Ap 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

The Notre Dame of Kabacan Inc.

Learning Module for Grade-9

ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 0

The Notre Dame of Kabacan, Inc.

Bonifacio Street, Kabacan, North Cotabato

MODYUL
sa
Araling Panlipunan 9
(EKONOMIKS)

Pangalan__________________________________________
Baitang at Pangkat__________________________________
Contact Number____________________________________

INIHANDA NI:

JAYPEE S. DALIASEN
GURO

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 1

THE NOTRE DAME OF KABACAN INC.

MISSION-VISION STATEMENT AND CORE VALUES

MISSION and VISION CORE VALUES

VISION The Notre Dame of Kabacan, Inc. are guided by
“A God-centered community of friends renowned for its the following Core Values in a day to day basis:
academic excellence, holistic formation and pastoral S- Sincerity in trying to please God Always
orientation with Notre Dame as patroness and model.” E- Excellence in everything we do
MISSION R- Reconciliation, unity and interreligious dialogue
“Provide quality education and formation to its clientele towards Peace
with diverse cultures and faith through relevant programs V- Volunteerism as a way of life
updated instructions dynamic community extension and I- Integrity and honesty in all our dealings
active pastoral involvement.” C- Commitment to follow Jesus the Poor, Mary as
Disciple
E-Empowerment through leadership that
transforms.

GABAY SA PAGKATUTO NG MODYUL NA ITO:

Nasa iyong mga kamay ang tagumpay sa pagkakatuto ng modyul na ito sa

asignaturang Araling Panlipunan 8. Inihanda ang modyul na ito upang ika’y maging
masigasig, matalino at nakapag-iisang natututo. Bukod sa nilalaman at “ performance
standard “ na matutunghayan mo sa asignaturang ito upang magawa ang mga
inihandang aktibiti, matututo ka rin ng iba pang mga mahahalagang kasanayan kung
saan maipagmamalaki mo ang iyong sarili bilang isang responsableng mag-aaral. Ang
mga sumusunod na panuntunan at gabay ay tiyak na makatutulong sa iyo na matiyak
na ika’y di malihis at masabi mo pagkatapos na magawa ang modyul na ito na Nagawa
ko nang maayos!

1. Iiskedyul at pamahalaan ang iyong panahon sa pagbabasa at pag-unawa sa lahat ng

bahagi ng modyul na ito.
2. Pag-aralan kung paano mo pamahalaan ang pagsagawa ng mga aktibiti sa Asigna-
turang ito na isaalang-alang ang pagsagawa ng modyul sa iba pang mga asignatura.
Maging tapat sa iyong ginawang iskedyul. Ilagay ito sa lugar kung saan palagian
mong makikita. Huwag nang magtanong sa guro sa mga katanungang natugunan
na sa ibinigay na panuntunan at gabay.
3. Huwag ipagsawalang bahala ang paggawa ng mga aktibiti, alalahaning ikaw rin ang
mahihirapan/magsisisi kung di mo matapos ang mga gawain sa itinakdang panahon.
4. Bago isagawa ang mga gawain, basahin at unawain ang mga gabay sa pagtatayang
inihanda. Huwag makontento sa salitang sapat na sa pagsasagawa ng mga inihan-
dang gawain, hangarin ang mataas na marka. Alam kong magagawa mo ito.
5. Maaari mong tingnan/suriin at basahin ang modyul na ito bago mo pa man isagawa
Ang mga gawaing inihanda, subalit tiyaking wala kang makalimutang bahagi sa
modyul na ito at marapat na matapos ang mga nasabing aktibiti sa itinakdang
panahon.
6. Lahat ng talakayan sa paksang ito ay mababasa sa loob ng modyul at sa batayang-
aklat na ginagamit sa asignaturang ito: Batayang aklat sa Araling Panlipunan 8.
Siglo: kasaysayan ng daigdig
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 2

7. Ang lahat ng talakayan ay pang-akademiko, na nangangahulugang mahahalagang

bagay pag-akademiko lamang ang dapat na nakapaloob.
8. Huwag “ mag-plagiarize “ o di kaya’y mag “ patch-write “. Ang pangongopya o
kaunting pagpapalit o kaya’y pagbago sa kinopyang materyales ay maituturing pa
ring “ plagiarism “ na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.
9. Sundin ang iskedyul sa mga gawaing pagkatuto. Palagiang paalalahanan ang sarili
sa mga itinakdang panahon ( deadline ). Asahan ang mga posibleng salungatan ng
iyong personal na iskedyul sa iskedyul sa pagsagot sa mga modyul upang
makagawa ka ng karampatang pagbabago.
10.Tandaan, ikaw ang mag-aaral, kaya ikaw ang gagawa/sasagot ng modyul ito. Ang
mga miyembro ng iyong pamilya o kaya’y mga kaibigan ay maaari mon
mapagsanggunian subalit tandaan at pakasiguraduhing ikaw ang gagawa sa lahat
ng mga aktibiti. (Bawal ang “ substitute “ o magpapagawa )

