Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin Paggamit ng Magagalang na Pananalita at


1 Paggamit sa Pakikipagtalastasan ng iba’t
ibang Uri ng Pangungusap

MELC : Naggamit ng magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon.


: Nagagamit sa pakikipagtalastasan ang mga uri ng pangungusap.
(F4WG-IVb-pe-13.2)

Susing Konsepto

 Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa


kabuoan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng paggalang sa
kausap.

Paggamit ng Magagalang na Pananalita na angkop sa iba`t ibang


sitwasyon
 Pagbati
Magandang Umaga po!
Magandang Gabi po!
Kumusta na po kayo!
 Paghingi ng Paumanhin
Pasensya na po kayo sa nangyari.
Humihingi po ako ng tawad sa lahat kong nagawang kasalanan.
Paumanhin po sa nagawa kong gulo.

 Pagtanggap ng Paumanhin
Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.
Dumito muna kayo habang hinihintay ninyo sa Tatay.
Kayo po pala,pasok po kayo.
Susing Konsepto

 Paghingi ng Pahintulot at Pakiusap


Makikiusap po sana ako na unawain ninyo ang aming pakiusap.
Pasensya na po at ngayon lang kami nakarating.
Maari po bang palitan ang binili.

 Pagpapakilala
Nais ko pong ipakilala ang aking ina na si Ginang Lucia Santos.
Ako po si Benjie,kamag-aral ng anak ninyo.
Si Melba po ang tutulong sa inyo sa mga gawaing bahay.

 Mahalagang maalala at magamit ang magagandang pananalita sa pang-


araw-araw na buhay. Maaring simulan sa tahanan,paaralan at sa mga
kaibigan. Maging magalang Mahalagang gumamit ng mga magagalang na
salita gaya ng “po” at “opo” at mga katawagang “kuya at ate”, “sir at ma’am”
sa pakikipag-usap sa mga nasa katungkulan.
 Ang paggamit ng magagalang na salita ay mahalaga sa tatlong kadahilanan:
Una, ang paggamit nito ay nakatutulong sa paghubog ng kagandahang asal
ng isang tao na maaari niyang matutunan mula sa kinagisnang lugar at
pamamaraan ng pagpapalaki ng iyong mga magulang, ito ay mahalaga dahil
ito ay makatutulong sakanya na mapagtagumpayan ang pakikipagkapwa
tao.
 Mahalagang gamitin natin sa pakikipagtalastasan ang iba’t ibang uri ng
pangungusap tulad ng pasalaysay ,patanong ,pautos, pakiusap at
padamdam.

Gawain 1
Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng wastong pahayag sa bawat
sitwasyon.
1. May kamag-anak kayong dumating sa probinsya.Nagkataaong ikaw
lamang ang nasa bahay.Paano mo sila tatanggapin.
A. Sino ba kayo?
B. Tuloy po kayo,maupo po muna kayo.
C. Nandito na naman kayo,anong kailangan n’yo?
D. Wala rito sina nanay at tatay;bumalik na lang kayo mamaya.
2. Nanghiram sa iyo ng lapis si Charles.Nang iaabot mo na sa kanya
ang hinihiram nito,napansin mong nakapagitan sa inyong dalawa
sina Bjay at Ariel. Alin ang wastong sasabihin sa kanila?
A. Iabot nyo nga ito kay Charles.
B. kayo na lang ang magabot sa kanya.
C. Pakiabot naman nito kay Charles
D. Pahiramin nyo na lang ng pambura si Charles
3. Nag-uusap sina Gng.Cabral at Gng.Calingasan sa may pintuan ng
inyong silid- aralan. Ibig mong pumunta sa palikuran,ngunit
kailangan mong dumaan sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
A. Paraan muna,mga guro.
B. Makikiraan po mga guro.
C. Bakit dito po kayo nag-uusap?
D. Huwag po kayong mag-usap dito.

