Professional Documents
Culture Documents
ESP9 Modyul 1 FINAL
ESP9 Modyul 1 FINAL
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1
Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot saKagawaran.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1
Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iv
Alamin
“Marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo.” Naalala mo
pa ba ang mga linyang ito mula sa awit na “Batang Bata Ka Pa” na inawit ninyo
noong nasa Baitang 7? May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaaring
pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon at nagbabago ang
maraming bagay. Darating talaga ang pagkakataong mas mahalaga para sa isang
kabataang katulad mo ang makialam.
1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong may iisang layunin at nag-uugnayan
sa isa’t isa sa pamamagitan ng pinagkasunduang sistema at pamamaraan?
A. Lipunan C. Institusyon
B. Komunidad D. Pamahalaan
4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi
itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Sino ang nagwika
nito?
A. Aristotle C. Bill Clinton
B. St. Thomas Aquinas D. John F. Kennedy
2
Aralin
Layunin ng Lipunan:
1 Kabutihang Panlahat
Nang nilikha ng Diyos ang unang tao sa mundo, nakita Niya na hindi
magiging maligaya at makabuluhan ang buhay nito kung walang makakasama.
Dahil dito nilikha Niya ang unang babae upang maging katuwang nito sa
pagsasagawa ng misyong ninais Niya para sa tao. Subalit hindi sapat na sila
lamang dalawa. Pinagbilinan silang humayo at magpakarami.
Balikan
PIYESTA MUNISIPYO
OPISYAL UNIBERSIDAD
LIPUNAN
MGA PANINIWALA
ADHIKAIN
PAMAHALAAN
3
Para sa iyo ano ang kahulugan sa lipunan? Ano pa ang mga maidaragdag mong mga
salita o simbolo na kaugnay ng iyong konsepto ng lipunan? Alin ang may
pinakamalaking na epekto sa iyo bilang miyembro ng lipunan? Bakit?
Tuklasin
Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Hindi lamang sa ating
bansa kundi maging sa buong mundo ay mapapansin ang hindi pagkakasundo o
alitan ng mga tao. Hindi lamang mga kalahok sa Miss Universe ang maaaring
mangarap ng kapayapaan sa mundo. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming
tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan, at marahil ay isa ka
sa mga ito.
GISING, JUAN
EL Estranghero
4
O may kailangang may isa uling manindigan para sa lahat?
Isang taong tatayo para ipaglaban ang ating bayan.
Kailangan bang muling may magbuwis ng buhay
Para magising, nahihimlay na dugong makabayan,
Para lamang matuto tayong muli na lumaban?
Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng may-akda? Ipaliwanag.
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na
lipunan? Ipaliwanag.
5
3. Para sa iyo, ano ang mukha ng isang matiwasay na lipunan? Ilarawan o
iguhit ito sa loob ng kahon sa ibaba.
6
Suriin
Ang bawat institusyon ng lipunan ay may ipinasusunod na batas, gawain,
kaugalian at paniniwala. Ilan sa kanila ay makikita sa mga isyu sa ibaba. Suriin ang
nasabing isyu at ipahayag ang iyong opinyon sa klase kung ang mga ito ay may
moral na batayan at nagpapaunlad ng ispiritwal na buhay kaya’t dapat ipagpatuloy .
Pagsusuri
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpapasya ng iyong paninindigan?
Ipaliwanag
2. Ano – ano ang mga tungkulin ng bawat institusyon ng lipunan?
3. Sa iyong pagsusuri sa mga gawain, kaugalian, batas at paniniwala ng mga
institusyon, makatutulong kaya ang mga ito upang marating o makamtan mo
ang iyong tunguhin bilang tao? Bakit?
4. Paano napapaunlad o nahahadlangan ng mga ito ang ispiritwal at moral na
buhay ng mga Pilipino?
7
Pagyamanin
Ang buhay ng tao ay panlipunan. Kalooban ng Diyos na ang tao ay sosyal
kung kaya likas sa kanya na makipag – ugnayan sa ibang tao at bumuo ng samahan
o lipunan. Walang sinomang tao ang maaaring mabuhay para sa kanyang sarili
lamang. Kinakailangan niyang makibahagi at mamuhay sa lipunan. Isa ito sa mga
itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas.
PAMILYA. Simula at batayan ng lipunan . Dapat itong maging bahagi hindi lamang
ng pagdaragdag ng mga kasapi ng lipunan kundi maging sa pagpapalaki at
paghubog ng mga kasaping ito upang maging mga katuwang sila sa pagsasaayos ng
lipunan.
8
at kakayahan para siya ay magkaroon ng masagana, matagumpay at maunlad na
buhay.
Samakatwid, kung ang kabutihang panlahat ang hangad ng tao kaya sila
bumuo ng lipunan, dapat magkatugma ang personal na kabutihan at panlipunang
kabutihan upang matamo ang ganap na kabutihan
9
Ganap na
Kabutihan
(Diyos)
Kabutihang Panlahat
(Lipunan)
Pansariling Kabutihan
(Kasapi)
10
3. Ang kapayapaan (Peace) Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang
pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat
ng aspeto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan
at iba pa. Subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang
ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay
indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at
seguridad ng makatarungang kaayusan.
11
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
12
pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang panlahat. Ang
dalawang pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang
kanyang tunay na layunin at tunguhin.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Hindi
magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi
naigagalang ang pangunahing karapatan ng tao. Ang karapatan ang
nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay – pantay.
Hangga’t nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong
hindi pa ganap ang pagsasaalang – alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.
13
Tayahin ang iyong Pag – unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong:
Isaisip
14
Paghihinuha ng Batayang Konsepto
ay mga
pwersang
magpapatatag
sa sa
pamamagita
n ng... _______________
15
Isagawa
16
Tayahin
A. Sabihin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong may iisang layunin at nag –
uugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pinagkasunduang sistema at
pamamaraan?
A. Lipunan C. Institusyon
B. Komunidad D. Pamahalaan
4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Sino
ang nagwika nito?
A. Aristotle C. Bill Clinton
B. St. Thomas Aquinas D. John F. Kennedy
17
5. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat
maliban sa:
A. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili
kaysa sa nagagawa ng iba.
D. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
tumatanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.
Ano – ano ang mga Ano ang aking Ano – anong hakbang ang
konsepto at kaalamang pagkaunawa at aking gagawin upang
pumukaw sa akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong
ito? ito sa aking buhay?
18
19
Tayahin Subukin
A.
1. A
1. MALI
2. D
2. TAMA
3. MALI 3. A
4. MALI 4. D
5. MALI 5. B
B.
1. A
2. D
3. A
4. D
5. B
Susi saPagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat:
Twila G. Punsalan, Sylvia T. Caberio, Myra Villa D. Nicolas, Wilma S. Reyes (2007),
Kaganapan sa Paggawa III, Quezon City: Rex Printing Company, INC.
Mula sa Internet:
http://clipart-library.com/clip-art/silhouette-of-people-holding-hands-22.htm
https://www.pinclipart.com/maxpin/JRhoi/
20
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon