Professional Documents
Culture Documents
POSISYONG PAPEL (Namatay Ba Si Rizal... )
POSISYONG PAPEL (Namatay Ba Si Rizal... )
Ang kolehiyo ang yugto sa buhay ng tao kung saan tuluyang nabubuo ang
kanyang personalidad at mga pangarap sa buhay. Ito ang yugto kung saan nahuhubog
siya bilang isang kapaki-pakinabang na mamamayan na tutulong sa pagpapaunlad ng
kanyang bayan. Sa kasalukuyan, mayroong mga mag-aaral pa rin mula sa antas ng
kolehiyo ang salat sa kaalaman sa wikang Filipino. Kung aalisin ito, paano sila magiging
bihasa sa pagsasalita at pagsulat ng mga akda?
Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na
magiging pundasyon nito? Magandang pag-igihin at higit na palakasin ito upang hindi
maging paulit-ulit ang natututunan ng mga tao. Hinggil kay Senador Koko Pimentel, “…
there are still many secrets that Filipinos can discover with our native language that is
why it must be retained in college.” Lingid sa kaalaman ng lahat, marami pa ring Pilipino
ang nagiging dayuhan pagdating sa paggamit ng sarili nating wika. May ilang
pagkakataong naghahanap ang ilan sa atin ng sapat at tamang salita sa Filipino upang
gamitin sa paglalahad ng ating damdamin, subalit nabibigo at nauuwi sa paggamit ng
Ingles na salita. Kung ito’y magpapatuloy, tiyak manghihina, malulusaw at
masasapawan ang Wikang Filipino hanggang ang mga susunod na henerasyon ay wala
nang masilayan ni isang salita mula rito.