Module 3 Filipino 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Module 2 - Filipino 8

Mga Paksa:
Panitikan
FLORANTE AT LAURA (Dalawang Ama, Tunay na
Tunay na Magkaiba, Ang pamamaalam ni Florante,
Pagsagip mula sa pangil ng leon, Pagkalinga sa
isang kaaway, Pagbabalik Tanaw ni Florante sa
kanyang kamusumusan., Si Adolfo,
Mga Layunin sa Pagkatuto
Trahedya sa Buhay ni Florante

• Nabibigyang kahulugan ang mga mataling-


hagang salita.
• Naipapaliwanag ang sariling saloobin/
impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at
damdaming hatid ng akda (F8PB-IVde-35)
• Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa ara-
lin
PANIMULA

Ang iyong babasahin ay buod ng Florante at Laura. Lahat ng impormasyon


sa akdang ito ay mahalaga subalit pinili lamang na banggitin ang pinaka-
mahalagang dapat ninyong malaman.
Ang akdang ito, gaya ng natalakay sa unang modyul ay nasa anyong patula.
Marami na ring pagtatanghal ang ginawa ukol sa obrang ito ni Balagtas.
Ang Florante at Laura ay hindi lamang tungkol sa
pag-iibigan ng mga nabanggit na tauhan, bagkus ito
ay tumatalakay din ito sa mga isyung may kinalaman
sa pangrelihiyon, antas ng panitikan at iba pang
isyung maiuugnay natin sa kasalukuyan.

Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba


Inakala ni Aladin na nag-iisa siya sa madilim at madawag na kagubatan subalit di nagtagal
ay narinig niya ang mga panaghoy ni Florante. Hinanap at nakita niya ang binata ngunit hindi
agad niya nilapitan. Ipinagpatuloy ni Florante ang kanyang pananaghoy at dito nalaman ni Aladin
ang kahabag-habag na pagkamatay ng amang si Duke Briseo sa kamay ni Adolfo, gayundin ang
pag-aalala ni Florante sa pagmamahal, kabutihan, at kabaitan ng kanyang ama sa kanya.
Pagkatapos nito’y si Aladin naman ang nakaalala sa kanyang ama. Kabaliktaran ng kanyang
ama na si Sultan Ali-Adab ang ama ni Florante. Naging malupit ang kanyang ama kaya’t pawang
kalungkutan at pagdurusa ang narasan niya sa piling ng ama. Hindi siya nakalasap ng pagmama-
hal mula sa magulang sapagkat ang maruga niya ina ay maaga ring pumanaw.

84 85

Gerero’y namangha nang ito’y marinig Ang bayaning moro ay lalong namaang
pinagbababaling-baling sa gubat ang titig; “Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?”
nang walang makita hinintay umilit lumapit sa dakong pinanggalingan
di naman nalao’y nagbangong humibik ng buntong hininga’t pinakamatyagan
86 88

Inabutan niya ang ganitong hibik, “At alin ang hirap na di ikakapit
“Ay mapakandiling amang iniibig! Sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
bakit ang buhay moy naunang napatid, Ikaw ang salamin sa reyno ng bait
ako’y inulila sa gitna ng sakit? pagbubuhatan ka ng malaking galit

87 89

Kung sa gunita ko’y pagkuru-kurui “Katawan mo ama’y parang namamalas


ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
parang nakikita ang iyong narrating… pinipisan-pisan at iwinawalat
parusang marahas na kalagim-lagim ng pawa ring lilo’t berdugo ng suklab

Narinig ni Aladin ang hinagpis ni Florante sa nangyari sa kanyang ama. Siya rin ay naantig at sinimulang
inalala ang amang mapang-api.

