Esp 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

The Notre Dame of Kabacan Inc.

Learning Module for Grade-7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 0

The Notre Dame of Kabacan Inc.

Bonifacio Street, Kabacan, North Cotabato

MODYUL
sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7

INIHANDA NI:

JAYPEE S. DALIASEN
GURO

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 1

THE NOTRE DAME OF KABACAN INC.

MISSION-VISION STATEMENT AND CORE VALUES

MISSION and VISION CORE VALUES

VISION The Notre Dame of Kabacan, Inc. are guided by
“A God-centered community of friends renowned for its the following Core Values in a day to day basis:
academic excellence, holistic formation and pastoral S- Sincerity in trying to please God Always
orientation with Notre Dame as patroness and model.” E- Excellence in everything we do
MISSION R- Reconciliation, unity and interreligious dialogue
“Provide quality education and formation to its clientele towards Peace
with diverse cultures and faith through relevant programs V- Volunteerism as a way of life
updated instructions dynamic community extension and I- Integrity and honesty in all our dealings
active pastoral involvement.” C- Commitment to follow Jesus the Poor, Mary as
Disciple
E-Empowerment through leadership that
transforms.

GABAY SA PAGKATUTO NG MODYUL NA ITO:

Nasa iyong mga kamay ang tagumpay sa pagkakatuto ng modyul na ito sa
asignaturang Fil. 9. Inihanda ang modyul na ito upang ika’y maging masigasig,
matalino at nakapag-iisang natututo. Bukod sa nilalaman at “ performance standard “ na
matutunghayan mo sa asignaturang ito upang magawa ang mga inihandang aktibiti, matututo
ka rin ng iba pang mga mahahalagang kasanayan kung saan maipagmamalaki mo ang iyong
sarili bilang isang responsableng mag-aaral. Ang mga sumusunod na panuntunan at gabay ay
tiyak na makatutulong sa iyo na matiyak na ika’y di malihis at masabi mo pagkatapos na
magawa ang modyul na ito na Nagawa ko nang maayos!

1. Iiskedyul at pamahalaan ang iyong panahon sa pagbabasa at pag-unawa sa lahat ng

bahagi ng modyul na ito.
2. Pag-aralan kung paano mo pamahalaan ang pagsagawa ng mga aktibiti sa Asigna-
turang ito na isaalang-alang ang pagsagawa ng modyul sa iba pang mga asignatura.
Maging tapat sa iyong ginawang iskedyul. Ilagay ito sa lugar kung saan palagian
mong makikita. Huwag nang magtanong sa guro sa mga katanungang natugunan
na sa ibinigay na panuntunan at gabay.
3. Huwag ipagsawalang bahala ang paggawa ng mga aktibiti, alalahaning ikaw rin ang
mahihirapan/magsisisi kung di mo matapos ang mga gawain sa itinakdang panahon.
4. Bago isagawa ang mga gawain, basahin at unawain ang mga gabay sa pagtatayang
inihanda. Huwag makontento sa salitang sapat na sa pagsasagawa ng mga inihan-
dang gawain, hangarin ang mataas na marka. Alam kong magagawa mo ito.
5. Maaari mong tingnan/suriin at basahin ang modyul na ito bago mo pa man isagawa
Ang mga gawaing inihanda, subalit tiyaking wala kang makalimutang bahagi sa
modyul na ito at marapat na matapos ang mga nasabing aktibiti sa itinakdang
panahon.
6. Lahat ng talakayan sa paksang ito ay mababasa sa loob ng modyul.
.
7. Ang lahat ng talakayan ay pang-akademiko, na nangangahulugang mahahalagang
bagay pag-akademiko lamang ang dapat na nakapaloob.
8. Huwag “ mag-plagiarize “ o di kaya’y mag “ patch-write “. Ang pangongopya o
kaunting pagpapalit o kaya’y pagbago sa kinopyang materyales ay maituturing pa
ring “ plagiarism “ na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.
9. Sundin ang iskedyul sa mga gawaing pagkatuto. Palagiang paalalahanan ang sarili
sa mga itinakdang panahon ( deadline ). Asahan ang mga posibleng salungatan ng
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 2