4. Mag-uumpisa na ang klase ninyo.Naalala mong naiwan ang wallet


mo sa kantina noong rises. Paano ka hihingi ng pahintulot sa iyong
guro?
A. Lalabas lang muna ako sandali.
B. Gng. Zamora, maaari po bang lumabas sandali.
C. Gng. Zamora,may nakalimutan po ako sa kantina.
D. Naiwan ko ang wallet ko sa kantina,puwedeng lumabas?

5. Nais mong magpasama kay Mary Joy sa inyong kaklase para gumawa
ng proyekto sa asinaturang Filipino.Paano moa siyang ipagpapaalam
sa nanay niya?
A. Aalis na po kami.
B. Pupunta kami ni Mary Joy sa aming kaklase.
C. Pasasama ako kay Mary Joy sa aming kaklase.
D. Maaari po bang magpasama kay Mary Joy sa aming kaklase?

Gawain 1
Panuto: Bumuo ng iba’t ibang pangungusap mula sa ibinigay na
pangugusap.Gawing gabay ang halimbawa.

Ang mga bata ay naglilinis ng silid- aralan.

Pakiusap: Mga bata,maaari ba ninyong linisan ang sili-aralan.


Patanong: Mga bata,naglinis na ba kayo sa sili-aralan?

1. Si Marites ay tumutulong kay nanay ng paglilinis ng bahay.


Patanong: _____________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Naghanda sila ng sopresa kay tatay sa kaarawan nito.
Padamdam: _________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Nakita mo ang iyong guro ay maraming alang gamit.
Pakiusap: _____________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Niregaluhan ka ng iyong ninang nong nakaraang pasko ng damit at


sapatos.
Pasalaysay: ________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Nakita mong nasa hardin ang ate mo .Nakita mo na maraming damo sa


paligid ng tanim.
Pautos: _____________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Paano mo ipapahayag sa magalang na pananalita ang mga
sumusunod.Sabihin kung anong uri ng pangugusap ito.
1. Hindi sinasdyang natapakan mo ang paa ng kaklase mo,kaya gusto
mong humingi ng paumanhin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Hindi mo narinig ang sinasbi ng kaibigan mo.Nais mong lakasan niya


ang kanyang tinig.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Naiwan mo ang aklat mo sa ahay ninyo.Gusto mong humiram sa


kaklase mo.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Nakalimutan mong nakabukas ang ilaw sa kusina.Nais mong ipasara
sa iyong ate.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Nasalubong mong isang umaga ang iyon guro.Nais mong batiin siya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Isulat ang sagot sa iyong Learning Journal.
1. Ano ang magagalang na pananalita?
2. Saan ginagamit ang mga magagalang na pananalita?
3. Bakit mahalaga malaman ang paggamit ng magagalang na
pananalita?
4. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap?

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. b 4. c
2. c 5. d
3. b

Gawain 2
May iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.

Gawain 3
May iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020

Alma M.Dayag,Pluma 4 Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino Ikalawang


Edisyon,PHOENIX PUBLISHING HOUSE,INC.

Salamisim Wika at Pagbasa 4,Anita S.Agustin at Teresita Arcos-Surot Unang


Edisyon,2010

https://www.slideshare.net/razelrehamba9/paggamit ng nagagalang na
pananalita/

Inihanda ni:
JUVY B. ZAMORA Dalubguro I

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Nepomuceno T. Gardoce
Punongguro III

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino
Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________
Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin Paggamit ng Magagalang na Pananalita at


2 Paggamit sa Pakikipagtalastasan ng iba’t
ibang Uri ng Pangungusap

MELC : Nagagamit sa panayam ang iba’t ibang uri ng pangungusap.


(F4WG-IVd-h-13.4)

Susing Konsepto

 Ang pakikipanayam ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha at


pagkalap ng mga impormasyong maaaring gamitin sa iba’t ibang
kadahilanan.
 Nakasasaksi tayo ng panayam o interview sa panonood sa
telebisyon,pakikinig sa radio at pagbabasa sa pahayagan.
 Ang iba’t ibang uri ng pangungusap ay ginagamit sa pakikipanayam.
 Ang pasalaysay, padamdam,patanong, pakiusap, pautos at padamdam
ay napakahalagang sangkap sa pakikipanayam.

Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam


1. Kailangan itong paghandaang Mabuti.
2. Tiyakin ang mga layon o saklaw ng pakikipanayam.
3. Humingi muna ng pahintulot sa kakapanayamin.Alamin ang oras, lugar,
petsa kung kalian maaaring kapanayamin.
4. Mahalagang ihanda ang mga katanungan, tape recorder at iba pang
kakailanganin sa pakikipanayam.
5. Kung nakikipanayam na, huwag gagambalain sa pagsasalita ang
kinakapanayam.
6. Pagkatapos ng pakikipanayam, iayos ang mga tala at huwag kalimutang
magpasalamat sa taong kinapanayam.
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang panayam. Pagkatapos ilagay sa
talaan ang mga pangungusap na pasalaysay, patanong, padamdam,
pautos/pakiusap.

Sitwasyon 1: Pumunta si Mario sa opisina ng pinakamalaking pamilihan sa


bayan. Ito ang araw na siya ay kakapanayamin ng manager kaugnay ng
kanyang apply bilang isang merchandizer.

Mario: Magandang araw po, ako po si Mario Alcantara.


.
Tagapangasiwa: Magandang araw sa iyo Mario. Bakit nais mong mag-apply
bilang isang merchandizer? Alam mo ba ang gawain ng isang
merchandizer?

Mario: Nais ko pong mag-apply bilang isang merchandizer sapagkat


ito po ang magbibigay ng pagkakataon upang kumita at
matustusan ko sa pag-aaral ang aking bunsong kapatid.
Alam ko po ang trabaho ng isang merchandizer sapagkat
ako po ay mayroon ng karanasan sa pagiging dizer.

Tagapangasiwa: Kapag ikaw ay natanggap na, ayos lamang ba sa iyo kung sa


malayo ka mapadestino?

Mario: Wala pong problema sa akin. Ang hanap ko po ay trabaho


kahit malayo po sa pamilya ay tatanggapin ko.

Tagapangasiwa: Kung ganoon, bumalik ka bukas at maaari ka ng


magsimula. Magdala ka na ng mga kakailanganin mo tulad
ng damit sapagkat mayroon naman palibreng bahay sa lugar
na pupuntahan mo. Pakidala na rin ng iba pang papeles na
kulang pa dito sa folder mo.

Mario: Maraming salamat po Ginoong Corpuz. Yehey, May trabaho


na ako!

Pasalaysay Patanong Pautos/pakiusap Padamdam


Gawain 2
Panuto: Basahin ang iba’t ibang halimbawa ng panayam. Anong uri ng
pangungusap ang ginamit sa sa panayam?

1. ___________________________________________

2.3. ___________________________________________
4.5. __________________________________________

Gawain 3
Panuto: Buuin ang panayam. Gamitin ang iba’t ibang uri ng
pangungusap.

Panayam sa isang guro


1. Pangungumusta sa kinapanayam.

patanong pasalaysay

Magandang araw ____________________


po, Kumusta po ____________________
kayo Ginang ____________________
Oteyza? ____________________
____________________
2. Taon sa serbisyo

pakiusap pasalaysay

____________________ Ako ay
____________________ dalawampung taon
____________________ ng nagtuturo dito sa
___________________ ating paaralan.

3. Magandang karanasan sa gawain.

patanong padamdam

Sa pagiging isang ____________________


guro, ano po ang ____________________
mga magagandang ____________________
karanasang inyong ____________________
nadaanan? ____________________

4. Layunin kung bakit nais nilang manatili sa ganitong Gawain o propesyo.

pautos/pakiusap pasalaysay

Maaari mo bang ______________________


malaman kung nais mo ______________________
pa bang manatili sa ______________________
ganitong propesyon ______________________
gayong maaari naman ______________________
kayong mangibang ______________________
bansa sapagkat ______________
naandoon na ang inyong
asawa at mga anak?
5. Mensahe sa mga kabataan

patanong pasalaysay

Bago po matapos ang _______________________


ating panayam, ano po _______________________
Gawain 1
ang inyong mensahe para _______________________
Panuto:
sa mga kabataan? ___________________

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Isulat ang sagot sa iyong Learning Journal.