98 101

Sandaling Tumigil itong nanangis, “Kung ang walang patid na ibinabaha


binigyang panahon luha ko’y tumagistis ng mga mata ko’y sa hinayanag mula,
niyong naawang Morong nakikinig sa mga palahaw ni ama’t aruga
sa habag ay halos maputok ang dibdib malaking palad ko matamis na luha

99 102

Tinutop ang puso at saka nagsaysay; “Ngunit ang nanahang maralitang tubig
“Kailan,” aniya, “luha koy bubukal sa mukha’t dibdib koy laging dumidilig
na habag kay ama at paghihinayang kay ama nga galing datapwa’t bangis
para ng panaghoy ay pananambitan hindi sa andukha at pagtatangkilik

100 103

“Sa sintang inagaw abg itinatagis “Ang matatawag ko ay palayaw sa akin


dahilan ng aking luhang nagbabatis; ng ama ko’y ito ako’y pagliluhin
yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig, agawang sinta’t pagnasa-nasaing
sa amang namatay na magpatangkilik lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil

104

“May para kong anak na napanganyaya


ang layaw ko sa ama’y dusa’t pawang luha
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang ina’y pandaka’y nawala
Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba
Ang sumunod na panaghoy ni Florante ay pagtangis ng pamamaalam. Nagsasabi siya ng
pamamaalam kay Laura nang biglang dumating ang dalawang leong akmang sisila sa kanya.
Subalit himalang huminto ang mga ito at tila naaawang tumitig at nakinig sa kanya. Nagpaalam
din siya sa bayan niyang Albanya. Nabanggit din niya ang kanyang hinanakit sa pag-aakalang
kinalumutan na siya ng bayang ipinagtanggol niya nang paulit-ulit laban sa mga kaaway, at kay
Laura dahil naisip niyang tinalikuran na siya ng iniibig sa harap ng nakaambang kamatayan.

105 114

Napahinto rito’t narinig na muli “Paalam, Albanyang pinamamayanan


ang pananambitan niyong natatali ng kasmaa’t lupit, bangis, kaliluhan
na ang mga wika’y “Laura aliw niring budhi akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay
paalam ang abang kandong ng pighati! sa iyo malaki ang panghihinayang!

106 117

Lumagi ka nawa sa kaligayahan, “Pagkabata ko ma’y walang inadhika


sa harap ng di mo esposong katipan, kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga
at huwag mong datnin yaring kinaratnan di makailan kang babal-ing masira
ng kasing nilimot at pinagliluhan ang kamay ko’y siyang tumimawa?

107 118

“Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, “Dustang kamataya nang bihis mong bayad,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim, dapuwa’t sa iyo magpapasalamat
at kung mangyayari, hanggang malibing kung pakamahali’t huwag ipahamak
at mga buto ko’y kita’y sisintahin ang tinatangisang na nagsukab

108 119
“Di pa nagtapos itong pangungusap, “Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
may dalawang leong, hangos ng paglakad ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;
siya’y tinutungo’t pangsil-in ang hangad paalam bayan ko, paalam na pag-ibig
ngunit nangatigil pagdating sa harap mandarayang sintang di manaw sa isip

108 200

“Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis “Bayang walang loob, sintang alibugha


sa akbang sisil-ing larawan ng sakit Adolfong malupit, Laurang mandaraya
nangakatingala’t parang nakikinig magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
sa di lumilikat na tinagis-tangis at masusunod na sa akin ang nasa!
Pagsagip Mula sa Pangil ng mga Leon
Hindi natiis ni Aladin ang matinding awa sa narinig kaya’t hinanap niya ang pinagmumulan
ng panaghoy. Nang makita niyang isang Kristiyano pala ang nananaghoy (na kalabang mortal ng
mga Morong tulad niya) ay nagdalawang isip siya kung tutulong o hindi. Subalit saglit lang ang
kanyang pag-aalinlangan dahil nakita niyang handa nang silain ng dalawang mababangis na leon
ang kaawa-awang nakatali. Agad niyang sinugod at pinatay ang mga leon. Pagkatapos ay dali-dali
niyang tinulungan ang binatang noon ay walang malay at tila isa nang bangkay. Inobserbahan ni-
ya ang mukha at dibdib nito upang matukoy kung humihinga pa. Nag-aalala man sa kalagayan ng
binata, napayapa siya nang magsimula itong kumilos—hudyat na ito ay papagising na.

