Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Ang kaangkupan ng kaalaman at kakanyahan sa mga kagamitan sa pagsusuri ay importante upang


maituro natin ang ganap na pagbabago sa lipunan upang makamit natin ang isang mapagpalayang
lipunan. Dapat ay sapat ang ating kaalaman dahil sabi nga sa isang kasabihan na, “Ang kaalaman ay
kapangyarihan.” Dahil sa kaalaman nating tinataglay nagkakaroon tayo ng kakayahang mabuhay at
umunlad. Ang kaalaman ay makakamtan sa pamamagitan ng edukasyon. Bilang epekto nito mas
magkakaroon tayo ng kapasidad upang gumawa ng desisyon na ikabubuti ng hindi lamang ng ating
buhay kundi pati na rin ang buhay ng mga taong nakapaligidbsa atin tulad ng pamilya at kaibigan.

2.Bilang isang indibidwal kailangan mong tanggapin na ang iyong sarili ay bahagi ng kapaligiran. Ikaw ay
miyembro ng lipunan at upang makamit ang ganap na pagbabago sa lipunan ikaw ay may
responsibilidad na simulan ang pagbabago sa iyong sarili mismo. Palagi nating sinasabi na ang
pagbabago ay kailangan na magsimula sa iyong sarili. Sa unang tingin ay parang wala itong epekto ngunit
pagdating ng panahon ay makikita mo na unti-unti nagbabago ang mga tao sa iyong paligid dahil sila ay
naimpluwensyahan mo. Dahil sa iyong pagkukusa na gumawa ng mabuti; ikaw ay naging inspirasyon sa
ibang tao na gumawi rin ng kabutihan.

3.Ang cultural literacy and empowerment ay mahalaga upang ang isang indibidwal ay may kakayahang
maintindihan at makisalamuha sa mga taong kasapi sa iba’t ibang kultura. Ang Pilipinas ay itinuturing na
“culturally diverse” kaya naman hindi natin maikakaila ang kahalagaan ng cultural literacy upang ang
miyembro ng lipunan na nagmula sa iba’t ibang kultura ay magkaisa at maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan. Maraming mabuting pagbabago ang naidudulot sa lipunan ang cultural literacy and
empowerment. Isa sa mabuting naidudulot nito ay nababawasan ang kaso ng diskriminasyon at kawalan
ng katarungan. Dahil din dito ay nabibigyan ng kahalagaan ang iba’t ibang kultura ng ating bansa at tayo
bilang lipunan ay nagkakaisa dahil naiintindihan natin ang ating kultura at kultura ng ibang tao.

4.Hindi matatawaran ang kahalagahan ng teknolohiya lalo na sa kasalukuyang panahon. Malaki ang
ipinagbago ng ating lipunan kung ihahambing natin sa mga nagdaang henerasyon at malaki ang papel na
gingampanan ng teknolohiya rito. Kailangang bigyan natin ng rekognisyon na ang teknolohiya ay
mabisang paraan upang makamtan ang ganap na pagbabago sa ating lipunan. Halos lahat ng ating
kakilala ay may cellphone at marami rin ang nay koneksyon sa internet. Ang teknolohiya kung ginagamit
sa mabuting paraan ay maraming mabuting nadudulot sa ating buhay. Dahil sa makabagong teknolohiya
ay mas pinabilis ang ating komunikasyon hindi tulad dati na kailangan pang maghintay ng ilang araw
upang mapadala ang sulat ngunit ngayon isang pindot lang sa cellphone at ilang segundo lamang ay
nakarating na ang mensahe. Ngunit kailangan nating tandaan na ang teknolohiya ay may masama ring
naidudulot kung ang gumagamit nito ay may masamang kalooban ngunit kapag ito ay gagamitin natin sa
mabuting paraan ay siguradong makakamit natin ang pagbabago tungo sa isang mapagpalayang lipunan.

2.Naniniwala ako na ang bansang Pilpinas ay nangagailangan ng Cultural Revolution. Lubos na


tinatangkilik ng mga Pilipino ang kultura ng ibang bansa at mas tinatangkilik ang kanilang produkto. Ang
colonial mentality ay patuloy pa ring umiiral sa isipan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng Cultural
Revolution ay maitatatag natin ang tunay na pagkakakilanlan bilang Pilipino. Tayong mga Pilipino ay tila
ba mangmang sa kung ano nga ba ang tunay nating pagkakakilanan sapagkat sinakop tayo ng mga bansa
tulad ng Espanya, Amerika at Japan at ngayon naman dahil sa Globalisasyon ay naiimpluwensyahan ang
ating kultura ng kulturang kanluranin pati na rin ng mga Koreano. Mabuti ang maidudulot ng Cultural
Revolution kung ito ay sumasangayon sa prinsipyo ng Nasyonalismo. Kailangan nating sagutin ang
tanong na, “Ano nga ba ang katangian ng tunay na Pilipino?”. Dapat ay mahalin natin ang sarili nating
bayan at tangkilikin at bigyang halaga ang kultura nating Pilipino lalo na ang mga kulturang naitatag sa
pre-kolonyal na panahon na tila ba ay unti-unti na nating nakakalimutan.

3.Maraming depinisyon ang kultura. Sa simpleng salita ang kultura ay napagpasalin-salin na kaugalian,
tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan, kasabihan, awit, sining at pamumuhay ng mga tao sa
isang lugar. Kultura ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar at nabuo ito upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mga tao sa pamayanan. Sa isang lipunan, binibigyang katwiran ng kultura ang
maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama. Masasabi ring ang kultura ay ang kultura
ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.

