Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

KABANATA 7

GITNANG LUZON
• Malaking kapatagan
• Binubuo ng lalawigang Aurora, Bataan,
Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales at
halos kalahati ng Pampanga.
• Binubuo ng labindalawang lungsod: Balanga,
Cabanatuan , Gapan, Munoz, Palayan, San
Jose, Olongapo, Angeles, San Fernando, San
Jose del Monte, Malolos, at Tarlac.
GITNANG LUZON
• Pagsasaka ang pangunahing pamumuhay at
pinagkakakitaan.
• May tinatatag na katayuan sa buhay ng
magsasaka
• Amo- Mga may ari ng lupa
• Alipin- Nagtatanim at nagbubungkal sa
sakahan.
KATIMUGANG TAGALOG
• Binubuo ng Batangas, Cavite, Laguna,
Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental
Mindoro, Quezon, Rizal at Romblon.
• Ang Tagalog ay galing sa salitang “taga-ilog”
• Kilalang mga mangangalakal
• Pangingisda ay isa sa kanilang pangunahing
hanapbuhay.
KATIMUGANG TAGALOG
• Ugat ng maraming tradisyon at kulturang
Pilipino
• Lugar ng kapanganakan ng mga kilalang tao
sa kasaysayan ng politika, kultura at panitikan
ALIN ANG LALONG
NAGPAPATINO SA
ANAK, PAMALO O
PANGARAL?
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Sa Panig ng Pangaral: Emilo Mar. Antonio Makata
ng Bulakan
Sa Panig ng Pamalo: Teo S. Baylen, Makata ng
Kabite
Lakandiwa: Fernando Monleon, Makata ng Laguna
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Uri ng Panitikan:
Balagtasan. Isang tulang patnigan na kung
saan magdedebate ang dalawa o higit
pang makata sa patulang pamamaraan na
may ugnayan sa pinagtalunang paksa.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Lakandiwa (Pagbubukas)
Itatanghal namin ang isang tanging balatasan na ang
paksa ay tungkol sa usaping pantahanan. Ito ay laging
suliranin ng mga magulang kung paano patinuin at
paghubog ng mga ugali sa kanilang mga anak. Ano kaya
ang dapat gawin: PAMALO BA o PANGARAL?
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo (Panawagan)
Marangal na Lakandiwa, mga mahal kong kalahi. Ako ay
anak ng Kabite na nagbibigay pasintabi sapagkat binuksan
ang isang paksa na katangi-tangi at panig ko ang pamalo
na aking pinili. Mahal ko man ang anak ko (ito’y walang
pagsubali) ay hindi ko papayagang maging liko ang ugali.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Lakandiwa
Ang Makata ng Kabite ngayon ay nanawagan bilang unang
paggunita, ito aking papayuhan. Kung ang baon mong
tulain at hinaho ay konti lamang, umorong na pagka’t ito
ay labanang-kahiyaan. Kung handa kang makihamok nang
lutlutan, pumanhik ka’t ipagtatangol ang panig mong
pinanigan.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo (Sa Tribuna; may hawak na pamalo)
Ako ay humihingi ng paumanhin nang dahilan sa hawak
kong pamalo sa aking supling. Sa nagawang kasalanan,
kailanga’y hagupitin. Si Kristo minsan ay namalo sa
Herusalem, sa maraming templo ay nagtitinda at
naniningil. Kaya’y ang pagpalo ng magulang sa mga anak
ay tungkuling dapat tupdin.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral (Panawagan)
Ako sana’y papanhiki’t ang dala ko’y aklat
lamang upang iayos ang anak at matapat
na pangaral, higit itong makatao.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral (Panawagan)
Ako sana’y papanhiki’t ang dala ko’y aklat
lamang upang iayos ang anak at matapat
