Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO 9

Ikatlong Markahan – Panitikang


Asyano
Modyul 5 at 6: Alamat ni Prinsesa
Manorah- Alamat ng Thailand
(Pang-abay na Pamanahon
Panlunan at Pamaraan)

Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan:


1. natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F9PT-IIId-e52);
2. naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari at mga
katangian ng sinoman sa mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang alamat na binasa (F9PU-
IIId-e-54);
3. nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang
napakinggan (F9PN-IIIf-53); at
4. napatutunayan ang pagiging makatotohanan/’di makatotohanan ng akda (F9PB-IIIf-53).
5. nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
lilikhaing kuwento (F9WG-IIId-e-54); at
6. nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat
(F9WG-IIIf-55).

Ang mga akda gaya ng alamat, pabula, parabula, maikling kuwento, nobela at iba pa ay
karaniwang kapupulutan ng mga aral na maaari nating maging gabay sa pamumuhay. Ang
pagbabasa ng mga ganitong uri ng panitikan ay makatutulong sa atin upang lalo pa nating
makilala ang ating pamayanan at kulturang pinagmulan.
Ang bawat lugar, bagay o mga pangyayari ay may kani-kaniyang katawagan o pangalan,
ngunit alam mo ba kung ano ang pinagmulan ng mga katawagan o pangalang ito? Ito ay tinatawag
nating alamat. Halina’t basahin natin ito.

Alamat ni Prinsesa Manorah


Salin ni Dr. Romulo N. Peralta

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salin
sa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring
Rama V ng Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng
Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat.
Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-
kanilang pakpak kung kanilang nanaisin.
Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay
ang mga nakatatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang
maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng
Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng
kaniyang meditasyon.
Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si
Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa
nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa,
dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah.
Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung
paano niya ito mahuhuli.
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit na kagubatan. Pinuntahan niya ito upang
magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree
dahil agad- agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon na
nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata
sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon.
Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si
Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang ipanghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang
binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung
saan naglalaro ang mga kinnaree.
Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si
Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang
nagawa kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang
madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo
papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit
sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang
dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran
siya nito ng napakalaking halaga.
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang
tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong
pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton
at Prisesa Manorah.
Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t
matiwasay habambuhay.
Ang kuwento ni Prinsesa Manorah ay isang alamat mula sa pinanggalingang bansa nito. Ang
alamat o legend sa wikang Ingles ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o
pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at
ng mga pangyayaring mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at
“legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.”
Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang sistema ng panulat, ito
ay nagpasalin-salin na lamang.

Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter?


Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na kasanayan, o pagsasabuhay.
Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo, iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong
ikinikilos at ginagawa. Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal.
Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng isang tao o grupo ng
mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa ng isang gawi ay maaaring maisama na ito sa
kultura at tradisyon ng mga tao sa isang lugar.
Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung paano siya nag-iisip,
kumikilos at nagpapasya batay sa papel na ginagampanan o binibigyang-buhay.
Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang kilos, gawi at karakter ng
isang tauhang gumaganap upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan
at ‘di makatotohanan ng mga pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito kung paano tatanggapin
ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at mensaheng hatid nito.

Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag


1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari na may dahilan o basehan.
Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang
nagpapahayag ng batayan o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan,
ayon sa, at iba pa.
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na inaangkat ng bansa ay
makatutulong sa kasalukuyang krisis-pangkalusugan.

2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit nangyari. Ito ay
hindi suportado ng mga ebidensiya o katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang
nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay, palagay ko, sa
tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.

Sa pag-aaral ng mga salita, mahalagang nalalaman natin ang pinagmulan o etimolohiya


upang magamit ito nang wasto at naaayon sa sitwasyon.

Ano ang etimolohiya?


Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung
paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.
Paraan ng Pinagmulan ng Salita
 Pagsasama ng mga salita - Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit
pang mga salita.
Halimbawa: Pamangkin – Para namang akin
Pangungusap: Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag.

 Hiram na salita - Banyaga ang mga salitang ito ngunit, inaangkop ang salita para sa lokal at
pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.
Halimbawa: Apir – Up here
Pangungusap: “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga kapatid.

 Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Posible na


malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na ipinahihiwatig. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa
pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita. Nag-ugat ang salita mula sa iba pang salita
na nagbago ang kahulugan.
Halimbawa: obrero o manggagawa – obra
Pangungusap: Nag-aklas ang mga obrero dahil hindi ipinagkaloob ng pamahalaan ang
dagdag sahod nilang hinihingi.

 Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog.


Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak
Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon ng
tubig.
__________________________________________________________________________________________________
Ano ang Pang-abay?
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-
abay.
Mga uri ng pang-abay:
1. Pang-abay na pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang
kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda,
walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

May Pananda
Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
a. Paalis na kami nang siya ay dumating.
b. Nagpipintura kami sa tanghali.
c. Aawit ako, kung aawit ka rin.
d. Maglalaba tayo kapag sumikat ang araw.
e. Laging nakatakip ang kanilang mga mukha upang hindi sila makilala ng kanilang
magulang sa tuwing hahanapin sila para tapusin ang pagsasagot sa kanilang mga modyul.

Walang Pananda
Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali
a. Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
b. Kanina pa sila umalis.
c. Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie.
d. Bukas mo na dalhin ang modyul.
e. Sandali na lamang at aalis na tayo.

Nagsasaad ng Dalas
Halimbawa: araw-araw, tuwing, taon-taon
a. Kailangan mong maligo araw-araw.
b. Tuwing umaga ay naglalaro sila Face at Mask.
c. Nagbabakasyon kami sa Hongkong taon-taon.
d. Linggo-linggo kung mamili ng paninda si Aling Fe.
e. Oras-oras kung magdasal ang mga madre.

2. Pang-abay na panlunan – nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay
nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy rin ito
sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos.

Ilan sa mga halimbawa ng pananda sa pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay.

Samantala, ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang
panghalip. Ang kay at kina naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi ng
isang tao.
Halimbawa:
a. Buksan mo ang pinto sa kusina.
b. Ibinigay ni Mariel sa kapatid ang hawak niya.
c. Pag-aaralin kita kung sa Maynila ka magtitira.
d. Pumunta sa bayan ang mag-asawa.
e. Pakikuha kina Berto ang bayad sa bangus.
f. Kina Amiel at Ariel ang mga prutas na ito.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang


kilos na ipinahahayag.

Ilan sa mga panandang ginagamit upang matukoy ang mga pang-abay na pamaraan ay ang: nang,
na, at -ng.
Halimbawa:
a. Lumakad ako nang matulin upang abutan ka.
b. Nagsagot ako nang buong husay sa pagsusulit.
c. Kumain ako nang mabilis para makausap ka.
d. Matamis na ngumiti ang dalaga sa akin.
e. Tanghali nang nagising sina Face at Mask.

Narito naman ang mga salitang pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari.
Sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una
Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka
Sa wakas: sa dakong huli, wakas
_________________________________________________________________________________________________

OUTPUT #3
Panuto: Gamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan, lumikha ng isang
alamat tungkol sa inyong lugar. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari gamit ang angkop na
pang-ugnay. Gawin ito sa long size bondpaper.

Goal (Layunin)
Nakasusulat ng isang alamat na nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,
panlunan at pamaraan na may hudyat ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Role (Gampanin)
Ikaw ang napili bilang kinatawan ng inyong lugar sa gaganaping patimpalak sa pagsulat
ng alamat na may temang, “Rehiyon Pito, Ipagmalaki Mo!”
Audience (Manonood)
Mga kapwa Pilipino.
Situation (Sitwasyon)
Bilang kinatawan ng inyong lugar, ikaw ay naatasang magbahagi ng kakaibang bagay na
tampok sa inyong lugar.
Product (Produkto)
Isang alamat tungkol sa kakaibang bagay na makikita sa inyong lugar na siyang kikintal
sa mga mambabasa.
Standard (Pamantayan)
LEARNING ACTIVITY SHEET FILIPINO 9
Pangalan: _________________________________ Taon at Seksyon: ___________________
Asignatura: Filipino 9 Bilang ng Modyul: 5 at 6 (IKATLONG MARKAHAN)
Pamagat: Panitikang Asyano – Alamat ng Thailand/ Pang-abay

