Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Panitikang Filipino

Ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga makulay na damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay
sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
Lumikha (Azarias).
Ang panitikan ang nagbibigay sa atin ng impormasyon upang maunawaan ang mga ultura,
tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang panig ng daigdig sa bawat
henerasyon ayon kina Melnnis, et al. (1999). Samakatuwid, ang kasanayan at panitikan ay lagging
magkaugnay at hindi maaaring magkahiwalay sapagkat ang panitikan ang sumasalamin sa
kasanayan ng isang kabihasnan.
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap at
inari ng mga Pilipino. Dapat siping ang Pilipino ay naging Pilipino mula noong-16 lantaon lamang.
Subalit bago naging Pilipino ay may mg ana ritong may kakayahang bumasa’t sumulat kalinangan at
kabihasnang kauri at katulad ng sa Malaya-Indonesyo at Malayo Polinesyo. Nang dumating ang mga
Kastila, ang dating panitikan ay namahinga habang ginamit at pinapasok sa isip at puso ang
kristyanismo. Ang unang nagising sa malaong pagkakahimlay ay ang panitikang tagalog na
nagatuloy ng pagsibol at paglaganap hanggang sa aating kasalukuyang panahon.
Dalawang Uri ng Panitikan
Ang dalawang uring panitikan ay tuluyan (prose) at patula (poetry) .
Ang tuluyan ay ang malayang pagsasama-sama ng mga salita saraniwang takbo ng pangungusap.
Ang maikling kwento, anekdota, sanaysay at dula ay ilan lamang halimbawa ng tuluyan.
Ang patula ay binubuo ng mga salitang may sukat at tugma. Ang sukat ay ang bilang ng pantig ng
mga salita (6, 8, 12, 16) sa isang taludtod. Ang tugma ay magkakatulad ng mga tunog sa huling
pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod ng bawat saknong ng tula. Ang karaniwang halimbawa
nito ay Liriko, Korido, Soneto at iba pa.
Mga Akdang Tuluyan
1. Alamat ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pinanggalingan ng isang bagay.
Halimbawa : Ang Alamat ng Lansones.
2. Anekdota – ang salaysay ito ay kathang-isip lamang na ang layunin ay magbigay aral sa mga
mambabasa. HAlimbawa: Ang Gamugamo at ang Munting Ilawan.
3. Nobela- ito ay salaysaying mahaba na nahahati sa mga kabanata, may maraming tauhan at
tagpuan. Halimbawa :Ibong Mandaragit
4. Pabula- Mga salaysayang likhang-isip lamang na layuning hubugin ang magandang pag-
uugali at kilos ng mga bata. Mga hayop ang tauhan dito. Halimbawa: Sa Pagong at Si Matsing.
5. Parabula ito ay salaysaying hango sa bibliya, nagbibigay aral sa mga tagapakinig o tagabasa.
Halimbawa: Ang Alibughang Anak
6. Maikling Kwento – ito ay salaysaying may iilang tauhan at isang pangyayari sa kasalukuyan.
Halimbawa : Sayaw sa Kasal
7. Dula – Ito ay nahahati sa ilang yugto na ang bawat yugto ay maraming tagpo. Halimbawa: Din
Layad Ta ( Ang Pag-Ibig Natin)
8. Sanaysay – ito ay nagpapahayag ng opinsyon o kuro kuro ng may-akda sa isang pangyayari
o suliranin. Ang magandang halimbawa nito ay ang pangulong tudling o editorial ng isang
pahayagan. Halimbawa: Ang Bawat Wikain sa Pilipinas
9. Talambuhay – Ito ay tala ng kasanayan ng buhay ng isang tao. Maaring pansarili o sa iba.
Halimbawa : Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
10. Talumpati – Ito ay mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas. Ang layunin nito ay
makaakit, makapagbigay-kasiyahan, makapagpaniwala, magbigay ng impormasyon at
makapukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Halimbawa : sa Damban ng Lingkurang bayan ni
Ponciano B. P. Pineda
11. Balita- ito ay naglalaman ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa. Ito ay
nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa edukasyon, lipunan, relihiyon, pulitika,
agham at iba pa. Halimbawa: Ang Pagkapanalo ni Manny Pacquiao
Mga Akdang Patula
A. Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,
ang katangian at kabayanihan ng tauhan
1. Awit at Korido – tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ng mga taong nabibilang sa
dugong bughaw tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke at marami pang iba. Ang Awit ay may
sukat na labindalawang (12) pantig na inaawit nang mabagal sa saliw na bandurya o gitara.
Ang Korido ay may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
2. Epiko – Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaandahil may mga yagpong kababalaghanat hindi kapani-paniwala.
3. Balad- Ito ay ginagawa noong unang panahon. Ito ay may himig awit sa dahilang ito ay
inaawit habang may nagsasayaw.
4. Balitao- Ito ay isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalaki.
B. Tulang Liriko o Tulang Damdamin - ito ay karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan
ng tao. Ito ay tumatalakay sa damdamin ng tao.
1. Elihiya- Tumatalakay sa damdamin, panaghoy, o panangis para sa alaalang isang yumao.
2. Dalit- ito ay awit na nagbibigay papuri o parangal sa Diyos at nagtataglay ng Pilosopiya sa
buhay.
3. Soneto – ito ay binubuo ng 14 na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
4. Awit – ang pinapaksa nito ay pag-ibig, pamimighati, kaligayahan, kabiguan, pag-asa at
kalungkutan.
5. Oda- nagsasaad ito ng papuri o iba pang masiglang damdamin. Ito ay walang tiyak na
bilang ng pantig at taludtod sa isang saknong.

