Filipino 4 Module 4 Q2 Remoral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Sanhi at Bunga… 111

Title: Polangui Radyo Eskwela sa Filipino 4

Topic: SANHI AT BUNGA

Format: School-On-The-Air

Length: 30 minutes

Scriptwriter: Melanie O. Remoral

Layunin: Pagkatapos makinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 4 ay inaasahan
na nasasabi mo ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag, napakinggang teksto, at
napakinggang ulat.
1 DepEd on Air: Uswag Polangui! Kaagapay niyo sa pagkatuto, walang mahuhuli,
lahat matututo.
2 Intro DepEd in Air: Polangui Radyo Eskwela ng 107.9 MSC UP FOR 5 SECS

AND FADE UNDER

3 TAGAPAGDALOY: Magandang hapon Polangueños! Broadcasting live from the Land of

4 Polangui and Kalamay Festival. Ito ang, (hinto) Polangui Radyo Eskwela sa

5 107.9 LGU Polangui Radio and Internet TV. Uswag Polangui, Kaagapay

6 ninyo sa Pagkatuto: Walang Mahuhuli Lahat Matututo. (hinto)

7 Magandang hapong muli sa lahat! Lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng

8 ikaapat na baitang. Sa ating aralin sa araw na ito ay inaasahan naming masasabi

9 mo ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa tekstong binasa. Sa mga gawaing

10 inihanda para sa inyo ay tiyak naming magagawa ninyo ito. Alam kong nais niyo

11 nang matutunan ang ating leksyon sa hapong ito. Ako nga pala ang inyong

12 gurong tagapagdaloy, ng Cotnogan Elementary School. Ihanda na ang inyong

13 sarili upang lubos na maunawaan ang ating aralin. Siguraduhin lamang na

14 handa na ang inyong kuwaderno, ballpen at modyul sa Filipino Kwarter 2–

15 Modyul 4: Sanhi at Bunga, upang atin nang masimulan ang mga gawain sa

-MORE-
Sanhi at Bunga … 222

16 oras na ito. Makakasama natin si Gng. Melanie O. Remoral, mula sa Cotnogan

17 Elementary School, ang inyong guro na gagabay sa inyong pagkatuto sa

18 hapong ito.

19 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND FADE UNDER


1 GURO: Isang mapagpalang-araw muli sa inyo mga minamahal naming mag-aaral sa

2 Ikaapat na baitang! Kumusta kayo?(hinto)Handa na ba kayo sa isa na namang

3 masayang talakayan? (hinto) Ako nga pala ang inyong guro sa radyo –

4 Ma’am Melanie na gagabay sa inyo. Huwag kayong mag-alala, kayang-kaya

5 ninyo ito. Tinitiyak kong matutuwa kayo habang natututo. (hinto)

6 TAGAPAGDALOY: Paalala lamang po, para sa ating live viewers, maaari ninyong

7 icomment ang inyong mga kasagutan sa comment section ng ating Facebook

8 live o kaya naman ay maari ninyo itong itext sa numerong ____________. (hinto)

9 GURO: Sige, simulan na natin! (hinto) Mga bata naaalala niyo pa ba ang tungkol

10 sa ating nakaraang aralin? (Hinto) Ano ang inyong napag- aralan sa Modyul 3

11 (hinto)Tama, sa nakaraang aralin, natutunan ninyo ang pang-uri (slide 2)

12 (hinto) Ano nga muli ang pang-uri? (hinto) Tama kayo mga bata. (slide3)

13 Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa tao, lugar, bagay at

14 pangyayari sa sarili o sa ibang taong katulong sa pamayanan.(hinto)

15 Narito ang ilang halimbawa ng pang-uri. (hinto) Masipag… Maganda…

16 malaki…. Mabango…palaaway… (hinto) Iyan ay ilan lamang sa mga

17 halimbawa ng pang-uri. (hinto) Ngayon ay nalaman niyo na kung ano ang

18 pang-uri at mga halimbawa nito, maaari na nating simulan ang ating bagong

19 aralin. Ito ay patungkol sa Sanhi at Bunga. (hinto) Bago natin ito gawin,

20 alamin muna natin ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa

-MORE-
Sanhi at Bunga … 333

21 araling ito. (hinto) Handa na ba kayo mga bata? (hinto)

