Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang Paligsahan ng mga Bansang Europeo

Dahil nga sa pagmonopolya ng mga Turkong Muslim sa ruta ng kalakalan patungong


silangan, ang mga daanan papunta dito ay naging hamon para sa mga Europeo.
Kaya naisipan ng mga Portuges at Espanyol na maghanap ng ibang way, at
inumpisahan ito ng mga portuges noong ika-15 siglo. Naging mahigpit nilang kakumpitensya
ang Espanya sa paghahanap ng mga lupain na masasakop.
At si Vasco da Gama nga ay nagawa nyang maikot ang Cape of Good Hope sa dulo ng
Afrika, ito yung nagbigay daan para makapunta sya sa India at mga isla ng indies. Kaya
itinuring na mahalaga ang naging paglalakbay na yon ni Vasco da Gama. At dahil din dito ang
iba pang bansang Europeo ay nagsimula na din na maggalugad sa ibang parte ng mundo.
Gaya ng italyanong manlalakbay na si Christopher Columbus na nagawang marating
ang Amerika partikular ang mga isla sa Caribbean noong 1492.
Nariyan din si Hernando Cortez na narating naman ang imperyo ng mag Aztec noong
1519. Ito ay kilala na ngayon na bansang Mexico.
Ang imperyo naman ng mga Inca na mas kilala ngayon na bansang Peru ay narating ni
Francisco Pizarro noong 1532.

Si Ferdinand Magellan ay isang manlalakbay na Portuges, pero ang bansang Espanya


ang nagpondo ng isinagawa nyang paglalakbay.
Sa ginawa naman nyang paglalakbay pakanluran papuntang silangan, dito nya
natuklasan na ang mundo pala ay bilog, dahil ang dating paniniwala ng mga Europeo ito ay
patag. Dahil nga sa pagkakatuklas nyang ito, nagawa ng mga Espanyol, partikular na nga itong
si Magellan na marating ang Pilipinas noong 1521. At makalipas ang apat na dekada sinakop
na din nila ito noong 1565, and the rest is history na nga.
At sa paglipas ng panahon dumami nga ang mga nasasakop na lupain ng mga bansang
Portuges at Espanyol at lalong tumindi ang kompetisyon ng dalawang nasabing bansa, na
posibleng pagsimulan ng digmaan.
Kaya naman si Papa Alexander VI ay pumagitna na at nagtakda ng Demarcation line.
Ito yung Imaginary Line from north to south pole na magtatakda kung hanggang saan lang
ang dapat na galugarin na lupain ng dalawang nabanggit na bansa.
At napagpasyahan nga nila na ang mga lupain na makikita sa Silangan ay mapupunta
sa mga Portuges at ang mga lupain na makikita sa kanluran ay mapupunta sa mga Espanyol.

You might also like