Kasanayang Pampagkatuto:
1. natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F9PT-IIId-e52);
2. naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari at mga katangian ng
sinoman sa mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang alamat na binasa (F9PU-IIId-e-54);
3. nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan (F9PN-
IIIf-53)
4. napatutunayan ang pagiging makatotohanan/’di makatotohanan ng akda (F9PB-IIIf-53).
5. nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa lilikhaing
kuwento (F9WG-IIId-e-54); a
6. nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-
55).
Gawain 1 11-15 Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na na pangungusap.
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 11. Magbabasa tayo ng aklat araw-araw upang
1. Mahilig kumamot sa ulo si Jie-an kapag hindi niya alam madagdagan ang ating kaalaman. Ano ang pang-abay na
ang isasagot o sasabihin. Ang pariralang may salungguhit ginamit sa pangungusap?
ay halimbawa ng _______________. A. ating C. tayo
A. gawi B. karakter C. kilos D. pananaw B. upang D. araw-araw
12. Bukas mo na ibalik ang aking payong. Ano ang pang-
2. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. abay na ginamit sa pangungusap?
Ang pariralang may salungguhit ay halimbawa ng ________. A. aking C. ibalik
A. gawi B. karakter C. kilos D. pananaw B. bukas D. mo
3. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebay dahil siya ay 13. Linggo-linggo kung mamili ng paninda si Aling Fe. Ano
nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ang salitang ang pang-abay na ginamit sa pangungusap
may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. kung C. si
B. ng D. lingo-linggo
A. gawi B. karakter C. kilos D. pananaw 14. Sasama ako sa pagsundo kung sasama ka. Ano ang
4. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
pamilya nina Mang Nelson at Aling Nelia. Ang salitang A. ako C. kung sasama
barangay ay nagmula sa lumang bangkang Malay na B. sa D. sasama
tinatawag na _______________. 15. Buhat nang dumating ang kaniyang kasintahan ay nag-
A. balangay B. balanghay C. batangay D. batanghay iba na ang kaniyang pag-uugali. Ano ang pang-abay na
ginamit sa pangungusap?
5. Kahit saang lugar magpunta si Isha, lagi siyang nagse- A. kaniyang pag-uugali C. nag-iba na
selfie. Ang salitang selfie ay nagmula sa pagkuha ng litrato B. kaniyang kasintahan D. buhat nang dumating
ng _______________.
A. kaibigan B. kalaro C. kapatid D. sarili 16-20 Panuto: Punan ng wastong pang-ugnay ang bawat
6. Maraming naiinis kay Juanito dahil mahilig siyang mag- pangungusap upang mabuo ang diwa ng talata.
fotobam. Ang fotobam ay mula sa salitang _______________. 16. _____________, masaya at malaya pa ang mga tao, lahat
A. fhotobambi C. photobomber ng naising gawin ay kanilang nagagawa dahil wala pang
pandemya. Ngunit habang tumatagal ay nag-iba na ang
B. fotobhomb D. photobombom
ikot ng mundo. Unti-unti nang naiba ang mga nakagawian
7. Si Sultan Barabas ay namatay at inilibing sa hardin ng
ng mga tao.
kaniyang kaharian. Sa paglipas ng taon, may tumubong
A. noong una C. una
puno sa kaniyang libingan. Ang bunga nito ay mapait
B. simula una D. unang-una
ngunit nang mahinog ay matamis. Ito ay hango mula sa
17. _____________, ipinagbawal ang paglabas ng bahay sa
akdang _______________.
mga kabataang nasa edad 15 pababa at ang matatandang
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga nasa edad 60 pataas dahil sila ang mas madaling dapuan
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas ng sakit.
8. Pagkaraan ng ilang araw, magaling na si Aling Rosa at A. una C. ikatlo
hinanap niya ang kaniyang anak. Sa kaniyang paghahanap B. ikalawa D. ikaapat
ay napansin niya ang isang halamang may bungang 18. _____________, sa paglabas ng bahay ay nararapat na
maraming tila mata. Inalagaan niya itong mabuti. Ito ay magsuot ng face shield at face mask upang maprotektahan
hango mula sa akdang _______________. ang sarili sa banta ng COVID-19.
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga A. una C. ikatlo
B. ikalawa D. ikaapat
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas 19. _____________, palaging maghugas ng kamay at mag-
9. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa alcohol bago at pagkatapos humawak ng anomang bagay.
China. Ang sintomas nito ay pananakit ng lalamunan A. una C. ikatlo
patungo sa puso at sa katawan. Karaniwang mga hayop B. ikalawa D. ikaapat
ang tinatamaan ng virus na ito. Ang pangungusap ay 20. ______________, panatilihin ang distansya sa ibang tao
nagsasaad ng _______________ na pangyayari. tuwing lalabas ng bahay at palaging baunin ang disiplina
A. makatotohanan C. walang katotohanan sa sarili upang maiwasan ang paglaganap ng virus
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan A. pagkatapos C. sa wakas
10. Ayon sa DOH, may panibagong variant ang COVID-19 B. sumunod D. sa dakong huli
na kumakalat sa ating mundo. Ang pangungusap ay
nagsasaad ng _______________ na pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan

Gawain 2
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng mga aral o kaalamang nakapukaw sa iyong isipan.
Gawain 3: #LikhangUsap!
Panuto: Gamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan bumuo ka ng sarili
mong pangungusap.
Gamitin ang mga gabay sa pagsasagot ng pagsasanay sa ibaba.
A. Pumili sa kahon ng limang (5) salita at tukuyin kung anong uri ito ng pang-abay.
B. Gamitin ang iyong napiling mga salita sa sariling pangungusap.

I certify that I have truthfully answered all the activities/exercises in this activity sheet. This output
is entirely my own work. ( Or can be translated in Filipino/MTB as needed)

___________________________
Name and Signature of Learner

Date Submitted: _______________________

You might also like