22 TAGAPAGDALOY: Buksan ang inyong modyul sa ikalawang pahina. Para sa ating live

23 viewers, maaari ninyong icomment ang inyong mga kasagutan sa comment

24 section ng ating Facebook live o kaya naman ay maari ninyo itong itext sa

25 numerong ____________. (hinto)

26 GURO: Simulan na nating alamin ang kahulugan ng bawat salitang makikita rito.

27 (hinto) Ang unang salita ay (slide4) SANHI. (hinto) Ano kaya ang kahulugan

28 ng salitang ito? (hinto) Tama kayo mga bata. (click) Ang Sanhi ay ang dahilan

29 ng pangyayari. Ito rin ang unang nangyari sa pangungusap. (click) Ikalawang

30 salita…BUNGA. Alam niyo ba ang kahulugan nito mga bata? (hinto)

31 Magaling! Ito ay ang epekto ng pangyayari. (hinto) Ang Ikatlong salita ay

32 (click) NAGBABADYA… Ano naman kaya ng ibig sabihin nito? (hinto)

33 Tama kayong muli mga bata! Ang ibig sabihin nito ay (click) nagbabanta.

34 Ang susunod na salita ay (click) MAKULIMLIM. Ano naman ang kahulugan

35 nito? (hinto) Talagang magagaling kayo mga bata! Tama na naman ang

36 inyong sagot! (click) Ang ibig sabihin ng makulimlim ay maulap, at parang

37 uulan ang panahon. (hinto) At ang huling salita ay KASAMAANG-PALAD.

38 (hinto) Ano ang kahulugan nito? (hinto) Tama mga bata! Ito ay

39 nangangahulugang (click) kung minamalas o nasa masamang kalagayan.

40 (hinto) Ngayon ay nalaman niyo na ang kahulugan ng bawat salita, maaari

41 na nating ipagpatuloy ang ating aralin. Ngunit Bago ito, subukin muna nating

42 alamin kung ano ang alam nyo na sa ating leksyon sa araw na ito. (hinto)

43 Tingnan ang mga larawan. (slide5) Alin sa dalawa ang nagpapakita ng sanhi?

44 (hinto) Tama kayo mga bata ang unang larawan ang nagpapakita ng sanhi.

-MORE-
Sanhi at Bunga … 444

55 (slide6) Alin naman dito ang nagpapakita ng bunga? (hinto) Tama kayong

46 muli mga bata ang unang larawan ang nagpapakita ng bunga. Ang gagaling

47 ninyo talaga! (hinto) Mga bata may babasahin akong kwento para sa inyo.

48 (hinto) Buksan ang inyong modyul sa ikaapat na pahina. (hinto) Sisimulan

49 ko na ang pagbabasa. (hinto) (slide7) Isang araw sinabihan si Mike ng

50 kaniyang ina na magdala ng payong sapagkat nagbabadya ang ulan dahil sa

51 makulimlim na kalangitan. Dahil sa pagmamadali ni Mike ay hindi niya na

52 inintindi ang bilin ng kaniyang ina at dali-daling lumabas ng bahay. Habang

53 naglalakad si Mike mga ilang metro na ang nilakad mula sa kanilang bahay ay

54 biglang bumuhos ang malakas na ulan. (slide8) Sa kasamaang palad, wala siyang

55 dalang payong na panangga sa ulan kaya naman dali-dali itong tumakbo para

56 sumilong. Dahil dito, umuwi si Mike na nilalagnat sapagkat siya ay nabasa ng

57 ulan. Hayan mga bata. Tapos na nating basahin ang kwento. Sagutin nga natin

58 ang mga sumusunod na tanong. (hinto) (slide9) Unang tanong, Bakit

59 sinabihan si Mike ng kaniyang ina na magdala ng payong? (hinto) Magaling!

