Professional Documents
Culture Documents
Filipino 12 Modyul II Batayang Kaalaman Sa Komunikasyon
Filipino 12 Modyul II Batayang Kaalaman Sa Komunikasyon
ARALIN :
1.8 Ang Retorika Bilang Anyo ng Komunikasyon
Pangkalahatang Layunin:
Sa modyul na ito, inaasahang iyong:
Matutukoy ang mga katangiang modelo ng komunikasyon ayon sa iba’t ibang dalubhasa;
Maipapaliwanag sa sariling pangungusap ang mga elemento at sangkap ng komunikasyon;
Matatalakay ang mga iba’t ibang pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon; at
Maipaliliwanag ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga modelo ng iba’t ibang dalubhasa.
Sanggunian:
Arrogante, Jose A. 2007. RETORIKA Masining na Pagpapahayag.Mandaluyong City: National Book Store.
Mga Modelo ng Komunikasyon (elcomblus.com)
TALAKAYAN:
ANG RETORIKA BILANG ANYO NG KOMUNIKASYON
Isang anyo ng komunikasyon ang retorika na maaaring gawing pasalita o pasulat. Lagi nang bahagi ito ng
mga pangaraw-araw na trabaho na maaaring formal ang dating tulad ng isang profesor sa kanyang klase, kapag
nagpapaliwanag ng mga konsepto sa mga leksyon o sa mga asaynment; ng isang pari sa kanyang pulpito kapag
naghohomilya; ng isang abogado sa harap ng hurado sa korte; kaya'y imformal tulad ng isang weyter sa kanyang
mga kostumer, ng isang salesman sa kanyang prospektibong kliyente, at iba pang mga pang-araw-araw na
preokupasyon sa buhay o mga sitwasyong kinakailangan ang mga interpersonal na pakikipagrelasyon kung saan
nagbibigay tayo ng maikling pakli o remarks o mga impromptung pagsasalita.
Ang ispiker ang pangunahing komunikador sa pinangyayaring sitwasyon ng komunikasyon. Siya ang
pinanggagalingan ng mensahe. Sa sandali ng kanyang pagsasalita, bilang isang individwal, sinasabi niya ang
kanyang mga personal na pananaw at mga karanasan.
Ang mensahe ang kinapapalooban ng makakatibayang nilalaman ng mga sinasabi kasama na ang mga atityud ng
ispiker at ang mga kahalagahan ng paksa na binuo sa pamamagitan ng mga piling salita at mga konsepto na
maiingat na isinaayos.
Ang konteksto ang mga kondisyong pinagkakaugnayan ng ispiker at ng tagapakinig tulad ng Iugar na
pinangyayarihan ng pagsasalita, ang mga inaasahang valyung sosyal at mga patakarang kultural na namamagitan
sa sandaling nagkakainteraksyon na ang dalawa.
Samantala, mas definido at detalyado ang mga bagay na ito sa paglalahad ni Verderber (1994) na mga varyabol
sa pagtitermino niya na kinaklasifika niya sa pito:
Konteksto
Pisikal ang mga kondisyon ng Iugar na pangyayarihan ng pagsasalita. Isinasaalang-alang dito ang 1) lokasyon, 2)
oras, 3) ilaw, 4) temperature, 5) distansya sa pagitan ng mga kasangkot; at 6) kaayusan ng mga upuan.
Dinidetermina sa mga kondisyong ito ang formalidad o imformalidad ng okasyon. Formal kapag ginanap ito sa
isang bulwagang kainan.
Maaari ding madetermina sa pagkakaayos ng mga upuan ang magiging partisipasyon ng mga tagapakinig.
Kung pahelera, pasibo; kung pabilog, aktibo.
Nadidetermina naman ang atmospera sa pamamagitan ng ilaw, oras, at distansya ayon sa iba't ibang
efekto nito. Nagpapaantok ang madilim o malamlam na ilaw; samantalang nansisilaw naman ang madilat.
Nagpapakalam ng tiyan ang mga oras bago mananghalian at nagpapaantok naman pakapananghalian.
Intimado ang magkakalapit na distansya; alyenado ang magkakalayo.
Historikal ang aspekto kapag episodo ang pinangyayaring komunikasyon. May bentahe ito sa mga dating
partisipant sapagkat tiyak na masusundan, ngunit kalilituhan ng mga baguhan.
Kultural naman ang aspekto kapag may pagsasaalang-alang sa kultura ang sistema ng mga
pinagbabahaginhang kaalaman, paniniwala, valyu, simbolo, at beheybyor ng malaking grupo ng tao sa isang
lipunan. Pinagsisilbing gabay/patnubay sa pakikipagkomunikasyon ang mga patakarang panlipunan. Dito
nakaangkla ang uri ng mensahe at ang ikikilos ukol dito sapagkat marapat itong isinasaloob sa itinakdang
konteksto o partikular na grupo ng tao. Itinatakda na ito bago pa man pangyarihin ang komunikasyon. Seryoso
ang pagtrato sa aktibidad kung ginaganap itong formal, samantalang mabiro naman kapag imformal. Maaari din
namang magbago ang mga norm depende sa sitwasyon, kaya'y sa mga di-nakakaalam, natututuhan ito sa
karanasan.
