Professional Documents
Culture Documents
Bangkang Papel Ni Genoveva Edroza Matute Banghay
Bangkang Papel Ni Genoveva Edroza Matute Banghay
Bangkang Papel Ni Genoveva Edroza Matute Banghay
mga Hapones sa Pilipinas noong 1946. Gumamit ng “gunita” o flashback ang may- akda bilang pag-alala
sa naging karanasan ng nagsasalaysay noong bata pa siya, karanasan na nagpapakita ang masamang
epekto ng digmaan.
Banghay ng Akda
(Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula
nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang
lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng tubig,
naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak).
(Patuloy na hinihintay at hinahanap ng batang lalaki sa kanyang ina kung kailan babalik ang
kanyang ama. Walang kaalam-alam ang bata sa kung saan namamalagi ang kanyang ama sa tuwing wala
ito sa kanilang tahanan. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan kung bakit hindi pa
umuuwi ang kanyang ama at hindi ipinapaliwanag ng kanyang ina ang mga pangyayaring nagaganap sa
kanyang paligid.)
3. Kasukdulan – pagkakaroon ng ideya ng batang lalaki sa kung ano ang tunay na nangyari sa
kanyang ama. (ito ang kasukdulan sapagkat ito ang nagpakita ng mataas na emosyon lalo na sa
bahagi ng ina ng batang lalaki).
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si
Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-
biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Aling Ading, si Feli, at si
Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
4. Kakalasan – nabatid kung ano ang tunay na dahilan kung bakit hindi umuuwi ang kanilang ama
ngunit hindi pa rin ito maunawaan ng batang lalaki dahil sa murang edad.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y
biglang natigil nang siya’y makita.
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos
ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
“Bakit po? Ano po iyon?”
5. Wakas – nagtagpos ang akda sa pagpapakita ng kinahinatnan ng bata matapos malaman na wala
na ang kanyang ama. Ipinakita buhat sa mga salitang ginamit na maagang tumanggap ng
responsibilidad ang batang lalaki.