Professional Documents
Culture Documents
Proposal Na Papel - DISIFIL
Proposal Na Papel - DISIFIL
Proposal Na Papel - DISIFIL
1|Page
EPEKTO NG PANDEMYA SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN NG MGA
MAGAARAL SA KOLEHIYO NG DE LA SALLE LIPA
Introduksyon
Ang kalusugang pangkaisipan ay isang mahalagang bahagi at mahalagang sangkap ng
pangkabuoang kalusugan ng isang tao. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang
kalusugan ng kaisipan ay higit pa sa kawalan ng mga karamdaman o kapansanan sa pag-iisip.
Ito ay isang estado ng ksagalingan kung saan napagtanto ng isang indibidwal ang kanyang
sariling kakayahan, nakakayanang lampasan ang mga hamon sa buhay, maaaring gumana
nang produktibo at nakapagbigay ng isang kontribusyon sa kanyang pamayanan. Maraming
mga kadahilanan sa lipunan, sikolohikal, at biyolohikal ang antas ng kalusugan sa pag-iisip ng
isang tao. Ayon kay Layard (2017), ng hindi magandang kalusugang pangkaisipan ay naiugnay
din sa mabilis na pagbabago sa lipunan tulad na lamang ng pandemya na kasalukuyang
nararanasan ng buong mundo.
Ang pandemya ng coronavirus o COVID-19 ay ang pandaigdigang krisis sa kalusugan
sa ating panahon at ang pinakadakilang hamon na kinakaharap natin mula pa noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Mula nang lumitaw ito sa Asya noong huling bahagi ng taong 2019, ang
virus ay kumalat sa bawat kontinente maliban sa Antarctica.Nakarating na tayo ngayon sa
nakalulungkot na milyahe ng isang dalawang milyong pagkamatay, at ang napakaraming
pamilya ang nagdurusa sa ilalim ng pasanin ng pagkawala ng mga mahal nila sa buhay.
Araw-araw, ang mga tao ay nawawalan ng trabaho at kita, na walang paraan ng pag-
alam kung kailan babalik sa normal. Ang mga maliliit na bansa ng isla, lubos na nakasalalay sa
turismo, ay walang laman na mga hotel at mga beach. Tinatantiya ng International Labor
Organization na 400 milyong trabaho ang maaaring mawala. Kasabay nito ang pagbabago ng
mga eskwelahan mula sa face to face na set up ay naglunsad ng online learning.Napakaraming
pagbabago ang naganap at patuloy na nagaganap na sadyang nakakabahala.
Ang kalusugan ng kaisipan ay mahalaga sa ating kakayahan bilang mga tao na mag-
isip, makipag-ugnayan sa bawat isa, pagkakaroon ng hanap-buhay at sa kabuoang kasiyahan
2|Page
sa buhay. Kaugnay ng batayan na ito, ang promosyon, proteksyon at pagpapanumbalik ng
kalusugang pangkaisipan ay maaaring ituring bilang isang mahalagang prayoridad ng mga
indibidwal, pamayanan at lipunan sa buong mundo. Nauna nang ipinahayag ng WHO ang
talamak na mababang pagbibigay ng pondo sa kalusugang pangkaisipan bago ang pandemya,
ang mga bansa ay gumagastos ng mas mababa pa sa dalawang porsyento ng kanilang mga
pambansang badyet sa kalusugan sa kalusugang pangkaisipan, at hindi ito sapat upang
matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga populasyon. Katulad na lamang dito sa
Pilipinas, masasabing isang prebilehiyo ang makapagpagamot ng kalusugang pangkaisipan na
maituturing na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng nakararami. Maraming paring tao
ang hindi naniniwala at kulang sa kaalaman tungkol sa kalusugang pangkaisipan kaya
nananatiling stigma ito sa ating lipunan. Isa sa mga dahilan nito ay ang kakulangan sa
pagkaunawa sa mga karanasan na nakakadulot ng di mabuting kalusugang pangkaisipan.
Sa mga Guro: Magsisilbing paraan upang mas maintindihan ang dinaranas ng kanilang
mga magaaral kaugnay sa mga pagbabagong dulot ng pandemya sa kalusugang pangkaisipan.