1. Ano ang panayam?


2. Ano-ano ang mga dapat tandaan kung nais na makpanayam?
3. Ibigay ang kahalagahan ng paggamit ng mga uri ng panungusap sa
pakikipanayam.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Pasalaysay Patanong Pautos/pakiusap Padamdam
Nais ko pong Magandang araw Magdala ka na ng Yehey, May
mag-apply bilang sa iyo Mario. mga trabaho na ako!
isang Bakit nais mong kakailanganin mo
merchandizer mag-apply tulad ng damit
sapagkat ito po bilang isang sapagkat mayroon
ang magbibigay merchandizer? naman palibreng
ng pagkakataon Alam mo ba ang bahay sa lugar na
upang kumita at gawain ng isang pupuntahan mo.
matustusan ko sa merchandizer? Pakidala na rin ng
pag-aaral ang iba pang papeles
aking bunsong na kulang pa dito
kapatid. Alam ko sa folder mo.
po ang trabaho ng
isang
merchandizer
sapagkat ako po
ay mayroon ng
karanasan sa
pagiging dizer.

Gawain 2
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. Pasalaysay
4. Patanong
5. Pasalaysay

Gawain 3
May iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020

https://www.slideshare.net/roseluvgabz/pakikipanayam51311528?
next_slideshow=1

https://www.slideshare.net/allanortiz/pakikipanayam-23506666

https://www.slideshare.net/eiramespi07/pakikipagpanayam

https://issuu.com/cydph/docs/alsfl1-1/8

Inihanda ni:
GINALYN O. GANTE, Dalubguro I

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Nepomuceno T. Gardoce
Punongguro III

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino
Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________
Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin Paggamit ng Magagalang na Pananalita at


3 Paggamit sa Pakikipagtalastasan ng iba’t
ibang Uri ng Pangungusap

MELC : Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang


teksto (F4PB-IVe-15)

Susing Konsepto

 Ang pagbasa nang may pag-unawa ang mag-uugnay sa dating kaalaman


tungo sa bagong kaalaman.
 Naipapamalas natin ang pag-unawa sa mga binabasang teksto sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa dating kaalaman at sa sariling
karanasan.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang seleksiyon. Sagutan ang mga tanong batay
sa kaalamang natutunan sa teksto.

Benepisyo ng Tsokolate
(PhilStar Global, 2013)

Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay nararapat na ugaliin ng


mga tao. Ito ang mabisang kasangkapan upang malabanan ang anumang
sakit. Bilang isang indibidwal, ang pananagutang pansarili na may kinalaman
sa kalusugan ay hindi dapat ipagsawalang bahala.
Ang pagkain ng matatamis ay hindi maganda sa katawan, subalit hindi
naman ibig sabihin nito ay huwag na tayong kumain ng matatamis na
pagkain. Sapagkat alam ba ninyo na may benipisyo tayong makukuha sa
pagkain ng tsokalate?
Ayon sa PhilStar Global, 2013 hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay
masama ang epekto ng ilang pagkain sa ating katawan, lalo na ang mga
matatamis gaya ng tsokolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo din ang
nakukuha dito.

Nakakapayat- Tama ang pagkakabasa mo, nakakapagpapayat ang tsokolate,


kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. Sa ginawang pag-
aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na
nakakapagpabilis ng metabolismo ang chocolate. Dahil dito, agad na
nalulusaw sa iyong katawan ang mga calories na nagiging sanhi ng iyong
pagtaba.

