Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Z est for P rogress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin(Tula: Sandalangin)

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikawalong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Tula: Sandalangin
Unang Edisyon 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Shyrl Z. Tano/Ceilo Faith V. Guia

Editor: Michel P. Enero/Ronna B. Laranjo

Tagalapat: Franklin E. Benitez

Tagapamahala:

Virgilio P. Batan Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent

Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor - Filipino

Ronillo S. Yarag - Education Program Suervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo - Program Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818 E-mail
Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa modyul na ito maipapamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang


nilalaman sa asignatura na ito sa pangkalahatan. Dito malalaman ang dapat
gawin sa pagsulat ng isang sulatin at kung papaano ang kanilang mga ideya
ay maiuugnay sa pangungusap. Sa pagtatapos ng leksyon na ito,
maiintindihan, amtututo, malalaman ang kahalagahan at makakasulat ng
isang panimulang pananaliksik.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang Naisusulat ang sariling tula sa
pag-unawa sa mga akdang alinmang anyong tinalakay tungkol sa
pampanitikang lumaganap sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan
Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa Kasalukuyan

Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a.) Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan MELC (F8PN-IIi-j-27)


b.) Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang
anyo ng tula MELC (F8PB-IIi-j-28)
c.) Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika
at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay, gamit
ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan MELC(F8PU-IIi-j-29)

Aralin
6
Tula: Sandalangin

Balikan
Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang tungkol sa Pang-uri at Kaantasan Nito.

Mga Katanungan:

1. Ano ang Pang-uri at ang mga kaantasan nito?

1
2. Paano ginagamit ang Pang-uri at ang kaantasan nito sa pagbuo
ng pangungusap?

Tuklasin
Sa modyul na ito ay mabibigyang interpretasyon ang tulang
napakinggan, maihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa
iba pang anyo ng tula at pagsulat ng isang orihinal na tulang may masining
na antas ng wika at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong
tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

Gawain: (Gawaing papel)

Sa pamamagitan ng Word Concept ay bigyan ninyo ng sariling kahulugan


ang tula.

2
TULA

Suriin

Ano nga ba ang tula?

Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-


guni, pinararating sa ating damdamin at pinahahayag sa pananatiling may
angking aliw-iw.

SANGGUNIAN: https://quizlet.com/104748187/ang-kahulugan-ng-tula-at-ang-
mgaelemento-atmga-uri-ng-taludturan-nito-flash-cards/

Basahin at unawain ang tula.

3
Sandalangin
Joey A. Arrogante

Heben, mulang ikosa Mo ako,


sa pagkaklase ba.
Pero nang magdisaper Ka,
nagkawatak-watak lahat
Kasalanan ko!
Sinira ng pagwawala ko
ang pagtitiwala Mo
Pati ng barkada
kaya sising-alipin ako.
Ang laki ng naging kapalit sa
binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ulo ko
sa kamalasan,sa problema;
naging demonyo ako, kaaway ng
lahat- ng bahay, ng gobyerno, ng
simbahan.
Ayoko na!
Hindi na kaya ng
aking konsiyensiya.
Ang hirap palang wala Ka!
Sori Among!
Patawad!

Alam kong di-mapipiyansahan ang mga atraso ko sa 'Yo.


Alam ko ring walang duda matutukso pa ako
dahil di-mabunot-bunot ang damo
na tumubo at sumakal sa kalooban ko, sa mundo ko na
nagpapadilim sa tinatakbuhan ko,
kaya nagbabalik-luhod ako Sa’yo
kahit basag na ang pula ko,
kahit basa na ang papel ko.

Isang pakiusap
pakinggan Mo sana:
pabawiin Mo naman ako,
minsang tsansa na lang ba?

Itong-ito na lang!
kailangang-kailangan ko kasi
at wala na akong matatakbuhang iba
na makikinig,

4
na makakaintindi.
Ikaw na lamang.

Sige na naman!
pagbigyan Mo na ako
para naman mahulug-hulugan ko ang
mga atraso ko Sa’yo
at sa kanilang lahat.

Kung gusto Mo, para mabawasan ang galit Mo,


pulbusin Mo ang dibdib ko nang maisuka ko
na rin
ang lason sa katawan kong ito

Maawa Ka na, Manong!


Tulungan Mo ako!
Pagalingin Mo ako!
Baguhin Mo ako!

Ang toyo’t talangka sa ulo ko


pakialis Mo!
kahit papaano
makalakad lang uli ako nang diretso.

Maawa Ka na, Manong!


Tanggapin Mo uli ako
kahit di na kakosa,
Maski kakilala na lang basta.
Sige na naman!
Ibigay Mo na sa ‘kin ang adres Mo
at hahanapin ko ang bahay Mo at
oras na makita ko
ipinangangako ko Sayo:

Sasambahin ang ngalan Mo,


Susundin ang loob Mo,
Dito sa lupa…para…
Patawad Diyos ko!

