Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1 - Lektyur
Aralin 1 - Lektyur
UNIVERSITY
College of Teacher Education
Ang Guro
Ayon kay Primrowe(2018), ang guro ay tao na ang responsibilidad at hanap buhay ay
magbahagi ng kaalaman sa mga estudyante at hubugin sila upang maging kapakipakinabang
na mamamayan balang araw.
Binanggit naman ni Belvez (2000), na ang isang guro ay humuhubog sa katauhan at kaisipan
ng mga mamamayang siyang bubuo ng isang bansa, kayat siya ay nagtatatag ng isang bansa.
Siya’y katulong sa pagtatatag ng isang bansang binubuo ng mga mamamayang mulat,
matalino, kapaki-pakinabang, makabuluhan, may mataas na pagpapahalagang moral at
angkop manirahan sa lipunang kanyang kinaaaniban.
Dahil sa malaking pananagutang ito, ang guro ay nararapat magtaglay ng isang libo’t isang
mabubuting katangian at mag-angkin ng pupong libong mga kakayahan.
Una sa lahat ang isang guro ay dapat magtaglay ng kahandaang propesyonal. Siya ay dapat
magtaglay ng katibayan ng pagtatapos ng kurso sa pagtuturo o di kaya’y nakakuha siya ng
mga asignatura sa Edukasyon na nagdudulot ng kaalaman sa “simulain ng Edukasyon, mga
simulain sa pagtuturo, sikolohiyang edukasyunal at iba pang kaugnay na aralin.”
Ang pagtuturo ay isang sining. Isang larangan din naman ng ito ng agham. Ano nga ba ang
pagtuturo? Bakit ito sining? At bakit masasabi rin itong isang larangan ng agham? Ito’y
isang sining pagkat ito ay maayos na paraan ng pagsasagawa ng pagkikintal ng kaalaman.
Ang pagtuturo ay nasa larangan ng agham. Hindi ba’t ito ay sangay ng karunungan, lalo na
ng kaalaman kung paanong ang isang pangyayari ay nagbibigay-daan sa pinagmumulan ng
iba sa lipunan? Ito’y umaalinsunod sa mga simulain o prinsipyo. Ang mga teknik at
istratehiya sa pagtuturo ay umaalinsunod sa maayos, sistematikong pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang. Ang pagtuturo ay may mga batayan at saligan. Mga batayang pilosopikal,
sikolohikal ay sosyolohikal.
Kayat kung ikaw ay isang guro, ikaw ay manggagawa at alagad ng sining at siyensya.