Samantala, bukod sa pangkalahatang kultura ng isang lipunan, may nakapaloob ditong mga partikular na
subkultura na may pinagkakaisahang konsepto tulad sa etnikong grupo, kaya'y pangjender na grupo. May set ng
norm ang bawat isa. Sa Pilipinas, halimbawa, naririyan ang rehyu-rehiyunal at etnikong grupo, ang grupu-grupo
ISPIKER
Pinakahanguan o pinagmumulan ng mensahe sa komunikasyon ang ispiker. Ayon sa kanyang ekspertis at
eksperyensya napag-aakalang nakadepende ang kanyang material. Ito ang humuhubog sa kanyang mga kaisipan
at damdamin. Afektado ang pagsasalita niya ng kanyang mga nakaraan at kasalukuyan, ng kanyang mga
nadarama, ng kanyang buong
kapaligiran. Ito rin ang nagdidetermina ng kanyang mga pananalita at mga paraan ng pagpapahayag nito.
Samantala, ito rin ang basehan ng mga tagapakinig sa kredibilidad ng tagapagsalita; sa kanyang
pagkatao, sa kanyang imahen bilang tagapagsalita. Mas mukhang kapani-paniwala ang tagapagsalita,
kinakikitaan hindi lamang bilang kwalifikado at awtoridad, bagkos, ng pagiging mapakisama at mapagmahal na
tao, walang salang maaalala siya, pagtitiwalang may malawak at tiyak na kabatirang imformasyong naibabahagi
sa mga tagapakinig.
MENSAHE
Binubuo ng mga kahulugan ang mensahe. Ito ang mga idea at damdamin na ipinararating ng ispiker sa
mga tagapakinig sa pamamagitan ng mga simbolo na isinaenkowd at isinaayos ng ispiker para idekowd naman o
mainterpreta ng mga tagapakinig nang maibalik sa pinagmulan.
TSANEL
Ang daan at ang paraan ng paghahatid ng mensahe ang tsanel. Sa pagsasalita ang hangarin sa nakikinig
ng mga tunog ng salita. Kaagapay nito ang mga ekspresyon ng mukha, mga kibit, kumpas at kilos ng katawan na
nakikita naman sa pamamagitan ng liwanag. Pandinig at paningin ang pinakamahahalagang pandama na
sumasagap/pumapansin sa mga mensaheng inihahatid ng tsanel. Gayundin naman ang panghipo kapag
nakikipagkamay at ang pang-amoy kapag nakasagap ng samyo. Mga pandama o sensori tsanel ang tawag sa mga
ito.
Sa paghahatid ng mensahe, maaari itong gawing personal o kaya'y ginagamitan ng mga teknikal na tsanel
gaya ng radio at television, ng telefono o selyula, kompyuter sa paraang internet, atb.
TAGATANGGAP AT TAGAPAKINIG
Layunin sa pagsasalita ang maghatid ng mensahe sa gayon makakuha ng reaksyon. Madali itong
naisasakatuparan ayon sa atityud, atensyon, interes na makinig at malinaw na tagapagsalita ng pagkakaintindi sa
mensahe ng tagapakinig. Dumedepende rin ang unawaan sa komunikasyon sa relasyon ng dalawang
nasasangkot dito na maaaring magkaibigan kaya'y di-magkakilala o magkaaway. Sa relasyong ito nakatuon ang
pagpili sa mga bibitawang salita at ang pagmaniobra sa mga atityud at beheybyor. Madali, walang abog na
natutupad ito sa una, samantalang, maingat may pagbabakasakali sa huling dalawa.
FIDBAK
Ang respond ng tagapakinig ang tinatawag ng fidbak. Nangyayari ito ayon sa pagkakarinig, pagkakakita
at pagkakaintindi sa mensahe ng tagapagsalita. Ang mga tagapakinig, maintindihan man o hindi, käya'y mamis-
interpret man ang kahulugan ng mensahe, lagi-laging magkakaroon sila ng reaksyon. Dumidepende rin and fidbak
sa paghahatid ng mensahe. Kung personal, madaling mamataan ang fidbak; lalo na iyong mga di-verbal, pagtango
o pag-iling, pagngiti o pagsimangot; pagkunot-noo o pagkakamot, kung teknikal tulad ng radio o television, wala
o kaya'y hindi nalalaman at maaari pang magkaroon ng interaksyon: makapagkukomentaryo o
makapagtatanong.