5
ANO ANG MGA ANYO NG TULA?

(1) Tradisyunal – ito ay tulang may sukat at tugma. Ang mga


salitang kadalasang ginagamit sa pagbuo nito ay mga salitang
may malalalim na kahulugan.
(2) Berso Blangko – ito ay tulang may sakto ngunit walang tugma.
(3) Malayang Taludturan – ito ay anyo ng tula na walang sukat at
wala rin tugma. Ito ang siyang tinuturing na modernong anyo ng
panunula.

MGA ELEMENTO NG TULA

1. Sukat
- Isa sa mga mahahalagang elemento ng tula ang sukat o ang bilang ng
mga pantig sa bawat taludtod ng saknong. Karaniwang gamitin ang
labindalawa, labing-anim, at ang labingwalong pantig.

Halimbawa:

da / tap / wa’t / ang / pi / si’y ti / ba / yan / mo / a / nak


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

at / ba / ka / la / gu / tin ng ha / nging / ma / la / kas


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ang halimbawang mababasa sa itaas ay mula sa tulang “Ang
Guryon” na may sukat na lalabindalawahing pantig. Kapag binasa
ang bawat taludtod ay nagkaka-roon ng saglit na tigil sa gitna o sa
ikaanim na pantig. Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na sesura.

2. Tugma
- Isa sa pinakamahalagang element o sangkap ng tula ay ang
pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling
salita ng taludtod. Tinatawag itong tugma. Ang panghuling pantig sa
dulo ng taludtod, pagkatapos ng ikaanim na pantig o katinig at
binibigkas nang mabilis, malumanay, may impit sa lalamunan.

3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay o Idyoma)


- Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita
upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. Ang mga
sumusunod ay mga halimbawa ng mga pangungusap na nagtataglay
ng matalinhagang pahayag o salita.

Halimbawa:

6
a.) Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
b.) Bumaha ng dugo nan gang bayan ay lumaya.
c.) Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.

4. Larawang-diwa (Imagery)
- Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

Halimbawa:
Kung ang baying ito’y mapapasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

5. Simbolismo (Symbolism)
- Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan
ng mambabasa.

Halimbawa: puno – buhay tinik – pagsubok /


hirap
ilaw – pag-asa Bathala – panginoon

6. Kariktan
- Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang
hanayhanay ng mga talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-
sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin matatawag na tula
kung hindi nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at
tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili
ang mga salita, kataga, parirala, imahen o larawang-diwa, tayutay o
talinhaga, at mensaheng taglay na siyang lalong nagpapatingkad sa
katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon
ng bumabasa.

Kaantasan ng Wika

May dalawang kaantasan ang mga salita. Ito ay pormal at ang impormal o
di pormal na mga salita. Ginagamit ang pormal na mga salita sa paaralan at
sa iba pang may kapaligirang intelektuwal. Ito ang salitang pamantayan
dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng karamihang nag-aral sa
wika.

7
Samantala, ang di pormal na mga salita ay karaniwang ginagamit sa pang-
araw-araw na paikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o
kaibigan. Gaya ng nabanggit sa itaas, ito ginagamit ng magkakabayan,
magkakapamilya, o magkakabarkada na nagkakaunwaan ng wikang
sinsalita ng bawat isa.

Mga Katanungan…..
Kayang-kaya ko ‘to!

1. Ano ang sukat ng una at ng ikalawang taludtod sa unang saknong ng


tula?
2. Paano malalaman ang sukat ng isang tula?
3. Ano ang tugmang ginamit sa saknong 3?
4. Aling saknong ang ginagamitan ng talinghaga?
5. Ano-ano ang mga simbolismomg ginamit ng may-akda?
6. Ilang saknong binubuo ang binasang tula?
7. Ano ang anyo ng tulang “Sandalangin”? 8. Gaano kahalaga ang mga
anyo at elemento ng isang tula?

Pagyamanin
Sulong para sa Tagumpay!

Gawain 1: (Gawaing papel)

Basahin at suriin ang ilang taludtod na hango sa tulang binasa.


Ibigay ang iyong sariling interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga ito.
Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Heben, mulang ikosa Mo ako, sa


pagkakaklase ba. Pero nang magdisaper
Ka, nagkawatak-watak lahat Kasalanan
ko!

8
2.Ang laki ng naging kapalit sa binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko, nasira pati ulo ko.

3.Alam kong di-mapipiyansahan ang mga


atraso ko sa ‘Yo Alam ko ring walang duda
matutukso pa ako dahil di-mabunot-
bunot ang mga damo na tumubo at
sumakal sa kalooban ko sa mundo

4.Kung gusto Mo, para mabawasan


Ang galit Mo,
Pulbusin Mo ang dibdib ko
Nang maisuka ko na rin
Ang lason sa katawang ito.

5.Maawa ka na Manong! Tulungan Mo


ako! Pagalingin Mo ako Baguhin Mo ako!
Ang toyo’t talangka sa ulo ko pakialis Mo!
Kahit paano makalakad uli ako nang
diretso.

Gawain 2: (Gawaing papel)

Masusing paghahambing ng mga tulang “Sandalangin” at ng “Ang


Guryon”. Basahin ang mga piling saknong ng mga tulang ito at pagkatapos
ay suriin ito batay sa hinihingi ng talahanayang makikita sa susunod na
pahina.