Nakakatalino - Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi muna kumain ng


ilang bar ng chocolate para mas gumana ang iyong IQ? Ang dark chocolate ay
mayaman sa chemical na nakakapagbigay alerto sa utak ng tao, ito ay ang
“Flavonoidsâ.  Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo sa ugat na
patungo sa utak.

Nakakapagpalakas  - Mahusay itong baunin kung ikaw ay namamasyal.


Bakit? Tumutulong kasi ang “Theobromine” na taglay nito para mas lalo
kang lumakas.  Ang kemikal na ito ay matatagpuan din sa kape at ilang energy
drink.  Maganda din itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala
bilang “energy producer.

Nakakaalis ng kulubot sa mukha/balat - Kung ang mga prutas at gulay ay


nagtataglay ng mga antioxidants, gayundin ang chocolate na siyang
magbibigay ng makinis na mukha/kutis sa iyo.

Mga Tanong:
1. Bilang isang indibidwal ano ang tungkulin mo tungkol sa pagkain?
2. Paano mo isasagawa ng tungkuling ito?
3. Ano- ano ang mga kabutihang dulot ng pagkain ng tsokolate?
4. Sa iyong palagay, kalian nagiging masama ang pagkain ng tsokolate?
5. Anong mahalagang kaalaman ang natutunan mo sa teksto?
Gawain 2
Panuto: Bago basahin ang teksto punan muna ang K-W-L chart. Ibigay ang
dating kaalaman, nais malaman tungkol sa COVID-19. Pagkatapos basahin,
punan naman ang kolum ng bagong natutunan sa tekstong binasa.

Alam (Know) Nais Malaman (Want) Natutunan (Learn)

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa COVID-19 upang


maprotektahan ang iyong sarili at ang iba pa?
(https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/2019-ncov-factsheet-Tagalog.pdf)

Ang coronavirus (COVID-19) ay sakit na dulot ng isang virus na


maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao. Ang virus na
nagdudulot ng COVID-19 ay isang bagong coronavirus na kumalat na sa
buong mundo.
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring mula sa banayad (o walang
mga sintomas) hanggang sa malubhang sakit. Maaari kang mahawahan sa
pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan (mga 6 na talampakan o
dalawang braso ang layo) sa isang taong may COVID-19. Ang pangunahing
pagkalat ng COVID-19 ay mula sa isang tao papunta sa iba. Maaari kang
mahawahan mula sa mga maliliit na patak mula sa paghinga kapag ang isang
nahawahang tao ay umuubo, bumabahin, o nagsasalita. Maaari mo ring
makuha ito sa pamamagitan ng paghawak sa isang ibabaw o bagay na
mayroong virus, at pagkatapos ay paghawak sa iyong bibig, ilong, o mata.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng bakuna na pangprotekta laban sa
COVID-19. Ang pinakamahusay na paraan din upang maprotektahan ang
iyong sarili ay ang umiwas na malantad sa virus na nagdudulot ng COVID-19.
Manatili sa bahay hangga't maaari at iwasan ang malapitang pakikipag-
ugnayan sa iba.Habang nasa mga pampublikong lugar, magsuot ng telang
pantakip ng mukha na tumatakip sa iyong ilong at bibig. Linisin at
disimpektahin ang madalas na hinahawakang mga ibabaw. Hugasan ang iyong
mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20
segundo, o gumamit ng may alkohol na sanitizer ng kamay na may ng hindi
bababa sa 60% na alkohol.
Manatili sa bahay kung ikaw ay maysakit, maliban para humingi ng
pangangalagang medikal. Iwasan ang pampublikong transportasyon,
pakikisabay sa sasakyan, o mga taksi. Ihiwalay ang iyong sarili mula sa ibang
mga tao at mga alagang hayop sa iyong tahanan. Walang tiyak na paggamot
para sa COVID-19, ngunit maaari kang humingi ng pangangalagang medikal
upang matulungang mapawi ang iyong mga sintomas. Kung kailangan mo ng
medikal na atensyon, tumawag muna.
Lahat ay nasa panganib na magkasakit ng COVID-19. Ang mga mas
matatandang nasa hustong gulang at mga tao sa anumang edad na may
malubhang dati nang kondisyong medikal ay maaaring nasa mas mataas na
panganib para sa mas malubhang sakit.