126 135

Sa tinaghoy-taghoy na kasindak-sindak Kung ipamilantik ang kanang pamatay


geroro’y hindi na napigil ang habag at saka isalag ang pang-adyang kamay
tinunton ang boses at siyang hinanap maliliksing leon ay nangalinlinlang
patalim ang siyang nagbukas ng landas kaya di nalaoy nangagumong bangkay

127 136

Dawag na mansi’y naglagi-lagitik Nang magtagumpay na ang gererong bantog


sa dagok ng lubhang matalas na kalis sa nangkalabang mabangis na hayop
Moro’y di tumugo’t hanggang di nasapit luha’y tumutulong kinakalag ang gapos
ang binubukalan ng maraming tangis ng kaawa-awang iniwan ng loob

130 137

Malalong natigil na di nakakibo Halos nabibigay sa habag ang dibdib


hiningay hinabol na ibig lumayo dugo’y nang matingnan ninukal sa gitgit
matutulog disin sa habag ang dugo sa pagkalag niyang maliksi’y nainip
kandungan ng mabangis na leong nangagtayo sa siga-sigalot na madlang bilibid

134 138

Inusig ng taga ang dalawang leon, Kaya ang ginawa’y inagapayan


si Apolo mandin sa Serpienteng Piton katawang malatang parang bagong bangkay
walang bigong kilos na di nababaon at minsang pinatid ng espadang tangan
ang lubhang bayaning tabak na pamutol walang awang lubid na lubhang matibay

142

Gulong-gulong lubha ang kaniyang loob


ngunit napayaa nang anyong kumilos
itong abang kandong na kalunos-lunos
nagising ang buhay na nakakatulog
Pagkalinga sa Isang Kaaway
Nang magising si Florante ay si Laura ang agad niyang hinanap. Ikinagulat niyang siya’y nasa
kandungan n isang Morong itinuturing na kaaway ng kanyang lahi. Pinilit niyang bumangon
subalit hindi pa niya kaya. Pinayapa siya ni Aladin at sinabing ligtas na siya. Naalala ni Florante
ang dalawang leon at nasabing patay na sana siya marahil kung hindi sa pagdating ni Aladin.
Tinanggap niya ang tulong ng isang “kaaway.” Magdamag na hindi natulog si Aladin upang maala-
gaan at mabantayan si Florante mulaa sa mga hayop na gumagala sa gubat. Kinabukasa’y nagsim-
ula ng manumbalik ang lakas ni Florante. Sa tuwa ni Aladin ay muli siyang naluha at niyakap ni si
Florante dala ng matinding pasasalamat dahil nabuhay ang binata.

143 149

Sa pagkalungayngay mata’y idinilat, “Ipinpahahayag ng pananamit mo,


himutok ang unang bati sa liwanag, taga-Albanya ka at ako’y Persyano
sinundand ng taghoy na kahabag-habag ikaw ay kaaway ng baya’t sekata ko
“Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap? sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

144 150

“Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalangin “Moro ako’y lubos na taong may dibdib
kung namatay ako’y gunitain mo rin;” at nasasaklaw rin ang utos ng langit,
pumikit na muli’t napatid ang daing, dini sa puso ko’y kusang natititik,
sa may kandong naming takot sa sagutin natural na leing sa aba’y mahapis

146 152

Nang muling mamulat ay nagitlahanan Nabuntonghininga itong abang kalong


“Sino? sa aba ko’t nasa morong kamay” at sa umaaliw na moro’y tumungon;
ibig na iigtad ang lunong katawan “Kung di mo ako kinalag sa puno ng kahoy,
nang hindi mangyari’y nangalit na lamang nalibing na ako sa tiyan ng leon

147 154

Sagot ng gerero’y “Huwag manganib “Itong iyong awa’y di ko hinangad


sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib, patayin mo ako’y siyang pitang hangad
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit, di mo tanto yaring binabatang hirap
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik na ang kamatayan ang buhay kong hanap

148 155

“Kung masusuklam ka sa aking kandungan, Dito napahiyaw sa malaking hapis


lason sa puso mo ang hindi biyagan, ang morong may awa’t luha tumagistis
makukutya akong di ka saklolohan siyang itinugon sa wikang narinig
sa iyong nasapit na napakarawal at sa panglulumo kusang napahilig
Sa tuwa ni Aladin ay muli siyang naluha at niyakap ni si Florante dala ng matinding pasasalamat dahil nab-
uhay ang binata.

