Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Montevista Branch
Purok 4, San Jose, Montevista, Davao de Oro
School Year 2019-2020
MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV
Fourth Quarter
March 9, 2021

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga dapat na karapatan ng mamamayang Pilipino
2. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagbibigay ng karapatan sa kabila ng
pagkakaiba ng katayuan; at
3. Naipapakita ang karapatan ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
pagsasadula ng Pantomime.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa : Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
B. Sanggunian : Learners Material, pp. 328-336
Antonio, Eleanor D., Banlaygas & Emilia L.
Kayamanan 4.
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan (p.
179-182). Rex Book Store
C. Kagamitan : powerpoint presentation
D. Kowd : AP4KPB-IVa-b-1
E. Pamantayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang batayan ng pagka
mamamayang Pilipino.
F. Pagpapahalaga : Respeto sa kapwa

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Mga bata, tayoy magsitayo para Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng
sa pagdarasal. espiritu santo…. Amen

____, pumunta ka sa harapan at


pangunahan mo ang pagdarasal.

2. Pagbati
2.1) Magandang Umaga mga 2.1) Magandang Umaga, ma’am!
Bata! Magandang Umaga, Classmates!
2.2) Pwede na kayong lahat Mabuhay!
umupo. 2.2) Salamat po ma’am!

3. Pagtala ng Liban
3.1) _____, May lumiban ba sa
ating klase ngayong araw? 3.1) Wala po!

4. Pagsasanay
4.1) Magkanta tayo ng

5. Balik-aral
4.1) Ano ang sangguniang
panlalawigan?
4.2) Sinu-sino ang bumubuo rito? 4.1) Sila ang namamahala sa isang
lalawigan.
4.3) Ano ang Sangguniang 4.2) Gobernador, Bise-Gobernador at
Pambayan? mga Sangguniang Pambayan
4.3) Sila ang namamahala sa
4.4) Sang-ayon ba kayo sa lungsod. Alkalde, Bise-Alkalde,
pagbuo ng pamahalaang local? Sangguniang Bayan.
Bakit? 4.4) Oo, dahil napapadali ang
pagsasakatuparan ng uri ng
ugnayang pang edukasyon.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
“Alamin Mo”
Tingnan ang mga larawan. Ano ang
ipinakikita ng bawat isa? Ipaliwanag.
1.1) Pamilya
1.2) Pamilyang pumupunta sa 1.1) Pamilya
simbahan 1.2) Pamilyang pumupunta sa
1.3) Mga nagboboto simbahan
1.4) Nag-aaral 1.3) Mga nagboboto
1.5) Nagtatrabaho 1.4) Nag-aaral
1.6) Mga batang nagsasalita/Malayang 1.5) Nagtatrabaho
nagsasalita 1.6) Mga batang
nagsasalita/Malayang
nagsasalita

2. Pag-alis ng mga Sagabal


2.1)Mamamayan - kasapi ng politikal na
pamayanan o komunidad. Bilang
kasapi ng pamayanan,
pinagkakalooban siyá ng Saligang
Batas ng mga natatanging
karapatan at pribilehiyo na hindi
natatamasa ng isang dayuhan.
a. Sino ang mga
mamamayang Pilipino?
b. Sa iyong palagay ano ang
katangian para ikaw ay
maging isang mamamayan
ng Pilipinas?

2.2) Batas – ay mga kumpol ng


alituntunin sa pag-aasal na nag-
uutos o nagbabawal sa isang
natukoy na pakikipag-ugnayan sa
pagitan ng mga tao at kapisanan.
Kasama rito ang mga kaparusahan
sa mga hindi sumusunod sa mga
nakatatag na alituntunin sa pag-
aasal.

2.3)Politikal - proseso o pamamaraan ng


paggawa ng pasiya sa pandaigdigan,
sibiko, o indibidwal na nibel.

Karapatan – ay kalagayan o
sitwasyon ng isang tao na dapat ay
malaya niyang tinatamasa.

Saligang Batas – ay isang kalipunan ng


mga batas na ipinapatupad ng Estado sa
kanyang nasasakupan.

Artikulo III, Seksyon 1-22 ng Saligang


Batas ng 1987 – dito nakasaad ang mga
kalipunan ng mga karapatan ng
mamamayan.

