Professional Documents
Culture Documents
Week 3module3
Week 3module3
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.
Nilalaman ng Modyul
MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Dalumat- Salita (Taon/ Sawikaan,
Ambagan Mga susing salita.
MODULE DESCRIPTOR:
Number of Hours:
3 hours
LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Mauunawaan ang kahulugan at ibig sabihin ng “indie” at “delubyo”
2. Makabuo ng sariling opinion hinggil sa artikulo ng Susing Salita : Indie at
Delubyo sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay.
Contents:
Conditions
Assessment Method:
1. Pasulat na Pagsusulit
2. Obserbasyon
Gabay sa Pag-aaral
1. Gamit ang VSMART/EDMODO app sa inyong phone o website sa inyong laptop,
iclick ang klase ng DALUMAT NG/SA FILIPINO.
2. Iclick sa FOLDERS section (on menu bar)
3. Iclick ang folder ng MODYUL 3. Dalumat- Salita (Taon/ Sawikaan, Ambagan Mga
susing salita. Digitized Modules, Task Sheets and Job Sheets ay abeylabol sa mga
folder.
Document No. 001-2020
Dalumat-Salita
( taon/ sawikain ,
Developed by:
Ambagan Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Susing Salita ) Page 22
Module 3: Mga Susing CRT
Salita
4. Lahat ng Mungkahing Gawain ay nakalagay sa folder ng MY ACTIVITIES.
1. Basahin ang Modyul No. 3.1 Ang Modyul 3 ay naglalaman ng: DALUMAT
(Mga Susing Salita) NG/SA FILIPINO sa folder ng VSMART/
EDMODO (Module 3.1)
MODULE 3.1
Sa unang pang-umagang sesyon ng seminar noong Agosto 24, ang mga naging
panauhing tagapagsalita ay sina Dr. Rolando B. Tolentino, dating dekano ng
Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon (CMC), at Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay,
executive director ng UP Resilience Institute (UPRI) at Project NOAH (Nationwide
Operational Assessment of Hazards).
Binanggit din ni Tolentino na ang mga pelikulang indie ay kadalasang hindi gaanong
tinatangkilik, wala halos access ang mga manonood dito, mahirap unawain, at hindi
masasaya ang mga paksa nito.
Dagdag pa nito, “ang commonality ng lahat ng indie ay may pagka-anti studio siya.
Ibig sabihin nito, iyung klase ng kalakaran ng istudyo na kung saan ay may Joyce
Bernal ka na nagdidirek ng romantic comedy o kung ano mang comedy at
pagkatapos ay may star actors ka na magbibida. Kailangan ay may Star Studio
actors ka rito. Iyung iskrip na ginawa mo ay dodoktorin ng isang komite ng iskrip
para kung romcom ito ay may kilig factor every two minutes. Calibrated iyon kaya
effective iyung mga romcom sa Pilipinas at iyon ang dominant genre hanggang
ngayon dahil may kilig factor nga siya na pinIpursue sa maraming sandali sa
pelikula.”
Ang mga pelikula umano noong dekada ’60 ay uso ang temang “spaghetti westerns”
na kahalintulad sa mga usong pelikula noon na may temang cowboy culture, at sex.
At noong 1972 ay nauso ang bomba films.
Ilan sa mga filmikong istilo ng indie, ayon kay Tolentino, ay ang pagiging
neorealismo nito kung saan ipinapakita ang buhay sa isang araw; ang karakter at
sitwasyon mula sa laylayan, ginagampanan ng karakter aktor; mabigat ang pasanin
ng karakter (o tunay na may hugot); tracking at babad shots o parang documentary
films; matagtag na kilos ng kamera; walang malinaw na tapos; poverty porn, at
pang-award.
Ayon kay Lagmay ay mahalaga ang paggamit ng siyensya kontra delubyo ngunit,
hindi lang siyensya o teknolohiya ang solusyon para maibsan ang mga panganib ng
delubyo.
“Kailangang palitan ang ating kultura at gawing culture of safety. Dapat nakalarawan
iyung kaalaman natin sa ating mga lugar, sa ating mga komunidad sa pamamagitan
ng sining o wika,” ika nga ni Lagmay.
“Ngunit, gusto kong maintindihan natin na ang siyensya ay hindi perpekto. Walang
model na naglalarawan ng ginagawa ng kalikasan one, two days in advance. At
dapat iyon ay nasasabi sa taong bayan na mayroong uncertainty o limitasyon ang
siyensya,” ani Lagmay.
Bukod kay Tolentino at Lagmay, ang iba pang mga eksperto na inimbitahan bilang
mga panauhing tagapagsalita sa pambansang seminar na ito ay sina Kerima
Tariman-Acosta, media liaison officer ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura;
Abner Mercado, lektyurer sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng
KAL (DFPP-KAL) at reporter sa ABS-CBN News and Current Affairs; Dr. Glecy C.
Atienza, propesor sa DFPP-KAL, at Dr. Percival Almoro, propesor ng UP National
Institute of Physics.
Tinalakay nila ang iba pang mga tampok na susing salita—ang “bungkalan”
(Tariman-Acosta), “balita” (Mercado), “ganap” (Atienza) at “balatik” (Almoro).