Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Zaidy Lhen Gillamac

1-A1

SURING BASA
A. Pamagat ng Akda: Ang Kuba ng Notre Dame
B. May Akda: Victor Hugo
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay
isang Pranses na makata,mandudula, nobelista, manunulat ngsanaysay, artistang
pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang
Romantiko (tagapagtangkilik ng Romantisismo) saPransiya.
Sa Pransiya, hindi lamang nakasalalay sa kanyang mga nobela ang kabantugan
sapanitikan ni Hugo, subalit gayundin sa kanyang pangmakata at dramatikong mga nagawa.
Karamihan sa mga tomo ngpanulaan, katulad ng Les Contemplations atLa Légende des
siècles ang tinatangkilik ng mga manunuri ng panitikan, at minsang kinikilala si Hugo bilang
pinakadakilang makatang Pranses. Sa labas ng Pransiya, pinakakilala ang kanyang mga
nobelang Les Misérables at Notre-Dame de Paris (kilala sa Ingles bilang The Hunchback of
Notre Dameo "Ang Kuba ng Notre Dame").
Bagamang isang konserbatibong royalista noong kanyang kabataan, naging isang liberal
si Hugo habang lumilipas ang mga dekada. Naging tagapagtangkilik siya ng republikanismo,
at nagtatalakay ang kanyang mga gawa ng mga paksang pampolitika at panglipunan, pati na
ng mga gawi sa sining, noong kanyang panahon.

Nakalibing ang kanyang bangkay sa loob ng Panthéon.

C. Sanggunian
https://www.wikiwand.com/tl/Victor_Hugo
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuba-ng-notre-dame.html?m=1

D. Mga Tauhan:

1. Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa


taglay niyang labis na kapangitan. Siya ay mapagmahal at marunong tumanaw ng
utang na loob.
2. Pierre Gringoire---ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar na handang
tumulong sa kanyang mahal sa buhay
3. Claude Frollo—paring may pagnanasa kay La Esmeralda;amain ni Quasimodo;
siya ay sakim sa pagmamahal. Dahil sa labis na kagustuhan sa dalagang mananayaw,
nakalimutan na niya ang buong pagkato niya at kung ano ang kanyang katayuan.
4. La Esmeralda- ang dalagang mananayaw,handang mamatay para sa kanyang
mahal.
5. Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may malalim ding
gusto sa babaeng mananayaw na si La Esmeralda. Itinuturing na mas mahalaga ang
kapangyarihan niya bilang kapitan kaysa tulungan ang dalagang napamahal na sa
kanya.
6. Sister Gudule--dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na
babae; ina ni La Esmeralda. Isang dakilang ina na walang tigil sa paghahanap sa
nawawalang anak.

II. Buod
Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa simbahan.
Inalagaan ito ng paring si Claude Frollo na nakatira sa katedral, makalipas ang ilang taon
nasilayan ng pari ang kagandahan ng isang mananayaw na si la Esmeralda hindi nagtagal
nasabik siya na mahalin siya nito kayat naisipan nitong ipadakip na lamang kay
Quasimodo ngunit nabigo ito dahil sa pagdating ni phoebus na isang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian.
Naparusahan si Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na iniutos lamang ng pari.
Samantala hindi sinasadyang nagkagusto sa isa’t isa sina phoebus at la Esmeralda kaya
naisipan ng dalawa na magkita upang magbigay impormasyon sa isa’t isa dahil rito
nagalit ang pari kaya’t nais nitong patayin si phoebus gamit ang kaniyang natutunang
itim na mahika na siya ring dahilan kung bakit tinalikuran niya ang diyos.
Dahil roon naparatangang mangkukulam si la Esmeralda kung kaya’t pinarusahan ito ng
kamatayan ngunit sinagip ito ni Quasimodo dahil sa pagtingin nito kay la Esmeralda at
dinala ito sa tuktok ng katedral ngunit tinangka ng pari na hamakin si la Esmeralda at di
sinasadyang naitulak ni Quasimodo ang pari at yoon ang naging dahilan ng pagkamatay
nito.
Hindi nagtagal nadakip si la Esmeralda at natuloy ang parusa nito ngunit kasabay nito si
Quasimodo ay hindi narin natagpuan…
Laking ng gulat ng isang lalaki ng hukayin muli ang puntod ni la Esmeralda ng Makita
ang bangkay ni Quasimodo na siyang nakayakap sa bangkay ni la Esmeralda.