na pangaral, higit itong makatao.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Lakandiwa
Sa sumambot kapagkuwan na Makatang Bulakenyo,
sasabihin ay gayari’t ma’y pagpapayo. Sino ka mang
nanawagan, buhat ka man sa palasyo, ang tuntuning
isadiwa’y malinisang pagtatalo. Magpatuloy ka at ilahad
ang kahigtan ng pangaral na tinuruang makatao.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral (Sa tribuna; may dalang 2 aklat)
Ito ang dalawang mahalagang gintong aklat na patibay.
Ang Florante at Laura ni Balagtas ng Panginay at Banal na
Kasulatan. Sa bunsong nagkamali’y mahalaga ang
pangaral, iyang batang nagkasala kapag hindi papayuhan,
paluin ay lalaking lapastangan!
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Lakandiwa
Pinapalad tayo ngayon pagka’t dapat na mapansing
ang dalawang magtatalo ay kapuwa pangunahin.
Ang dalawang magtatagis na tulain ang patalim; ang
uuna sap ag-ulos ay Makatang Teo. Baylen, ang
Makata ng Kabiteng may pamalong taglay mandin.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo (Unang Tindig)
Sa turo ng karanasan, natalos ko at nalirip na ang bata’y hindi dapat na
himasin sa tangkilik; habang sila’y sinusuyo sa pangaral at pag-ibig, ang
loob ay lumalaki’t ang sama ay lumalabis. Ngunit kapag ang pamalo ang
taimtim na gamit ay tapat na mangangakong siya’y hindi na uulit. Iligpit mo
ang pamalo’t bata’y walang masasapit. Sa harap ng nagpapayo, ang bait ay
pakunwari; ngunit kapag nakatalikod ay lihim na nangiti. Datapuwa’t sa
pamalo’y sumisigid iyang hapdi at sa isip nitong bata katinua’y
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
lumalagpi. Pagdinaan mo sa payo ang batugang iyong anak, pag lumaki’y
asahan mo’t may sungay na manunuwag. Bawat palo, wariin mo at sa
lubhang naagnas ang taos na pagsisisi ay kasamang nalalaglag!
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral (Unang Tindig)
Sa aral na namamali’y di yantok ang kailangan, ni di patpat na pamalo
kundi tapat na pangaral. Ang ugali nitong bata’y parang mura pang
halaman, nalalanta pag hindi mo dinilig nang araw-araw. Datapuwa’t ang
anak ko pag mura pa itong isip, ang matigas na pamalo ay hindi ko
magagamit; kung sala man ang halama’y palakihin ko sa tubig, murang
ugat naman nito’y di sa bato kakapit. Sa bata ang kailanga’y mga hamog ng
pag-ibig na mararapat ang kailanga’y mga hamog nap ag-ibig na marapat
na tipirin kahit
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
ikaw’y nagagalit. Batang igising sa lupit ay magiging tampalasan;
sa bata ay ituro mo ang landas na lalakaran at pagtanda, itinuro’y
mahirap nang malimutan. Ang paggamit ng pamalo at ugaling
sinauna, sa panahong itong maunlad na ang kultura, ang sa
batang katinuay di sa palo nakukuha, sa pangaral na mabuti’y
marunong ding kumilala.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo (Ikalawang Tindig)
Iyang batang kung utusa’y dumadabog, humihindi, lantakan mo ng pamalo, makikita
mo’t madadali. Bawa’t latay ay pangaral ng magandang layo’t mithi. Bata’y tuso, kaya
mag-ingat ka, iyang bata kapag ikaw ay mahalatang kaya niya, dadaanin ka sa maktol,
dabog, pagmamanya; kaya pag di mo ginamit yantok-Mindorong-taktika, masasayang
lamang lahat ang aral mo’t pilosopiya. Unahin ang pamalo’t ang pangaral ay saka na.
