Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“ANG AMA”

Sa palagay mo ba ay masaya magkaroon ng ama na walang pakialam sa sitwasyon ng pamilya? Ama na


iniisip lamang ang kaniyang sarili? Ano sa tingin mo ang mararamdaman mo kapag ikaw na ang
nakakarananas ng ganitong sitwasyon? Makakaya niyo bang tiisin ang hinanakit at sama ng loob sa ama
na hindi manlang kayo maaruga at nagagawa pa kayong pagbuhatan ng kamay? Ito’y kwento tungkol sa
isang pamilyang nakaranas ng paghihirap sa kamay ng sarili nilang ama. Ama na siyang dapat gumagabay
at tumaguyod ng kanyang pamilya. Ngunit sa pagkakataong ito, ang mismong ama ay ang mismong
nagbubuhat ng kamay sa kanyang mga anak at asawa. Ang ama na siyang mismong nananakit sa
kanyang pamilya.
Sa aking palagay ay hindi naman dapat pinagbubuhatan ng isang magulang ang kanilang anak o asawa.
Bagama’t ito’y iyong pamilya at ikaw ang bumubuo nito. Sa pamilyang ito, kapag uuwi ang kanilang ama,
ay siyang matatakot sa ama dahil maaaaring sila ay bugbugin. Mag uuwi ang ama ng isang supot ng pancit
ngunit ito’y pansarili lamang. Nag aabang lamang na may matira sa kinain ng kanilang ama at kundi lang
dahil sa pangingialam ng kanilang ina para magkaron ng kanya kanyang parte ang bawat isa ay malamang
mag kakaron pa ng alitan ang magkakapatid. Ang kanilang buhay ay ganito. Naghihirap dahil naglalasing
ang kanilang ama at dun napupunta lahat ng mga kinikita sa pagta-trabaho. Isang araw ay naiyak ang
kanilang kapatid na si Mui-mui at hindi ito mapatahan ng dalawang pinaka matandang kapatid nila.
Binantaan pang ito’y masasapak kapag hindi tumahimik, si Mui-mui ay sinapak ng kanyang ama at
dalawang araw pagkatapos nito, ay namatay ang bata. Nagluksa ang ama sa kinahatnan ng kanyang anak.
Tunay ngang nasa huli ang pagisisi. Pinag chismisan pa sila ng kapitbahay at sinambit na kahit lasinggero
ang ama nila, tunay na mahal ng ama ang kanyang mga anak. Nagising sa katotohana ang ama na hindi
na dapat siya maglasing at mag pokus sa kaniyang pamilya na minsan na niyang pinabayaan. Namulat
siya sa katotohanan na hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang sumakabilang buhay na anak na si mui-
mui kaya hangga’t sa maaari ay gusto niya rin siguro makabawi sa kanyang pamilya. Naglabas siya ng
pera at bumili ng mga pagkain at inialay ito sa puntod ng namatay niyang anak habang binabanggit na
patawad dahil ito nalang ang kanyang maibibigay. Tunay ngang malungkot ang sinambit ng pamilya. Dahil
lamang sa mga bisyo, ay ang kapalit nito ay ang pagkamatay ng kaniyang anak. Nagising na ang ama sa
katotohanan na dapat niyang pahalagahan ang mga bagay na meron siya habang nasakanya pa ito. Dahil
kapag ito’y nawala na sakanya ay hindi na niya maibabalik ang oras na nasayang upang muling makabawi
sa lahat ng pagkukulang niya bilang ama at asawa sa kanyang pamilya.
Malungkot ang naging katapusan ng kwento siguro dahil naging kapalit ng pagiging responsible ng
kanilang ama ay ang buhay ng isa nilang kapatid. Tunay ngang hindi mo alam ang halaga ng isang bagay
saiyo hangga’t hindi ito nawawala. Dahil sa tao, uso ang binabaliwala ang mga bagay at tao na nasa piling
natin ngayon para sa mga panandaliang kasiyahan tulad ng alak, na sa huli ay nagigigng bisyo at kinaka-
adikan ng mga tao kaya’t naiiba ang kanilang ugali dahil nalululon sila sa mga bisyo iyon.

You might also like