Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 57

Mga Dahilan kung Bakit sa Tagalog Ibinatay ang Wikang

Pambansa:

1. Ito ang ginagamit na wika sa punong- lungsod ng Pilipinas, ang


Maynila at siyang lingua Franca ng buong bansa.
2. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Ang Tagalog ay binubuo
ng 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi.
3. Ito ang may pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong wika
sa Pilipinas.
4. Ito ang wikang ginagamit ng nakararami.
5. Madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin ito.
6. Ito’y kahalintulad ng maraming wikang lokal o diyalekto tulad ng
Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bikol at iba pa.
Rizal’s Moral Legacies for Our Daily Life
Why we need to know Rizal’s moral legacies
1. The enduring greatness of Rizal lies in the richness of his
ideas and
the nobility of his examples.
2. The validity of his progressive thoughts and soul- searching teachings is his legacy to
humanity.
3. The applicability of his deathless examples is his heritage to his people.
4. Rizal’s prophetic insights and matchless visions on how the Filipinos can transverse tha road to
progress so that they can enjoy rhe fullness of nationhood- economically, politically,
educationally, socially, and culturally under the mantle of national solidarity- are inspiring.
5. He will continue to live because he embodies the virtues of a God-loving son, a freedom-
loving citizen, and a universal man who loves his fellowmen.

Rizal’s Legacies for Our Daily Life

1. Love of God 13. Fortitude- Perseverance means strength of mind in


meeting or enduring pain, adversity, or peril.
2. Purity and idealism 14. Serenity- Unruffled mind. Serenity of spirit stems from a strong
personal discipline.
3. Noble conduct 15. Self- control
4. Love of fellowmen 16. Initiative
5. Love of parents 17. Tolerance
6. Charity 18. Prudence- Virtue that guides our mind in choosing the best means
of accomplishing a thing. It directs us to the most polite
and profitable course of action.
7. Love of country 19. Obedience
8. Courage 20. Courtesy and politeness
9. Will- power 21. Thrift
10. Honesty 22. Gratitude
11. Devotion to truth 23. Love for justice
12. Self- sacrifice 24. Living by example
Pagsasaling- wika
Isang sistematikong paraan ng paglilipat ng diwa o mensahe mula sa isang wika patungo sa
ibang wika.
Mga Simulain ng Pagsasaling-wika
Ayon kay Tyler
1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa o mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahin tulad ng isang orihinal.
Ayon kay Dolet
1. Kailangang ganap na maunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman at intensyon ng awtor ng
akdang isinasalin.
2. Kailangang may ganap na kaalaman ang tagapagsalin sa wikang isinasalin at may gayon
ding kahusay na kaalaman sa wikang pinagsasalinan.
3. Kailangang iwasan ng tagapagsalin ang magsalin nang salita sa salita sapagkat makasisira at
makapipingas sa kagandahan ng pahayag.
4. Kailangang gamitin ng tagapagsalin ang anyo ng mga pananalitang karaniwang ginagamit
ng nakararami.
Ang salitang sanaysay ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig sabihi’y
“exagium” o isang pagtitimbang- timbang. Dito inilalahad ang damdamin, opinion at
kuro- kuro ng manunulat tungkol sa isang paksa sa maayos at epektibong paraan. Ang
paraan ng pagpapahayag ng isang
sanaysay ay mabisa, kawili- wili, at walang tiyak na haba.

 Ang dalawang anyo ng sanaysay ay pormal at di- pormal.


 Ang sanaysay ay kadalasang batay sa karanasan, pananaw sa buhay, at pagmamasid ng
manunulat. Ito’y may simula, katawan, at wakas.
 Ang mga sumusunod ay dapat taglayin ng isang sanaysay.
1. May isang paksa.
2. May malinaw na mga halimbawa at angkop at mapananaligang mga batayan.
3. May kawili- wiling panimula at wakas.
4. Ang paglalahad ay hindi lantay.
Kararating pa lamang ni Petra sa Maynila. Nakatayo ang dalaga sa sidewalk,
litong-lito. Kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin, puro taong nagmamadali ang
kanyang nasusulyapan. Ang pari- paritong sasakyan ay nagpahilo sa dalaga. Gusto niyang
5. May paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan ng mga nagsasalungatang opinion
makarating sa Luneta. Sa labis na kalituhan, tumawag siya ng isang taksi at
sa paksa.
nagmamadaling sumakay.
“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng drayber ng taksi.
“Sa Luneta,” sagot ni Petra. Pagsulat ng Anekdota
“Sigurado kayong sa Luneta?” tanong ng drayber.
“Opo, Panimula
sa Luneta,” ulit ni Petra.
“Ma’am,Angeto na po ang ay
anekdota Luneta!” sagot
isang uri ng drayber.
ng salaysay na nagsasaad ng tunay na pangyayari
hango sa tunay na buhay ng isang tao na makatutulong sa paglalarawan ng
kanyang katauhan. Payak at tuwirang pananalita ang
ginagamit sa pagsulat ng anekdota. Ito’y maikli, kawili-wili, at nakaaaliw.
Hangarin nito na mabigyang- inspirasyon ang mambabasa.
Modelo
Basahin ang modelo ng isang anekdota.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Pagsulat ng Anekdota