C. Tulang Pandulaan o Pantanghalan - karaniwang ginagawa ito sa entablado na may saliw o


himig ayon sa tema o diwa na pinapaksa.

1. Melodrama – ang simula ng dulang ito ay malungkot ngunit sa katapusan ay nagiging


masaya.
2. Komedya – ang sangkap nito ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layuning
pasayahin ang mga manonood. May tunggalian at nagwawakas ito nang masaya.
3. Parsa – ang layunin ng dulang ito ay magpasaya sa pamamagitan ng pagkukwento ng
mga pangyayaring nakakatawa.
4. Trahedya- ito ay may tunggalian na nagwawakas sa pagkamatay ng pangunahing tauhan.
5. Saynete- pinapaksa nito ang kaugalian ng isang tao o lahi.

D. Tulang Patnigan -karaniwang nagpapahayag ng masidhing damdaming makabayan. Ito’y


walang sukat ngunit may malayang taludturan.

1. Karagatan- ito ay sinasagawa bilang pang-aliw sa naulila. Ginaganap sa ika- 30 araw ng


pagkamatay at unang taon ng kamatayan.
2. Duplo- ito ang pamalit sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang namatayan. Ito
ay pahusayan sa pagbigkas ng tula.
3. Balagtas – ito ay tagisan ng talion sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kuro-kuro o
karaniwang pamamaraan ng patula. Ang balagtasan ay galing sa pangalan ni Francisco
Baltazar na kilalang tawag sa Kiko Balagtas.

Ang mga akdang pampanitikan na nagdala at nagdulot ng malaking impluwnesiya sa


buong daigdigay marami. Ang mga pangunahin ay ang mga sumusunod:
1. Banal naKasulatan (Holy Scriptures) – ito ay mula sa Palestina at Gresya at naging
batayan ng sangka-kristiyanuhan at ng pananampalataya.
2. Koran- ito ay pinaka bibliya ng mga Muslim at galing sa Arabia.
3. Iliad at Odyssey- ni Homer na kinatutuhan ng kaligiran, ng mitolohiya o palaalamatan
ng gresya.
4. Mahabharata (India)- ang pinakamahabang epiko sa buong daigdig at kasanayan ng
mga dating Indo at ng kanilang pananampalatay at pamumuhay.
5. Divina Comedia (Italya)- Ito ay sinulat ng dante ay nagtataglay ng ulat hinggil sa
pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahong kinauukulan.
6. El Cid Compeador - ito ay nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng
kanilang mga alamat at kasaysayang Pambansa noong unang panahon.
El- Spanish article “ EL” means “ The”
CID – dialectal Arab “sidi” (sayyid/English) means “Lord”
COMPEADOR – marter of military arts
Writer- Rodrigo “Ruy” Diaz de Vivar
7. Awit ni Rolando- na kinapapalooban ng RONCESVALLES at DOCE PARES ng Pransia,
na nagsasaslaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay
nakasaysayanng mga Pranses.
8. Aklat ng mga Aral ni Confucious ng Tsinan a naging batayan ng pananampalataya,
kalinangan at karunungan ng mga Intsik ( na malinaw na nakarating na rito sa ating bansa)
9. Aklat ng mga patay ng Ehipto na kinapapalamanan ng kulto ni Osiris ng mitolohiya at
teolohiyang Ehipto.
10. Sanlibo’t Isang Gabi ng Arabia at Persia, nagsasaad ng mga kaugaliang
pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga Silanganin.
11. Canterbury Tales ni Chaicer, sa Inglatera ng naglalarawan ng pananampalataya at
pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
12. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos, na nakatawag ng
pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulain ng
kaisipang demokrasya.

