Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Namumuno:

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo, Amen.

🎵 Bless The Lord

🎵 Manatili sa piling Ko

♪ Manatili sa piling Ko, magbantay at manalangin


🎤Salmo
Lahat:

Tumawag ako nang malakas sa inyo, Panginoon.


Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako.
Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin.
Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano
ang nangyayari sa akin.
Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan.
Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin.
Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.
Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon.
Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan,
kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.”
Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong,
dahil wala na akong magawa.
Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin,
dahil silaʼy mas malakas sa akin.
Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito,
upang akoʼy makapagpuri sa inyo.
At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko,
dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, Panginoon.

📕 Pagbasa
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan,

13 Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang takdang oras ng


kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga
tagasunod na nasa daigdig, at sila'y minahal niya hanggang sa wakas.
2 Pagsapit ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote,
na ipagkanulo niya si Jesus. 3 Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong
kapangyarihan; at alam niyang siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. 4 Kaya't siya'y
tumayo mula sa hapag, nag-alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa
baywang. 5 Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang
mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanyang baywang.
6 Paglapit niya kay Simon Pedro, sinabi nito sa kanya, “Panginoon, huhugasan n'yo ba ang
aking mga paa?”
7 Sumagot si Jesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, ngunit mauunawaan
mo rin pagkatapos.”
8 Muling nagsalita si Pedro, “Hinding-hindi ninyo huhugasan ang aking mga paa!” Ngunit
sinabi ni Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin.”
9 Dahil dito'y sinabi ni Simon Pedro, “Kung gayon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati
na rin ang aking mga kamay at ulo!”
10 Sumagot si Jesus, “Ang nakapaligo na ay hindi na kailangang hugasan pa [maliban sa
kanyang mga paa],[a] sapagkat malinis na ang buo niyang katawan. At kayo'y malinis na,
subalit hindi lahat kayo.” 11 Dahil alam na ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kanya
kaya sinabi niyang malinis na sila, subalit hindi lahat.
12 Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot ang kanyang
balabal at nagbalik sa kinaupuan niya. Sinabi niya sa kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung
ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo,
sapagkat ganoon nga ako. 14 Kung ako ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng
inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa. 15 Binigyan ko kayo
ng halimbawa upang inyong tularan.

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🧘‍♀️ Pagninilay
🎵 Sa Pagmamahal (Ubi Caritas)

🎵 Ingatan Ako Diyos (Behüte mich, Gott)


🔕 Katahimikan
🙏 Panalangin ng Bayan
Namumuno: HESUS NA TAGAPAGGALING, IPINAKITA MO ANG IYONG
PAGIGING MAPAGMAHAL SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAGALING SA BAWAT ISA
SA AMIN. TULAD MO, KAMI NAWA’Y MAKAPAGBIGAY RIN NG PAGMAMAHAL SA
AMING KAPWA SA PAMAMAGITAN NG PAGKALINGA SA KANILA SA ORAS NG
PANGANGAILANGAN. SA BAWAT PANALAGING ATING ITUTUGON

B: “HESUS NA MAAWAIN, PAGALINGIN MO KAMI AT ANG BUONG MUNDO .”

1. Para kay Papa Francisco, nawa’y bigyan Mo siya karagdagang lakas upang patuloy
na maglingkod sa iyo at sa Inang Simbahan. Aming dinarasal.
2. Para sa mga Lider ng aming pamahalaan, nawa’y sila ang magsilbing mabuting
halimbawa ng tapat na paglilingkod, may malasakit lalo na sa lubos na
nangangailangan, tulad ng Iyong ginagawa para sa aming lahat. Aming dinarasal.
3. Para sa ating bansa at sa buong mundo, na humaharap sa pandemya ngayon,
nawa’y magkaroon na ng agarang solusyon at lunas sa sakit ng Covid 19, Aming
dinarasal.
4. Para sa mga taong may karamdaman, nawa’y patuloy silang magkaroon ng pag-asa
sa pamamagitan ng pagtitiwala na si Hesus ang kanilang manggagamot at
tagapangalaga. Aming dinarasal.
5. Para sa ating lahat. Upang sa pagsubok, huwag panghinaan. Ilagay sa isip at
kalooban. Pag-ibig ng Diyos ang siyang sandigan. Aming dinarasal.

Namumuno: AMANG MAKAPANGYARIHAN, SALAMAT PO SA IYONG PUSONG


MAPAGKALINGA. MAGING KARAPAT-DAPAT NAWA KAMING TUMANGGAP NG
IYONG AWA AT MATUTONG TUMULONG SA MGA TAONG NANGANGAILANGAN.
IKAW NA NABUBUHAY AT NAGHAHARI MAGPASAWALANG HANGGAN.

AMEN

➕ Ama Namin
🙆‍♂️Pangwakas na panalangin
Lahat:

Diyos Ama namin, lumalapit kami sa iyo


para sa aming kahilingan na kami ay iyong proteksyunan
laban sa COVID-19 na kumitil na ng maraming buhay
at nakaapekto na sa sangkatauhan
Gabayan mo ang bawat isa samin
Sa pagharap sa panigangong mundong dala ng COVId-19
Nawa ay ilayo niyo kami sa sakit at panganib
Gabayan mo po ang mga kawani ng pamahalaan
at ang mga nasa pribadong institusyon sa kanilang paghahanap ng lunas
Upang masugpo ang epidemyang ito.
Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga naapektuhan
Nawa ay hilumin mo po ang kanilang karamdaman.
Ipagkaloob mo po nawa sa amin
ang iyong biyaya upang kami ay patuloy na makagawa
ng kabutihan para sa lahat
at makatulong sa lahat ng mga nangangailangan
Ipinapanalangin po namin ito,
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristong Iyong anak,
na nabubuhay at naghahari
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen

🎵 Diyos Pabalingin Mo (Aber du Weißt den Weg für mich)


🎵 Sa Diyos Magpapasalamat (El Senyor)

You might also like