Professional Documents
Culture Documents
ESP 9 Q3 Week 2 SIPacks - CSFP
ESP 9 Q3 Week 2 SIPacks - CSFP
Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
Self-Instructional Packets (SIPacks)
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo
*maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan
PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawain na iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.
i
Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks),
isaalang-alang ang mga sumusunod na paalala:
1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.
2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isusulat ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng PAD
PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. HUWAG KALIMUTANG isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong
SAGUTANG PAPEL bago sumagot sa mga gawain.
Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 9) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat: (Hal. 9 Bonifacio) Pangalan ng Guro: (Hal. Lucia Santos)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Unang Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. Nov 9-13,2021)
Gawain no. __
1.
2.
3.
4.
Gawain no. __
1.
2.
3.
Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa konsepto ng katarungang
panlipunan.
II. NILALAMAN
Paksa: “Katarungang Panlipunan”
Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagiging Patas
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Sa nakaraang aralin, ating natalakay ang unang bahagi ng araling
“Katarungang Panlipunan” kung ano ba ang kahulugan at palatandaan ng
Katarungan, gayundin ang pangunahing prinsipyo nito na maaaring gawing gabay ng
tao upang magkaroon ng makatarungang ugnayan sa kapuwa.
1
Ngayon naman, sa araling ito, mabibigyan ka ng sapat na kaalaman kung bakit
mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng katarungang
panlipunan at kung paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng katarungang
panlipunan.
SUPREME COURT
2
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 1: Kahalagahan ng Katarungan at Batas sa Katarungang Panlipunan
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga gabay na tanong sa iyong
sagutang papel.
3
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang sanhi ng mga rally o mga pagtitipong gaya ng nasa
larawan?
Patas sa Pananalita
Ang pagiging patas sa pananalita ay nakaangkla sa pagpapahalaga sa
katotohanan. Nararapat na tayo ay magsalita lamang ng may katotohanan sa ating
kapuwa upang maipakita ang paggalang oras na inilaan nila sa pakikinig sa atin.
Nararapat na tumbasan natin ang tiwalang
ibinigay nila ng mga salitang batay lamang sa katotohanan. Kasama rin sa pagiging
patas sa pananalita ang hindi paglilihim ng katotohanan lalo na sa mga taong may
karapatan dito.
Patas sa Pagkilos
Ang pagiging patas sa pagkilos at pakikisalamuha sa kapuwa ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagkatao nila. Ang mismong buhay ng tao ang ating dapat na
isaalang-alang sa ating mga desisyon at kilos. Nararapat na hindi ibinabatay sa kulay,
relihiyon, o katayuan sa buhay ang pagtratong ibinibigay sa kapuwa. Ibigay lamang
kung ano ang nararapat sa isang tao bilang tao.
4
Sitwasyon/Pangyayari Ano ang ginawa o nagawa mo?
5
KATARUNGANG PANLIPUNAN
Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang
pamumuhay. Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa
negosyo, pangungurakot sa pribado at publikong institusyon, at hindi makatarungang
pasahod sa mga empleyado. Isinasaalang-alang ng katarungan ang ugnayan ng
bawat isa sa lipunan. Mabisang paraan ito upang mapangalagaan at mapanatili ang
kabutihang panlahat.
Dignidad ng tao
Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa
dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kanyang pag-aari,
posisyon sa lipunan o mga nakamit sa buhay, kundi dahil sa kanyang pagkatao. Wala
siyang katulad sa buong kasaysayan at hindi siya mauulit. May dignidad ang tao dahil
6
mahalaga siya. At dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa
kanya.
Ang pagbibigay ng kung ano ang nararapat ay hindi nakadepende sa kanyang
sitwasyon, kundi sa kanyang hindi malalabag na karapatang kaugnay sa kanyang
dignidad bilang tao. Ang katarungang panlipunan ay nakatuon sa kabutihan ng mga
tao, ang mga istruktura ng lipunan ay nabubuo at nararapat na umiiral para sa
kabutihan ng lahat ng tao.
Katotohanan
Sa paghahanap ng katotohanan, kinakailangang tignan ang kabuuan ng isang
sitwasyon. Bilang isang pagpapahalaga, ito ay nag-uudyok sa iyo na handa mong
ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa iyong
kapuwa. Kaya ito ay hindi isang simpleng opinyon lamang dahil hindi mo maitataya
ang iyong pagkatao at buhay para sa isang opinyon lamang. Ang katotohanan ay ang
pag-unawa na may iba pang apektado sa sitwasyon, hindi lamang ikaw. Inuunawa at
pinagninilayan mo ang sitwasyon upang makita ang katotohanang nakakubli.
Pagmamahal
Ang pagmamahal bilang isang pagpapahalaga ay isang aktibong pagkalinga
sa kapuwa na nagpapaunlad sa kanyang kakayahan bilang tao. Kung ang
katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, hindi lamang ang
pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang positibong
paglapit sa kanya upang samahan at suportahan siya.
Pagkakaisa
Ang pagmamahal ay siyang puso ng pagkakaisa. Makakatulong ang
pagkakaisa na matanggap ang katotohanan na tayong mga Pilipino ay sama-samang
namumuhay sa iisang bansa lamang. Sinabi ni Santo Papa Juan Pablo II, ang bunga
ng pagkakaisa ay kapayapaan.
Kapayapaan
Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan, o sa
pagkakaroon ng parehong kapangyarihan ng mga bansa. Ang kapayapaan ay ang
pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan.
7
● Kung mayroong sapat na materyales sa bahay, gumawa ng picture collage
o pinagsama-samang larawan sa iyong sagutang papel gamit ang mga
magasin, dyaryo o iba pang print media na nagpapakita ng ideyal o ninanais
na Makatarungang Lipunan. Magpakita ng 5 o higit pang mga ideya o konsepto
na natalakay tungkol sa katarungang panlipunan.