164 166

Ito ang dahilang ipinagkasundo Sabihin ang tuwa ng gererong hayag,


limang karamdamang parang hinahalo ang abang kinalong ay biglang niyakap
ikinatiwasay ng may dusang puso kung nang una’y nukal ang luha sa habag,
lumakas na muli ang katawang hapo ngayong sa galak na ang ilinagaslas

167

Kapos ang dila kong Magsaysay ng laki


ng pasasalamat nitong kinandili
kundangan ang dusa’y nawalang kasi
ay napawi dinsin ang tuwang umali

Pagbabalik-Tanaw ni Florante sa
Kanyang Kamusmusan
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang naging buhay ni Florante. Magbabalik-
tanaw siya sa kanyang makulay na nakaraan. Babalikan niya ang kanyang buhay nang
siya ay isinilang hanggang sa nasadlak sa kaawa-awang kalagayan. Isinalaysay niya ang
mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay at kung paano siya hinubog ng kanyang
magulang na pawing mga paghahanda sa buhay na susuongin niya.

172 175

Tugon ng may dusa’y “di lamang ang mula “(Ngayon nariyan ka sa payapang bayan,
niring dalita ko ang isasalita sa harap ng aking minamahal,
kundi sampung buhay sapul pagkabata Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa tanggap ang luha kong sa matay nanunukal

174 177

“Sa isang Dukado ng Albanyang S’yudad, “ Ang duking ama ko’y pribadong tanungan
doon ko nakita ang unang liwanag ng Haring Linceo sa anumang bagay
yaring katauha’y utang kong tinanggap panglawang puno ng sangkaharian
sa Duke Briseo … (Ay, ama kong liyag!) hilagang tungo sa sugo ng bayan,

174 179

“Sa isang Dukado ng Albanyang S’yudad, “Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,


doon ko nakita ang unang liwanag malayaw na tawag ng ama kong poon
yaring katauha’y utang kong tinanggap noon ako’y batang kinakandong-kandong
sa Duke Briseo … (Ay, ama kong liyag!) taguring Florante bulaklak kong bugtong
Si Adolfo
Makilkilala mo sa araling ito si Adolfo, isang kababayan ni Florante na anak ng marangal na
si Konde Sileno. Bukambibig si Adolfo sa Atenas, ang katalinuhan niya ang bantog sa kwapa niya
mga mag-aaral. Ngunit hindi naglaon ay naungusan siya ni Florante bagama’t ang huli’t nakaba-
bata ng dalawang taon. Naging bantog si Florante dahil sa angkin niyang katalinuhan, ang dating
papuring si Adolfo ang nakakatanggap ay nabaling na kay Florante. Dito na nakilala ang totoong
pagkatao ni Adolfo na nagpanggap lamang palang mahinhin at mabait. Sa tindi ng pagkaiingit ay
lumabas ang kanyang tunay na kulay. Nalantad sa lahat ang kanyang ugali.

207 219

“Sa dinatnan doong madlang mag-aaral “Kaya nga at ako’y naging hantungan,
kaparis kong bata’t kabaguntauhan, tungo sa salita ng tao sa bayan;
isa’y si Adolfong aking kababayan, mulang bata hanggang katanda-tandaan,
anak niyong Kondeng Silenong marangal ay nakatalastas ang aking pangalan.

208 220
“Ang kaniyang tao’y labis ng dalaw Dito na nahubdan ang kababayan ko
sa dala kong edad na lalabing-isa; ng hiram na bait na binalatkayo
siyang pinopoon ng buong eskwela kahinhinang-asal sa pakitang tao,
marunong sa lahat ng magkakasama nakilalang hindi bukal kay Adolfo

210 228

“Anupa’t sa bait siyang huwaran, “Hinandulong ako, sabay nitong wika


ng nagkakatipong, nagsisipag-aral; ng patalim niyang pamatay ang handa,
sa gawa at wika ay di mahuhulihan dangan nakaiwas ako’y nabulagta
ang munting panira sa magandang asal sa talong maririing binitawang taga

217 229

“Sa loob ng anim na taong lumakad, “Ako’y napahiga sa inilag-ilag,


itong tatlong dunong ay aking nayakap; sinabayan bigla ng tagang malakas;
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas (salamat sa iyo, O Menandrong liyag,
sampung maestrong tuwa’y dili hamak kundi sa liski mo, buhay ko ay nautas!)

