Komunikasyon12 Q3 LAS5 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Q3/WEEK 5-6

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Sangay ng mga Paaralan ng Negros Occidental
Negros Occidental High School
Senior High School Department
Lungsod ng Bacolod

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Ikatlong Kuwarter – LAS 5-6


Kasaysayan ng Wika
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Learning Activity Sheet 5


(LAS 5)

1
Learning Activity Sheet 4 (LAS 4)
Q3-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Pangalan: __________________________ Antas at Pangkat:_______________
Guro: __________________________ Petsa: ________________________

Kasaysayan ng Wika

Markahan: Ikatlo Linggo: Panglima at Pang-anim

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

I. Learning Competency with Code


a. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga nabasang pagtalakay sa wikang
pambansa. (F11PN – If – 87)
b. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan
ng wika. (F11PB – If – 95 )
c. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng
Wikang Pambansa . (F11PS-Ig-88)
d. Nakakasulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang
Pambansa. (F11WG- Ih-86)

e. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa (F11WG – Ih – 86)

II. Background Information for Learners


ARALIN 5-6
KASAYSAYAN NG WIKA
Panahon ng Kastila
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang pananakop sa pamamagitan
ng pagbubukod-bukod ang ginamit ng mga Espanyol upang magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang
pinairal noon sapagkat sa halip ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong
wika.
Sa huling dantaon ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang
pambansa.

Panahon ng Rebolusyunaryong Pilipino


Ang Kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagan isinulat nila. Sinundan ito
ng Katipunan na Tagalog din ang ginamit sa pagbuo ng mga kautusan gaya sa Saligang – Batas ng Biak- na- Bato noong
1897. Dito pinagtibay na Tagalog ang opisyal na wika ng pamahalaan.

Panahon ng Hapon
Sapilitang ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling
wika.Sumigla ang panitikang Pilipino gaya ng nobela at maikling kwento.

Panahon ng Pagsasarili
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang pagtuturo ng wikang pambansa na tinatawag

2
na Pilipino sa isang kautusang nilagdaan ng naging kalihim na si Jose Romero ng pagtuturo. Dala ng malaking
pangangailangan ng mga tagasubaybay sa pagtuturo ng Pilipino, nadagdagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa
Punong Tanggapan. Ang Maynila ay nagkaaaroon naman ng isa bagama’t wala ang mga nasa lalawigang Tagalog at di-
Tagalog.
Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Naging midyum sa mga paaralan ang Ingles at asignatura ang
Pilipino. Nagkaroon na ng aklat para sa mga Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang magamit itong
panturo.
Narito naman ang ilan sa mga kautusang pinairal sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa:
Tagalog/ Pilipino/Filipino.

 KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) - Isinaad ang pagpapalimbag ng Tagalog English
Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa
mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
 Batas Komonwelt Blg. 570-Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo
4, 1946.
 Proklamasyon Blg.12 – ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsayasay ang pagkakaroon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 (Kapanganakan ni Francisco Balagtas).
 Proklamasyon Blg.186 (1955) - inilalahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19
(kapanganakan ni Manuel L. Quezon).
 Kautusang Pangkagawaran Blg.7 – ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng nooy kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyonna si Jose E. Romero na nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.
 Kautusang Pangkagawaran Blg.24.- Ipinalabas noong 1962 ng Kalihim ng Edukasyon, Alejandro
Roces na nag-uutos, na mula sa taong-aralan 1963- 1964, Ipalimbag ang lahat ng sertipiko at diploma
ang pagtatapos sa wikang Pilipino.
 Proklama Blg.186 na nagsususog sa Proklama Blg.12 serye ng 1954 – nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang paglipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang
ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19)
 Kautusang Tagapagpaganap Blg.60- Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado Macapagal na awitin ang
pambansang awit sa wikang Pilipino.
 Saligang Batas ng 1973- Dapat gumagawa ang Batasang Pambansa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tawaging Pilipino. Ang pagbibinyag ng
pangalang Pilipino sa ating Wikang Pambansa sa taong 1959 ay ipinalabas ni Kalihim Jose
E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon.
 Kautusang Pangkagawaran Blg.25 –Hulyo 19, 1974 –Nilagdaan ng Kalihim ng Edukasyon at Kultura, Juan
Manuel ang pagpapairal ng Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan simula taong-panuruan 1974-1975.
 Kautusang Blg. 22- Hulyo 21, 1978 - Nilagdaan ni kalihim Juan Manuel na simula sa taong panuruan 1979-
1980 ituturo ang 6 na yunit sa Kolehiyo.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179(1981)- Pagpapalit ng pangalan ng Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
 Batas Republika Blg.7104 (1986)- Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Sa kasalukuyan ang
ahensya sa ilalim ng gobyerno na may malaking papel sa mga hakbangin para sa Wikang Filipino.Bilang
patunay sa minimithing pagpapatibay sa wikang pambansa’y nagkaroon ng pagpapalimbag sa taong 1940 ng
isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
 Proklamasyon Blg. 12. Marso 26 1954- nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng
Linggoo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.
 Proklamasyon Blg. 186 (Set.23 1955 )- nilagdaan ng pangulong Pangulong Ramon Magsaysay nagsususog sa
Proklama Blg.. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto.
 Memorandum Sirkular Blg. 448-humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19 Proklamasyon Blg.9 (Agosto 12,
1986 )- nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng
napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihan Bayan na nagbunsod ng bagong
pamahalaan.

3
 Proklamasyon Blg. 1041- ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto
taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

III. Accompanying DepEd Textbook and Educational Sites


A. Mga Aklat
 Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng
Quezon: UP Diliman. 1996.
 Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.
Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik.Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc. 2006.
 Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House, Inc.
 Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
 Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
 Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Cand E
Publishing, Inc. 2016
 Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining ng
pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000.

B. Mga Website
 http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content
 http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph http://atin-americanliterature.edu.ph
 https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html
Activity Proper:
I. SANAYSAY (WRITTEN WORK)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang hindi bababa sa tatlong pangungusap. (10
puntos bawat tanong)

GABAY SA PAGMAMARKA:
Kalinawan- 3 puntos
Nilalaman- 4 puntos
Gamit ng wika- 3 puntos

1. Sa iyong palagay,mahalaga ba ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa? Ipaliwanag ang sagot.
2. Saang yugto o panahon ng kasaysayan ng wikang pambansa nais mong mamuhay at bakit ito ang iyong
napili?
3. Ano-anong mga pangyayari sa kasaysayan ang sa palagay mo’y nagdulot ng pag-unlad sa ating wikang
Pambansa?

II. GAWAIN (PERFORMANCE TASK)


Panuto: Batay sa iyong binasa gumuhit ng simbulo o sagisag na maglalrawan sa mga kalagayan
ng ating wika sa iba’t-ibang panahon. Pagkatapos na maiguhit ang simbolo ay kinakailangang
maipaliwanag moa ng mga ito.ng hindi lalagpas ng hindi baba sa tatlong pangungusap.(F11WG-
lh-86)
GABAY SA PAGMAMARKA:
Guhit- 10 Puntos
Paliwanag- 30 Puntos
Kaayusan- 10 Puntos

4
KASTILA REBOLUSYON HAPON PAGSASARILI

You might also like