Orca Share Media1618635896173 6789051013862336759

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Pagsambang Pansambahayan

Sabado/Linggo: Abril 17/18, 2021

ANG MAGAGAWA NG DIYOS PARA SA KAPAKANAN


NG KANIYANG BAYAN SA PANAHONG ITO

Ang kalagayan ng buhay sa panahon natin ngayon ay tinatawag ng


marami na bunga ng mga pagbabago sa pang-araw-araw
nating pamumuhay na kinailangan nating gawin dahil sa mga
dumating na matitinding krisis, tulad ng kasalukuyang pandemya.
Masasabi na rin na ang mga pangyayari na dati ay
itinuturing na di-pangkaraniwan subalit ngayon ay nagiging
pangkaraniwan na lamang, gaya ng malalakas na lindol, malalakas
na bagyo, malalaking baha, at malawakang . Ang mga ito ay
nagpapalubha sa napakahirap nang buhay ngayon, anupa’t
dumarami ang walang hanapbuhay at lumalala ang pagkakagutom.

Huwag nating kalimutan na ang mga ito ay bahagi ng sumpa ng


Diyos sa masamang daigdig at ng mga palatandaang malapit na ang
wakas nito o ang Araw ng Paghuhukom. Alalahanin natin na tayong
mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay bayan ng Diyos. Kaya, hindi tayo
dapat mabahala o masiraan ng loob sapagkat may pangako Siya sa
atin. Ang sabi sa Unang Samuel 12:22 (
):

Para sa kapakanan ng kaniyang sariling dakilang pangalan ay hindi


pababayaan ng PANGINOON ang kaniyang bayan, yayamang ipinasiya
ng PANGINOON na gawin kayong bayan niya.*

Kaya kung nangyayari man ngayon ang napakaraming sumpa sa


daigdig, hindi tayo dapat mabahala ni masiraan man ng loob
sapagkat bilang Kaniyang bayan ay nangako Siyang hindi Niya tayo
pababayaan.

Natitiyak nating bayan tayo ng Diyos sapagkat pinatutunayan ito ng


Biblia. Batay sa Unang Pedro 2:9-10 ( ), ang nasa
bayan ng Diyos ay kinuha Niya mula sa dilim at dinala sa Kaniyang
kahanga-hangang liwanag. Ang katumbas nito ay inilabas sila mula
sa kontrol at kapangyarihan ng kadiliman o ni Satanas at inilipat sa
kaharian ng Anak ng Diyos o sa kaharian ni Cristo, na siyang
kinaroroonan ng katubusan, batay sa Colosas 1:12-14 (
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Abril 17/18, 2021
pahina 2

). Ang tinubos ay ang Iglesia Ni Cristo, ayon sa Gawa 20:28


(salin ni Lamsa). Kaya, ito ang bayan ng Diyos na pinangakuan
Niyang hindi Niya pababayaan.

Sa panahong mga wakas ng lupa ay mayroon ding bayan ng Diyos.


Batay sa hula sa Isaias 43:5-6 ( ) at 8, sila ang mga taong
ilalabas mula sa pagiging isang “bulag na bayan.” Sa gawaing ito ay
kakasangkapanin ng Diyos ang Kaniyang sugo na magmumula sa
Malayong Silangan, na ang kinatuparan ay ang Pilipinas.

Ayon sa Ikalawang Corinto 4:4 ( ), ang


bumulag sa mga tao ay si Satanas. Binulag niya ang kanilang pag-
iisip upang huwag silang sumampalataya sa mabuting balita o salita
ng Diyos. Kaya, batay sa Isaias 46:11-13 ay tumawag ang Diyos ng
Kaniyang sugo sa silanganan na itinulad sa ibong mandaragit na
kakasangkapanin ng Diyos para ilapit ang Kaniyang katuwiran o ang
Kaniyang salita sa mga malayo rito upang sila ay maligtas. Ang
kinatuparan nito ay ang Kapatid na Felix Manalo, ang Sugo ng Diyos
sa mga huling araw. Siya ang kinasangkapan upang ipangaral ang
tunay na ebanghelyo na ang ibinunga’y ang pagbangon ng Iglesia Ni
Cristo sa Pilipinas.

Kaya, natitiyak natin na ang Iglesiang ating kinaaaniban ang bayan


ng Diyos sa mga huling araw na ito. Makaaasa tayong hindi Niya tayo
pababayaan sapagkat bilang Kaniyang bayan ay may mga pangako
Siya sa atin. Ang isa sa mga ito ay mababasa sa Awit 29:11 ( ):

Ang Panginoon ay magbibigay ng [di-mapasusuko at di-


makukubkob] na kalakasan sa Kaniyang bayan; ang Panginoon ay
magpapala sa Kaniyang bayan ng kapayapaan.*

Hindi ba ito ang ibinigay ng Diyos sa Iglesia Ni Cristo mula pa nang


pasimulan ng Sugo ang gawaing ito hanggang ngayon? Pinagpala
Niya ang Iglesia ng kalakasan at kapayapaan. Naitataguyod ng
Iglesia ang payapang paglilingkod sa Diyos sa harap ng maraming
hadlang.

