Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO9 Q3 WK1 DIANNEMOVILLA GUISGUISNATIONALHIGHSCHOOL Paghahambingngteksto 1
FILIPINO9 Q3 WK1 DIANNEMOVILLA GUISGUISNATIONALHIGHSCHOOL Paghahambingngteksto 1
FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paghahambing ng mga Binasang Teksto
Ikatlong Markahan - Unang Linggo
1|Pahina
FILIPINO – 8
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paghahambing ng mga Binasang Teksto
Ikatlong Markahan - Unang Linggo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
Panimula
Kasanayang Pampagkatuto
Mga Layunin
1|Pahina
2. naibabahagi ang kahalagahan ng paghahambing ng mga teksto ayon sa
mga batayan;
Balik Aral
3. nakapaghahambing ng mga binasang teksto.
Pagtalakay sa Paksa
1. Pahayagan
Naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang
naimprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may
espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o
lingguhan.
LAYUNIN
a. Magpaalam- Tungkulin nitong ipahayag sa madla ang
nararamdaman, nakikita at naiisip ng tao. Ang pagpapahayag ng
katotohanan ang dapat umiral.
2|Pahina
tauhang editorial ng isang pahayagan upang hindi maituring na balita ang
isang advertisement.
URI
a. Tabloid- Maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas
maliit at mas kaunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang
pangunahing wika na ginagamit ay Tagalog. Dito ay maaari kang makabasa
ng mga salitang balbal.
Halimbawa: Abante, Balita, Bistado, Filipino Mirror, Remate
2. Komiks
Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Halimbawa: Darna na isinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Nestor Redondo.
Unang Nakita sa Pilipino Komiks (Ace Publications, Inc.) #77 noong May 13,
1950.
LAYUNIN
Magbigay- aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang
kaalaman, at magsulong ng kulturang Pilipino.
URI
a. Alternative comic books-karaniwang naglalahad ng istorya base
sa realidad.
b. Horror- mga istoryang katatakutan.
c. Manga- komiks na nanggaling sa Japan.
d. Action- ito ay naglalahad ng mga istorya ng mga “superhero”.
e. Romance/Adult- naglalahad ng istorya ng pag- ibig.
f. Science fiction/ fantasy- naglalaman ng mga bagay na mula sa
imahinasyon.
3. Magasin
Peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento,
larawan, anunsyo at iba pa. Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat
ngunit mas maliit kaysa pahayagan.
3|Pahina
LAYUNIN
Magbigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang usapin sa lipunan.
Maaaring naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng
mga sikat na tao sa bansa.
HALIMBAWA
a. Lipang Kalabaw (1907) ni Lope K. Santos, Telembang (1922) at
Liwayway(1922)- mga sinaunang magasin ng Pilipinas.
b. Candy-tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng mga
kabataan.
c. Cosmopolitan- ito ay isang magasing pangkababaihan.
d. Entrepreneur- naglalaman ng ng mga artikulong makatutulong sa
mga taong may negosyo at nais magtayo ng negosyo.
e. FHM (For Him Magazine)- naglalaman ng usaping
pangkalalakihan.
f. Good Housekeeping- para sa mga abaláng ina.
g. Metro- naglalaman ng fashion, shopping at kagandahan.
h. T3- ipinapakita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya.
i. Yes!- naglalaman ng balitang showbiz, mga detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.
4. Kontemporaryong Dagli
Anyong pampanitikang maituturing na maikling- maikling kuwento. Sa
kasalukuyan ay tinatawag na anekdota, spice of life, day-in-the-life.
LAYUNIN
Maghatid ng maikling impormasyon sa mga mambabasa. Maaari
itong makita sa tabloid, feature story, pangunahing balita at telebisyon.
4|Pahina
kaniyang akda. Gayunman, sa pagtalakay ng anomang akda o teksto, ito
ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”
Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na
ginamit sa teksto:
a. Unang panauhang pananaw- ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
b. Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid)- ikaw, mo, ka, iyo,
kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
c. Ikatlong panauhang pananaw- siya, niya, kaniya, sila, nila, kanila
5|Pahina
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
3.
5. Magbigay- aliw sa 6. 7.
mga mambabasa,
magturo ng iba’t
ibang kaalaman,
at magsulong ng
kulturang Pilipino.
Magasin 8. ----------------------- 9.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Pumili ng dalawa sa iyong mga kaibigan o miyembro ng pamilya na
maaari mong tanungin tungkol sa sumusunod na katanungan. Gamitin ang
matrix sa ibaba. Ilagay ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
6|Pahina
Ang aking kasagutan
Sagot ng aking
kaibigan/myembro ng pamilya
Pang-isahang Pagsasanay
Itama Mo Ako
Panuto: Ang mga sumusunod na mga salitang nakasalungguhit sa bawat
bilang ay hindi tama. Isulat ang angkop na mga salita sa bawat bilang sa
iyong sagutang papel.
7|Pahina
Pagsusulit
Pitong taong gulang lang si Joas nang ang kaniyang tiyuhing pari na
si Jeoiada ay kinoronahan siya bilang hari. Si Haring Joas ay isang
matalino at mabuting batang lalaki na nagmamahal sa Diyos. Nais niyang
purihin ang Diyos parati at nagbayad upang maipaayos ang templo. Dahil
mahal na mahal niya ang Diyos, pinili siya ng Diyos para mamuno sa mga
tao.
Maraming tao ang nag- akala na hindi makakagawa ng kakaibang
bagay ang isang kasing-bata ni Joas ngunit nagtrabaho nang maigi si Joas
sa paglilingkod nang maayos sa Diyos.
8|Pahina
Si Jonas at ang Malaking Isda
Halimbawa:
Si Joas, ang Munting Hari Si Jonas at ang Malaking
Isda
9|Pahina
Gawain:
Si Joas, ang Munting Si Jonas at ang
Hari Malaking Isda
Paksa
Layon
Tono
Pananaw
Paraan ng
pagkakasulat
Pagbuo ng salita
Pagbuo ng
pangungusap
Pagbuo ng talata
10 | P a h i n a
Pangwakas
Mga Sanggunian
11 | P a h i n a
Julian, Ailene, Mary Grace del Rosario, Nestor Lontoc, and Alma Dayag.
2015. Pinagyamang Pluma 8. 1st ed. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Bible Stories From The Old Testament. 2019. 1st ed. Quezon City: DuyanBooks Bookware
Publishing.
"Ano Ang Pahayagan? Kahulugan, Uri, At Mga Bahagi | Pinoy Newbie". Pinoy Newbie.
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pahayagan/.
12 | P a h i n a
Susi sa Pagwawasto
13 | P a h i n a
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na
paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!
Tagapamahala
14 | P a h i n a