Bakit dapat mag-aral ng panitikan?

1. Mabatid angsariling kasaysayan at kalinangan ng ating bansa na iba kaysa sa ibang bansa.
2. Malaman ang kaugalian at tradisyon ng ating lahi na nagiging sandigan ng kaunlaran.
3. Mabatid ang mga kamalian, kakulangan, at kapintasan sa ating panitikan upang maiwasto at
higit pang mapaunlad at mapabuti.
4. Maipagmalaki ang mga akdang pampanitikan ng lalo itong magningning at yumabong sa
larangan ng panitikan.
5. Magkaroon ng pagmamahal sa sariling kultura at pagmamalasakit sa ating sariling panitikang
Filipino.

Mga kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

a. Ang KLIMA ay may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.


b. Ang GAWAING PANG-ARAW-ARAW tulad ng hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang
tao ay napapasok ng mga salita at kakayahan ng pagtuturo sa wika at panitikan ng isang lahi o
bansa.
c. Ang KINATITIRIKANG POOK ng isang lahi o bansa ay nagpapasiya sa hilig at takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
d. Ang mga ugaling PANLIPUNAN at mga simulaing PAMPULITIKA at pampamahalaang
nagdadala ng kahiligan at kabihasnang napapasama sa panitikan ng isang bansa.
e. Ang tayog, lalim at lawak ay nakukuha sa pamamagitan ng pananampalataya ng RELIHIYON
sa kabihasnan at kailangang naituturo pilosopiya ng edukasyon ng bansa.

Paraan ng Pagpapahayag ng Panitikan

Ang sining ng panitikan maging pasulat man o pasalita, tuluyan man o patula ay maaaring
talakayin sa apat na paraan ng pagpapahayag.

A. Pagsasalaysay- Ito ay isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.


B. Paglalahad- Ito ay isang paraang nagbibigay katuturan sa isang konsepto.
C. Paglalarawan- Ito ay paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, lunan.
D. Pangangatwiran- Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa
opinyon ng nagsasalita o sumusulat sa paraang ito.

Mga Impluwensiya ng Panitikan


Ang panitikan ay may dalawang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao sa dalawang
kalagayan.

Una, nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng


akda.
Ikalawa, sa pamamagitan ng panitikan ang mga tao sa buong daigdig ay nagkatagpo ng
damdamin, kaisipan at nagkakaunawaan.

Mga Teoryang Pampantikan

1. Bayograpikal - Ang teoryang ito ay tumutukoy sa may-akda. Sa kaniyang mga isinulat na


akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay upang mas
mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang isinulat na akda.

2. Historikal - Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng ma salitang naaayon
sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan,
ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya

Katangian ng Historikal
▣ May epekto ang kasaysayan na mipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa
panahong kiakasangkutan ng pag-aaral
▣ Kasaysayan ang pangunahing sangkot o elemento ng panitikan
▣ Historikal ang magpapadala sa bawat nasulat na aklat ng panitikan.

3. Humanismo- Ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao-sentro


ng akda ay ang tao. Ang teoryang ito’y nakatuon sa diwang makatao na patuloy na
nagpapahalaga sa kulturang sibilisado na humuhubog sa esensya ng tao.

4. Arketipal- Ang teoryang ito ay tumatalakay sa mga simbolong ginagamit sa isang akda.

5. Klasismo- Sa mga klasista, naniniwala silang ang wika ay dalisay kaya nararapat lamang na
dalisay rin ang paggamit nito.

Mga simulaing sinusunod ng teoryang klasismo ay:

1. Nararapat sundin ang mga pamantayan sa pagsulat.


2. Ang akda ay may simula gitna at wakas.
3. Ang mga tauhan ay mararangal at mayayaman

6. Eksistensiyalismo
Ang tao ay makapangyarihan at ang lahat ay maaari niyang gawin.
Binibigyang pansin ng manunulat ang:
1. Tumatalakay ng mga pangyayari tungkol sa daigdig.
2. Bumubuo ng tauhang kailangan upang kumilos ang daigdig.
3. Bumubuo ng tauhang may sariling kakayahan.