PANUNTUNAN SA PAGTATAYA:

Mga kailangang gawin upang pumasa sa asignatura:

1. Basahin ang lahat ng mga ipinapabasang akda o paksa at sagutin ang mga paunang
maikling pagtataya, pansariling pagtatayang aktibiti at mga katanungang
panrepleksyon.
2. Sagutin ang mga naimprintang talakayang gawain.
3. Ipasa ang lahat ng mga gawain sa bawat modyul.
4. Ipasa ang kinakailangang “ performance task “ ng asignaturang ito.
5. Gawin ang pangmarkahang pagsusulit.
.

Formativ na pagtatayang gawain:

 Kailangang mong sagutin ang paunang maikling pagtataya, pansariling
pagtatayang aktibiti at mga katanungang panrepleksyon upang makita/patunay
ng iyong pagkatuto.
 Ang mga katanungang panrepleksyon ay binuo upang makatulong sa iyo sa pag-
aanalisang kritikal sa mga babasahin sa asignaturang ito para sa matiwasay na
pag-unawa. Ang mga paunang maikling pagtataya, pansariling pagtatayang
aktibiti ay binuo bilang rebyu/paghahanda sa iyo sa mga pasulat na gawain, “
performance task “ at ang pangmarkahang pagsusulit.

ISKEDYUL SA PAG-AARAL:
LINGGO MGA KASANAYANG MGA GAWAIN
PAMPAGKATUTO
LINGGO 6 Nasusuri ang mga salik na PAGLINANG
MODYUL 6 nakaaapekto sa - Diskusyon
Nobyembre 2-13, 2020 produksyon PAGPAPALALIM
- Pagpapaliwanag
PAGLILIPAT
- Paggawa ng Editoryal

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 3

PANIMULA
Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Nangangailangan ng mga materyal at
kagamitan ang anumang paggawa ng isang bagay o kalakal upang magkaroon ng
produksyon. Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya.
Dito nililikha ang mga bagay o produktong kailangan ng mga mamamamyan. Kailangan
din sa pag-ikot ng ekonomiya ang pagpapalitan o distribusyon at ang pagkonsumao.
Batay rito, masasabing isang sistema ng patuloy na produksyon, palitan, at
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo ang ekonomiya.

ARALIN 5: PRODUKSYON
LAYUNIN: Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay;
 naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo;
 naiisa-isa ang mga uri at salik ng pagkonsumo;
 nasusuri ang katangian, tungkulin at karapatan ng mamimili;
 natatalakay ang mga batas sa proteksyon ng mamimili; at;
 nakagagawa ng editorial writing tungkol sa pagknsumo.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan/ pahayag. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon, isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa mga
patlang bago ang bilang.

A. Tangible goods B. Intangible goods C. Firm D. Circulating Capital

E. Fixed Capital F. Free Capital G. Skilled H. Semi-skilled

I. Labor Force J. Non-skilled

________1. Paggawang hindi nangangailangan ng kasanayan at lakas lamang ng

katawan at natural na sipag ang kailangan.
________2. Ito ay binbuo ng mga mamamayang nasa edad 15 pataas n my sapat na
talino, kakayahan, at kahandaan na maging bahagi ng gawaing
pamproduksyon ng bansa.
________3. Kabilang ang mg may kaalaman na hindi galing sa isang kursong
bokasyunal o teknikal.
________4. Mga manggagawang nakatapos sa isang kursong bokasyunal o teknikal.

________5. Maaring nagagamit ayon sa kagustuhan ng mga negosyante.

________6. Mga capital na hindi mabilis magplit ng anyo at matagal ang gamit.

________7. Kapital na mabilis magpalit ng anyo at mabilis maubos

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 4

________8. Ang nagsasagawa ng produksyon na kung minsan ay tinatawag ding

kompanya o business sector.
________9. Mga prodktong nalilikha na nakikit, nabibilang at nahahawakan

________10 Ang tawag sa paglikha ng mga serbisyong hindi man kongkreto ay

. sigradong napakikinabangan.