May pangako rin ang Diyos na mababasa sa Zacarias 13:8-9 (


) tungkol sa Iglesiang itinatag ni Cristo na binubuo
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Abril 17/18, 2021
pahina 3

ng tatlong grupo ng mga tao. Nangako ang Diyos na kapag ang


ikatlong bahagi—na tumutukoy sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling
araw na ating kinabibilangan—ay dumaraan sa pagsubok at sila'y
tumawag sa Kaniya, ay diringgin Niya sila sapagkat sila ang
Kaniyang bayan.

Ayon naman sa Awit 44:4 ( ), ang Diyos ay nag-aatas ng


pagtatagumpay sa Kaniyang bayan. Hayag na hayag itong natutupad
sa Iglesia Ni Cristo na ating kinaaaniban. Ang sunud-sunod at
kahanga-hangang mga tagumpay na nasasaksihan nating inaani ng
Iglesia Ni Cristo ay gawa ng makapangyarihang kamay ng Diyos.
Pinapagtagumpay rin Niya ang Iglesia sa lahat ng pagsubok at sa mga
kumaaway rito.

At sa panahong ito na napakaraming nagaganap na nakatatakot at


di-pangkaraniwang mga pangyayari, ay nangako rin ang Diyos, sa
Awit 29:11 ( ), na poprotektahan Niya ang
Kaniyang bayan. Kaya hindi tayo dapat mabahala o mawalan ng pag-
asa anuman ang mangyari sa daigdig.

Subalit, may kondisyon na dapat muna nating matupad upang


tamasahin natin ang mga ipinangako ng Diyos. Ang sabi ni Apostol
Pablo sa Filipos 2:12 ( ):

Kaya nga, mga minamahal ko, kung paanong lagi kayong


sumusunod [sa aking mga tagubilin nang may labis na pananabik], hindi
lamang kapag ako ay nakaharap, kundi lalo ngayong ako ay wala,
patuloy ninyong isakatuparan ang inyong pagkaligtas [ibig sabihin ay,
linangin ito, ihatid sa lubos na bunga nito, aktibong itaguyod ang
kaganapang espirituwal (spiritual maturity)] na may pagkatakot at
panginginig na udyok ng pagpipitagan [na ginagamit ang seryosong
pag-iingat at masusing pagtaya sa sarili upang maiwasan ang anumang
bagay na makapagpapagalit sa Diyos o makasisirang-puri sa pangalan
ni Cristo].*

Dapat iwasan ang anumang gawang makapagpapagalit sa Diyos.


Kaya dapat ay seryoso nating ingatan ang ating pagka-Iglesia Ni
Cristo. Tuparin natin ang laging ipinananawagan ng Kapatid na
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Abril 17/18, 2021
pahina 4

Eduardo Manalo, ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan, na


puspusang pagbabagong-buhay.

Upang manatili ang mga pagpapala ng Diyos sa atin, lumapit tayong


lagi sa Kaniya at idulog ang ating kalagayan, ayon sa Job 5:8-9 at 11
at 15 at 18-26 ( ). Siya lamang, at wala nang
iba pa, ang makapagliligtas sa atin at Siya lamang ang makagagawa
ng mabuti sa atin. Kaya, maging mapanalanginin tayo sa Kaniya at
maghintay tayo sa Kaniyang pagliligtas, tulad din ng ginawa ng
Kaniyang lingkod na nagsasalita sa Awit 62:1-2 at 7-8 (
):

Tahimik akong nakatayo sa harap ng Panginoon, naghihintay na


iligtas niya ako. Sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula lamang sa
kaniya. Oo, siya lamang ang aking Bato, ang aking tagapagligtas,
sanggalang at muog. Kaya bakit ako labis na matatakot kapag
dumating ang mga kabalisahan? … Ang aking sanggalang at
tagumpay ay mula sa Diyos lamang. Siya ang aking kanlungan, isang
Bato kung saan walang sinumang kaaway na makaaabot sa akin. O
bayan ko, magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng panahon. Ipahayag
ninyo sa harap niya ang lahat ng inyong matitinding hangarin,
sapagkat makatutulong siya!*

Manganlong tayo sa Diyos. Sa Kaniya natin ipahayag ang ating mga


hangarin at kahilingan, sapagkat Siya ang makatutulong sa atin.
Sabihin din natin sa ating panalangin ngayon na maghihintay tayo
sa Kaniyang pagliligtas. Sabihin natin sa Kaniya na patuloy tayong
maglalagak ng pag-asa sa mga biyayang inilalaan Niya sa atin.

PAGSAMBANG PANSAMBAHAYAN
BATAY SA LEKSIYONG BINALANGKAS
NI KAPATID NA GLICERIO B. SANTOS JR.
SABADO/LINGGO: ABRIL 17/18, 2021

_________________________
*

You might also like