Slide 2: mapapansin nating kakaiba ang paraan ng pagbigkas ng bawat salita dahil sa mga
panandang na ginamit, at syempre malaki talaga ang pagkakaiba ng 2 pahayag na
binasa natin, una ay ang pagkakaiba ng tono ng pagbigkas at mga panandang ginamit, ang unang pahayag ay nagpapahiwatig ng pagtatanong, walang kasiguraduhan o parang nagdududa sa kanyang sinasabi ang nagsasalita subalit ang ikalawang pahayag naman ay nagpapahiwatig ng pangangatwiran at ang dating nito sa atin ay sigurado ang nagpapahayag. Ngayong araw na ito ay tatalakayin natin ang PONEMANG SUPRASEGMENTAL.
Slide 4: ito ang mga layunin natin sa linggong ito.
Slide 5: ponema Slide 6: ginagamit bilang pantulong ay ang INTONASYON PUNTO AT TONO, kapag pinagsama natin ang mga katagang ito ay mabubuo ang PONEMANG SUPRASEGMENTAL. Slide 7: sa pakikipagtalastasan matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng intonasyon, tono at puno, haba o diin, hinto o antala sa pagbibikas at sa pagsasalita. ngayon ay isa isahin natin ang mga ito. Slide 8: at makapagpahina ng usapan upang maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensiyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Slide 9: kung napapansin ninyo ay pare parehong mga salita lamang ang ating ginamit ngunit ginamitan ito ng ibat ibang bantas. Sa unang pangungusap ay gumamit tayo ng tandang pananong, sa ikalawa naman ay gumamit tayo ng tuldok at sa pangatlo ay gumamit tayo ng tandang padamdam. Sa pamamagitan ng paglapat ng ibat ibang bantas naipakita natin ang mgakakibang intonasyon, tono at punto na ginamit sa pangungusap dahil din dito ay nagkaroon tayo ng ibat ibang kahulugan. Slide 10: mahalaga ang diin sapagkat sap ag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang nagbabago ang kahulugan ng salita. Sa filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagapapahaba ng patinig. Slide 11: kung mapapansin ninyo ay gumamit tayo ng tuldok upang maipakita natin kung saan ang diin na inilapat at ito ay nasa unang pantig, pag nagkaiba nag nilapat na diin maari ring mag iba nag kahulugan, kung mapapansin ninyo pareho ang baybay ngunit magkaiba ang paraan ng pagbikas. Slide 12: kung mapapansin ninyo ay gumamit tayo ng tuldok upang maipakita natin kung saan natin inilapat ang haba at ito ay nasa unang pantig, pag nagkaiba ang haba na inilapat natin sa dalawang salita maari rin tayong makakuha ng magkaibang kahulugan , tatandaan magkapareho ng baybay ngunit magkaiba ng paraan ng pagbigkas at ng kahulugan ito ay dahil magkaiba ang inilapat na haba. Slide 13: para sa huling halimbawa ipapakita ko naman sa inyo kung paano natin inilapat ang diin at ang haba ang salita natin ay …. Para sa unang salita ang diin at ang haba ay matatagpuan sa ikatlong pantig, sa ikalawang salita naman ay pareho silang nasa unang pantig. kung babalikan natin kanina nabanggit doon na ang diin at haba ay kadalasang magkasama sa iisang pantig. tatandaan na kapag nagkaiba ang inilapat na diin at haba, kahit pareho pa ng baybay ang isang salita maari silang magkaroon ng magkaibang kahulugan at magkaibang paraan ng pagbigkas. Slide 14: basahin lang Slide 15: Hindi, ako si Daniel (ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Daniel na maaaring siya’y napagkamalang ibang tao. Hindi ako, si Daniel (ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Daniel. Hindi ako si Daniel (pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Daniel.) Slide 16: Hindi maganda (sinasabing hindi maganda ang isang bagay) Hindi, maganda ( pinasususbalian ang isang bagay at sinasabing maga nda ito.)