7. Romantisismo
Sumusuway sa ideyal na klasisismo at pinaghahati ang pagkakaroon ng emosyon at hindi ng
atuwiran ng isang tao.
Katangian:
1. Nagbibigay-buhay sa tunay na pag-ibig ng inspirasyon at imahinasyon (Jose Corazon de
Jesus)
2. Tunay na kaaliwan sa buhay dahil sa himig-romantiko (Tedoro Gener)
3. Makapangyarihan ang damdamin (Ruben Vega at Cirio Panaganiban)

8. Realismo Katotohanan kaysa kagandahan. Ang paksa ng mga akdang makatotohanan ay


nakapokus sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
9. Feminismo- Lumilitaw ang teoryang feminismo dahil na rin sa paniniwala ng karamihan na ang
panitikan ay nasa kamay ng mga lalaking manunulat.
10. Pormalistiko - Ang pagtuklas at ang pangpapaliwanag ng anyo ng akda ang tanging layunin
ng pagsusuring pormalistiko.

PANAHON BAGO DUMAING ANG MGA KASTILLA

Sa pagaaral ng mga histroikal at mananaliksik ng Pilipinas ay sdyang sa pangkasaysayan pala


alaman maging ito’y pampisikal na anyo. Kaya ang lahing kayumanggi ay tatak ng lahi. Kabilang
sa mga kayamanang panlahing ito ay ang napakaraming adang pampanitikan. Ang mga ito ay
nabibilang sa iba’t ibang mga pangkat. Isa sa mga ito ang alamat.

Ang Alamat (legends) ay isang uri ng akdang pampanitikang tuluyan o prosa (prose). Ito ay
karaniwang isinasalaysay sa kwento ng paraan. Ito ay binubuo ng mga malalayang pahayag at
pangungusap na batay sa may akda kaya hindi na kinakailangan ng mga tugma at sucat na
karaniwan namang ginagamit sa mga akdang pampanitikang patula.
Ang alamat sa kanyang tunay na kahulugan ay isang akdang tuluyan na kinapapalooban ng
mga akda at salaysay na karaniwang hubad at malayung-malayo sa katotohanan. Kinapapalooban
ito ng mga pantasya at mga hindi totoong pangyayari kaya ito ay nagiging kawili-wiling basahin ng
mga kabataan man o matanda. Nabubuo ang alamat kapag tinatamad bigyan ng isang
mananalaysay ang isang bagay, pook o pangyayari ng pinagmulan nito. Mababakas na ang
pangyayari ay likhang isip lamang salat sa katotohanan at tunay na di kapanipaniwala.
Ang pag-aaral ng alamat ay epektibong epektibo sa mga nag aaral sa elementarya kung saan
ay pinapa lawak ang kanilang kaalaman sa literatura kasabay nito ang pagkamulat sa sariling lahi.

KARUNUNGANG- BAYAN
- Ang karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at
paniniwala.
- Ito ay sumasalamin sa mga pagpapahalaga, karanasan at tradisyon sa isang kultura.
- Ginagamitan ito ng malalim at matatalinghagang salita.
- Kadalasan, ang karunungang bayan ay hango din sa mgakaranasan ng mga matatanda, na
may layuning magbigay ng payo at magturo ng kagandahang asal at mga paalala.

Karunungang - Bayan ay binubuo ng mga sumusunod:


a. Salawikain
b. Sawikain
c. Kasabihan
d. Bugtong
e. Palaisipan
f. Bulong

SALAWIKAIN

Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na bukang bibig ng mga matatanda noong
unang panahon para maging gabay at batas sa mga kabataan sa mabuti at magandang asal. Ito ay
patula ring binibigkas na may sukat at ritmo. Ito ay batas ng magandang kaugalian at pagkilos ng
ating ninuno noong unang panahon.
Halimbawa : hindi maaaring mamintas ang palayok na ang kawali ay mauling.
b. SAWIKAIN o IDYOMA
- ay binubuo lamang ng ilang salita o parirala.
- karaniwang malalim at patalinghaga ang mga ito kaya nangangailangan ng matayog na pag-
iisip upang lubusang maunawaan.
- maaari rin itong magbigay ng magandang mensahe ngunit ang kaibahan nito ay mas
madaling matukoy ang mensaheng nais nitong palitawin.
Halimbawa:
 Matigas ang ulo.
 Nagsusunog ng kilay.

c. KASABIHAN o KAWIKAAN
Ang bawat rehiyon ay may natatanging kasabihan sa buhay na nagsisilbing paalala sa bawat
kultura. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagpuna panunukso sa kilos ng isang tao.
Halimbawa :
1. Ang sinungaling at bulaan ay kapatid ng magnanakaw
2. Ang isip ng magnanakaw lahat ng ari ay nakaw.
3. Ang hipong tulog tinatangay ng agos.