● Kung wala namang materyales, maaaring gumuhit na lamang ng larawan na
nagpapakita ng ideyal o ninanais na Makatarungang Lipunan kasama ng iyong
iba pang kasagutan. Maaaring kulayan ang iyong iginuhit para ipakita ang
pagkamalikhain. Gumuhit ng 5 o higit pang mga ideya o konsepto na natalakay
tungkol sa katarungang panlipunan.
● Gawing batayan sa pagtataya ang rubrik sa kasunod na pahina.
Rubrik
Picture Collage / Iginuhit
NILALAMAN (5 puntos)
Iskor Bilang ng Ideya o Konseptong may Kaugnayan
sa Katarungang Panlipunan
5 Napakahusay sa paksa
puntos May 5 o higit pang ideya o konsepto
3-4 May pag-unawa sa paksa
puntos May 3-4 ideya o konsepto
1-2 May katamtamang pag-unawa sa paksa
puntos May 1-2 ideya o konsepto
PAGKAKAGAWA (5 puntos)
Iskor Kalinisan at Kaayusan ng Picture Collage or
Iginuhit
5
Malinis at maayos ang pagkakagawa.
puntos
3-4 May ilang bahagi ang di malinaw o maayos ang
puntos pagkakagawa.
1-2
Wala sa ayos ang halos lahat ng bahagi.
puntos
8
H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)
Gawain 5: Ako ay may Pananagutan
Panuto: Bigyang kahulugan batay sa iyong pag-unawa sa aralin ang sumusunod na
pangungusap. Magbigay ng 2-3 ideya sa iyong sagutang papel.
I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 6: Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan dahil _____________.
a. Maaaring mawala ang dignidad ng tao.
b. Kailangang sundin ang pagnanais ng tao sa pagsunod sa batas.
c. Tayo ay may kalayaan ng kilos.
d. Ang mga legal na batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad ng kilos.
9
5. Ito ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kanyang
tungkulin sa isang institusyon.
a. kapuwa
b. kalipunan
c. kababayan
d. kumpanya
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang mga sumusunod na
pangungusap.
_______ 6. Magkaiba ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan. Ang
kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa.
_______ 9. Ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay nakadepende lang sa
kanyang sitwasyon sa buhay.
10
11
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga
mag-aaral sa kanilang karanasan sa
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga mag-
pagiging makatarungan.
aaral batay sa kanilang karanasan sa pagiging
Makatarungan Ako patas sa kapuwa.
Gawain 7:
Patas Ako, Patas sa Iba!
Gawain 3:
1. D
2. C
3. D Mga posibleng sagot:
4. C 1. Nagtitipon, nagpo-protesta, nagwewelga,
5. B nag-aaklas, strike Gawain 4:
6. Tama 2. Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mag-
7. Mali
aaral sa nararamdaman.
8. Tama
9. Mali 3. Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga
10. Tama mag-aaral, ngunit mainam kung ang mga ito ay
may kinalaman sa anumang indikasyon ng
Maikling Pagsusulit
Gawain 6: kawalan ng katarungan o paghingi ng
katarungan o nararapat sa kanila.
4. Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mag-
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga aaral sa epekto ng kawalang katarungan.
mag-aaral sa pakahulugan nila sa pagkakaroon 5. Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mag-
ng pananagutan sa kapuwa. Mainam kung ang aaral sa naitutulong ng mga pagkilos na ito.
mga sagot ay may kinalaman sa pagbibigay ng 6. Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mag-
nararapat sa kapuwa o pamayanan na angkop aaral, ngunit mainam kung ang mungkahing
sa sitwasyon, pagiging patas sa pagkilos, at paraan ng pamumuhay ay may kaugnayan sa
pagkilala dignidad ng tao at mga karapatan pagiging patas, makatarungan, responsible, o
nito. mapanagutan
Mahalaga na ang mga sagot ay nakatutulong Mainam kung ang mga kasagutan sa hanay ng
sa pagkamit ng katarungang panlipunan. “Social Justice” ay mga positibong kilos o may
epektong nakabubuti sa kapuwa at ang nasa
Ako ay may Pananagutan
hanay ng “Social Jus-tiis ay mga negatibong
Gawain 5:
kilos o may hindi mabuting epekto sa kapuwa.
Ipaglaban Mo!
Gawain 2:
Maaaring magkaiba-iba ang paraan at
ekspresyon ng mga mag-aaral sa hinihinging
larawan. Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga mag-
aaral tungkol sa kahalagahan ng batas at
Mainam kung ang mga kasagutan sa mga gabay katarungan.
na tanong ay may kaugnayan sa mga tinalakay
na konsepto sa aralin gaya ng legal at moral na Mainam kung ang mga kasagutan ay may malapit
batas, pagiging patas, mapanagutan, at o may kaugnayan sa pagkilala ng mga
pagbibigay ng nararapat sa kapuwa, o malapit karapatang pantao at papel ng batas sa
sa mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungan sa pagbibigay ng nararapat sa tao.
katarungang panlipunan.
Katarungang Panlipunan
Larawan ng Makatarungang Lipunan sa Batas at Kahalagahan ng Katarungan
Gawain 4: Gawain 1:
SUSI SA PAGWAWASTO:
Grupo ng Tagapaglinang ng SIPacks
Manunulat: Ma. Theresa Q. Payduan
Patnugot: Jean R. Canlas, Ph.D
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas, Ph.D
Rosalinda S. Ibarra, Ph.D
Edgardo S. Nunag
Maria Carmen M. Evangelista
Melody S. Oreña
Patnugot ng Wika: Edelwiza Cadag
Tagapagguhit: Allkhem C. Moran
13