iyong personal na iskedyul sa iskedyul sa pagsagot sa mga modyul upang

makagawa ka ng karampatang pagbabago.
10. Tandaan, ikaw ang mag-aaral, kaya ikaw ang gagawa/sasagot ng modyul ito.Ang
mga miyembro ng iyong pamilya o kaya’y mga kaibigan ay maaari mong
mapagsanggunian subalit tandaan at pakasiguraduhing ikaw ang gagawa sa lahat
ng mga aktibiti. (Bawal ang “ substitute “ o magpapagawa )

PANUNTUNAN SA PAGTATAYA:

Mga kailangang gawin upang pumasa sa asignatura:

1. Basahin ang lahat ng mga ipinapabasang akda o paksa at sagutin ang mga paunang
maikling pagtataya, pansariling pagtatayang aktibiti at mga katanungang
panrepleksyon.
2. Sagutin ang mga naimprintang talakayang gawain.
3. Ipasa ang lahat ng mga gawain sa bawat modyul.
4. Ipasa ang kinakailangang “ performance task “ ng asignaturang ito.
5. Gawin ang pangmarkahang pagsusulit.
.

Formativ na pagtatayang gawain:

 Kailangang mong sagutin ang paunang maikling pagtataya, pansariling
pagtatayang aktibiti at mga katanungang panrepleksyon upang makita/patunay
ng iyong pagkatuto.
 Ang mga katanungang panrepleksyon ay binuo upang makatulong sa iyo sa pag-
aanalisang kritikal sa mga babasahin sa asignaturang ito para sa matiwasay na
pag-unawa. Ang mga paunang maikling pagtataya, pansariling pagtatayang
aktibiti ay binuo bilang rebyu/paghahanda sa iyo sa mga pasulat na gawain, “
performance task “ at ang pangmarkahang pagsusulit.

ISKEDYUL SA PAG-AARAL:
LINGGO MGA KASANAYANG MGA GAWAIN
PAMPAGKATUTO
Unang Linggo- Modyul 1 Natutukoy ang mga Paglinang
Ika-24-28 ng Agosto, pagbabago sa kanyang sarili - Paggawa ng profayl
taong 2020. mula sa gulang na 8 o 9 Pagpapalalim
hanggang sa kasalukuyan - Maikling pagtatalakay
sa aspetong: ng konsepto
a. Pagtatamo ng bago at - Pagsusuri sa mga
ganap na pakikipag- tauhan
ugnayan (more mature - Pagsagot sa mga
relations) sa mga kasing Pamprosesong mga
edad (Pakikipagkaibigan) tanong
b. Pagtanggap ng papel o Paglilipat
gampanin sa lipunan - Paggawa ng sariling
c. Pagtanggap sa mga katha
pagbabago sa katawan at
paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 3

PANIMULA

Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw?
Marahil napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga
unang taon mo sa elementarya. Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin
ngayon. At maging ang mga tao sa iyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng
kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo. Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata;
minsan naman ay sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa
yugto ng buhay mo natinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition
period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay
tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata (adolescence).

MODYUL 1: MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD SA

PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA
LAYUNIN:
Natatalakay ang Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t ibang aspeto.
Nasusuri ang Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t ibang aspeto
Naisabubuhay ang mga angkop na palatandaan ng pag-unlad ng pagdadalaga at
pagbibinata sa iba’t-ibang aspeto.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag/katanungan. Bilugan ang titikk ng iyong napiling sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at

kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong
sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa
kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat

malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4 .

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang

matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay
kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang
tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin siyang
kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging
masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa hamon na
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 4

susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay,

waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa
anumang suliranin.
Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di
matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang
kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala
pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan
ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan.
Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig
ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang
bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong
kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga
at nagbibinata

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng

isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay
nakararamdam ng kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na
naglalaro ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang
nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga
ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.