60 Tama ka ____ at ____. (click) Dahil nagbabadya ang ulan. (hinto) Sunod na

61 tanong, babasahin ko sa inyo ang isang tula. (hinto) (click) Ikalawang tanong,

62 Bakit hindi inintindi ni Mike ang bilin ng kanyang ina? (hinto) Tama kayo

63 ___ at _____ ang sagot ay, (click) Dahil sa kanyang pagmamadali. Ang

64 galing-galing naman!(hinto)Mga bata ang salitang (Slide10)dahil at sapagkat

65 sa kwentong binasa ay tumutulong sa pagkilala ng sanhi o dahilan. (hinto)

66 Narito ang ilan pang halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng

67 sanhi. Ang mga ito ay nakasalungguhit. (slide11) Una, Napilay ang bata

68 sapagkat siya ay nasagasaan. (ulitin ang mga salitang may salungguhit)

-MORE-
Sanhi at Bunga … 555

69 (hinto) (click) Ikalawa, Masaya si Delfin dahil ibinili siya ng bagong damit ng

70 kanyang ina. (bigkasing muli ang mga salitang may salungguhit) (hinto)

71 (click) at ang huli ay, Umiiyak ang sanggol dahil siya ay nagugutom.

72 (bigkasing muli ang mga salitang may salungguhit) (hinto) Pag-aralan at

73 sagutin naman natin ang sumusunod na tanong base sa binasa nating kwento.

74 (hinto) (slide12) Ano ang bunga o epekto nang biglang bumuhos ang malakas

75 na ulan? (hinto) (click) Kaya tumakbo si Juan para sumilong. Tama kayong

76 muli mga bata! (click) sunod na tanong. Ano ang nangyari kay Mike matapos

77 mabasa sa ulan? (hinto) (click) Kaya siya ay nilagnat. Tama kayong muli __at

78 __ (hinto) Ngayon ay pag-aralan natin ang mga pangungusap na aking

79 ipapakita. Ang mga bahaging may salungguhit ay nagbibigay ng BUNGA o

80 EPEKTO. (hinto) (slide13) Una, Namatay ang ilaw kaya napasigaw siya.

81 (bigkasing muli ang mga salitang may salungguhit) (click) Ikalawa, Masipag

82 siya kaya umunlad ang kanilang pamumuhay. (bigkasing muli ang mga

83 salitang may salungguhit) (click) Nanood sila ng sine kaya ginabi sila sa pag-uwi.

84 (bigkasing muli ang mga salitang may salungguhit) (hinto) (slide14) mga bata

85 Ang salitang kaya ay sumasama sa bahaging nagbibigay ng bunga o epekto. (hinto)

86 Andyan pa ba kayo mga bata? (hinto) Ipagpatuloy na natin ang ating aralin.

87 (hinto) Ngayon ay aalamin na natin ang kahulugan ng Sanhi at bunga.(hinto)

88 (slide15) Ang SANHI ay ang dahilan ng pangyayari. Ito ang unang nangyari

89 sa pangungusap. (hinto) (slide16) Ang BUNGA ay ang epekto o resulta ng

90 pangyayari. Ito ang huling nangyari sa pangungusap. (hinto) (slide17) Ang

91 BUNGA ng isang pangyayari ay naayon sa SANHING ibinigay. (hinto)

-MORE-
Sanhi at Bunga … 666

92 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND FADE UNDER


1 Ngayong alam na alam na natin ang ibig sabihin ng sanhi at bunga,

2 ipagpatuloy na natin ang pagsagot sa Pagsasanay 1 sa pahina 12 ng inyong

3 modyul. (hinto) Ito ang dapat ninyong gawin. (slide18)Basahin ang sumusunod na

4 mga pangungusap. Gumawa ng dalawang hanay sa iyong sagutang papel tulad

5 ng ipinakikita rito. Isulat sa tamang hanay ang Sanhi at Bunga ng mga

6 pangungusap sa bawat bilang. Babasahin ko muna ang mga pangungusap at

7 pagkatapos ay maaari na kayong magsimulang sumagot.(hinto)(slide19)

