Aralin 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IKALAWANG

MARKAHAN

FILIPINO 7

Inihanda ni: Glayvene A. Abad, LPT


Guro sa Filipino

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 1


ARALIN 1
PANITIKAN: Ang Ambahan
(Awiting-Bayan, Kahalagahan at Uri ng Awiting-Bayan, Panitikang Bisaya)
WIKA: Kaantasan ng Wika

TUKLASIN NATIN

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang ambahan? Ano ang kaugnayan nito sa kultura at
tradisyon nating mga Pilipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang ambahan? Anong pangkat etniko ang nagpasikat ng ambahan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGYAMANIN NATIN

Unawain at basahin ang isang halimbawa ng awiting-bayan ng mga Mangyan.

ANG AMBAHAN

Kaya ako dumaan dito,


sabi ng kaluluwa ni Randag
nang una akong maligo
sa ilog dito sa lupa
maingay ang agos.

Nang muli akong maligo


hindi na ito ang aking ilog
kundi sa ilog ng mga kaluluwa
doon sa Amawan
kung saan nakasalansan ang mga bato.

Eto, ako ngayon, nagiisa


Mula ngayon at habampanahon
at maging si Inang Mahal
Ay hindi na ako makikita.

Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, partikular ang mga
Hanunuo at Buhid na matatagpuan sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro
at San Jose naman sa Occidental Mindoro. Ang grupong ito ng mga Mangyan ay may sariling
sistema ng pagsulat na ginagamit na nila bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito ay
naisasalin sa pamamagitan ng tradisyong oral upang maipasa sa susunod na henerasyon. Sa oral

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 2


na pagsasalin ng mga Mangyan, ito ay sinusuportahan ng kanilang paraan ng pagsuSulat
(Postma, p. xii).

Ang sistema ng pagsulat ng mga Mangyan ay mahigit na sa 2,500 taon, sa pagpapanahiling


buhay ng ambahan. Dahil sa ganitong sistema, sabay na nabuhay at nananatiling buhay ang
ambahan at ang kanilang sistema ng pagsusulat na ginagamit sa pag-ukit ng ambahan sa mga
puno ng kahoy o biyas ng kawayan. Ang ambahan ay may sukat na pitong pantig sa bawat
faludtod maliban sa unang taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig dahil may mga
pagkakataong ang nagsasalita ay maaaring may mahaba o maigsing pangalan. Ang unang linya
sa ambahan ang nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita. Binibigkas itong parang isang
engkantasyon ngunit walang nakatakdang tono o kasabay na anumang instrumento.

Ang ambahan ay inaawit bagama't hindi gaanong napapansin ang tono nito maliban na lang sa
bandang katapusan dahil umiiba na ang tono upang paalam na matatapos na ang ambahan at
ibinibigay na ang pagkakataon sa sinumang gustong sumagot

Mahalaga ring bigyan nang pansin na ang ambahan ay inaawit na walang kasabay na anumang
tugtog. Ito ang kaibahan nito sa urukay, isang uri din ng tulang Mangyan na binibigkas naman at
sinasabayan ng kalutang.

Maganda ang ambahan kahit nag-iisa lang ngunit higit na tumitingkad ang gandang ito kung
ginagawang sagutan ng mga Mangyan. Ang ambahan ay isang hamon na kailangang fapatan af
sagufin at ang sagof ay kailangang tapatan ng isa pang mas magaling na sagot.

Gamit ng Ambahan

Ang ambahan ay isang tulang may panlipunang katangian, at nabubuhay lang ito at umiral at
mabisa sa loob ng lipunan at karanasan ng mga Mangyan.

Tulad ng iba pang anyo ng tula, ang ambahan ay isang ekspresyon ng kaisipan o damdaming
ipinahahayag sa pamamagitan ng maayos at malambing na wika. Ngunit ito ay hindi nananatiling
tula lamang na nagpapahayag ng kanilang mga pangarap at damdamin. Ito ay isang tulang may
panlipunang katangian at nakukuha lang nito ang tunay niyang kahulugan at silbi sa loob ng
pamayanan ng mga Mangyan.

Sa madaling sabi, ang ambahan ay ginagamit hindi lang upang ipasa, panatilihin at palakasin ang
mga pag-uugaling katanggap-tanggap sa lipunan ng mga Mangyan. Ginagamit din nila ang
ambahan upang masabi ang mga bagay na gusto nilang sabihin bagama't bawal sabihin o hindi
magandang sabihin.