Gawain 3
Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Punan ang graphic organizer.

Pagkain ng sili, Pampahaba ng Buhay


(Balita.net 2017)

MAGANDANG balita para sa mahihilig na maaanghang na pagkain! Napag-


alaman sa bagong pag-aaral na nakatutulong na makapagpahaba ng buhay
ang pagkain ng sili.
Natuklasan sa pag-aaral sa mahigit 16,000 katao sa United States na ang mga
taong kumakain ng sili ay mas mababang panganib sa kamatayan sa iba’t
ibang sanhi kumpara sa mga taong hindi kumain ng maaanghang na pagkain.

Iniulat kamakailan ng authors na sina Mustafa Chopan at Benjamin Littenberg


ng University of Vermont College of Medicine, ang kanilang findings sa journal
na PLOS.
Ang sili ay bunga ng Capsicum plant, na kabilang sa nightshade family.
Maraming uri ang sili, at may iba’t ibang lebel ng anghang.
Ang lasang maanghang ng sili, tulad ng jalapeños, ay galing sa capsaicin.
Iminumungkahi ng mga pag-aaral na may benepisyo ito sa kalusugan.
Tulad na lamang ng pag-aaral na iniulat kamakailan ng Medical News Today,
matuklasan nila na may potensiyal ang capsaicin na mapatigil ang breast
cancer, at iniuugnay naman ng isa pang pag-aaral ang compound sa pagbaba
ng panganib sa colorectal cancer.
Ayon kay Chopan at Littenberg, isang pag-aaral lamang, na inilathala sa The
BMJ noong 2015 – ang nag-imbestiga kung paano nakaaapekto ang pagkain
ng maaanghang na pagkain tulad ng sili sa death risk. Natuklasan nito na may
kaugnayan ang regular na pagkonsumo ng naturang pagkain at ang mas
mababang panganib ng kamatayan sa anumang sanhi.
Sinuportahan ito ng bagong pag-aaral nang malaman na ang mga taong
kumakain ng sili ay maaaring mas humaba ang buhay.
Nalaman nina Chopan at Littenberg ang resulta nang kanilang suriin ang
datos mula sa 16,179 matatanda mula sa edad 18 pataas na nakibahagi sa
National Health and Nutritional Examination Survey III sa simula 1988
hanggang 1994.
Sa naturang survey, sinuri ang siling nakonsumo ng mga kalahok sa
nakaraang buwan gamit ang food frequency questionnaire.
“Activation of TRP vanilloid type 1 (TRPV1) appears to stimulate cellular
mechanisms against obesity, by altering mediators of lipid catabolism and
thermogenesis,” paliwanag ng mga researcher. “Protection against obesity leads
to decreased risk of cardiovascular, metabolic, and lung diseases.”
“Capsaicin may also defend against heart disease via a TRP-mediated
modulation of coronary blood flow,” dagdag nila.
Ang konklusyon ng mga researcher: “Given the observational nature of both
investigations, causality can only be suggested, not confirmed. Further studies
should aim to investigate the benefits of other spices and differential effects of
certain chili pepper subtypes. Such evidence may lead to new insights into the
relationships between diet and health, updated dietary recommendations, and
the development of new therapies.” (Medical News Today)
Ang AKing mga Natutunan
Mga Gabay na Tanong
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong Learning Journal.

1. Ano ang kahalagahan ng pagbasa?

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1-3
May iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.

Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020

https://www.youtube.com/watch?v=GZ_qy1VdVlg
http://balita.net.ph/2017/01/20/pagkain-ng-sili-pampahaba-ng-buhay/

Inihanda ni:
GINALYN O. GANTE, Dalubguro I

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Nepomuceno T. Gardoce
Punongguro III

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

You might also like