Mga Karapatan ayon sa Konstitusyon:


1. Politikal
2. Sibil
3. Panlipunan at pangkabuhayan
4. Nasasakdal

Mga Karapatang Sibil


1. Karapatang mabuhay
2. Karapatang magsalita at ipahayag
ang sarili
3. Karapatang di mabilanggo dahil sa
pagkakautang
4. Karapatang magkaroon ng tirahan
at ari-arian
5. Karapatan laban sa sapilitang
paglilingkod
6. Karapatan sa pantay na
proteksyon sa batas
7. Karapatan sa di-makatwiran na
pagdakip at paghahalughog
8. Karapatan sa mabilis na paglilitis

Mga Karapatang Politikal


1. Karapatang bomoto
2. Karapatan sa pagkamamamayan
3. Karapatang magpetisyon
4. Kalayaang magsalita, maglimbag
at magtipun-tipon
5. Karapatang bumuo ng samahang
hindi labag sa batas

Mga Karapatang Panlipunan


1. Karapatang pumili ng relihiyon
2. Karapatang maglakbay
3. Karapatan sa lihim na
korespondensya at komunikasyon

Mga Karapatang Pangkabuhayan


1. Karapatang pumili ng hanapbuhay
2. Karapatang maging ligtas sa
maruming kapaligiran at
pagawaan
3. Karapatang makinabang sa mga
likas na yaman.
4. Karapatan na bayaran ng wasto
sa pribadong ari-arian na ginamit
ng pamahalaan
5. Karapatan sa edukasyon
6. Karapatan sa pagmamay-ari

Mga Karapatan kapag Nasasakdal

1. Karapatan marinig sa hukuman


2. Karapatang malaman ang kaso
laban sa kaniya
3. Karapatang maituring na walang
kasalanan o inosente hanggang
hindi napapatunayan ng korte

4. Mga Pamantayan
4.1) Basahin ang mga
patakaran na dapat ninyong
sundin.

5. Gawain
“Tao Po!”

Narito ang larawan ng isang tao. Sa (Kumuha ng papel at iba-iba ang


bahagi ng katawan tulad ng ulo, mata, sagot sa loob ng 5 minuto)
bibig, kamay at paa, lagyan ang halaga
ng karapatan na nararapat para
makapagsilbi sa pamilya, paaralan at
lipunan. Isulat ito sa ½ na papel

6. Pagsusuri
6.1) Ano ba ang karapatan na
natatamasa mo bilang isang
kabataan ng lipunan?
6.2) Bakit kailangan nating respetuhin (Iba-iba ang sagot)
ang karapatan ng bawat nilalang.
6.3) Sa ating lipunan, may mga taong
gumagawa ng masama at
nakulong. Sa tingin niyo, may
matatamasa pa rin ba silang
karapatan kahit sila ay nasa
bilangguan?
6.4) Ano ang inyong natutunan
tungkol sa karapatan ng
mamamayan?

7. Pagtatalakay
7.1) Anu-ano ang mga karapatan na
naaayon sa Konstitusyon?

7.2) Ito ay isang kalipunan ng mga 7.1) Karapatang Sibil


batas na ipinapatupad ng Karapatang Politikal
Estado sa kanyang Karapatang Panlipunan
nasasakupan. Karapatang Pangkabuhayan
7.3) dito nakasaad ang mga Karapatan kapag Nasasakdal
kalipunan ng mga karapatan ng
mamamayan. 7.2) Saligang Batas

8. Paglalapat
Panuto: Gumawa ng isang
pantomime tungkol sa sumusunod na 7.3) Artikulo III, Seksyon 1-22 ng
mga karapatan: Saligang Batas ng 1987
Group 1 – Karapatang Sibil
Group 2 – Karapatang Politikal
Group 3 – Karapatang Panlipunan

(nag-uusap ang bawat pangkat kung


ano ang kanilang gagawin sa 10
minuto at isasadula nila ito )

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Masayang nagkukuwentuhan sina Mercy at Sam. Sa kabilang silid ay natutulog


ang may sakit nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
a. Itigil na nila ang kanilang kuwentuhan.
b. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging masaya.
c. Hinaan ang kanilang mga boses upang hindi makaabala sa maysakit.
d. Ituloy ang kuwentuhan dahil karapatan nilang ihayag ang kanilang damdamin.

2. Madalas na walang pambili ng pagkain si G. Tonyo para sa kaniyang pamilya


dahil wala siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Magpalimos sa daan.
b. Manghingi sa magulang.
c. Mangutang sa tindahan.
d. Maghanap ng pagkakakitaan.

3. Ibinili si Rhoa ng kaniyang tatay ng bagong gadget. Dahil sa kasabikan ay araw-


araw niya itong nilalaro. Tama baa ng ginagawa ni Rhoa?
a. Oo, dahil karapatan niyang maglaro.
b. Hindi, dahil baka masira agad ang laruan.
c. Oo, dahil ngayon lang siya nagkaroon ng gadget.
d. Hindi, dahil kailangan niya ring mag-aral at tumulong sa bahay.

