Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Markahan- Modyul 4
Ang Konseptong Papel

1
Layunin

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning activity Sheet-LAS) na ito ay


magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang panimulang kaalaman na kakailanganin mo
sa pagkatuto tungkol sa Maikling Pananaliksik sa Napapanahon ang Paksa. Nakapaloob dito
ang mga gawain, mga pagsasanay na sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong
kaalamang malinang sa gawaing pampagkatuto na ito.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin: Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng
pananaliksik. F11WG-IVgh-92

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakasusunod-sunod ng mga paraan at tamang proseso sa pagbuo ng konseptong
papel;
2. nagagamit ang cohesive device sa tamang pagpaplano ng anumang gawain;
3. nakasusulat ng detalyadong konseptong papel.

2
Pag-aralan

Ang Konseptong Papel


Mula sa iyong nabuong paksa,pahayag ng tesis,at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo
ng iyong konseptong papel. Sa pamamagitan nito'y mailalahad mo ang magagawa mo upang
mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito ang magsisilbing proposal
para sa gagawin mong pananaliksik. Makatutulong ang konseptong papel upang lalong
magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya'y baguhan pa lang sa
gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunaysa
pamamagitan ng mga nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong
maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari.Sa pamamagitan nito'y malalaman agad ng
guro ang tunguhin o direksiyong ninanais niya para sa sulatin. Makapagbibigay agad ng
feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro kung sakaling may mga bahagi sa konseptong
papel na kailangang maisaayos pa. Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi
ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o
resulta.
 
1. Rationale – Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling
talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
2. Layunin – Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa
paksa.
3. Metodolohiya – Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa
pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa
mga nakalap na impormasyon.

May iba't ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Ang pinakakaraniwang


paraan ay ang tinatawag na literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng
impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa Internet. Gayumpama'y madalas
na hindi sapat ang impormasyon o datos na makukuha sa nasabing paraan depende sa
layunin,uri,gamit, at larangan kung saan kabílang ang paksang sinasaliksik. Kayâ naman, may
mga mananaliksik na nangangailangang magsagawa ng obserbasyon at pagdodokumento ng
mga naobserbahan, sarbey sa pamamagitan ng pag-interview o sa pamamagitan ng paggamit

3
ng survey form o questionnaire, one-on-one interview sa mga taong may awtoridad at
primaryang makapagbibigay ng impormasyong kinakailangang makuha,o focused group
discussion,at iba pa o kombinasyon ng dalawa o higit pang paraan upang higit na mapagtibay
ang kanilang argumento o pagpapatunay sa kanilang tesis.

Kapag nakalap na ang mga datos ay mayroon ding iba't ibang paraan ng pagsusuri o
pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa mga ito. Maaaring magamit dito ang mga paraang
tulad ng empirikal,komparatibo, interpretasyon,pagsusuri sa kahulugan,at iba pa.

4.Inaasahang output o resulta – Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta
ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay
maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende
sa kalalabasan ng pagkalap ng datos. Mababasa sa kabilang pahina ang isang halimbawa ng
konseptong papel. Naka-label naman sa gilid ang bawat bahagi nito.

 
Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan
(Konseptong Papel)

Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21stCentury


Skills: Learning for Life in our Times (2009),ang kasalukuyang siglo ay nagdala
ng mga bagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang. Silá
ang mga digital native. Silá ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng
digital media. Silá rin ay naiiba sa mga “natutong gumamit” ng teknolohiya
paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nila Trilling at Fadel
ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami
pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at teknolohiyang pang-
komunikasyon o digital information and communications technologies kaysa sa
mga mas nakatatanda sa kanila. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa
paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro
at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral. Dahil sa pagkalantad ng
mga digital native sa mundong digital, silá ay naglalatag ng bagong set ng
Rationale
pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.

Ayon muli kina Trilling at Fadel,may mga kakayahang pang-21 siglo 0 21st
century skills na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang
pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng
problem solving at critical thinking ang kabílang sa mga kakayahang ito, kundi
maging ang pagiging bihasa sa mga makabagong kakayahan tulad ng digital
media literacy.Ipinaliwanag din nila Trilling at Fadel na may tatlong set ng
kakayahan na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay
ang life and career skills,learning and innovation skills,at information, media,
and technology skills.