PAGLINANG
KONSEPTO NG PRODUKSYON

Ang Produksyon ay isang

pamamraan ng paggawa ng isang
produkto gamit ang hilaw na mga
materyales na benibili sa loob o
labas ng bansa. Ang Produksyon
ay isang uri ng negosyo na kong
saan ginagamitan ng mga
makenarya para makaboo ng
produkto na kailangang e benta sa
merkado o mga supermarket para
sa pangangailangan ng mga
konsumedor.

Ang produksyon ay maaring

PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA tangible goods at intangible goods.
Tangible ang produktong nalilikha na
Tangible Products Intangible Products nakikita, nabibilang at nahahwakan.
Intangible naman ang tawag sa paglikha
ng mga serbisyong hindi man kogkreto ay
siguradong napakikinabangan.
Sa paggaawa ng produkto,
kailangang pagsama-samahni ang iba’t-
ibang pingkukunan (resource) upang
makagawa ng panibagong bagay na may
panibago ring pakinabang. Sa pagsusuri,
produksyon ding maitutring ang proseso
ng pagpapanibagong
anyo(transformation) ng mga sangkap
(input) para makagawa ng ninanais na
resulta (output). Input ang tawag sa mga
sangkap o salik ng produksyonat output
naman ang sa nalikhang produkto.

Commodity goods naman ang tawag sa mga produktongnais ipagbili. Ang

pagsasagawang produksyon ay pagsasagawa rin ng dalawang uri ng produkto batay sa
gamit. Ito ay ang mga produktong pinal o may end use at ang mga produktong gingamit muli
para makagawa pa ng ibang produkto o intermediate goods. Produktong pinal o final goods
o may end use ang isang output kung ito ay kinukonsmo nang tuwiran.

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 5

MGA SALIK NG PRODUKSYON

May apat na salik sa

pagbuo ng isang produkto. Hindi
mabubuo ang isang produkto kung
mawawala ang alinman sa mga salik
na ito. Kabilang sa mga salik na ito
ang lupa, lakas-paggawa, puhunan o
kapital at kakayahan ng entreprenyur.

Ang produksyon ay tumutukoy

sa paglikha ng mga bagay o serbisyo
upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao.
Nangangailangan ng mga materyal at
kagamitan ang anumang paggawa ng
isang bagay o kalakal upang
Ang poduksyon ay kooperatibang proseso magkaroon ng produksyon.
at hindi ng anumang isahang paggawa

Lupa Bilang Salik ng Produksyon

Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.

Halimbawa nito ang matatabang lupang pinagtatamnan, ang mga lupang pastulan, lupa
sa lungsod at iba pa. Nadaragdagan ang kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito.

Maaaring gamitin ang lupa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay,
pagtatayuan ng mga tanggapan, pagawaan at iba pa. Walang hanggan ang maaaring
gamit ng lupa. Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na
tinatawag na upa.

Ang Kapital o Puhunan Bilang Salik ng Produksyon

Ano ang maaring mangyari sa produksyon at pangangalakal kung walang kapital?

Marahil, ang mga pangunahing pangangailangan lamang ang magagawadahil walang
mamumuhunan sa produksyon ng kagamitan, mga pampaginhawa sa buhay at bagong
teknolohiya.

Kahalagahan ng Kapital

May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan. Magiging kapaki-pakinabang lamang

ang lupa kung gagamitan ng puhunan. Mahalaga rin sa paggawa ang puhunan upang
matugunan ang pangangailangan. Nagiging maunlad ang industriyang pinaglalaanan ng
malaking puhunan.

Bakit kaya naging salik ang capital sa produksyon?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
________________________________________________
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 6

PAGPAPALALIM

MGA PAGPAPAHALAGA AT PANINIWALANG NAKAIIMPLUWENSYA SA MGA

PILIPINONG KONSYUMER

Ang kultura at pagpapahalaga nating mga Pilipino ay may malaking impluwensya

sa ating ikinikilos bilang mga konsyumer. Aminin man natin o hindi, Malaki ang
ibinibigay nating konsederasyo. (Basahin at unawaing mabuti ang iyong batayang-aklat
sa Araling Panlipunan 9(Ekonomiks) sa may pahina 85-86 para sa karagdagang
impormasyon.
Ang Matalinong Mamimili.

Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit
natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod
ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili:

Makatwiran
Lahat ng konsyumer ay
Mapanuri
nakararanas ng kakulangan
Sinusuri ang produktong sa salapi o limitadong
bibilhin. Tinitingnan ang badyet. Kaya sa pagpili ng
sangkap, presyo, timbang, isang produkto ay
pagkakagawa, at iba pa. isinasaalang-alang ang
presyo at kalidad nito.
May Alternatibo o
Pamalit Sumusunod sa Badyet
May mga panahon na Ito ay kaugnay ng pagiging
walang sapat na pera ang makatwiran ng matalinong
mamimili upang bilhin ang konsyumer. Tinitimbang
produktong dati nang binibili. niya ang mga bagay-bagay
Maaari ding nagbago na ang ayon sa kaniyang badyet
kalidad ng produktong
dati nang binibili

Hindi nagpapadaya Hindi Nagpapanic-

Ang matalinong mamimili ay buying
lagging handa, alerto, at Ang artipisyal na
mapagmasid sa mga maling kakulangan na bunga ng
gawain lalo na sa pagsusukli pagtatago ng mga produkto
at paggamit ng timbangan. (hoarding) ng mga
nagtitinda upang mapataas
ang presyo ay hindi
Hindi Nagpapadala sa ikinababahala ng isang
Anunsiyo matalinong konsyumer dahil
Ang pag-endorso ng alam niyang ang
produkto ng mga artista ay pagpapanic-buying ay lalo
hindi nakapagpapabago lamang magpapalala ng
sa pagkonsumo ng isang sitwasyon
. matalinong konsyumer.
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 7

Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at

gumamit ng mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa
pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang
isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil
mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang
produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan? Binibigyan
mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang nakakamit
mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong
dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong
isaalang-alang ang value for money.

Pamprosesong tanong

Bilang isang konsyumer, bakit mahalaga ang pagiging matalino o eksperto sa pamimili?
(5puntos)

_________________________________________________________________________________________

MGA KARAPATAN NG MGA KONSYUMER

KARAPATAN SA KARAPATAN SA
REPRESENTASYON PANGUNAHING
PANGANGAILANGAN

KARAPATANG KARAPATAN SA
MAGWASTO NG KALIGTASAN
PAGKAKAMALI
JP

KARAPATAN SA
KARAPATAN PARA SA
IMPORMASYON
EDUKASYONG
PANGMIMILI

KARAPATANG KARAPATANG
MAGKAROON NG MAKAPAMILI
ISANG AAYA-AYANG
PALIGID

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 8

BATAS REPUBLIKA BLG. 7394 (CONSUMER ACT OF THE PHILIPPINES)

Ang batas republika Blg. 7394, o tinatawag ding consumer Act of the Philippines,
ay nilikha alinsunod sa tungkulin ng pamahalaang pangalagaan ang interes ng mga
mamimili. Ang sumusunod ang layunin nito:
pangalagaan ang mga mamimili mula sa mga hindi ligtas na produkto at hindi
katiwa-tiwala at patas na gawain sa pagebenta;
magkaroon ng malawakang pagpapalaganap ng mga impormasyon na
makatutulong sa mga konsyumer na gumawa ng maayos na desisyon;
mabigyan ang mga konsyumer ng pagkakataon na maisakatuparan ang knailang
mga karapatan at mailabas ang kanilang mga hinaing; at
magkaroon ng mga kinatawan ang mga konsyumer sa paggawa ng mga
patakarang pang-ekonomiya at panlipunan.

Basahin mo!

Basahin ang pahina 89 ng iyong batayang-aklat sa Araling Panlipunan 9(Ekonomiks),

sagutin ang mga katanungan sa kahon.

Pagpapaliwanag (5pts)

1. May kamalayan ka ba sa mga batas na ito?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang malaman ng lahat ng mamimili ang nilalaman ng batas na ito.
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN NA NAGBIBIGAY NG PROTEKSYON SA

KARAPATAN NG MAMIMILI

Nangangasiwa sa ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan at

pribadong samahan patungkol karapatan ng mga mamimili

National
Consumer
Affairs Council

(DOH)

Sinisigurong ligtas, malinis at may tamang etiketa ang mga

ipinagbibiling pagkain, gamut at kosmetik.
(BFAD)

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 9

Tinitiyak ang kaligtasa at kalidad ng mga produkto. Nagmo

monitor ng mga bilihin sa pamilihan tulad ng tamang timbang ,
bigat, warranty at price tag.
Department of
Trade and
Industry

Dumidinig ng reklamo at usapin na may kinalaman sa produktong

langis at LPG.