4. Dahil hindi kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang si Ludy, sinagot ng


kaniyang tita sa Maynila ang kaniyang matrikula. Hindi kasama rito ang iba pang
gastusin gaya ng pamasahe at mga gamit sa pag-aaral. Ano kaya ang maaari
niyang gawin?
a. Huminto nalang sap ag-aaral.
b. Mag-aral sa umaga at mamalimos sa gabi.
c. Magtrabaho bilang assistant sa silid-aklatan.
d. Pilitan ang kaniyang tita na bigyan siya ng karagdagang pera.

5. Araw-araw, binigyan si Anafe ng baong pera ngkaniyang nanay para pambili ng


pagkain. Lagi siyang pinaaalahanan nito na masustansiyang pagkain ang bilhin
niya sa kantina. Ano ang dapat gawin ni Anafe?
a. Ibili ng laruan ang pera dahil kakaunti lamang ang kaniyang laruan.
b. Bumili ng sopas at tinapay dahil tungkulin niyang sumunod sa kaniyang mga
magulang.
c. Bumili ng junk food dahil masustansiyang pagkain naman ang lagi niyang
kinakain sa bahay.
d. Ibayad ang pera sa computer shop dahil hindi siya papayagang maglaro nito
pag-uwi ng bahay.

6. Kilala si Boyet sa kanilang barangay na isang batang palaaway. Nawalan siya ng


mga magulang dahil sa bagyong Ondoy. Sa kabila ng kaniyang pagiging matigas
ang ulo, inampon pa rin siya ng kaniyang kapitbahay. Ano ang dapat niyang
gawin?
a. Magpakabait at sumunod sa mga tagubilin ng nag-ampon sa kaniya.
b. Magpakita ng kabaitan sa nag-ampon sa kaniya ngunit hindi sa ibang tao.
c. Maglayas sa bahay ng nag-ampon dahil hindi niya magawa ang nais niyang
gawin.
d. Ipagpatuloy ang pagiging palaaway dahil kailangan nilang tanggapin kung
sino siya.

7. Ang Pamilya ni Alan ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar dahil ang kaniyang
mga magulang ay nagtayo ng isang samahan na tumutulong sa mahihirap. Ano
ang dapat niyang gawin?
1.) Tumulong sa samahan na itinatayo ng kaniyang mga magulang?
2.) Ingatan ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao.
3.) Gawin ang mga naisin kahit makasira ito sa pangalan ng kaniyang pamilya.
4.) Pumunta sa ibang bansa upang hindi madungisan ang pangalan ng kaniyang
pamilya.
a. 1 at 2
b. 2 at 3
c. 1 at 4
d. 3 at 4
8. Si Mang Poleng ay naakusahan sa korte sa salang pamamaslang. Wala siyang
pambayad sa abogado kaya binigyan siya ng abogadong magtatanggol sa
kaniya. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Magpahanap ng isang sikat na abogado.
b. Sabihin sa abogado ang totoong nangyari.
c. Gumawa ng ibang kuwento ukol sa pangyayari.
d. Tanggihan ang abogado dahil kaya niya naming ipagtanggol ang sarili.

9. Mangigisda si Mang Goryo. Ito ang ikinabubuhay ng kaniyang pamilya. Sa


kagustuhan niyang kumite nang Malaki, gumagamit siya ng dinamita. Tama baa
ng ginagawa ni Mang Goryo?
a. Oo, para madagdagan ang kaniyang kita.
b. Hindi, dahil baka siya tamaan ng dinamita.
c. Oo, dahil karapatan ng kaniyang pamilyang mabuhay.
d. Hindi, dahil ipinagbabawal ito at nakasisira sa kalikasan.

10. Pinaghinalaan ka ng iyong kapitbahay na nagnakaw ng kaniyang pera. Isang


araw, may nagpuntang mga pulis sa inyong bahay para arestuhin ka. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Makipaglaban sa mga pulis.
b. Sumamasa mga pulis nang walang reklamo.
c. Hanapan ng warrant of arrest ang mga pulis bago sumama.
d. Hanapan ng search warrant ang mga pulis bago sumama.

V. Takdang Aralin
Panuto: Isulat sa kwaderno ang mga karapatang personal na natatamasa nila at
ang katumbas nitong tungkulin.

Karapatang natatamasa Tungkulin Dapat Gawin

Inihanda ni:
JOAN M. MARIBLANCA
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
Mr. NIÑO JAN G. OLAIVAR
Cooperating Teacher

You might also like