218 229

“Ang pagkatuto ko’y anaki himala, “Nasalag ang dagok ng kamatayan ko,
sampu ni Adolfo naiwan sa gitna lumipad ang tangang kalis ni Adolof;
maingay na pamang tagapamalita siyang pagpagitna ng aming maesto
sa buong Atenas ay gumala-gala at nawalang-diwang kasama’t katoto
Trahedya sa Buhay ni Florante
Ngayon ay nakilala mo na ang totoong katauhan in Adolfo. Sa susunod na mga saknong na-
man ay mararamdaman mo ang pait ng sunod-sunod na trahedya sa buhay ni Florante.Kailangan
niyang umuwi upang harapin ang mga sunod-sunod na trahedya na magdudulot ng labis na ka-
lungkutan niya.

232 246

“Naging santaon pa ako sa Atenas “Kung isalubong sa iyong pagdating


hinintay ang loob ng ama kong liyag, ay masayang mukha at pakitang-giliw
sa aba ko’t nooy tumanggap ng sulat, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
na ang balang letra ay iwang may kamandag siyang isaisip na kakabahakin

234 247

“Kamandag kang lagak niyong kamatayan “Datapwa’huwag kang magpapahalata,


sa sintang ina ko’y di napagkundangan tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa,
sinasariwa mo ang sugat na lalang ang sasandatahi’y lihim na ihanda,
nang aking tinaggap na palasong liham! nang may ipagtanggol sa araw ng digma

243 250

“May dalawang buwang hindi nakatikim “Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa,


ako ng linamnam ng payapa’t alim, tanang kaeskwela mata’y lumuluha;
ikalawang sulat ni Ama’y dumating si Menandro’y labis ang pagdaralita,
sampu ng sasakyan ang sumundo sa akin. palibhasa’y tapat sa kapwa bata

244 254

“Saad sa kalatas ay biglang lumulan “Bininit sa busog ang siyang katulad,


at ako’y umuwi sa Albanyang bayan; ng tulin ng aming daong sa paglayag
sa aking maestrong nang papaalam kaya di nalaon paa ko’y yumapak
aniya’y Florante, bilin ko’y tandaan sa dalampasigan ng Albanyang s’yudad

245 255

“Huwag malilingat at pag-ingatan mo “Pag-ahon ko’y agad nagtuloy sa kinta,


ang higanting handa ni Konde Adolfo, di humiwalay katotong sinta,
pailag-ilagang parang basilisko, paghalik sa kamay ng poon kong ama
sukat na ang titig na matay sa iyo lumala ang sakit ng dahil kay ina
Pangalan: ___________________________________ Iskor: ___________________

SAGUTIN NATIN

A. Nabibigyang-kahulugan ang mga matalinghagang kaisipan


Ang kabuohan ng awit ay puno ng mga matalinghagang kaisipan, kilalanin at bilugan ang pakahulugan ng
mga ito.
1. Ang buhay mo’y naunang napatid
a. naunang namatay b. naunang umalis c. naunang natulog
2. Pagkahulog sa kamay ng taksil
a. pagkatalo sa isang taong traydor
b. pagkahulog dahil sa kagagawan ng isang taong pabaya
c. pagkahulog sa kasalanan dala ng pagtataksil
3. Salamin ng reyno ng bait
a. isang pinunong mahilig manalamin
b. isang pinunong nagnanais maging mababait ang nasasakupan
c. isang pinunong ubod ng buti at bait
4. Sa habag ay halos magputok ang dibdib
a. sumakit ang dibdib dahil sa labiw na tuwa
b. naging emosyonal dahil sa sobrang pagkaawa
c. naninikip ang dibdib dahil sa atake sa puso.
5. Hindi nakalasap ng kahit munting tuwa
a. naging kasiyahan ang mga maliliit na bagay
b. ang tuwa ay laging nadarama ng kanyang puso
c. hindi man nakaranas ng kahit maliliit na kaligayahan sa buhay.
B. Naipapaliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at damdaming ha-
tid ng akda
Mababasa mo ngayon ang mahahalagang mensahe at damdaming taglay ng akda. Ano ang pananaw mo
sa mga ito? Isulat mo ang sagot sa unang linya. Ano naman ang gagawin mo upang maisabuhay ang mga men-
saheng ito? Isulat sa ikalawang linya.