Department of
Energy

Tumitiyak sa kalidad ng mga produktong agrikultural.

Department of
Agriculture

MGA BATAS PARA SA PROTEKSYON NG MGA MAMIMILI

Artikulo 1546 (Kodigo Sibil ng Pilipinas)

- Kapag nagbili ng isang produkto, may kasamang garantiya ang pagbibili na ang
nagbili ay siyang may-ari ng produkto.
Artikulo 1547 (Kodgo Sibil ng Pilipinas)
- Ang mga tagagawa at tagaproseso ng mga pagkain, inumin, mga kagamitang
pangkawatan, o katulad na produkto ay mananagot sa kamatayan o
kapinsalaang malilikha ng mga nakalalasono nakasasakit na sustansiyang
ginamit doon.
Artikulo 2187 (Kodigo Sibil ng Pilipinas)
- Parusahan ang sino mang maglalagay ng maling etika (labeling) at pagpapakete
(packaging)
Artikulo 187 (Binagong Kodigo Penal)
- Parusahan ang sino mang maglalagay ng maling karat ng ginto o pilak o iba
pang mamahaling metal.
Artikulo 188, 189 (Binagong Sibil Penal)
- Ipinagbabawal ang pag-aanunsiyo o pagdidispley ng mga huwad na produkto o
serbisyo.
Batas Republika 3740
- Inaatasan ang mga nagtutungi na kabitan ng price tag ang kanilang paninda.
Batas sa Price Tag
- Metriko ang gagamiting sistema ng pagsukay at pagtimbang sa Pilipinas
Kautisang Pampanguluhan Blg. 187
- Ipinagbabawal kung walang nakasulat na pahintulot ng tagagawa na gamitin sa
ipa pang layunin bukod sa nakarehistro ang mga lalagyan, bote, dram, bariles, o
tangke ng isang kalakal.
Batas Republika 623
- Pagpaparehistro ng mga kompanyang nagbibili ng mga pagkain ng manok,
baboy, at isda

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 10

Batas Republika 1556

- Pagtatag ng National Grains Authority upang mamili ng mga palay at mais mula
sa mga magsasaka at ipagbili sa mga mamimili ang mga ito sa murang halaga.
Batas Republika 3452
- Ipinagbabawal ang pagbibili ng mga regulated na gamot na walang reseta ng
doktor.
Batas Republika 4729
- May pananagutan ang mga nagbibili o nagtitinda ng gamot at lason na sira ang
mga selyo ng lalagyan.
Batas Republika 5921
- Ang mga nagbibili, tagagawa, o umaangkay ng mga galbanisadon yero ay
kailangang markahan nang malinaw ang yero tungkot sa kapal, zinc coating,
tagagawa, at tirahan mo.
Batas Republika 3595
- Ipinagbabawal ang pagtitinda ng acetic acid sa ano mang anyo nito sa mga
groserya at tindahang sarisari.

IPALIWANAG MO!
1. Ano ang papel na ginagampanan ng mga batas na ito?

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_______________

Binabati kita!
Ikaw ay naglakbay tungo sa kaalaman, sa bahaging ito, ikaw ay inaatasang
sagutin ang mga gawain. Ikaw ay may sapat nang kaalaman sa pagtapos ng paksang
iyong nilakbay! Ikaw ay handa sa mga bagong gawaing magpapatibay ng iyong
natutunan sa paksang iyong nabasa!

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 11

PAGLILIPAT
PAGGSUSULAT NG EDITORYAL

Panuto: Isa kang journalist, ikaw ay inatasang gumawa ng editorial tungkol sa isyu ng
pagkonsumo. Sa larawang nasa ibaba, gumawa ng edtoryal tungkol dito.
Kinakailangang hindi bababa sa 100 ang salitang gagamitin.