May dalawang uri ng kultura ang materyal at di-materyal. Ang mayeryal na kultura ay binubuo ng gusali,
likhang – sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha.
Samantalang kabilang sa di-materyal na kultura ay ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang
grupo ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan.

Mayroong apat na elemento ang kultura. Una ang paniniwala o beliefs. Maituturing itong batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan
ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng tao. Pangalawang elemento ay pagpapahalaga o
values. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang
nararapat at hindi nararapat. Pangatlong elemento naman ay norms na binubuo ng mga asal, kilos, o
gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Nagsisilbing itong batayan ng mga ugali,
aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Ang kawalan ng
batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Ang pang-apat at panghuling
elemento ay symbols. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging
posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.

4.Ang kulturang popular ay ginawa para bumenta. Ang mga negosyante ay pinapayabong ang kulturang
popular dahil sa kanilang kagustuhang kumita. Itinataguyod at pinapasikat ng mga negosyante ang
kulturang popular upang mahikayat ang mga mamimili na bumili ng kanilang produkto. Ang kulturang
popular ang pinakamabisang paraan upang tumaas ang kita ng kanilang negosyo dahil alam naman natin
na ang mga tao ay gustong bilhin kung ano ang sikat at trending ngayon.

Ang sakop ng kulturang popular ay napakalawak. Naabo ng kulturang popular ang lahat ng kultural na
kategorya. Halimbawa na lamang ay ang komiks. Kung ikaw ay may kaya DC o anime comics ang iyong
binabada ngunit kapag salat sa buhay ay Aliwan o Hiwaga ng Atlas Publishing Company. Tinatalakay rin
nito ang kasarian at sexualidad. Si Kapten Barbel ang binasana kung lalake at si Dyesebel naman kung
babae. Pigura ng pagnanasang sexual si Dyesebel ng mga straight. Kung bakla naman ay pigura ng
transpormasyon ng aberrant o pagbabawal sa katanggap-tanggap. Iba’t ibang edad din ang
tumatangkilik sa komiks. Ang mga bata ay naaaliw sa komiks at cartoons sa telebisyon. Samantalang sa
matatanda ang komiks ay nagbibigat nostalgia o ibanabalik ang masayng araw ng kanilang kabataan.

Kailangan ipalaganan ang kulturang popular upang makikaka ang mga produkto. Makakarating ito sa
mga tao sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang teknolohiya ginagamit ay maaring sa paraan ng broadcast,
media-print, film, computer at marami pang iba. May iba’t ibang uri ng teknolohiya. Una ay ang
domestikong teknolohiya na kinabibilangan telebisyon, imported na appliances, mga branded na damit,
at sapatos at iba pa. Mayroon ding kultural na teknolohiya tulad ng edukasyon at sining. Pinapalaganap
ng media ang kukturang popular sa mga tao. Ang teknolohiya ang nagpapadaloy kukturang popular sa
iba’t ibang uri ng medium at paraan.

Sa panahon naton ngayon ay nauuso ang mga fake na t-shirt. Ito ay nagpapakita ng sado-masokistang
relasyon ng mga mamimili na walang kakayahang makabili ng branded o tunay na t-shirt. Ang tao ay
bumibimili ng mga branded o di kaya ay mga fake dahil sa apekto at imaheng isinisiwalat ng produkto at
tatatak o brand nito. Ang katangiang ito ng kulturang popular ay gumawaga ng fetisismo sa produkto. Isa
pang sitwasyon na nagpapakita ng sado-masokismo ay kung hindi magkakaroon ng kapanatagam at
kasiyan ang isang tao batay sa kasalukuyang kakayahang bumili. Dahil sa isipan ng mamimili, mayroon
pang mas mahal na lagpas sa kanyang materyal na kakayahan. Halimbawa kung dati ay kaniyang kayang
mabili lamang ay mga patahing kopya nga brand labels, kapag sya ay yumaman at tataas din ang
kanyang pamantayan. Kung may kakayahan na siyang bumili ng Jag o Jordache, ang kanyang
pamantayan o nais bilhin naman ay Levi’s o mga mas mahal na brand labels. Hanggang sa umabot ang
kanyang pamantayan tungo sa mga designer jeans. Nagpapakita lamang ito ng hindi pagkaka-kontento
sa kung ano lang iyong kayang bilhin.

Kung ano ang nauuso sa sentro ay siga ring ginagaya ng mga nasa rehiyon. Ang ibig sabihin ng sentro
dito ay di lamang tumutukoy sa sentro ng isang bansa, ngunit tumutukoy rin ito tungkol sa sentro ng
urbanidad at kosmopolitanismo. Ibig sabihin ang sentro ay di lamang Manila kundi kasali rin ang Cebu at
Davao. Ang tunay na pinanggalingan ng kulturang popular ay mula sa United States dahil relasyon nito sa
ating bansa at Japan, Hong Kong, at Middle East bilang employer ng mga Overseas Filipino Worker.
Halimbawa na lamang nito ay ang sikat na shawarma sa Pilipinas na galing sa Middle East at trending na
mga Kdrama mula sa Korea. Samakatuwid ang kulturang popular ay nanggaling sa mga lugar na
itinuturing na sentro.

You might also like