BUGTONG
Ang bugtong ay isang katalinuhang tambayan ng mga filipino. Ito ay laro ng pang isipan,
nagpapa palace ang bawat taludtod maikli na may sukat at ritmo.

AWITING BAYAN
Ito ay awiting mula pa sa iba't-ibang panig ng bansa. Kadalasang inaawit ng mga karaniwang
tao tulad ng magsasaka, mangingisda, mambuburda at iba pa. Simpleng awitin na punong-puno ng
damdamin at buhay.
Ang mga awiting bayan o folk songs nasa anyo rin nang tula na may sukat himig at indayog at
maikli lamang. Karaniwang inilalarawan nito ang mga pang-araw-araw na ginagawa ng ating mga
ninuno. Dahil sa mabilis na pagdaan ng panahon marami na sa awiting ito ay hindi natin naririnig sa
kasalukuyan.
MGA IBAT-IBANG URI NG AWITING BAYAN
1. Oyayi o Hele (lullaby song) ay isang awit sa pagpapatulog ng mga sanggol. Nakakaantok
ang tono at paulit-ulit ang nilalaman ngunit makahulugan.
Halimbawa:
 Ili-ili, tulog anay,
 Matulog ka na bunso
 Dandansoy

2. Kundiman (love song) - awit sa pag-ibig. Ito ay awiting punung-puno ng pangarap at kung
minsan ay nagtataglay ng malungkot na damdamin.
Halimbawa
• Nasan ka Irog
• Ang tangi kong Pag-ibig,
• Manang Biday

3. Talindaw (boat song) - awit sa pamamangka.


Halimbawa:
• Sagwan, tayo’y sumagwan
• Ang buong kaya’y ibigay
• Malakas ang hangin, baka tayo’y tangayin
• Pagsagwa’y pagbitihin

4. Suliranin (rowing song) – awit sa pagsagwan


Halimbawa:
Mayo uno
5. Diona (nuptial or courtship song) – awit sa kasal.
Halimbawa:
• Aanhin yamang Sauidi
• O yen ng Japayuki
• Kung wala ka sa tabi.

6. Kumintang (war o battle song) awit sa oakikidigma


Halimbawa
• Mutya ng Pasig.

7. Kalusan ( awit sa paggawa) – inaawit bahang gumagawa o kaya ay pagkatapos ng trabaho.


Halimbawa:
Un as Kayaluhan.
8. Dalit o Himno - Awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat
Halimbawa
Dalit (HIMNO) of Maibini town (Batangas, Philippines) to its patron, St. Francis of Paola.
9. Balitaw- Awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga bisaya.
Halimbawa
Balitaw sa Paghagyo sa Gugma
10. Dung-aw- Makalumang tula at tradisyon ng mga ilokano na inaawit bilang panaghoy ng isang
taong namatayan O awit sa mga patay ng mga ilokano
Manang Biday ( Ilokano)
Issan Puon di Batang ( Mt. Province)
Magtanim ay di biro ( Tagalog)
Sitsiritsit Alibangbang(tagalog)
Pamulinawen( Ilokano)
Entako Mensasakdo( Kalinga)