III. PANUNURING PAMPANITIKAN


A. Uri ng Panitikan
Ito ay isang piksyon na nasa anyo ng nobela. Nahahati ito sa maraming yunit/
bahagi o kabanata. Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at iba pang katulong na tauhan. Ito ay karaniwang batay sa totoong buhay
na ginagawang kapana-panabik para sa imahinasyon ng mambabasa.

B. Istilo ng Paglalahad
Ito ay nasa paraang pasalaysay sapagkat inilalahad nito ang wastong
pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ikinukwento nito nang dahan-dahan ang
mga nagaganap sa nobela at ito’y nasa karaniwang paglalahad ngmga totoong
pangyayari na buhay ng karaniwang tao.
Sa nobelang ito, makikita ng iba’t ibang uri ng teoryang pampanitikan tulad ng
mga sumusunod:
1. Realismo- Dahil ang nobelang ito ay masasalamin sa ating tunay na buhay.
Masakit mang isipin merong mga taong mapang-abuso. Hindi makuntento
kung ano man meron sila mas binibigyang pansin ang buhay ng ibang tao
kaysa sa kanilang sarili. Kapalit nito ay may nga taong nahihirapan at
nasasaktan dahil sa pinag gagawa nila. Na habang buhay mananatili sa anino
ng takot kaysa langhapin ang sarap ng buhay.
2. Romantisismo- Maraming tagpo sa nobela na higit na nangibabaw ang
simbuyo ng damdamin kaysa sa isipan.

C. Mga Tayutay
1. Pagmamalabis (Hyperbole) Nagpapakita ng sitwasyong labis-labis o kaya’y
pinapalabis ang katayuan ng tao, bagay o pangyayari.

“Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame


bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan.
Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris.
2.Pagwawangis (Metaphor) Direktang paghahambing ng dalawang magkaibang
tao, bagay o pangyayari.
“Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit
kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda
ng  tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao.”
IV. Sariling Reaksyon
 Mga Pansin at Puna
A. Mga Tauhan
Naging makatotohanan ang papel na ginampanan ng bawat tauhan. Sa
pamamagitan ng kanilang karakter ay nabigyang-diin sa akda ng sakit ng lipunang
kanilang ginagampanan.
Sa katauhan ni Quasimodo, ipinakita ang hindi pantay na pagtrato sa
bawat indibidwal dahil sa taglay nitong kapangitan. Sa kabila ng kapintasan ay
napa ibig niya si La Esmeralda na may busilak na puso na mas pinili nitong
mamatay kaysa ibigin ang isang hangal katulad ni Claude Frollo.
B. Istilo ng Awtor
Madaling unawain ang akda dahil sa mga deskripsyon nito at mensaheng
nais iparating sa mga mambabasa. Ngunit sa kabila ng deskripsyon nito iba-ibang
mensahe ang naiisip ng mga mambabasa dahil sa ito’y makabuluhan gaya ng may
akda nito na isang sikat na manunulat, nobelista at kung ano-ano pa. Ang may
akda ay may layunin na na makita ng isang mambabasa ang magandang mukha
ng France sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa
mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.

C. Galaw ng Pangyayari
Maayos ang pagkakasunod sunod ng pangyayari sa nobelang binasa. May
mga naganap na di inaasahang pangyayari na syang magbibigay ng makabagbag
damdamin sa iyong puso. Maraming beses na makikita ang sakit ng lipunan
katulad ng diskriminasyon na syang pinaka umiral sa nobela.

 Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Nang binasa ko ang nobelang ito ay napukaw ang aking atensyon at
naantig ang aking damdamin sa dalisay na pag ibig ni Quasimodo sa dalaga na
hanggang sa kamatayan ay nais nya itong samahan. Lubos na tumatak sa aking
isipan na para sa pag ibig ay maraming nabubulag at nawawala sa ulirat dahil
puso na lamang ang mas pinaiiral. Ito’y Makabuluhan at Nakaka-enganyong
Basahin Dahil sa Taglay Nitong Mensaheng Nais Iparating sa Lahat ng
Mambabasa Ng Akdang Ito na Nagbibigay Inspirasyon, Hindi sa Isa Kung Hindi
Para sa Lahat na Umibig ng Hindi lang Nakabase sa Itsura. Ito rin ay nagbibigay
Inspirasyon sa Mambabasa Upang Sumulat ng Kapanapanabik na Nobela na
Makabuluhan at May Magandang Mensaheng Nilalaman.

B. Bisa sa Damdamin
Nagpapahayag ng damdamin ng may akda at siyang tumatalakay sa
pamumuhay ng isang taong lubos na kinasusuklaman ng ibang mamamayan.
Tulad ng mga alipin noong unang panahon na itinuturing na parang hayop sa
kadahilanang hindi kaaya-aya ang anyo nito. Sa pilipinas ay may maituturing din
ganitong pangyayari gaya ng pagtrato sa mga mahihirap na kung hindi aabusuhin
ang natitirang yaman ng mahihirap ay naaakusahan naman dahil din sa anyo o
pananamit nito.
Karaniwang namomoblema sa mga sitwasyong ito ay ang mahihirap sa
kadahilanang walng sapat na salapi upang bayaran ang mga nagawang
pagkakamali at minsa’y inaabuso pa ng karamihan.
Naantig ang aking damdamin nang binasa ko ang akdang ito. Naawa ako
kay Quasimodo dahil sa mga matinding pasanin nya sa buhay at sa pinakitang
asal sa kanya ng mga tao na nabansaga pa nga syang papa ng kahangalan dahil sa
sinasabi nilang taglay nitong kapangitan
Hinangaan ko din si La Esmeralda dahil hindi ito tumitingin sa panlabas
na kaanyuan at labis din ang pagkapoot ko kay Claude Frollo dahil sa kanyang
pinakitang asal na dahil lamang sa pag ibig ay nalimutan na nya ang kanyang
pagkatao.
C. Bisa sa Kaasalan
Sa nobelang ito ay maraming makikita na aral sa buhay tulad na lamang ng
mga sumusunod:
Huwag nating husgahan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao oo nga
at  may hindi kaaya ayang hitsura ang isang tao hindi
nangangahulugan na pwede na natin silang pagtawanan  at  husgahan
mga tao din sila na mayroong puso at damdamin na nasasaktan.
Ang pagtanaw ng utang na loob sa isang tao, o mga taong tumulong
sa iyo, ito ay isang aral din sa kwentong ito dahil inako ni Quasimodo
ang kasalanan nagawa ng taong umampon sa kaniya kaya siya ang
naparusahan.
Huwag gamitin ang mga impluwensya o posisyon para sa mga
masamang balak maghintay ka kung ano lang ang mga bagay na para
lang talaga sa iyo, huwag mong ipagpilitan ang mga bagay na hindi
naman para talaga sa iyo, katulad nalang ng ginawa ni Frollo na
gumamit pa ng itim na mahika para lamang mapasakanya si La
Esmeralda.
Huwag magdadalawang isip na tumulong sa iyong kapwa lalo na sa
nangangailangan maging sa maliit o malaking bagay man ito, katulad
nalang ng ginawang pagbibigay ng maiinom ni La Esmeralda kay
Quasimodo ng ito ay pinaparusahan walang kahit isa na gustong
tumulong dito, bagkus ito ay pinagtatawanan pa at hinuhusgahan siya
lamang ang tanging lumapit dito upang ito ay maibsan ang uhaw at
sakit na nararamdaman.
Ang wagas na pagmamahal ng isang tao na handang iaalay ang buhay
niya sa taong minamahal niya, ito ang ipinakita ni Quasimodo sa
kwentong ito ang wagas na pag mamahal niya kay La Esmeralda.

You might also like