Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikapitong Linggo

Aralin 1 Pagsasabi ng Pananaw at Paggamit ng mga Uri


ng Pangungusap sa Pakikipagdebate

MELC: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pagsasabi ng pananaw.


(F4WG-IVh-j-13.6)
: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate
tungkol sa isang isyu. (F4WG -IVh - j -13.6)

Susing Konsepto

 Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ang


pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon.
 Ang opinyon ay sariling palagay,pananaw o saloobin tungkol sa isang
balita,isyu o usapan.
 Narito ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon o
reaksyon.
♦ Sa palagay ko…
♦ Sa aking opinyon…
♦ Sa aking pananaw…
♦ Sa tingin ko…
♦ Sa ganang akin…
♦ Para sa akin…
♦ Kung ako ang tatanungin….
♦ Naniniwala akong…
 Halimbawa ng opinyon
Isyu: Paghinto sa pag-aaral ng maraming mag-aaral dahil sa
Covid 19.
Opinyon: Para sa akin hindi dapat huminto sa pag-aaral nang
dahil sa Covid 19 sapagkat napakaraming paraan para maipag-
patuloy ang edukasyon.Nariyan ang online class, paggamit ng
modyul,telebisyon,radio at iba pa.
 Sa pagbibigay ng opinyon dapat na:
a. Unawaing mabuti ang balita,isyu o paksa
b. Suriin ang dalawang panig
c. Maging magalang sa pagpapahayag ng opinyon o reaksyon.
 Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon o reaksyon sa mga bagay-
bagay.Igalang natin ang opinyon ng iba upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.
 Ang debate ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o
tagisan ng dalawang koponan na magkasalungat ang panig sa isang isyu
o paksa. Dito, ibinibigay ng magkatunggaling koponan ang kanilang
katuwiran, opinyon, at katibayan ukol sa paksa.
 Proposisyon ang tawag sa paksang pagtatalunan o pagdedebatihan ng
dalawang koponan. Pahayag ito na layuning patunayan ng bawat
koponan kung anoman ang kanilang panig.

Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Isang Debate


1. Pangangalap ng Datos- kailangan ang katibayan ukol sa paksang
pagtatalunan anoman ang panig- sang-ayon ang koponan. Gagamitin
ito sa pagmamatuwid o pangangatuwiran kaya nararapat lamang n
amula ang mga datos sa mga mapagkakatiwalaan at napapanahong
sanggunian.
2. Balangkas- Ito ang paghahanay at pagsusunod-sunod ng mga
katuwiran. Binubuo ito ng panimula, katawan, at wakas.
 Panimula- sa bahaging ito ipinapahayag ang paksa, ang
kahalagahan ng paksa sa kasalukuyan, mga kailanagan
sa pagbibigay ng katuturan ng talakay at pagpapahayag
ng isyu.
 Katawan- binubuo ito ng mga tatlo o apat lamang na
isyu. Ang bawat isyu naman ay binubuo ng mga
katuwiran at mga patunay na magpapatibay at
makapagpapatotoo sa pinapanigan.
 Wakas- Ito ang buod ng mga isyung binigyan ng patunay.
3. Pagpapatunay ng katuwiran

 Ang iba’t ibang uri ng pangungusap ay ginagamit sa pagsasabi ng


pananaw o opinyon sapagkat may pagkakataong kinakailangan na
magtanong, magsalaysay, mag-utos at makiusap sa oras ng debate.

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang kung sang-ayon sa bawat pahayag at
kung hindi sang-ayon.
______1. Pagbabawal sa paggamit ng plastic
______2. pagtatapon ng basura sa ilog
______3. Pagsusunog ng mga basura sa bakuran
______4. Pagkolekta ng basura isang beses isang buwan
______5. Paglalagay ng mga basurahan para sa paghihiwalay ng mga
nabubulok at di naqbubulok nab asura.
Gawain 2
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap.Ibigay ang sariling
opinyon o reaksyon sa mga sumusunod na isyu.

1.Pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya

Opinyon:Naniniwala akong
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2.Paglabas ng mga bata sa mga lansangan kahit na may covid pa.

Opinyon: Para sa akin


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3.Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa na ang


bilang ng positibo sa Covid 19

Opinyon: Sa palagay ko
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4.Nakakatulong ba ang paggamit ng teknolohiya sa iyong pag-aaral?

Opinyon: Kung ako ang tatanungin


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5.Sang-ayon sa DepEd mas mahusay ang pag-aaral ngayon.

Opinyon:Sa aking palagay______________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Gawain 3
Panuto: Ibigay ang iyong panig kung sang-ayon o hindi ka sang-ayon sa
isyung “ Ang mga may edad 15 pababa at edad 65 pataas ay hindi
pinapayagang lumabas ng tahanan”. Gamitin ang iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pagbibigay ng iyong panig.

Rubrik sa Paglalahad ng Opinyon

5 4 3 2 1
Nilalaman
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
Organisasyon
 lohikal na pagkaayos/daloy ng mga ideya
 pagkakaugnay ng mga ideya
5- pinakamahusay
4- mahusay
3- katanggap-tanggap
2- mapaghuhusay pa
1-nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Isulat ang sagot sa iyong Learning Journal.
1. Ano ang debate?
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa paghahanda ng isang debate?
3. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng opinyon?
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. di-sang-ayon
2. di-sang-ayon
3. di-sang-ayon
4. di-sangayon
5. sang-ayon

Gawain 2
May iba’t ibang sagot ang mga bata.

Gawain 3
May iba-ibang sagot ang mga bata.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020

Agarrado, P. et al (2016). Alab Filipino Batayang Aklat sa Filipino 5. Vibal


Group, Inc.

Javier, C. et al (2006). Filipino sa Bagong Siglo 5. SIBS Publishing House,


Inc.

Inihanda ni:

Perlita M, Oteyza, Guro III

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Ginalyn O. Gante, Dalubguro I

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

You might also like