Subuking magsulat ng isang anekdota tungkol sa alinman sa mga


sumusunod:
1. bayani 2. artista 3. ama o ina
Bumuo ng sariling pamagat.

_______________________________
Pamagat
Pagsulat ng Talumpati
Panimula
 Ang isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang
pasalita sa harap ng madla ay tinatawag na talumpati. Ito’y naghahatid ng
kaalaman, nang-aaliw, nanghihikayat, at nagpapaliwanag tungkol sa
katotohanan. Ang manunulat ng isang talumpati ay kinakailangang may tiyak
na kabatiran sa
paksa upang makahikayat. Dapat ding napapanahon ang paksa ng talumpati
at isinasaalang- alang ang gulang, kasarian, pinag- aralan, at tungkulin ng
magtatalumpati.
 May tatlong bahagi ang isang talumpati- ang panimula, katawan o nilalaman, at pangwakas.
 Upang maging mabisa at makatawag- pansin, kinakailangang maging nakaaakit at kawili- wili
ang panimula ng talumpati. Maaaring ito ay nakatatawa, nakatutuwa, o ukol sa isang
makabuluhang karanasan.
 Ang pinakakaluluwa ng isang talumpati ay ang katawan o nilalaman nito. Ang isang mabisang
talumpati ay nakagaganyak, nagpababatid, at nagpalilibang. Ang paraan ng talumpati ay
nagpapaliwanag, nangangatwiran, o nagsasalaysay.
 Ang pangwakas ng talumpati ay humahamon sa makikinig o bumabasa sa kilos na kanilang
gagawin at naghahanay ng mga katibayan.

Modelo
Buwan ng Wika
Makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Lalo na sa panahon
ngayong patuloy na pinahahalagahan ang paggamit nito sa iba’t ibang larangan
lalo’t sa larangan ng edukasyon.
Sa nalalabing bahagi ng kasalukuyang panahon ay lalo nating pag-ibayuhin
ang ating pagpupunyagi tungo sa puspusang pagsasagamit ng Wikang Filipino sa
bayan, sa pamahalaan, sa akademya sa lahat ng larangan.
Ipagpatuloy natin ang paggamit ng ating pambansang wika na wikang
Filipino.
Mabuhay ang kalayaan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Mabuhay
tayong mga Pilipino. Mabuhay ang wikang Filipino.
Pagsulat ng Talumpati
Sumulat ng talumpati. Pumili sa mga sumusunod na paksa.
 pagiging world class na Pilipino
 pagiging isang matagumpay na atleta
______________________________________________________
Pamagat