3|Page
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Kalusugang Pangkaisipan
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kalusugan ng kaisipan ay higit pa sa
kawalan ng mga karamdaman o kapansanan sa pag-iisip. (World Health Organization, 2018)
4|Page
Metodolohiya
Ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito ay deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Sa pamamarang ito ay inilalarawan ang kalagayan ng mga pangyayari, tao o
bagay na umiiral. Ito ay pag-aaral sa mga kasalukuyang ginagawang kalagayan. Ang
pananaliksik na deskriptib ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang pagkakatulad sa
pamamagitan ng maayos at planadong paraan. Ang uri ng deskriptibong pananaliksik na
napiling gamitin ng mananaliksik ay “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng
talatanungan upang makalikom ng mga datos. Limitado lamang ang bilang ng mga partisipant
sa talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng
sumagot sa mga talatanungan. Kaya napagdesisyonan ng mananaliksik na nararapat ito sa
pag-aaral dahil maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag
sa pagkalap ng mga datos at impormasyon sa ganitong uri ng deskriptibong pananaliksik. Ang
disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa
pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa napiling paksa sapagkat
mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
Ang napiling partisipant ng mananaliksik ay ang mga kolehiyong mag-aaral sa paarala
ng De La Salle Lipa. Sila ang napiling populasyon dahil ninais ng mga mananaliksik na
malaman ang epekto ng pandemya sa kalusugang pangkaisipan ng mga magaaral sa kolehiyo
ng De La Salle Lipa. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang mga partisipant sa nasabing
pag-aaral sa kadahilanang sila ay kasalukuyang nakakaranas ng mga pagbabago bunsod ng
pandemya na makakapagbigay ng angkop na sagot. Upang makakuha ng mga impormasyon
ang mananaliksik ukol sa paksa, ginamit ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng
partisipant ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang sample size ng respondente ay
nalaman sa pamamagitan ng paggamit ng Yamane's Formula, tulad ng sumunod:
Kung saan:
n = ang bilang ng sampol mula sa populasyon
N = Kabuuang populasyon
e = margin of error
Isang talatanungan ang unang bubuoin ng mananaliksik at ito ay sasailalim sa
pagpapatibay ng instrumento kung saan hihingi ang mananaliksik ng tulong sa tagapayo, at
guro upang maging malinaw, maayos at naaayon ang bawat detalyeng nilalaman ng
talatanungan. Humingi din ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punongguro sa gagawin
nilang sarbey sa mga mag-aaral. Ang mananaliksik ay magsagawa ng maikling oryentasyon sa
mga mag-aaral upang masiguro na maunawaan ng mga partisipant ang bawat bagay maging
ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at
kailangang mga impormasyon. Ang mananaliksik ay ililipat ang mga datos sa numerikal na
porma at isasailalim sa istatikal na analisis upang mailarawan at makabuo ng konklusyon galing
sa mga datos na nakalap. Napagpasyahan ng mananaliksik na kuhanin ang weighted mean ng
5|Page
bawat kategorya sa talatanungan, at ang mean upang makuha ang buong persepsyon ng mga
partisipant sa epekto ng pandemiya sa kanilang kalusugang pangkaisipan.
Sa karagdagan, ang mananaliksik ay nagpasyang kuhanin ang standard deviation
upang mas mailarawan ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng sarbey. Ang mga
formula para makuha ang weighted mean, mean at standard deviation ay ang mga sumusunod:
Kung saan,
x̄ = weighted mean, w = weights, x= value
Kungsaan,
x= values, N= sample size
Kung saan,
x̄= sample mean, x= values, n= sample size
Talaan ng Sanggunian
6|Page
Brooks, S., Webster, R., Smith, L., Woodland, L., Wessely, S., Greenberg, N., & Rubin, G. J.
(2020). The psychological impact of quarantine and how to reduce it: rapid review of the
evidence. Elsevier.
Canale, M. K. (2003). hallenges & Choices: Finding Mental Health Services. Ontario: Centre for
Addiction and Mental Health.
Center for Disease Control Prevention. (2018, January 26). Retrieved from Learn About Mental
Health: https://www.cdc.gov/mentalhealth/data_publications/index.htm
International Labor Organization. (2020, May 27). Retrieved from COVID-19: Stimulating the
economy and employment: https://www.ilo.org/global/about-the-
ilo/newsroom/news/WCMS_749398/lang--en/index.htm#:~:text=According%20to%20the
%20ILO%20Monitor,48%2Dhour%20working%20week).
Javed, B., Sarwer, A., Soto, E. B., & Mashwani, Z. U. (2020). The coronavirus (COVID-19)
pandemic's impact on mental health. The International journal of health planning and
management, 35(5), 993–996. https://doi.org/10.1002/hpm.3008
Layard, R. (2017). The economics of mental health. IZA World of Labor.
National Alliance on Mental Illness. (2020, December). Retrieved from Mental Health by
Numbers: https://www.nami.org/mhstats
Pfefferbaum, B., & North, C. (2020). Mental Health and the Covid-19 Pandemic. The New
England Journal of Medicine.
World Health Organization. (2018, March 30). Retrieved from https://www.who.int/news-
room/fact-sheets/detail/mental-health-strengthening-our-response
Xiong, J., Lipsitz, O., Nasri, F., Lui, L., Gill, H., Phan, L., Chen-Li, D., Iacobucci, M., Ho, R.,
Majeed, A., & McIntyre, R. S. (2020). Impact of COVID-19 pandemic on mental health in
the general population: A systematic review. Journal of affective disorders, 277, 55–64.
https://doi.org/10.1016/j.jad.2020.08.001
7|Page