BULONG
• Ang “Bulong” mga bata ay ginagamit sa ibat-ibang pagkakataon ng ating mga ninuno.
Gamit din ito bilang pangkulam oo pang enkanto ng mga bagobo ng mindanao. Ginagamit dito
magpahanggang ngayon sa katagalugan, sa kabihasnan, kabikulan kung naparaan sa mga daang
may punso. Ayon sa matatandang paniniwala, ang puso ay bahay ng mga nuno nakapag natapakan
ay magagalit sa nakatapak at ito ay magkakasakit. Upang makaiwas sa gayon pangyayari ayon sa
kapaniwalaan ang mga tao ay bumibigkas dang bulong kapag napapa raan sa puso
1. Ilocano
“Bari-Bari”- Binibigkas ng sinumang aakyat sa isang bahay sa unang pagkakataon bilang
pagbibigay galang sa kaluluwa ng mga taong namamatay sa bahay na iyon.
Dayu- dayo – Binbigkas ng mga ilokano kung sila’y nagtatapon ng mainit na tubig.
Bao-bao, Adtoy ti ngipen ko, Sukatam ti baro . Sinasabi naman ito ng mga bata kapag sila’y
nabubungian inihahagis nila ang nabunot nilang ngipin sa bubungan ng kanilang bahay sabay bigkas
sa bulong na ito.
2. Pangasinan
“Tabi-tabi, laki bai”
3. Tagalog
“Huwag kang magagalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa amiy napag-utusan”
4. Bicol
“Tabi-tabi, Tabi! Makikiraan kami. Mga bulag kami huwag kayong lalapit, Baka amin kayong maapi.”
5. Ilonggo
“Tabi-tabi, dadaan kami, patawarin kami, kung kayo’y aming masa.”
EPIKO
Ang epiko ay isang mahabang salaysay. Ito ay nasa anyong patula na maaaring awitin o
isatono. Hango ito sa pasalindilang tradisyon. Tungkol ito sa mga pangyayaring supernatural o
kabayanihan. Seryoso ang layunin nito dahil kinapapalooban at pinapahalagahan dito ang mga
paniniwala, kaugalian, saloobin at mga mithiin sa buhay ng mga tao. Sa pilipinas ay may 25 ng epiko
ng naitala. Ang ilan ay kumpleto sa teksto, ang iba ay pira-piraso, ang ilan naman ay pamagat
lamang ang nilalaman.
HALIMBAWA :
Sina Banna at Onnawa ( Hango sa Ullalim ng mga kalinga) Sa pagsasaayos ni Dr. Lourdes A. Bela-o
HudHud Hi Aliguyon ( Hango sa Epiko ng Ifugao) Sa Pagsasaayos ni Dr. Norma S. MAyos
Biag ni Lam- Ang
Si Tuwaang ( Epiko ng mga Bagobo)

ALAMAT
Halimbawa :
Kung Paano kami naging Ilongot
Baybay kabunian (Otucan, Baiko Mt. Province)
Alamat ng Ati-Atihan( Kalibo, Aklan)

KWENTONG BAYAN
Kwentong Bayan ay mga kathang isip na kwento o sanaysay na ang mga kinatawan ay ang mga
pag-uugali at mga uri ng mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang
kanilang maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa
kasalukuyang pamumuhay. Maaari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong pag-uugali at
mga aral na gustong ibigay ng kwento.
5 Halimbawa ng Kwentong Bayan
1. Mito/Mitolohiya ay isang halos mag kabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o
mito. -Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag
na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang
mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
2. Alamat -Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
3. Pabula -ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, tulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon.
4. Parabula ay isang maikling kwentong may aral na kalimitang hinango mula sa Bibliya.
5. Maikling kuwentong bayan Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay
maikling sanaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.
Mito/Mitolohiya sa Pilipinas
 Aswang
 Diwata
 Duwende
 Engkanto
 Juan Tamad
 Malakas at Maganda
 Mambabarang
 Mananggal
 Mankukulam
 Mariang
 Makiling
 Nuno Sa Punso

PANAHON NG MGA KASTILA

PIYESTA
RELIHIYON
MGA AKDA
 DOCTRINA CRISTIANA by P. Juan de Placensia at P. Domingo Nieva

Ito ang unang akda na inilimbag dito sa Pilipinas noong 1593. Nilimbag ito sa pamamagitan ng
silograpiko na nasusulat sa Kastila at Tagalog. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos,
pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo.

 NUESTRA SENORA DEL ROSARIO


Ito ang ikalawang akda na nilimbag sa Pilipinas noong 1602.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot sa
relihiyon.
Ang may akda ay si Pari Blancas de San Jose.

 PASYON by P. Gaspar Aquino de Belen (1704) at Don Luis Guian (1750) Mariano
Pilapil
(1814) at P. Aniceto de la Merced (1856)

Ito ang ikatlong akda na nilimbag diro sa Pilipinas.


Nagtataglay ito ng limang taludtod at ang bawat saknong ay may wawaluhing pantig.
Ang aklat na ito ay tungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.
Ito ay patula subalit paawit kung bigkasin.

You might also like