8 Unang pangungusap, Nakabasag ng pinggan si Lorna kaya nagalit sa kaniya ang

9 nanay. (hinto) (click) Ikalawang pangungusap, Pinutol na ang mga puno sa bundok

10 kaya bumabaha.(hinto) (click) Ikatlo, Laging dinidilig ang halaman kaya ito ay

11 malago.(hinto) (click) Ikaapat na bilang, Giniginaw ang bata sapagkat malamig ang

12 panahon.(hinto)(click) At ang huli ay Maagang pumasok si Boyet kaya hindi siya

13 nahuli. (hinto) Hayan, natapos na nating basahin ang mga pangungusap!

14 Tapos na po ba mga bata? (hinto) Maaari kayong magcomment ng thumbs up

15 kung kayo ay tapos na. Hayan tapos na si ___ at ____. Ang gagaling niyo

16 talaga mga bata! (hinto) Iwasto ang inyong mga sagot batay sa ipapakita ko sa

17 screen. (hinto) (slide20) Kung parehas ang sagot niyo sa ipinakita ko, dapat ay

18 may 10 iskor kayo. Pakicomment nga po ang nakuha ninyong nakuhang iskor.

19 (hinto) Ang gagaling ninyo talaga kids! Matataas ang nakuha ninyong iskor sa

20 ating pagsasanay. (hinto) At Upang lubos na maunawaan ang pagsasabi ng

21 sanhi at bunga, isagawa nyo ang sumusunod na gawain. (hinto) Unahin natin

22 ang A. (hinto) (slide21) Basahin ang ibinigay na bunga. Piliin ang letrang

23 angkop na SANHI at isulat sa iyong sagutang papel. (hinto) (slide22)

-MORE-
Sanhi at Bunga … 777

24 1. Nagdurugo ang kaniyang paa. (hinto) A. Sapagkat nakatapak siya ng bubog.

25 B. Sapagkat nakagat ng langgam ang kanyang paa. C. Sapagkat hindi siya

26 makakain. Ano ang tamang sagot? (hinto)Ang tamang sagot ay titik A.(hinto)

27 Magaling kayo ___at ___ (hinto) (slide23) 2. Maraming banderitas sa paligid.

28 (hinto) A. Dahil sa may darating na bagyo. B. Dahil sa may pista. C. Dahil sa

29 may sunog. Ano ang tamang sagot? (hinto) Ang tamang sagot ay titik B.(hinto)

30 Tama kayo __at__(hinto) (slide24)3. Kailangan ni Aurea ng lapis at papel.(hinto)

31 A. Sapagkat siya ay magluluto. B. Sapagkat siya ay susulat ng liham.

32 C. Sapagkat siya ay maliligtas (hinto) Ano ang tamang sagot? (hinto) Ang

33 tamang sagot ay titik B.(hinto) Tama kayong muli ___at___ (hinto) Ilan ang

34 nakuha ninyong iskor sa Pagsasanay A. Maaari ninyong icomment ang inyong

35 iskor sa comment section. (hinto) Magaling! 3 ang nakuhang iskor ni __at___.

36 (hinto) Tumungo naman tayo sa Pagsasanay B. (hinto) Piliin ang angkop na

37 BUNGA para sa sumusunod na dahilan. (hinto) (slide25) 1. Si Purita ay

38 mabait at matalino. (hinto) A. Kaya siya ay napupuri ng kanyang guro.