Bukod sa mga pang-araw-araw na pangangailangan sa pagsasao iba pang pakikipagrelasyon sa


kapwa, ipinakikita rin ng ambahan na mayroon silang konsepto ng kabilang buhay.

UNAWAIN NATIN

Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang konotasyon at denotasyon ng mga salitang nasa loob ng grapikong
organayser.

Denotasyon ay ang kahulugan ng salita. Ito din ay literal o ito ang totoong kahulugan ng salita,
nagmumula sa diyaryo.
Konotasyon ay ang mga salita o parilala na malalim na kahulugan. Sariling pagpapakahulugan.

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 3


KONOTASYON DENOTASYON
Ambahan

Awiting-bayan

Tradisyong oral

agos

kaluluwa

B. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang ambahan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Anong pangkat-etniko ang nagpasikat ng ambahan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Anu-ano ang karaniwang mga paksa ng ambahan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Bakit itinuturing na isang awiting-bayan ang ambahan?Ipaliwanag
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Bakit mahalagang pag-aralang ang ambahan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. Ano ang kaugnayan ng ambahan sa kultura at tradisyon nating mga Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
7. Paano mo maipagpapatuloy ang kultura sa ideyang nakapaloob sa akda na sumasalamin sa
tradisyon ng mga taga-Bisaya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

C. Pag-Unawa sa Napakinggan
Panuto: Ano ang kaisipang nais iparating ng tinatalakay na akda: “Ang Ambahan”
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 4


D. Pagpapahalaga sa Panitikan

Awiting-Bayan

Ang awiting-bayan (tinatawag ding kantahing-bayan) ay isang tulang inaawit na nagpapahayag


ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook. Maraming uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa
kanilang Bathala, pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang sumagana ang ani, pag-awit
sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng bata, pag-awit sa kasal, at
pag-awit bilang papuri sa kanilang mga ninuno. May mga awit namang malaswa ang sinasabi at
may kagaspangan ang mga pananalita.

Ang mga awiting-bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na lumitaw bago
dumating ang mga Kastila. Ito'y naglalarawan ng mga kalinangan ng ating tinalikdang panahon.
Karamihan sa mga ito ay may labindalawang pantig. Ito'y may tugma at indayog. Sinasabing ito
ay tula muna bago naging awit. Ang mga titik ng mga awiting-bayan ay naglalarawan ng ugali
ng mga Pilipino na may bakas ng
bagong kalinangan at kabihasnang dala rito ng mga Kastila.

Sa panahong ito, ang awiting-bayan lamang ang nakapagpapanatili sa ating moral. Nanatiling
paksa ng ating mga awiting-bayan ang ating katutubong kultura, damdamin, at iba't iba pang
mga paksain.

Kahalagahan ng Awiting-Bayan

1. Nagpapahayag ng reaksyon ng mga mamamayan sa kanilang mga karanasan sa buhay,


2. Ang mga awit, kahitna mgasinauna ay siyang nagpapahayag ng kanilang mga damdamin,
panaginip, pag-asa, at mga saloobin.
3. Tunay na nagpapahayag ng sariling kulturang Pilipino.
4 Likas na nagpapahayag ng matulaing damdamin at kaluluwa ng mga Pilipino.
5. Ang mga Pilipino ay likas na sentimental.
6. Ipinakikilalang ang mga Pilipino ay likas na nagpapahalaga at tunay na maibigin sa
kagandahan.
7. Ang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao lalo na ng mga taga-Visayas at Mindanao ay
nababakas sa mga awiting-bayan.

Mga Uri ng Awiting-Bayan

1. oyayi o ayayi- Ito'y awiting panghele sa bata o lullabies.


2. diyona-Ito'y awiting tungkol sa kasal o nuptial/courtship songs.
3. kundiman - Ito'y awit ng pag-ibig o love songs.
4. kumintang- Ito'y awit ng pandigmao war/battle songs.
5. soliranin -Ito'y awit sa paggagaod o rowing songs.
6. tikam- Ito'y pandigmang awit na pang-akit sa pakikihamok at mayroon namang pagbati sa
bayaning nagtatagumpay.
7. talindaw - Ito'y awit sa pamamangka o boat songs.
8. kutang-kutang- to'y awiting panlansangan o street songs.
9. maluway- Ito'y awit sa sama-samang paggawa 0 work songs.
10. pananapatan- Ito'y panghaharana sa Tagalog o serenades.
11. sambotani - Ito'y awit ng pagtatagumpay o Victory songs.
12. balitaw - Ito'y awit sa paghaharana ng mga Bisaya.