Bawat palo ay pangaral. Bawat sablay ay panakot, bawat hagkis ay katumbas ng
malumanay na hinuhod . Pangaral mong sinabi’y parang pilay na hinilot, ngingisihan
lamang ikaw ng anak
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
mo, pagkatapos. Hindi mo pa ba pinapalo ang anak mong
makahayop? Ang pamalo’y nagtuturo, ang pamalo’y
napapala-pampatino, pampatuwid, pampabait,
pampadiwa. Habang apoy ng asero’y malambot pa at
sariwa, pandayin mo at hutukin sa anyo mong ninanasa.
Huntukin mo sa pamalo, habang musmos, habang batang
pa.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral (Ikalawang Tindig)
Umaamin ako ngayong namamalo rin kung minsan ang dahilan sa pagkabiglang malimit
kung pinagsisisihan. Makatao ang pangaral, pagsisisi ang kabuntot ang pamalong
tampalasan. Dapawa’t ang pangaral, mabisa pa sa pamalo tumatalab na sa diwa’y
tumatagos pa sa puso. Sa hiya at makukusa’t nadadali pa ngang lalo. Anupa’t pangangaral –
pantuwid ang diwa’t kuro, ang pamalo – pananakit ang madalas na ituro. Sa asero
nagbabaga, ang pandayan ay tauhan, datapwa’t ang martilyo’y di pamalo, kaibigan. Ang
pampukpok nating ama’y mahinahong mga aral na sa diwa ibabao’t di sa laman ilalatay.
Kung paano minamaso habang apoy iyang bakal, habang bata ay gayon din ang paghubog
sa isipan. Pag ang bata ay lumaking suwali at di-matino, ang panghampas na panakot ang
sa kanya ay bumigo. Hindi kaba nangangaral kung pinapalo ang bunso?
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo (Ikatlong Tindig)
Una muna ang pamalo’t sa huli na ang pangaral. Pa gang bata’y hinagod
mo sa palayaw, pag lmaki ay dalinsil at bulastog sa magulang at sapagka’t
walang takot, malakihi’t lapastangan. Ang tindig ko’y pagpalong wasto’t
angkop, na mabisa kaysa aral na malumanay at malambot. Noong ikaw ay
bata, di pinalo ng ama mo? Pagka’t ikaw ay pinalo, ngayon naman ang
tanong ko, nakakasama ba iyon o nakabuti nang husto? Sa aminin mo at
hindi, sa pamalo, ang totoo, namulatan ang matuwid, naging tanyag kang
ginoo.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral (Ikatlong Tindig)
Sila naman noong bata, sa aral ay di natuto. Pag matimtim ang pangaral,
yaong bunso ay sumusuko; di lalo ang iyang amang uliranin bawat turo. Pa
gang bata ay lumaking dansil at lapastangan, karaniwang sinasabing “walang
turo ang magulang”. Siya’y natatakot pag may labuno kang tangan, ngunit
iyan kung tawagin ay panakot-upo lamang. Datapwat ako, pagkat bata, anong
palo man ang gawin haplitin man ang pigi ko’y walang aral na magsupling.
Pangaral ng magulang ko sa diwa ko ang natanim; nakilala ng ama kong hindi
palo ang magaling, kundi aral pa gang bata ay nais patinuin.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo
Ngunit ang isip ng bata ay parang itatayong
bahay na ang tabling ihihiyas ay marapat na
pakuan; paano maikakabit ang maganda kong
pangaral kung hindi mo ihahagkis ang
pamalong iyong tangan?
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pangaral
Sa panahong ito ngayong malawak ang
karunungan, kapag bahay na konkreto’y walang
pakong kailangan; iyang bato at buhangin ng
magandang mga aral ay yayari ng gusali ng
matino mang isipan.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo
Ang mahubog sa pamalo’y gumigiting na lalaki at sa baya’y
magagamit na panulok na haligi.