SANDALANGIN
Joey A. Arrogante

Ang laki ng naging kapalit sa


binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ulo ko
sa kamalasan, sa problema; naging
demonyo ako, kaaway ng lahat- ng
bahay, ng gobyerno, ng simbahan.
Ayoko na!
Hindi na kaya ng
aking konsiyensya.
Ang hirap pa lang wala Ka!
Sori, Among!
Patawad!

9
ANG GURYON
Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat a papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang
guryon momg ito ay pakatimbangin;
ang solo’ magt paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling;
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas.

Paghahambing ng mga Tulang “Sandalangin” at “Ang Guryon”

Sandalangin

Tula Anyo ng Sukat Tugma Mga


Tula Simbolismo

Ang Guryon

Gawain 3: (Gawaing papel)

Sumulat ng isang orihinal na tulang masining na may apat o higit pang


saknong sa alinmang anyo at elementong tinalakay, gamit ang paksang pag-
ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

Rubrik

10
Kriterya Puntos Natamong puntos
Orihinalidad 15
Anyo at mga elementong
10
ginamit
May kaugnayan sa paksa 10
Wastong gamit ng wika 5
Malinis at presentable 5
Pagkakabuo 45

Isaisip

Sa iyong paglalakbay ay malapit mo nang makamtan ang iyong


tagumpay. Ang an-gaan
ga ng feeling! Alam
konglubos mo ng naintindihan ang
ating leksyon pero may ibibigay pa akong mga katanungan na susukat sa
iyong kaalaman.

Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Tayahin:

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat sa


sagutang papel ang titik na nagtataglay ng tamang
sagot.

1. Ano ang anyo ng tula ang tulang “Sandalangin”?


A. tradisyunal
B. blangko berso
C. malayang taludturan

11
D. di-malayang taludturan

2. Ilang saknong binubuo ang binasang tula?


A. 10
B. 9
C. 8
D. 7

3. Ano ang mensahe na nais iparating ng may-akda?


A. pagwawalang-bahala sa diyos
B. pagbabalik-loob sa diyos
C. walang pagsisisi sa mga kamalian
D. huwag magpatawad sa kapwa

4. Suriin kung ilan ang sukat mayroon ang ikalawang taludtud na ito?

Sasambahin ang ngalan Mo,


Susundin ang loob Mo, Dito
sa lupa…para… Patawad
Diyos ko!

- Bahagi sa tulang Sandalangin

A. aaniming pantig
B. wawaluhing pantig
C. labindalawahing pantig
D. pipituhing pantig

5. Ano ang kaibahan sa anyo ng tulang “Sandalangin” sa tulang “Ang


Guryon”?
A. parehong tradisyunal
B. parehong blangko berso
C. di-magkapareho ang anyo
D. parehong malayang taludturan

6. Batay sa ikatlong saknong ano ang iyong sariling interpretasyon sa


tula?
A. nakikiusap sa Diyos
B. nagmamakaawa sa Diyos
C. nagmamahal sa Diyos

12
D. nagmamalimos sa Diyos

7. Ano ang kaibahan sa elemento ng tulang “Sandalangin” sa tulang


“Ang Guryon”?
A. magkapareho ang tugma
B. magkapareho sa sukat
C. parehong may talinghaga
D. parehong walang simbolismo

8. Sa pahayag na ito “Kung gusto Mo, para mabawasan ang galit Mo,
pulbusin Mo ang dibdib ko”. Ano ang ibig ipahiwatig sa
sinalungguhitang talinghagang ito?
A. palambutin ang puso
B. pagalitin ang puso
C. paamuhin ang dibdib
D. parusahan ang puso
II. Panuto: Sumulat ng isang orihinal na masining na antas ng wika
at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay
gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. 9-15 (7
puntos)

Rubriks
Natamong puntos
Pamantayan Puntos

Orihinalidad 3
Anyo ng tula 3
Malinis at presentable ang pagkasulat 1
Kabuuan 7 pts.

Isagawa/ Karagdagang Gawain

Galingan mo!

Gawain: (Gawaing papel)

Sumulat ng isang orihinal na tulang masining na may apat o higit


pang saknong sa alinmang anyo at elementong tinalakay, gamit ang
paksang pagibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

13
Rubriks
Pamantayan Puntos Natamong puntos

Orihinalidad 3
Anyo at mga Elementong ginamit 3
Malinis at presentable ang pagkasulat 1
Kabuuan 7 pts.

Susi sa Pagwawasto

mag al
iskor -aarat
ng
rubrik
9-A . Base sa 15
8 .C
7 .A
6C .
5 .D
4 .B
3 .B
2 .C
1 aya
.
Pagtat

Sanggunian
Internet:

https://www.scribd.com/doc/67246925/Ano-Ang-Mga-Anyo-Ng-Tula
8/31/2020
https://quizlet.com/104748187/ang-kahulugan-ng-tula-at-ang-
mgaelemento-atmga-uri-ng-taludturan-nito-flash-cards/

Aklat:

14
Del Rosario, Mary Grace. Et al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017

15

You might also like