Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

2

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
URI NG PANAHON SA AKING
KOMUNIDAD
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Uri ng Panahon sa Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elizabeth D. Lasam
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and Regional
ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and Division ADM
Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – NCR

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
2

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
URI NG PANAHON SA AKING
KOMUNIDAD
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Uri ng
Panahon sa Aking Komunidad !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan sa Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Uri ng Panahon sa Aking
Komunidad!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


Ikalawang Baitang. Nilalayon ng modyul na ito na
mahubog ang kakayahan ng mag-aaral sa pagtukoy ng
iba’t ibang uri ng panahong nararanasan sa sariling
komunidad, mga kalamidad o sakunang madalas
maganap sa sariling komunidad at mga epekto ng
kalamidad sa kalagayan ng mga anyong lupa, anyong
tubig at sa mga tao sa sariling komunidad. Ang mga
pagsasanay sa modyul ay sasagutan ng mag-aaral
upang masukat ang kaniyang nalinang na kaalaman
mula sa modyul na ito.

Ang modyul ay mayroong isang aralin:


Aralin 1 – Mga Uri ng Panahon sa Aking Komunidad

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nailalarawan ang panahon at kalamidad na
nararanasan sa sariling komunidad

Layunin: Pagkatapos masagutan ang modyul, ang mag-


aaral ay inaasahang:
1. Nasasabi ang iba’t ibang uri ng panahong
nararanasan sa sariling komunidad (tag-ulan at tag-
init).
2. Natutukoy ang mga natural na kalamidad o sakunang
madalas maganap sa sariling komunidad.
3. Naipaliliwanag ang epekto ng kalamidad sa
kalagayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at sa
mga tao sa sariling komunidad.

1
Subukin(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung wasto ang

pahayag at kung hindi.


______1. May dalawang uri ng panahon sa ating bansa.
Ito ay ang tag-ulan at tag-init.
______2. Ang tag-init ay nararanasan mula sa buwan ng
Nobyembre hanggang buwan ng Abril.
______3. Nagkakaroon ng pagbaha sa paligid sa
panahon ng tag-init.
______4. Ang lindol ay isang uri ng kalamidad.
______5. Ang kalamidad ay nagdudulot ng iba’t-ibang
epekto sa anyong lupa, tubig at sa tao.

2
Aralin
Uri ng Panahon sa Aking
1 Komunidad

Balikan(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Pag-aralan ang mapa. Isulat sa patlang ang


sagisag at panandang tinutukoy ng direksiyong
nakasulat sa ibaba ng mapa.

1. Silangan _________________________
2. Kanluran _________________________
3. Hilaga ___________________________
4. Hilagang Kanluran___________________
5. Hilagang Silangan ___________________

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan


at maunawaan ng mga mag- aaral ang
mahahalagang kasanayan sa pagkatututo .
Binigyang pansin din sa mga gawain ang paglinang
sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(communication); pagtutulungan (collaboration),
pagkamalikhain (creativity); mapanuring pag-iisip
(critical thinking)at pagbuo ng pagkatao (character
building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang
tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang :
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa
progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa
gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa
magulang/ guardian upang matiyak na
nagagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain
sa pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw
na instruksyon sa pagkatuto.

4
Tuklasin(Pakikipagtalastasan)

Gawain 1: Ulat Panahon!

Magandang araw sa inyong lahat! Ito po ang ulat ng


panahon sa araw na ito. Mapapansin ninyo na
nagsisimula na ang panahon ng tag-init dahil tapos na
ang hanging amihan. Magiging maaraw sa Luzon at
Visayas gayundin ang kalakhang Maynila. Aabot ang
temperatura ng 37 sentigrado kaya huwag kalimutang
magbaon ng tubig para iwas dehydration. May konting
pag-ulan sa Mindanao pagdating ng hapon na may
kasamang pagkulog at pagkidlat. Kaya mga kaibigan,
magdala ng payong o kapote upang hindi mabasa.
Lagi po tayong maging handa at mag-iingat. Ako po si
Liz para sa ulat panahon.

