Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

JOSE MEMORIAL STATE UNIVERSITY

General Luna St. Turno, Dipolog City

KAHIRAPAN: Problema o Hindi?

Ang Pananaliksik ay ipriniprisinta kay

Bb.Mary Claire Tagab

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan

Ng Asignatutang

Filipino 1

Ipriniprisinta ni

PAOLO MARTIN B. COTONG

Petsa

December 24, 2020


Ang napili kong paksa ay tungkol sa kahirapan dahil ang kahirapan ay isang mabigat na problema
sa ating bansa. Ito ang kadalasan nating tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga sitwasyon na
hinaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga kabataan. Ang kahirapan
ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing
pangangailangan sa pang araw-araw. Dito tatalakayin ang sanhi ng kahirapan at ang epekto nito sa
kabataan na nakakaranas ng kahirapan.

Kahirapan: Problema o Hindi? Ang napili kong pamagat dahil nais kong malaman kung problema
ba talaga ang kahirapan o hindi. Sa Pananaliksik na ito dito natin malalaman kung bakit isa ang
Kahirapan na mabigat na problema ng ating bansa. Kung sino ang may kasalanan ang Pilipino ba o ang
Gobyerno.

Panimula/Introduksyon

Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng
mga pag-aaring materyal o salapi. Ang Kahirapan ay maraming posibleng dahilan kung bakit ito nangyari
sa ating bansa. Ang ating bansa ay maraming taong mahihirap dahil sa problemang hinaharap nito. Ang
kahirapan nararamdaman ng mga Pilipino ay maikukumpara sa isang malagim na epidemya na
kumakalat sa buong mundo hindi lamang sa ating bansa. Ang epidemyang ito ay patuloy na hinahanapan
ng lunas ngunit ito’y mahirap makamtam.

Sa pananaliksik na ito malalaman natin kung bakit o kung ano ang ang sanhi ng kahirapan ng
mga Pilipino. Ito ba ay naging Problema sa kanila o hindi. Ang nabanggit na problema ay dapat alamin ng
mga mananaliksik upang matugunan ang suliranin at mabigyang linaw ang mga ito sa kanilang buhay,
kung gaano sila kapursigido sa kanilang pang araw-araw ng paghahanapbuhay.

Ang kahirapan ay higit na matutukoy sa pamamagitan ng paraan ngpamumuhay ng mga tao sa


komunidad kung saan ang isa sa mga buhay at sa antas ng mga inaasahan nila at tumutukoy rin sa
kalagayan na hindi kayang tugunan na mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng malinis na
tubig, nutrisyon, kalusugan,damit at tirahan at isa ito sa problemang kinakaharap natin ngayon. Ang
kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalimna sugat namakikita sa bawat sukat ng
kultura at lipunan. Kasama nito angmga kasapi ng pamayanan nasadyang may maliit na kita. Kasama rin
ang kakulangan ng mga serbisyo katuladng edukasyon,pamilihan,pangangailangang pangkalusugan,
kawalan ngkakayahan na gumawa ngmga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan ngmalinis na tubig,
kalinisan at kaayusan, maayos nakalye, transportasyon atkomunikasyon.Mas madali nating maintindihan
ang kahulugan atkahalagahan ng pag-aaral ng “kahirapan” sa pamamagitan ng ilang palatandaan at
pagpapatunayna ang kahirapan ay ating nararanasan sa ngayon.

Paglalahad ng layunin

A. Pangkalahatang Layunin

Ang pananaliksik na ito ay may layuning alamin ang “Kahirapan : Problema o Hind?“ Dito
lilinawin at malalaman ang kasagutan sa nasabing problema.

B. Tiyak na Layunin

Ang mga tiyak na layunin ng pag aaral ay ang mga sumusunod:

1. Masuri ang mga sanhi ng paghihirap ng mga mamamayan Pilipino.

2. Masuri ang epekto ng kahirapan sa mga sumusunod:

a. Kalusugan

b. Edukasyon

c. Kagutuman

d. Pabahay at Utilidad

e. Karahasan

3. Masuri ang mga maaring solusyon ng paghihirap.

You might also like