Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat Ng Sayote

jshjdauiheuihraieueuifhdsiugfsaiduhiusdhuihduhfjdshu
dfh
Noong Araw, ang tinola ay wala pang sayote dahil wala pa talagang sayote sa mundo. May
isang bata na ayaw na ayaw kumain ng gulay. Ulila na siya. Ang tanging nag-aalaga lamang
sa kanya ay ang kanyang nakatatandang kapatid na babae. Mahilig siyang magluto ng
tinolang manok kahit alam niyang di kumakain ng gulay ang kanyang kapatid. Kakainin
lamang niya ang manok, subalit ang gulay ay pinapaubos lagi niya sa kanyang ate. Sinasabi
niya "ang gulay ‘te ay para sa 'yo".

Sa tuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang sinasabi ukol sa mga
gulay, "te sa'yo".

Isang araw, dumalo silang magkapatid sa piyesta at siyempre maraming handa. Napakasiba
ng bata, naka-ilang plato ng kanin at ulam ang kanyang naubos. Tulad ng dati, ang lahat ng
gulay ay "te sayo".

Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay, bigla na lamang itong na-
empacho, subalit pagtakbo niya sa palikuran, ina-take ito sa puso at namatay. Dahil hindi
naman sila mayamang magkapatid ay inilibing na lamang niya ang kanyang ate sa likod ng
kanilang bahay kung saan ay nakatanim ang iba't ibang halaman.

Isang araw ay may tumubong kakaibang tanim sa puntod ng kanyang nakatatandang kapatid.
Hindi niya ito pinansin at hinayaan lamang tumubo. Namunga ito makaraan ang ilang buwan
at laking gulat niya ng maalala niya ang kanyang ate dahil sa hugis ng bunga nito. Sabi niya,
"Sa'yo 'Te ang gulay na to".

Mula noon ay natutunan niyang mahalin ang gulay na iyon at naging paborito niyang kainin.
Tinawag niya itong sayote bilang pag-alala sa kanyang nakatatandang kapatid.

You might also like