https://www.netclipart.com

5
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anong uri ng panahon ang nabanggit sa ulat


panahon?
_________________________________________________________________
______________________________________________________
____________________________________________________
2. May pagkakatulad ba ang mga nabanggit na
panahon sa uri ng panahon na nararanasan mo sa
iyong komunidad?
_________________________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Suriin

Magandang araw mga


bata! Ako si Arron at ito
naman ang kaibigan
kong si Hannah. Tara,
samahan ninyo kaming
tuklasin ang mga uri ng
https://publicdomainvectors.org
panahon sa ating
komunidad.

6
URI NG PANAHON SA AKING KOMUNIDAD

May dalawang uri ng panahon sa


ating komunidad. Ito ay ang tag-init
at tag-ulan. Ang tag-init ay
nararanasan mula sa buwan ng
https://publicdomainvectors.org
Nobyembre hanggang buwan ng
Abril.

Sa panahong
ito, marami
ang pumupunta sa
mga beach o pasyalan
upang mabawasan
ang init na
nararamdaman at
maenjoy ang sarili.

https://nolisoli.ph

7
Ang tag-ulan naman ay nararanasan
mula sa buwan ng Mayo hanggang
Oktubre.

Sa panahong ito,
maraming sakit at
aksidente ang
nagbabadya kung
kaya’t pinag-iingat ang
mga tao.
https://news.abs-cbn.com/news

Sa bawat uri ng panahon, nakararanas ng iba’t- ibang


kalamidad tulad ng lindol, baha, bagyo, sunog at
pagsabog ng bulkan.

bagyo baha sunog

Pagputok ng bulkan lindol

8
Malaki ang epekto ng mga kalamidadlindol sa ating
komunidad. Kapag may baha at bagyo, nasisira ang
mga pananim, maraming nalulunod na mga hayop at
natutumba ang mga puno. Kung minsan mayroon
pang namamatay na tao. Kapag tag-init naman,
natutuyo ang mga pananim at nagkakaroon ng
sunog. Marami rin ang nagkakasakit kapag matindi
ang init tulad ng lagnat, sore eyes, allergy at iba pa.

Pagyamanin(Pagtutulungan)

Gawain 2: BUUIN MO AKO!


Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa
pagsalalarawan. Buuin ang salita sa
pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga
nawawalang letra.
1. May dalang malakas na hangin at ulan
__ A__ __O
2. Pagkatupok ng mga ari-arian
S__ N__G
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan
B__ __ A
4. Pagyanig ng lupa
__I__D__ __
5. Pagsabog o pagbuga ng usok
__ A__PU__ __K N __ B__ __K__ N

9
Gawain 3: Aking Natutuhan! (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan.
Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Anong panahon ang nararanasan sa buwan ng


Nobyembre hanggang Abril?
A. Taglamig C. Tag-init
B. Tagtuyo D. Tag-ulan
____2. Alin sa mga sumusunod ang kalamidad na dulot
ng malakas na pag-ulan?
A. lindol C. sunog
B. bagyo D. pagputok ng bulkan
____3. Anong panahon ang nararanasan sa buwan ng
Mayo hanggang Oktubre?
A. Taglamig C. Tag-init
B. Tagtuyo D. Tag-ulan
____4. Alin sa mga sumusunod ang sakit na dulot ng
matinding init?
A. ubo at sipon
B. sore eyes
C. cancer
D. dengue
____5. Anong kalamidad ang nararanasan sa panahon
ng tag-init ?
A. sunog
B. baha
C. bagyo
D. Lahat ng nabanggit.

10
Isaisip

 Mayroong dalawang uri ng panahon sa mga


komunidad ng ating bansa. Ito ay ang tag-ulan at
tag-init.
 May mga natural na kalamidad o sakunang
nagaganap tulad ng lindol, baha, sunog, bagyo,
pagsabog ng bulkan at aksidente. Ito ay nagdudulot
ng iba-ibang epekto sa anyong lupa, tubig at sa tao.

