Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Maria Cecilia A.

Leaño
FILIP12-LF1Y

Ang Epekto ng Globalisasyon sa Wikang Filipino


(Konseptong Papel)

Ang mga bansa sa Asya ay nasa yugto ng pagpapaunlad para makahabol sa kanluran.
Ang mga bansang ito, kasama na ang Pilipinas, ay sumasama sa globalisasyon na isang
inisyatiba ng mga mauunlad na bansa. Ang nangyayaring globalisasyon ay may iba’t ibang
epekto sa mga umuunlad na bansa. Nakikita, nagiging problema, at pinag-aaralan na ang
epekto nito sa kapaligiran, sa pamilya, sa mahihirap, at pati sa mga pag-uugali at
pagpapahalaga. Gayunman, ang isang bagay na pinagtutuunan na rin ng pansin at pinag-
aaralan ay ang epekto nito sa wikang pambansa. Dahil sa malaking papel ng wikang Ingles sa
globalisasyon, nagiging palaisipan ang hinaharap ng wikang Filipino. Mahalagang masuri ang
papel at hinaharap ng wikang Filipino sa gitna ng globalisasyon dahil sa malaking implikasyon
nito sa kultura at lipunan.

Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na talakayin at suriin ang kahihinatnan


ng wikang pambansa bunga ng globalisasyon sa hinaharap. May mga tiyak na layunin ang
pananaliksik. Ang mga ito’y ang mga sumusunod:

1. Tukuyin ang pangkalahatang katangian at kalikasan ng globalisasyon na


nangyayari sa mga bansa sa kasalukuyan;
2. Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng wikang pmabansa sa Pilipinas;
3. Tiyakin ang magiging papel ng wikang Ingles sa gitna ng nangyayaring
globalisasyon sa mga bansa sa Asya, partikular sa Pilipinas:
4. Suriin ang magiging hinaharap ng wikang Filipino sa konteksto ng malaking papel
ng wikang Ingles; at
5. Magbigay ng mga rekomendasyon at mungkahi upang makaangkop ang wikang
pambansa sa pagbabago sa bansa.

Maaaring pagkunan ng datos sa pananaliksik ang mga sumusunod: mga libro at


artikulo ukol sa globalisasyon, sa wikang Filipino at wikang Ingles, mula sa mga aklatan; mga
interbyu sa mga dalubhasa, ekonomista at iba pang awtoridad ukol sa globalisasyon at sa
wikang pambansa. Gagamitin ang paraang hermenyutika sa pagsusuri sa mga datos.

Isang 30-35 pahinang papel ang inaasahang mabubuo mula sa pananaliksik. Bahagi
ng papel na ito ang sanggunian at apendiks.

You might also like