Pangaral
Di lalo na iyang bunsong sa pangaral kinandili, natatampok na
talino’t lumilitaw na bayani.
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Pamalo
Datapuwa’t alam mo ba, katoto ko’t kabalagtas, ang lumaki sa
pangaral, karaniwa’y mga tamad…!

Pangaral
Di lalo na iyang bata pinalaki mo sa hampas, karaniwan ay
tulala, torpe, hanggal, ubig, tunggak…
ALIN ANG LALONG NAGPAPATINO SA ANAK,
PAMALO O PANGARAL?
Lakandiwa (Pagtatapos)
Hayo’t ngayon ay magtigil na ang dalawang nagtatagis. Sa wari
ko, kayo ay kapwa’y tumpak naman. Ang pamalo at pangaral
ayon sa inyo ring banggit, kung tayahi’y magkatimbang sa
dinagling mga matwid. Merong batang sa pangaral ay agad nang
nakikinih, may dalinsil naman bunsong kailangan ay hagupit,
kaya’t kayo ngayo’y patas; walang nanalo at walang gahis. Ang
tunay na nanalo ay ang sintang Bayang nakikinig!
Prinsesa ng
Kumintang
NI: ROMEO P. VITUSIO
PRINSESA NG KUMINTANG
• Akda ni Romeo P. Vitusio
• Tungkol sa unibersidad intelektwal, publikong relasyon
ng mga ehekutibo, pagsasalong principalia ng dating
Komonwelt, mang – aawit sa nightclub, mga buhay ng
bourgeoisie at marami pang iba.
• Naglalarawan sa maganda at misteryosong prinsesa na
nagustuhan ng magsasakang abogado sa kanyang titulo
at may mga mayayamang manliligaw.
ITO ANG
NAYON KO
AKDA NI
Teo S. B aylen
ITO ANG NAYON KO
• Akda ni Teo S. Baylen
• Isang uri ng panitikang patula
ITO ANG NAYON KO
Pinagpalang pook na liblib at lihim;
Na kulay – pangarap ang mga tanawin;
Ang mga halaman kung iyong malasin
Sa katahimikan ay nanalangin

Marikit na pook na nalalatagan


Ng namumulaklak na damong luntian;
Dito, ang masiwal na langay-langayan,
Maghapong kalaro ng hanging amihan
ITO ANG NAYON KO
Kaluwalhatiang saanma’y nagsabog
Ang bungang natamis ng tuwa’t pag-irog;
Dito, ang ligaya’y laging umaagos
At malulunuyan ng pusong may lunos

Dito. Ang tiisi’t mga kalungkutan


Ay pinatatamis ng katahimikan;
Dito, ang maligaw na makasalanan
Ay pinagsisi ng kapayapaan!
ITO ANG NAYON KO
Sa paa ng talon ang matuling batis,
Sa dinaraanang bato’y nangingibig;
Ito’y niyayakap at isinasambit
Ang k’wintas ng bulang bulaklak ng tubig!

Sa dulo ng landas na kung saan buhat,


May kubong mababang bubunga’y may butas
Dito ay may diwang laging nangangarap
At sa kalikasa’y nakikipag-usap.
ITO ANG NAYON KO
Sa mukha ng isang matining na lawa
Ay nanalamin pati ang Bathala;
Dito, ang buhay ko’y ligpit at payapa,
Ito ang nayon ko… Nayon ng Makata!
Los Banos
KABANATA XI NG EL FILIBUSTERISMO
LOS BANOS
Mga Tauhan:
•Kapitan Heneral
•Padre Sibyla
•Padre Irene
•Padre Camorra
•Don Custodio
•Padre Fernandez
•Simoun
LOS BANOS
Buod:
Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama
siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono
real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang
nabaril na ibon o usa ang Kapitan Heneral. Ibig na sanang
pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t
maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita
na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa
Los Banos.
LOS BANOS
Buod:
Noo’y ika-31 ng Disyembre, naglalaro ng tresilyo sa bahay-
aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre
Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli
na kaya nagpapatalo ang dalawang Kura ay sapagka’t nais nilang
makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan
ng Kastilang balak ng kabataan.
LOS BANOS
Buod:
Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang
mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng
tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol
sa paaralan ng Kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng
Dominiko- si Padre Fernandez.
Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni
Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang
makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.
LOS BANOS
Buod:
Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene
na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala
raw namang maitataya ang Kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng
pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na
kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang
asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya
magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng
kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin
ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na
hinihingi
LOS BANOS
Buod:
ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang
Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw
sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao
nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang
utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan;
karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa isang
taong pipiliin ko at iba pa.
LOS BANOS
Buod:
ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang
Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw
sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao
nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang
utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan;
karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa isang
taong pipiliin ko at iba pa.
LOS BANOS
Buod:
Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina
Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang
huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang
mga hiling.
Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang
masasamang damo, tugon ni Simoun.
LOS BANOS
Buod:
Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni
Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi
naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang
kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at mga bala.
Kinumusta pa raw ang Heneral. Marami raw baril ang tulisan.
Anang Heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani
Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging
LOS BANOS
Buod:
marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa,
pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking
mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok
nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. Gaya ninyo, ani Padre
Sibylang nakatawa.

You might also like