7. L


Pang-wakas na Pagsusulit
B- 1. L, 2. PS, 3. PH, 4. PS, 5. L. 6. PH, 7. PH, 8. L, 9. L, 10. PH
Pag-alam sa Natutuhan
Pagsasanay #2: 1. PS 2. PH, 3. PH, 4. L 5. PH, 6. PS, 7. PH 8. L, 9. PH, 10. PS
Balik-Tanaw: 1. D., 2. E, 3. A., 4. C., 5. B

10

You might also like