Maaaring tunog o mga bagay na makikita at iba pang maituturing na eksternal na ingay. Nakakadistrak
ang mga ito ng atensyon sa pag-intende ng mensahe tulad sa kariring ng celfon, ang pagtayu-tayo, paggalaw-
galaw ng mga tao, atb.
Internal naman ang ingay kung mismong sa sariling tagapakinig nangyayari ang pagkawala ng atensyon.
Kadalasan mga bagay sa isipan niya ito na umaagaw.
Isang kakaiba o katangi-tanging anyo ng komunikasyon ang retorika sapagkat sa pagpapahayag itinatangi
rito ang isang tao, ang ispiker o ang tagapagsalita. Naghahanda o pinaghahandaan niya ang kanyang mga
sasabihin sa layuning informativ, mapanghikayat, o magbigay-aliw. Kailangang mapagtagumpayan niya ito sa
pamamagitan ng efektibo niyang pagsasalita sa harap ng madla gaya ng sambayanang Pilipino sa panahon ng
eleksyon na may kalayaang mamili ng mga kandidatong iboboto sa pamamagitan ng pakikinig sa mga
plataformang ipinipresenta ng bawat isa na kung maaayunan niya ito at matatanggap, sige; o di naman kaya kung
matututulan niya ito at maitatatwa.
Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang
mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangan isaalang-alang ang
konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
S-etting
P-articipation
E-nd
A-cts Sequence
K-eys
I-nstrumentalities
N-orms
G-enre
Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar kung saan nagana pang isapan ay dapat isaalang-alang. Ang
paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa
lokasyon na pinagyarihan ng salitaan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito
isaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan.
Dito isinasaalang-alang ang mga tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan,
damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang, kasarian, paniniwala at pilosopiya sa
buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap.
Pagpili ng salitang gagamitin na babagay sa formalidad ng okasyon. Kung pormal ba o impormal ang
usapan.
Kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at
naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayob, magiging kontrolado natin ang
hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.
Isinasaalang-alang ditto ang layunin ng participants. Pasalaysay kung nais magkuwento; Paglalarawan
naman kung nais ipakita o ilarawan ang anyo, katangian, hugis at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari o
damdamin. Paglalahad kung nais magpaliwang at magbigay ng impormasyon. Pangyayari naman kung nais
maghikayat, magpatunay, at pabulaan ang opinion, katwiran at painindigan ng iba.
Ang modelo sa komunikasyon na ito ni Aristotle ay isa sa mga pinakaunang modelo na matatagpuan sa kanyang
aklat na Rheotic. Ito ay nagpapakita ng linear (linyar) na katangian.
Ang tagapagsalita ang lilikha ng mensahe at babalangkas nito sa kongkreto at malinaw na paraan
upang maunawaan ng tagapakinig ang nilalahad o nais iparating.
Sangkap ng Komunikasyon
ispiker sa pagbibigay ng mensahe at ang kakayahan ng tagapakinig na ipaliwanag ang naturang mensahe.
1. Pinagmulan ng mensahe
2. Mensahe
3. Tsanel
4. Tagatanggap
Para kay Berlo, kapag mahusay ang kasanayan sa komunikasyon ng parehong tagapagsalita at
tagatanggap, higit na nagiging epektibo ang paghahatid at pag-unawa sa mensahe. Kung ang guro ay eksperto
sa kanyang larangan, may magandang tinig, may masiglang pagtalakay sa teorya, subalit kung ang mag-aaral
bagama’t matalino, masipag, at litereyt ay walang interes sa tinatalakay na teorya at para sa kanya’y walang
saysay ito, hindi rin mararating ang komunikasyong hinahangad.
Ayon pa rin sa kanya, mahirap matukoy ang kalalabasan ng komunikasyon kaya tinukoy niya ang mga salik
na nakaaapekto rito—kasanayan sa komunikasyon, kaalaman, sistemang panlipunan, kultura, at pag-uugali.
Sina Sannon at Weaver ay tumuklas ng paraan kung paanong higit na mapadadali ang komunikasyon sa
pamamagitan ng kanilang “Mathematical Theory of Communication.”
Ang pag-aaral nina Shannon at Weaver ay may dalawang oryentasyon. Ang isa ay hinggil sa inhenyeriya
ng transmisyon at resepsiyon. Ang ikalawa ay konsiderasyon kung paanong ang accuracy ng komunikasyon ay
nakararating sa mga tao gayong iba-ibang karanasan at attitude mayroon ang mga ito. Pangunahing Dokus ng
modelong ito ang teknolohiya bilang “source” o pinanggagalingan ng “ingay” sa komunikasyon.