Isagawa(Pagkamalikhain)

Gawain 4: Tukuyin Mo, Kalamidad sa Komunidad Mo!


Panuto: Isulat sa flower organizer ang mga kalamidad na
maaaring mangyari sa komunidad sa panahon
ng tag-init at tag-ulan.

Mga
Kalamidad

11
Tayahin(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon.


Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

1. Hindi makapasok sa paaralan ang batang si Kayla.


Baha sa kanilang lugar. Maraming gumuhong lupa sa
kanilang daraanan. Anong uri ng panahon ang
kanilang nararanasan?
A. tag-init C. tag-ulan
B. tag-araw D. tagtuyo
2. Ito ay bunga ng pagpuputol ng mga puno at
pagmimina sa kagubatan.
A. ulan B. baha C. lindol D. bagyo
3. Ito ay dulot ng hindi maayos na pagkakabit ng linya
ng kuryente sa bahay at iba pang gusali.
A. ulan B. lindol C. sunog D. bagyo
4. Maaliwalas ang paligid sa komunidad nina Ramon.
Maraming bata ang naglalaro. Ang mga magsasaka
ay nagbibilad ng palay. Anong uri ng panahon ang
nararanasan nila?
A. taglamig C. tag-ulan
B. Tag-init D. tagtuyo
5. Ang sumusunod ay natural na kalamidad na
nagaganap sa komunidad, maliban sa dalawa.
A. bagyo, baha C. kulog, kidlat
B. lindol, el nino D. brown out, sunog

12
Karagdagang Gawain
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Tukuyin ang uri ng panahong inilalarawan sa mga


sumusunod na kalamidad. Isulat ang tag-init o
tag-ulan sa patlang.

_______1. Lumubog sa baha ang Lungsod ng Maynila


dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.
_______2. Pagkakaroon ng malakas na lindol sa ilang
lugar sa Kalakhang Maynila.
_______3. Maraming tao ang nagkaroon ng sore eyes
dahil sa matinding init.
_______4. Nagkaroon ng malaking sunog sa Tondo dahil
sa pumutok na linya ng kuryente.
_______5. Maraming pamilya ang lumikas bunsod ng
malakas na pagputok ng bulkang Taal sa
Batangas.

Repleksyon(Pagbuo ng Pagkatao)
Panuto: Ano-anong hakbang ang maaari mong gawin
bilang paghahanda sa paparating na
kalamidad? Isulat ang sagot sa patlang.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
Sanggunian
Mga Modyul
Araling Panlipunan 2 LM p. 88 – 93
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4,
p.379-384

Lektura
https://www.slideshare.net/YeshaCruz/mga-
panahon-at-kalamidad-sa-aking-komunidad

Mga larawan
https://dzrhnews.com.ph/pagasa-rainy-season-
officially-begins/
https://news.abs-cbn.com/news/05/30/17/pagasa-
announces-onset-of-rainy-season
https://nolisoli.ph/27476/this-students-eight-hour-
walk-home-reveals-our-road-problems/
https://publicdomainvectors.org/en/free-
clipart/Students-with-backpacks-image/80797.html
https://www.dreamstime.com/police-station-badge-
thin-line-icon-police-department-illustration-isolated-
white-police-office-outline-style-police-station-
image126776927
https://www.dreamstime.com/stock-illustration-
hospital-icon-isolated-white-background-modern-flat-
pictogram-business-marketing-internet-concept-eps-
image90959158
http://www.iconarchive.com/show/ios7-icons-by-
icons8/Weather-Sun-icon.html
https://www.iconfinder.com/icons/782919/cloud_rain
weather_icon

14
https://www.netclipart.com/isee/JiRbm_clip-art-
teacher-teacher-clipart-png/
https://www.publicdomainpictures.net/en/view-
image.php?image=308981&picture=2020-calendar

Mga Video
https://www.youtube.com/watch?v=DqRXSJXGo-w
https://www.youtube.com/watch?v=w0YaYVO0bL4

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like