Hindi Kristiyano si Aladin, subalit isinabuhay niya ang sinasabi ng Bibliya sa Mateo 5:44
“Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang iyong kaaway at ipinalagin ninyo ang mga
umuusig sa inyo.”

• Ano ang masasabi mo sa mensaheng ito?


__________________________________________________________________________________
• Paano mo maisasabuhay ang mensaheng ito sa susunod na may makaaway ka?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mahal na mahal ni Florante ang kanyang ama. Ang matinding hirap na pinagdaraanan
niya ay napapagaan ng masasayang alaala nilang mag-ama

• Ano ang masasabi mo sa mensaheng ito?


__________________________________________________________________________________
• Paano mo maisasabuhay ang mensaheng ito kapag pinagsabihan ka ng iyong ama o ina na tigilan
ang pagpupuyat dahil sa social media at matulog ng maaga?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Malupit ang ama ni Aladin. Hindi siya nakaranas ng pagmamahal mula rito. Sa halip, ay
ang ama pa niya ang naging sanhi ng kanyang paghihirap at masaklap na kabiguan.

• Ano ang masasabi mo sa mensaheng ito?


__________________________________________________________________________________

• Ano ang magagawa mo upang ang relasyon ng iyong ama at ina ay bumuti pa at hindi matulad sa
relasyon ni Aladin at kanyang ama?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
C. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVfg-36)
Bawat kabanata ay naghahatid ng mahalagang pangyayaring nagpapatunay na ang akda ay makabuluhan
at karapatdapat basahin. Alin sa mga ito, ang masasabi mong mahalaga at tumimo sa iyong puso at isipan?
Ilahad ang mahahalgang pangyayari sa mga nakatalang kabanata. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Kabanata Mahahalagang Pangyayari

Pagkalinga sa Isang kaaway A.


B.
C.

Pagbabalik-tanaw ni A.
Florante sa kanyang kamus-
B.
musan
C.

Si Adolfo A.
B.
C.

Trahedya sa Buhay ni A.
Florante B.
C.
REFERENCES
Baisa-Julian, Lontoc, Dayag. Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon - Grade 8 Quezon City: Phoenix Publish-
ing House, Inc., 2019.

Web References:
http://3.bp.blogspot.com/-D1GIGOFzBzE/UfHNcpvU2DI/AAAAAAAAEvU/aVeqvA6n_-8/w1200-h630-p-k-no-nu/
florante+at+laura.jpg

http://3.bp.blogspot.com/-i60NKbeMeOw/T0YUqU1_AQI/AAAAAAAABj4/3i7a6Zgo_lo/s1600/Francisco+Baltazar+y+dela+Cruz.jpg

https://www.facebook.com/PeysbukNgGerilya/photos/florante-at-laurapainting-by-gerilyagouache-on-paper190-mm-x-270-
mm2019/2317932318240173/

https://www.bulakenyo.ph/wp-content/uploads/2020/04/balagtas-fi.jpg

https://i.pinimg.com/originals/9e/9c/cb/9e9ccb78aff93339f55133cb60c38fa5.png

https://pbs.twimg.com/profile_images/694839958306058240/EenY92oj.jpg

https://assets.mycast.io/characters/155471_normal.jpg?1554661846

https://pbs.twimg.com/profile_images/699733662154170371/oQrj9OSn.jpg

https://assets.mycast.io/characters/155462_normal.jpg?1554660086

You might also like