Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

St. Catherine of Alexandria Catholic School, Inc.

Poblacion, Libacao, Aklan

LEARNING ACTIVITY SHEET


IKATLONG BAITANG
ARALING PANLIPUNAN
UNANG MARKAHAN

Pangalan ng Mag-aaral:
Pagsasanay ng Pagkatuto Blg.:5 Petsa: Setyembre 21,2020
Paksa: Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Linggo: 5 Sesyon: 1
Hangaring Pagkatuto: Matapos ang ikaapat na lingo, ang mga mag-aaral ay natutukoy ang mga lugar na
sinsitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya nito sa pamamagitan ng:
1. pagtukoy ng mga lugar na sinsitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya nito.

Pagpapahalaga: Mapanuri

I. Panimulang Panalangin
Ama namin, Sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob
mo dito sa lupa para lang sa langit.Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo
kami sa aming mga sala. Para nang pagpapapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

II. Pagganyak
Panuto : Alin sa sumusunod na lugar ang ligtas na panirahan? Kulayan ang mga ito.

III. Mahalagang Konsepto


Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib
þ Malapit sa Bulkan
Mapanganib manirahan malapit sa mga bulkan. Sinusunog at tinatabunan ng lava ang lahat ng
madaanan nito. Ang paglanghap naman ng abo at hangin na binubuga ng bulkan ay maaaring
magdulot ng sakit at kamatayan sa tao at mga lagang hayop.
þ Malapit sa Fault Lines
Malaki ang panganib at pinsalang dulot ng lindol sa mga lugar malapit sa fault lines.
Sa fault lines madalas nnagaganap ang mga paglindol. Nagdudulot ang lindol ng pagguho ng bahay at
gusali at pagbitak ng lupa.
 Paglindol ay bunsod ng pagkiskisan at pagbabanggan ng malalaking tipak ng bato na
bumubuo sa daigdig.
 Tectonic Plates ay ang malaking tipak ng bato.
 Fault ay ang bitak sa kalupaan na dulot ng paggalaw ng tectonic plates.
þ Malapit o nasa Paanan ng bundok
Sensitibo sa panganib ang mga lugar na dalisdis o paanan ng bundok. Ito ang madalas pangyarihan ng
mga landslide.
 Landslide ay ang pagdausdos ng lupa, bato, o putik pababa ng bundok.
 Lahar ang tawag sa rumaragasang putik na pinaghalong tubig at bulkanik material.
þ Mababang Lugar
Tuwing tag-ulan, bumababa ang tubig mula sa nakapaligid na matataas na lugar tulad ng talampas at
burol tungo sa mababang lugar.
þ Sa Tabi ng Anyong Tubig
Maaaring tumaas ang antas ng tubig sa mga ilog at lawa bunsod ng tuloy-tuloy nap ag-ulan o
pagbagyo. Maaari ding tangayin ang rumaragasang ilog ang mga kabahayan at iba pang ari-arian.
 Tsunami ay ang pangkat ng dambuhalang alon dulot ng paggalaw ng lupa at pagputok ng
bulkan sa ilalim ng karagatan.
 Daluyong ay ang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo
sa baybayin.
þ Hazard map ang ginagamit upang tukuyin ang mga lugar sa lalawigan na sensitibo o maaaring
maapektuhan ng sakuna.

IV.

Pagsasanay
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ang ________________ay ang mga dambuhalang alon na dulot ng paggalaw ng lupa at pagputok ng bulkan
sa ilalim ng karagatan.
a. alon c. landslide
b. tsunami d. pagputok ng bulkan
2. Mapanganib manirahan sa ____________________ ng bulkan.
a. paanan c. malapit
b. dalisdis d. lahat ng nabanggit
3. Makikita sa ________________ ang mga lugar sa lalawigan o rehiyon na sensitibo sa sakuna.
a. mapang pisikal c. hazard map
b. mapang political d. wala sa mga nabanggit
4. Ang _________________ rumaragasang putik ng pinaghalong tubig at bulkanik na materyal.
a. lindol c. tsunami
b. pagbaha d. lahar
5. Ang _________________ay ang pagdausdos ng lupa , bato o putik pababa ng bundok.
a. lindol c. landslide
b. tsunami d. lahar
6. Ang ___________________malalaking tipak ng bato na bumubuo sa daigdig.
a. fault c. tectonic plates
b. Ring of Fire d. lindol
7. Ang _______________________ ay ang lugar sa gilid ng Pacific Ocean kung saan maraming pagputok ng
bulkan at paglindol.
a. Ring of Fire c. NCR
b. West Valley Fault d. Philippine Fault Zone
8. Ang ________________ ay ang bitak sa kalupaan na dulot ng paggalaw ng tectonic plates.
a. fault line c. Ring of Fire
b. fault d. landslide
9. Ang _________________ ay dahil sa pagkiskisan at pagbabanggaan ng malalaking tipak ng bato.
a. pagbaha c. paglindol
b. paglandslide d. pagsabog ng bulkan
10. Ang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalamasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin ay
____________________.
a. tsunami c. pagbaha
b. daluyong d. alon

V. Indibidwal na Pagsasanay
Panuto. Sagutin ang mahahalagang tanong na: “ Aling bahagi ng iyong lalawigan ang sensitibo sa
panganib?” Gawin ito nang may paggabay ng kasapi ng pamilya. Isulat ang iyong sagot sa kahon sa
ibaba.

VI.
Sanggunian
Agno, Lydia N., Balonso, Celinia E., et al (2016). Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 3. Quezon City:
VIBAL Publishing House, Inc.

UNIFROM RESOURCE LOCATOR OR URL


Kinuha sa https:/releifweb.int/map/philippines/philippines-natural-hazard- profile-23-oct-2010 noong
Setyembre 16, 2020

VI. Pangwakas na Panalangin

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos.
Ipanalangin mo kaming makasalanan. Ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

Inihanda ni: Inaprubahan ni:


RODALYN T. NIÑOFRANCO MA. DAPHNE Y.O. VILLORENTE
Ph.D.
Guro Punong Guro
Email Address: rodnil26@gmail.com
Cellphone Number:
Smart, Tnt & Sun: +639307003114
Globe & TM: +639950589518
Facebook Messenger: Rodalyn Tocol Niñofranco

Consultation Hours:
 Monday – Friday:
7:00 A.M – 7:00 P.M.

You might also like