Samantala, ang mga konseptong magkakaiba sa pagitan ng mga uri sa lipunan, kaligirang kultural,
karanasan, pag-uugali, paniniwala, at ng iba pang salik ay maaaring maging sanhi ng ingay o noise sa
komunikasyon.
Sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap, makikitang diretso ang agos ng mensahe. Datapwa’t hindi
laging ganito, may mga pumapasok na sagabal (noise) mula sa pagpapadala hanggang sa pagtanggap.
Ayon pa sa kanila, ang ingay ay may malaking epekto sa pagkakaunawa ng mensahe. Dapat na malinaw
at malinawag ang anuman pinagdadaanan ng mensahe sa mabisang daloy ng komunikasyon
Si Wilber Lang Schramm ang tinaguriang “Father of Communication Study” na nagbigay ng kahalagahan
sa proseso ng encoding at decoding. Parang isang proseso ng two-way circular communication sa pagitan ng
tagapagpadala at tagatanggap.
Kung ang kay Shannon at Weaver ay isang teoryang matematikal-teknolohikal, ang kay Schramm naman
ay sinamahan ng human behavior sa proseso ng komunikasyon. Ipinakita niya ang teorya sa pamamagitan ng
dayagram na ito. Isinama niya ang feedback at Iawak ng karanasan upang tukuyin ang modelo.
At isa siya sa unang gumawa ng modelong nagpakita sa komunikasyon bilang dalawang patunguhan at
ang mga kalahok ay sabayang nagpapadala at tumatanggap ng mensahe. Pinahahalagahan ng modelo ni
Schramm ang reaksiyon dahil ipinahihiwatig kung ano ang interpretasyong ibinibigay sa mensahe ng
tumatanggap nito.
Ayon pa kay Schramm, upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang mga kalahok sa komunikasyon,
kailangang nagdadaop o mayroong pagkakatulad ang mga nasasaklawan ng karanasan ng mga kalahok kahit
man lang sa maliit na punto ng kakayahan sa paggamit ng isang senyas na kumon.
Para kay Schramm, ang mensahe ay maaaring maging masalimuot mula sa iba’t ibang kahulugang
ibinibigay/natututuhan ng tao. Ang kahulugan ay maaaring denotasyon o konotasyon. Ang diksiyonaryong
kahulugan o denotasyon ay maaaring pareho sa maraming tao subalit ang kahulugang konotasyon ay maaaring
magkaroon ng maraming kahulugan para sa mga tao batay sa personal na karanasan at ebalwasyon.
• Ang mga sangkap ng modelong ito ay ang pinanggalingan(source), ang mensahe(message), at ang
tagatanggap ng mensahe(destination).
Dito inilahad ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad at tumatanggap ang
senyas at reaksyong binibigay. Higit na malaki ang nalilikhang ugnayan ng senyas kung may malaking ugnayan sa
karanasan ang dalawang nag-uusap.
Ang Symbolic lnteractionist ni George Herbert Mead (1910) na nagsabing ang lawak (extent) ng pag-alam
(knowing) ay lawak ng pagbibigay-ngalan—ang karunungan ay abilidad na bigyan ng Ieybel ang mga bagay na
ating na-eengkuwentro/nakikita.
Ang “Who says what, to whom, in which channel, to whom with what effect” ni Harold Lasswell (1957) ay
tumukoy sa mga elemento ng transmisyon o paghahatid ng mensahe.
Ang “Mediational Theory of Meaning” ni Charles Osgood (1976) na nagpaliwanag hinggil sa kahulugan ng
anumang impormasyon na maaaring tukuyin sa pamamagitan ng tatIong dimensiyon. — ebalwasyon (kung ito’y
mabuti o masama) – lakas (potency) (gaano ito kalakas) — gawain (gaano ito kabilis)
Ang teorya ni Braddock (1958) (nagpalawak sa teorya ni Osgood) na nagbigay ng katanungan hinggil sa
kaganapan ng komunikasyon.
PAGSASANAY
Panuto: Ilagay ang kasagutan sa long coupon band lamang.
Isang estudyante ang pumunta sa opisina ng dekano. Humihingi ito ng promissory note. Hindi ito
makakakuha ng prelim exam dahil wala siyang pambayad ng tuition fee. Tinatanong siya ng dekano kung kailan
siya makakabayad. Ayon sa estudyante, sa susunod na linggo pa siya makapagbabayad dahil hinihintay pa niya
ang padalang pera ng kanyang ama na nasa ibang bansa. Tinitigan siya ng dekano kung kaya't siya ay sumagot
kaagad at nagbigay ng tiyak na petsa upang hindi pagdudahan sa kanyang pangako. Bumalik ang Dekano sa
pagsusulat ng promissory note. Matapos iyon, ibinigay ng dekano ang promissory note sa estudyante upang
makakuha na ito ng prelim exam.
S-
P-
E-
A-
K-
I-
N-
G-