4
Nais ng papel na ito na mag-pokus sa information, media, and technology skills
lalo na at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging
hi-tech hindi lámang sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang
gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan
din ng unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic
textbook o e-textbook.Nais ng papel na ito na maláman kung paano ginagamit
ng mga guro at mga mag-aaral ang e-textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa
loob ng silid-aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media,and Layunin
technology skills at kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga silid-aralan.

Sa kasalukuyan, magkakaiba-iba ang lebel ng information, media, and


technology skills ng mga guro at mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang
exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipmajajayag ng papel na
ito na ang paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at
mga guro ay naka-depende sa kanilang information, media, and technology
skills.

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikinayam


sa ilan sa mga guro at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo
ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Metodolohiya
Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga
silid-aralan ng isang piling paaralan na nag papatupad ng paggamit ng e-
textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang higit na mapatatag ang
mga datos na makukuha mula sa pakikinayam.

Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa


na tumutugon sa layunin ng papel na ito inaasahan ding makapagpapahayag Inaasahang
sa output ng mga rekomendasyon na maaring magamit ng piniling paaralan o Output o
ng ibapang paaralang nag nanais na gumamit ng e-textbook sa kanilang Resulta
kurikulum.

5
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1: Isaayos Mo!


Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan at tamang proseso sa pagbuo ng konseptong
papel. Lagyan ng 1 ang rationale, 2 ang layunin, 3 ang metodolohiya, at 4 ang inaasahang
output o resulta.

May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa
preschool.

Tutukuin ang mga epekto ng paglalaro ng mga video games sa mga


batang nasa preschool.

Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng


paglalaro ng video games sa mga batang nasa preschool.

Mag-iinterbyu at mag papasagot ng mga questionnaire sa magulang ng


mga batang ito na madalas maglaro ng video games. Kakapanayamin
din ang mga bata tungkol sa video games at oobserbahan sila sa loob ng
isang buwan.

Gawain 2: Pagplanohan Mo!


Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano ka magpaplano ng isang bagay o gawain. Gamit ang
cohesive device sa ibaba, ilagay ang mga dapat isaalang-alang sa tamang pagpaplano
ng anumang gawain.

Pagpaplano

6
Gawain 3: Isagawa mo!
Panuto: Bumuo ka ng konseptong papel para sa iyong sulating pananaliksik. Una’y punan mo
muna ng tig-iisang pangungusap ang bawat bahaging nakalahad sa ibaba.
Pagkatapos ay isulat mo na ang mas kompleto o mas detalyadong konseptong papel
na kahawig naman ng halimbawang matatagpuan sa itaas. Isulat o i-type sa
bondpaper ang mas detalyadong konseptong papel na hango sa isinulat mo. Gawing
gabay ang rubric sa ibaba para sa pagbuo mo ng konseptong papel.

 Rationale:

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

 Layunin:

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

 Metodolohiya:

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

 Inaasahang Output o Resulta:

_______________________________________________________________________
7
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pamantayan sa pagsulat ng konseptong papel

Puntos Pamantayan

4 Malinaw na makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi


(rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel.

3 Makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi (rationale,


layunin, metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel.

2 Bahagyang makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi


(rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel.

1 Hindi nakikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi


(rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel.

8
Gawain 4: 3-2-1 Tsart!

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa ang konseptong papel. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…


1. ____________________________________________
3
bagay na natutuan 2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

Ang bagay na nakapupukaw sa aking interes ay…

bagay na 1. ____________________________________________
2
nakapukaw ng
interes
2. ____________________________________________

Kailangan ko po ang matutunan ang…


1. ____________________________________________
bagay na
1
nakapagpalito

9
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. 1
2. 2
3. 4
4. 3

Gawain 2
Ang sagot ay maaring
magkaiba

Gawain 3
Ang sagot ay maaring
magkaiba

10
Sanggunian
Aklat:
Dayag A., Julian A., Lontoc N., Del Rosario M. 2017. Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon.
Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.

Websites:

ELCOMBLUS. October 10, 2010. Access Date: Jan. 8, 2021


https://www.elcomblus.com/ang-pagsulat-ng-panimulang-pananaliksik/

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

Bumuo ng Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ( Learning Activity Sheet-LAS)


Manunulat : Marjorie R. Crisologo

Editor : Klaim G. Dumaicos

Tagasuri : Filipina F. Meehleib


Fe M. Clerigo
Alexander M. Dubduban
Daisy M. Solante
Tagaguhit : Alexander M. Dubduban
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Noemi D. Lim
Filipina F. Meehleib

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E- mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

11

You might also like