5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog
kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang
sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang
sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang
kakayahan.
Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang
kanyang talento.

a. tapang c. tiwala sa sarili

b. talento at kakayahan d. positibong pagtingin sa sarili

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at

ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at
kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa
mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan
nang maayos sa kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa
isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 5

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon

ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng
relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang
relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at
damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong
relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang
isang tinedyer.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng

mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang
hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang
pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at
damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa
mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat
sa kapwa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga
impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya
ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang
mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi
pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na
umangat dahil sa kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na
makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw
ang kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin
niya na siya ay nakaaangat sa lahat.

PAGLINANG
Gawain 1
Panuto: Sa gawaing ito ”, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa
iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang
pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong
palagay ay nagpapakita ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa iyong modyul sa may
ibabang kahon. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa
unang kategorya.

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 6

Halimbawa:
Pakikipag-ugnayan sa mga
kasingedad
1. Lalong lumalalim ang
pakikipagkaibigan sa mga kapwa
babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema
sa mga malapit na kaibigan at hinihingi
ang
kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga
katapat na kasarian; nagkakaroon ng
crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang
mga kaibigan, maging sa mahahalagang
proyekto sa paaralan

Ngayon, Ikaw naman!

a. PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KASING EDAD

1._________________________________
2._________________________________
3._________________________________
4._________________________________
5._________________________________

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 7

b. PAPEL SA LIPUNAN BILANG LALAKE/BABAE

1._________________________________
2._________________________________
3._________________________________
4._________________________________
5._________________________________

Basahin ang pahina 3 ng iyong aklat.

Binabati kita!
Ngayong ikaw ay nagkaroon ng kaalaman sa unang paksang iyong natutunan, ihanda ang
iyong sarili sa bagong paglalakbay.

Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong

nagaganap sa iyo. Ang lahat ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pagunlad
bilang tao. Sa huli, ang lahat ng mga pagbabagong ito ay makatutulong upang
magampanan mo nang maayos o epektibo ang iyong mga tungkulin sa lipunan.

PAGPAPALALIM

Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t

ibang aspeto:
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 8

PANGKAISIPAN PANLIPUNAN
 Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at  Lumalayo sa magulang; naniniwalang
pakikipagtalakayan makaluma ang mga
 Mas nakapagmememorya magulang
 Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga  Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang
konsepto ayaw magpakita ng
 Nasusundan at nasusuri ang paraan at pagtingin o pagmamahal
nilalaman ng sariling pag-iisip  Karaniwang nararamdamang labis na
 Nakagagawa ng mga pagpaplano sa mahigpit ang
hinaharap magulang; nagiging rebelde
 Nahihilig sa pagbabasa  Dumadalang ang pangangailangang
 Nangangailangan na maramdamang makasama ang pamilya
may halaga sa mundo Pangkaisipan at  Nagkakaroon ng maraming kaibigan at
may pinaniniwalaan nababawasan ang pagiging labis na
malapit sa iisang kaibigan sa katulad na
kasarian
 Higit na nagpapakita ng interes sa
katapat na kasarian ang mga babae kaysa
mga lalaki
PANDAMDAMIN MORAL
Madalas mairita sa mga nakababatang  Alam kung ano ang tama at mali
kapatid  Tinitimbang ang mga pamimilian bago
Panlipunan gumawa ng pasiya
 Madalas na mainitin ang ulo; o desisyon
kadalasang sa mga  Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa
nakatatanda o may awtoridad kapwa
ipinatutungkol ang mga  Madalas ay may pag-aalala sa
ikinagagalit kapakanan ng kapwa
 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal  Hindi magsisinungaling
na anyo, marka sa klase, at
pangangatawan
 Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng
kapwa mga tinedyer
 Nagiging mapag-isa sa tahanan
 Madalas malalim ang iniisip

Balikan ang sumusunod na palatandaan. Alin dito
ang sa iyong palagay ay naglalarawan sa iyo? Ilang
palatandaan ang naglalarawan sa iyo sa bawat aspeto?
Ang lahat ng mga pagbabagong ito ay kailangan mo
upang makatawid sa susunod na yugto ng buhay, ang
pagiging ganap na binata o dalaga.