39 B. Kaya siya ay napapagalitan ng guro. C. Kaya siya ay walang kaibigan.

40 (hinto) Ano ang tamang sagot? (hinto) Ang tamang sagot ay titik A.(hinto)

41 (slide26) 2. Kaarawan ngayon ng aking ate.(hinto) A. Kaya pinaglinis siya ng

42 bahay. B. Kaya pinagluto siya ng suman at pansit. C. Kaya pinagalitan siya ng

43 nanay.(hinto)Ano ang tamang sagot? (hinto) Ang tamang sagot ay titik B.(hinto)

44 (slide27) 3. Si Aris ay matigas ang ulo. (hinto) A. Kaya siya pinagsabihan ng

45 kaniyang ina. B. Kaya natuwa sa kanya ang kaniyang ina. C. Kaya binigyan

46 siya ng pera ng kaniyang ina.(hinto) Ano ang tamang sagot? (hinto) Ang

47 tamang sagot ay titik A.(hinto) Natapos na natin ang panapos na gawain B.

-MORE-
Sanhi at Bunga … 888

48 Tingnan ko nga kung ilan ang nakuha ninyong iskor sa sa B. Icomment nga

49 ang inyong mga iskor. Wow! 3 ang nakuhang iskor ni ___at___. Magaling

50 mga bata! Matataas ang nakuha ninyong iskor! (hinto)

51 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND FADE UNDER


1 GURO: O, diba nakaya mong gawin ang mga pagsasanay sa ating aralin. (hinto)

2 Alam na alam mo na rin ang Sanhi ay ang dahilan ng pangyayari at ang bunga

3 ay ang epekto nito.(hinto)Ang huhusay ninyo talaga mga bata!Madali ninyong

4 naunawaan an gating leksyon sa hapong ito. (hinto) At para naman sa inyong

5 (slide28) Karagdagang gawain(hinto) Para hindi mo makalimutan, magsanay

6 ka pa. (hinto) Sumulat ng limang panngungusap na nagpapakita ng sanhi at

7 bunga ng mga pangyayari. Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga. (hinto)

8 Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at

9 napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ang husay mo kid!

10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND FADE UNDER

1 GURO: Taos puso ko po kayong binabati sa matagumpay nating talakayan ngayong

2 hapon. Masaya ako na madali ninyong nasagutan ang ating mga gawain. At sa

3 mga natitira pa nating mga pagsasanay, alam kong matatapos niyo rin ito

4 kaagad. Kung may hindi naunawaan, humingi ng tulong sa inyong mga

5 tagagabay. (hinto) Tandaan nating muli, na Ang BUNGA ng isang pangyayari

6 ay naayon sa SANHING ibinigay. Kung ang SANHI ay mabuti ang BUNGA

7 ay mabuti rin. Kung ang SANHI ay masama ang BUNGA ay masama rin.

8 (hinto) Nararapat lamang mga bata na maging maingat tayo sa mga bagay na

9 ginagawa natin. Paka-isiping mabuti bago tayo magdesisyon ng anumang

10 bagay. Makasampung ulit natin itong isipin upang di tayo mapahamak,

-MORE-
Sanhi at Bunga … 999

11 magkamali o makasakit ng ating kapwa. Maging responsable tayo sa

12 anumang hakbangin. (hinto) Sa muli, ako ang inyong guro sa radyo,

13 Gng. Melanie O. Remoral ng Cotnogan Elementary School.

14 Maraming salamat sa inyong pakikilahok. (hinto)

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND FADE UNDER

1 TAGADALOY: Ngayong tapos na ang ating aralin, oras na para lalo pa nating hasain

2 at pagyamanin ang ating kakayahan sa pagbigkas ng tula .Basahin ang mga

3 natitirang aralin sa ating modyul at sagutan ang mga gawain kasama ang

4 inyong tagagabay. Tandaan, basahing mabuti at unawain ang mga panuto bago

5 ito sagutan. Mula sa bulwagan ng 107.9 LGU Polangui Radio and Internet TV,

6 (hinto) ako ang inyong tagapagdaloy si Gng. _______________ ng Cotnogan

7 Elementary School. Humanda na ang ating mga mag-aaral sa ikalima na

8 baitang dahil susunod na si Teacher April David ng La Medalla Elementary

9 School ang inyong guro sa radyo sa Arts 5. Salamat mga bata! Paalam!.

10 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

You might also like