Rubric sa Pagsulat ng Editoryal

Kategorya Higit na nakamit Nakamit ang Hindi nakamit ang

ang inaasahan inaasahan inaasahan
(5) (3) (1)

Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Hindi nakalahad sa

at malinaw na introduksyon ang introduksyon ang
nakalahad ang paksa gayundin paksa gayundin
pangunahing paksa ang panlahat na ang panlahat na
gayundin ang pagtanaw pagtanaw
panlahat na
pagtanaw ukol dito
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan
talata dahil sa sapat lamang ang ang detalye o
husay ng detalye pagpapaliwanag sa
pagpapaliwanag at paksa
pagtatalakay sa
paksa
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Hindi naipakita ang
ng mga ideya ang pagbuo ng mga pagbuo ng mga
pagkakasunod- talata ngunit hindi talata ngunit hindi
sunod ng mga gaanong malinis gaanong malinis
ideya, gumamit ng ang transisyon ng ang transisyon ng
mga transisyunal paksa paksa
na pantulong tungo
sa kalinawan ng
mga ideya
Pagkamalikhain Napakahusay ang Mahusay ang Hindi mahusay ang
pagkakagawa ng pagkakagawa ng pagkakagawa ng
artikulo at artikulo ngunit hindi artikulo at hindi
nakakaengganyong nakakaengganyong nakakaengganyong
basahin basahin basahin

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 12

__________________________________________________________

Pagatataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan, bilugan ang titik ng iyong napiling
sagot.

1. Bilang isang mamimili, may mga pamantayang kailangang sundin upang maging
maayos ang iyong pagkonsumo, ikaw ay isang mapanuring mamimili kung;

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 13

A. tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung

may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang
makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa
ibabayad
B. marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa
pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
C. ipinapakita sa pamilihan na ikaw ay may sapat na pera para makuha ang
mga mamahaling bagay na mahirap bilhin.
D. ibinabahagi ang mga perang iyong naipon.
2. Anong kagawaran ang Dumidinig ng reklamo at usapin na may kinalaman sa
produktong langis at LPG.
A. Department of Health C. Department of Agriculture
B. Department of Energy D. Department of Trade and Industry
3. Ito ay isang paraan upang maipakita ang katayuan sa lipunan, lalo na kapag ang
mga kalakal at serbisyo na ipinakita sa publiko ay masyadong mahal para sa ibang
mga miyembro ng klase ng isang tao.
A. Induced Consumption C. Artificial Consumption
B. Conspicuous Consumption D. Autonomous Consumption
4. Ang mga sumusunod ay layunin ng Batas Blg. 7394 o kilala bilang Consumer Act of
the Philippines
A. pangalagaan ang mga mamimili mula sa mga hindi ligtas na produkto at hindi
katiwa-tiwala at patas na gawain sa pagebenta;
B. magkaroon ng malawakang pagpapalaganap ng mga impormasyon na
makatutulong sa mga konsyumer na gumawa ng maayos na desisyon;
C. mabigyan ang mga konsyumer ng pagkakataon na maisakatuparan ang knailang
mga karapatan at mailabas ang kanilang mga hinaing
D. makakakuha ng malaking premyo ang mga taong may malaking nakonsumong
pagkain.
5. Kagawarang tumitiyak sa kaligtasan at kalidad ng produktong agricultural
A. Department of Agriculture C. Department of Energy
B. Department of Health D. Department of Trade and Industry
6. Kagawarang tumitiyak sa kaligtasan at kalidad ng mga produkto. Nagmo monitor ng
mga bilihin sa pamilihan tulad ng tamang timbang, bigat, warranty at price tag.
A. Department of Agriculture C. Department of Energy
B. Department of Health D. Department of Trade and Industry
7. Artikulo sa pagpaparusa sa maling paglalagay label o etiketa sa pagpapakete.
A. Artikulo 1546 B. Artikulo 2187 C. Artikulo 187 D. RA 623
8. Mga produktog ani mula sa pagtatanim, pangingisda, pagmimina at paggugubat.
A. Collateral B. Composting C. Decomposing D. Ironing
9. Nangangasiwa sa ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong samahan
patungkol karapatan ng mga mamimili
A. National Consumers Affair Council C. National Bureau of Investigation
B. National Authority on Affairs D. National Consumers Party
10. Pagpaparehistro ng mga kompanyang nagbibili ng mga pagkain ng manok, baboy,
at isda
A. Batas Republika 623 C. Batas Republika 625
B. Batas Republika 624 D. Batas Republika 626

Binabati kita!

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-9
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) Page 14

Ikaw ay naglakbay tungo sa kaalaman, ngayong natapos

mo ang mga gawain, inaasahang ito’y iyong maisasabuhay. Binabati kita sa iyong
sigasig at kaalaman sa pagsagot ng modyul na ito.

Knowledge is Power!

SANGGUNIAN: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 9 (SIGLO) by Rex Bookstore

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.

You might also like