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 5


13. dalit - Ito'y awit na panrelihiyon o hymns.
14. paninitsit - (Kapampangan) O Kaka, O Kaka.
15. pangangaluwa - Ito'y awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog dirges.
16. dung-aw-awit sa patay ng mga llokano.

Panitikang Bisaya

Sa Hiligaynon, si Eriberto Gumban ang ipinalalagay na "Ama ng Panitikang Bisaya" dahil sa


maraming isinulat niyang moro-moro, drama, at sarsuwela; si Jose M. Laya ay napatangi sa tula
at maiking kuwento; ayon kay Maximo Kalaw, si Magdalena Jalandoni ang umakda ng
pinakamabuting nobelang Hiligaynon, "Ang mga Tunuc Sang Ca Bulac."

Sa Sugbuwanon, ang lalong matunog na pangalan ay ang kay Vicente Sotto na natanyag sa
isinulat niyang operang Bisaya, ang “Mactang” Si Sotto ay maraming naisulat sa wikang Kastila
at kilala bilang isang manlalabang peryodista.

Sa Waray-waray, ang pinakamaningnlng na pangalan ay ang kay Norberto Romualdez, naging


mahistrado ng Kore uprema, at sumulat ng maraming dula. sanaysay na sosyo-politiko at hinggil
sa pilipinolohiya, lalo na sa poklor na Filipino. Ang mga wikang ginamit niya ay ang Waray-
waray at Kastila.

E. Pagtalakay sa Panitikan
Panuto: Isulat sa tsart ang naunawaan mo sa mga binasang teksto.

AWITING BAYAN

PAG-IBIG TAGUMPAY RELIHIYON RITWAL

F. Pagsulat
Panuto: Sumulat ng sariling bersiyon ng isang awiting-bayan (isang koro) sa sariling lugar gamit
ang wika ng kabataan. Isulat ang sagot sa ibaba.

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 6


I. Ugnay-Wika

Kaantasan ng Wika

1. pambansa o karaniwan- Ito'y mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat


pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.

Halimbawa:
dangal, malaya, paniwala, abiso, gabi, kabayo, labada, bakasyon, at iba pa.

2. pampanitikan o panretorika-Ito'y mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan,


karaniwang matayog, malalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
sanggunian, pag-ibig, salinlahi, aklat, pahayagan, larawan, tahanan

3. lalawiganin - Ito'y mga salitang karaniwang maririnig sa isang lalawigan o rehiyon na


may naiibang tono kapag binigkas.
Halimbawa:
ngani, ano baga, yanu ay, ditse (ate), ambot (ewan), oragon, haru naman, at iba pa.

4. kolokyal - Ito'y mga salitang di-pormal, mga pang-araw-araw na salita na may kaunting
kagaspangan, at hango sa pormal na salita.
Halimbawa:
piyesta- pista pelikula – penikula aywan-ewan pare-kumpare mare-kumare tapsilog

5. balbal o islang-Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.


Halimbawa:
parak, lespu (pulis), eskapo (takas), atik (pera), erpats (tatay), jokla (bakla)

J. Magsanay sa Wika
Panuto: Ilagay sa kahon kung ang mga salita ay isang uri ng wikang pambansa, pampanitikan,
lalawiganin, kolokyal o balbal.

1. Katulong- __________________
2. Kapatid- __________________
3. Malaki- __________________
4. Kahulugan- __________________
5. Bakasyon- __________________
6. Tugang- __________________
7. Dako- __________________
8. Ngarud- __________________
9. Kapusod- __________________
10. Katuwang- __________________

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 7


PAG-ISIPAN NATIN
Panuto: Sagutan mo ang K-W-L na maglalaman ng mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito.

KNOW ANO ANG ALAM MO NA?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
WHAT ANO ANG DAPAT KO PANG MALAMAN?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
LEARN ANO ANG NATUTUHAN KO?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN 8

You might also like