Pamilyar ka ba sa kuwentong Alice in

Wonderland? Isa itong popular na kuwento na isinulat ni
Lewis Caroll noong 1865 at ginawang animated film ni
Walt Disney at nitong huli’y ginawang pelikula ng
Direktor na si Tim Burton. Bagama’t ito ay isang
kuwentong pantasya, napapailalim sa kuwentong ito ang tungkol sa mga pagbabago sa
buhay ni Alice bilang nagdadalaga. Nais mo marahil malaman kung ano ang
nakapaloob sa kuwento tungkol sa pagdadalaga ng pangunahing tauhan sa sikat na
akdang ito.

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 9

Panoorin o basahin ang kuwento.

Isaalang-alang ang gabay na mga tanong:

1. Ano ang tema ng kuwento?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________.
2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring
makapagpalaki sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa buhay) ngunit sa
awa at karanasan ka mas matututo”. (Food can make you big in Wonderland (as
in life) but only mercy and experience can make you wise.)? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento na may kaugnayan sa
pagdadalaga ni Alice.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________

a. Chesire Cat-
________________________________________________________________
_______________________
b. Mad Hatter
________________________________________________________________
_______________________

c. Catterpilar

________________________________________________________________
_______________________

d. Queen of Hearts
________________________________________________________________
_______________________

e. White Queen
________________________________________________________________
_______________________

4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na iyong makikita kay

Alice na isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga ito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 10

________________________________________________________________
____________

5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________

6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ang paglinang

sa mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa
paanong paraan mo ito lilinangin?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________

Inaasahang napukaw ang iyong interes sa mga positibong aspeto na makatutulong

sa iyo bilang isang dalaga o binata. 

Maglagay ng iba pang kaalaman.

______________________________________________________________________________

______________________________.

Binabati kita!
Ikaw ay naglakbay tungo sa kaalaman, sa bahaging ito,
ikaw ay inaatasang sagutin ang mga gawain. Ikaw ay may sapat nang kaalaman sa
pagtapos ng paksang iyong nilakbay! Ikaw ay handa sa mga hamong bibigyan ng
solusyon.

PAGLILIPAT
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 11

Paggawa ng sariling kwento ng pagbabago sa sarili bilang binata at dalaga.

Panuto: Gumawa ng sariling kwento ukol sa mga positibong pagbabago sa sarili bilang
isang nagdadalaga at nagbibinata. Maglagay ng iyong larawang nagpapakita sa iyong
pagbabago.

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

PAGTATAPOS na PAGTATAYA
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Panuto: Gumawa ng mga positibong sitwasyong nagpapakita ng pagbabago bilang dalaga
___________________________________________________________________________
at binata sa mga sumusunod na aspeto.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pangkaisipan
1.
2.
3.
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.
The Notre Dame of Kabacan Inc.
Learning Module for Grade-7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Page 12

4.
5.
Panlipunan
1.
2.
3.
4.
5.
Pandamdamin
1.
2.
3.
4.
5
Moral
1.
2.
3.
4.
5.
.

Binabati kita!
Ikaw ay naglakbay tungo sa kaalaman, ngayong natapos
mo ang mga gawain, inaasahang ito’y iyong maisasabuhay. Binabati kita sa iyong
sigasig at kaalaman sa pagsagot ng modyul na ito.

Knowledge is Power!

SANGGUNIAN:: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakato 7. Marangal

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin o kopyahin kung walang pahintulot mula sa
pamunuan ng paaralang THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.

You might also like