Pagpapakahulugan
______________________________________________________
Ang pagpapakahulugan ay ginagamit sa salawikain, likhang sining, isang kaisipan,
at iba pa. Ito ay isang masusing pagpapaliwanag o interpretasyon sa masalimuot na
diwa ng orihinal na paksa. Nararapat na alamin ng sumusulat ng
pagpapakahulugan ang layunin ng manunulat at sikaping mabigyan ng wasto at
malinaw na paliwanag.
Pagpapakahulugan sa Salawikain
I. PANIMULA
Ang salawikain ay isang karunungang- bayang napag-aralan ng tao buhat sa bibig ng mga
matatanda at hango sa karanasan sa buhay. Ito ay mayroong matatalinghagang salita na may tugma at
sukat. Mayroon ding mapupulot dito na magandang aral sa buhay.
II. MODELO
Salawikain: Kung may isinuksok, may madudukot
Pagpapakahulugan:
Ang salawikaing ito’y isang pagpapakahulugan sa buhay Pilipino na iniuugnay sa
pagiging masinop ng Pinoy. Maganda ang kahihinatnan ng taong masinop at marunong mag-
impok hindi lamang ng pera kundi pati ng pakikipagkapwa. Dahil sa oras ng kagipitan at krisis,
kailangan ito upang magkaroon ng masasandalan na matatag na kabuhayan at maaasahang
matatapat na kaibigan na dadamay sa iyo.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Pagpapakahulugan sa Salawikain
Bigyang pagpapakahulugan ang paboritong salawikain.
Pagkukuwento
I. PANIMULA
Naaalala mo pa ba ang isa sa mga paborito mong kuwento na ibinahagi
sa iyo noong ikaw ay bata pa? Subuking alalahanin ito at ibahagi rin ito sa
iyong mga kaklase.
Ang pagkukuwento ay natural lamang sa atin. Ang pagkukuwento ay mas magiging
kawili- wili kung gagamitan ito ng mga time signals at transitional devices.
Ang kuwento ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya, impresyon,
pananaw, at pang-unawa. Ang manunulat ay nagsasalaysay ng isang pangyayari o serye ng
mga pangyayari na naganap sa isang tao o karakter sa isang lugar at panahon. Ang mga
pangyayari ay dapat na sunod- sunod na ilalahad at magkakaugnay (logically related). Ang
manunulat ay unti- unting naglalahad ng mga pangyayari na hahantong sa kasukdulan
(climax).

II. MODELO
Basahin ang modelong ito ng isang talatang pagkukuwento. Bigyang- pansin ang
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
Malalim na ang gabi ngunit ako’y nag-aaral pa rin. Lahat ng aking kasambahay
ay mahimbing na ang tulog. Nang walang ano- ano’y napatingin ako sa bintana.
Dalawang nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa akin. Kung anuman iyon, ito’y
papalapit nang papalapit sa akin. Mayroong nalaglag sa harapan ko. Mga daliring
mapuputla, mahahaba, at mabubuto ang dahan- dahang lumalapit sa akin. Sinubukan
kong sumigaw ngunit walang lumalabas na tinig mula sa aking mga labi. Sinubukan
kong tumakbo ngunit tila may pumipigil sa akin. Naramdaman ko na lamang na ako’y
itinataas. Iniunat ko ang aking mga kamay at nahipo ko ang ilawan. Dahan- dahang
iniipit ako ng sahig at kisame. Nakarinig ako ng isang kakila-kilabot na halakhak.
May mga malalakas at di nakikitang kamay na sumasakal sa aking leeg. Humigpit
nang humigpit ang hawak nito sa akin hangga’t hindi na ako makasigaw at
makagalaw. Hindi na rin ako makahinga. Nanghihina na ako. Nararamdaman kong
ako’y tuluyan nang nahuhulog sa piit ng kadiliman. Walang ano- ano ay bigla na
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Pagkukuwento
Magsulat ng isang talatang nagkukuwento tungkol sa pagkakakilala ninyo ng matalik
mong kaibigan.
SANAYSAY
 Ang salitang sanaysay ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig
sabihi’y “exagium” o isang pagtitimbang- timbang. Dito
inilalahad ang damdamin, opinyon at kuru- kuro ng manunulat
tungkol sa isang paksa sa maayos at epektibong paraan. Ang
paraan ng pagpapahayag ng isang sanaysay ay mabisa, kawili- wili, at walang tiyak
na haba.
 Ang dalawang anyo ng sanaysay ay pormal at di-pormal.
 Ang sanaysay ay kadalasang batay sa karanasan, pananaw sa buhay, at pagmamasid
ng manunulat. Ito’y may simula, katawan, at wakas.
 Ang mga sumusunod ay dapat taglayin ng isang sanaysay.
1. May isang paksa
2. May malinaw na mga halimbawa at angkop at mapananaligang mga batayan
3. May kawili- wiling panimula at wakas
4. Ang paglalahad ay hindi lantay
5. May paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan ng mga nagsasalungatang
opinyon sa paksa

Pagsulat ng Sanaysay na Pormal


I. PANIMULA
Sa pagsulat ng sanaysay na pormal, kailangang gumamit ng mga piling
pananalita at paksang may masusing pag-aaral at pagsusuri. Ito ay inilalahad nang
mabisa, kawili- wili, maayos, at maingat.
II. MODELO
Basahin ang halimbawa ng isang sanaysay na pormal.
ANG AKING GURO
Pagsilang ng bukang- liwayway ay naroon na siya sa aming paaralan, abala sa
paghahanda ng araling tatalakayin ngayong araw. Ang masisipag niyang mga kamay ay
handa nang isulat sa pisara ang tatalakaying aralin. Ang tanging yaman niya’y ang kanyang
angking talino’t karunungan. Wala na ngang marahil maipipintas sa kanya sapagkat
maituturing siyang tahimik na bayani ng bayan. Payak lamang ang kanyang pamumuhay.
Bagaman ang kanyang kinikita’y sapat lamang na pantustos sa kanyang pang-araw-araw na
pangangailangan, siya’y nabubuhay sa pagtitiis maitaguyod lamang ang kabataan.
Mayaman ngang tunay ang aking guro sa karunungan. Kung wala ang mga tulad niya, sino
na ang huhubog sa mga kabataan?
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Pagsulat ng Sanaysay na Pormal


