Human Extinction

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Human Extinction”

-GLOBAL WARMING-

Kaysarap panoorin ang paglubog ng araw. Ang unti-unting paglubog ng


nagbabagang araw pailalim sa dilaw na dagat. Ang kaliwanagan ng kalangitan
ay unti-unti ring nawawala, ang matitingkad na kulay ng mga bulaklak,
malalagong puno, ang mga bundok, ang bughaw na dagat... at ang malawak na
kapatagan ay magiging alaala na lamang... Wala na ang araw. Sasapit ang
gabi at mababalot na ang mundo sa kadiliman...

Napaganda ng maikling senaryo na ating nadatnan. Pero paano na lang


kung ‘yun na pala ang huling paglubog ng araw na iyong madadatnan? Paano
kung hinding-hindi na babalik ang liwanag? Makakaya ba nating tapusin ang
araw na walang liwanag?

Tayong mga nilalang... Binigyan ng utak para mag-isip... Binigyan ng


puso para magmahal... At binigyan ng perpektong katawan upang
maipagpatuloy ang siklo ng buhay... Tayong mga tao ang pinakaperpektong
bagay na nilikha ng Diyos. Pinagkalooban ng mga likas na yaman upang
maging sagana ang buhay. Pero ngayon anong ginagawa natin? Pinapairal ang
kasakiman, kasamaan at katamaran na nagdudulot ng pagkasira ng daigdig at
tumutulak tungo sa kinakatakutan ng lahat – ang “human extinction” ... o
paglalagay ng ating sarili sa kapahamakan... Pagkaubos ng lahi nating
tao...

Makatarungan ba ang ating ginagawa? ... Sinisira natin ang “ozone


layer” na siyang pumoprotekta sa atin laban sa malakas na “radiation” ng
araw. ‘Di ‘nyo ba alam ang dulot nito? Kanser at iba pang sakit dulot ng
“radiation” ng araw ang maaaring maging epidemya kung magpapatuloy pa ang
pulosyon dulot ng mga kagagawan ng tao.

Ang mga kagagawan natin ay nagdulot ng pulosyon sa hangin, lupa at


tubig. Pinatay natin ang mga hayop sa gubat at maging ang ating mga sarili
ay inilagay natin sa kapahamakan...

Kapag nagpatuloy pa ang mga pulosyong ito, lalaki at lalaki pa ang


butas ng “ozone layer” na maaring magdulot ng napakainit na klima sa buong
mundo...

Ang pagbuga rin ng mga carbon gases galing sa mga sasakyan ay


nagdudulot ng pag “trap” ng init sa “atmosphere” na maaaring tumunaw sa
mga iceberg sa mga polo ng mundo. Tataas ang lebel ng tubig at maaring
lumunod sa ating lahat...

Walang matitira sa ating lahat... Ang lahi ng tao ay posibleng


mawala... Nakakatakot isipin pero ito’y maaring mangyari...

Kaya’t habang may panahon pa, kumilos na tayo. Itigil ang mga bagay
na nagdudulot ng pulosyon. Kailan pa tayo kikilos? Kapag huli na ang
lahat? Kailangan sugpuin ang GLOBAL WARMING... Hihintayin pa ba nating
matunghayan ang– “kahuli-hulihang paglubog ng araw sa mundo”...

You might also like