Talakayin ang isa sa mga sumusunod na paksa sa pamamagitan ng pagsulat ng isang pormal
na sanaysay.

1. Ang Aking Tanging Yaman 3. Ang Natatangi Kong Karanasan


2. Ang Matalik Kong Kaibigan
SANAYSAY
 Ang salitang sanaysay ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig sabihi’y
“exagium” o isang pagtitimbang- timbang. Dito inilalahad ang damdamin,
opinyon at kuru- kuro ng manunulat tungkol sa isang paksa sa maayos at
epektibong paraan. Ang paraan ng pagpapahayag ng isang sanaysay ay
mabisa, kawili- wili, at walang tiyak na haba.
 Ang dalawang anyo ng sanaysay ay pormal at di-pormal.
 Ang sanaysay ay kadalasang batay sa karanasan, pananaw sa buhay, at pagmamasid ng
manunulat. Ito’y may simula, katawan, at wakas.
 Ang mga sumusunod ay dapat taglayin ng isang sanaysay.
1. May isang paksa
2. May malinaw na mga halimbawa at angkop at mapananaligang mga batayan
3. May kawili- wiling panimula at wakas
4. Ang paglalahad ay hindi lantay
5. May paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan ng mga nagsasalungatang opinyon
sa paksa

Pagsulat ng Malaya o Di- Pormal na Sanaysay


I. PANIMULA
Ang malaya o di-pormal na sanaysay ay waring nakikipag-usap sa
mambabasa’t hindi nangangaral. Ito’y masigla, kaakit- akit, nagpapatawa, at kawili-
wili sa mga mambabasa. Ang manunulat ng malaya o di- pormal na salaysay ay
may malawak na kaalaman at pananaw.
II. MODELOAng pakikialam sa iba, minsan sa aking paniniwala, ay hindi isang masamang ugali.
Basahin
Wala akongang sanaysaymali
nakikitang na malaya o di- interesado
sa pagiging pormal. sa ibang tao. Sino ba ang ayaw malaman
ang misteryo at sikreto ng buhay ng ibang tao? Ang pagdungaw sa bintana ay isang bagay na
di ko maiiwasan. Naaalala ko pa ang ilang tanawing aking nakita na tunay na kinagiliwan ko.
Nakakita ako ng grupo ng mga kabataan na nakasuot ng modernong kasuotan na pang-
hiphop at mga animo’y magpa-party.
Sa isang bahay nama’y may isang batang nasa edad pitong taon na nagpupunit ng mga
papel habang ang yaya nito’y nakahilata sa sofa.
Sa di kalayua’y may nag-aaway na mag-asawa. Ang ibang kapitbahay ay nanonood sa
‘palabas’ na tila aliw na aliw.
Heto ang mga tanawin sa aking bintana. Kung ikaw ay natutuksong manilip sa bintana
ng iba, siguraduhin mo lang na hindi mo kilala ang mga tao sa loob at hindi ka rin nila kilala.
At siguraduhin ding hindi ka magtatagal sa pagsilip at baka mahuli ka!
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Malaya o Di- Pormal Sanaysay


Sumulat ng sanaysay na malaya o di-pormal ukol sa isa sa mga sumusunod na paksa:
1. Bakit Gusto o Ayaw Ko ang Aking Pangalan 3. Ang Lugar na Nais Kong Marating
2. Ang Okasyong Hindi Ko Malilimutan
SURING- BASA

Ang panunuri ay isang uri ng paglalahad na nagtitimbang, nagpapahalaga,


nagpapasya at kumikilatis ng mga bagay na may malaking kaugnayan sa
kanyang pang-araw- araw na buhay. Iginagawa ng panunuri ang anumang anyo
ng panitikan tulad ng sanaysay, maikling- katha, tula at nobela,
mga palatuntunang panradyo, pantelebisyon, pantanghalan, pelikula, mga
konsyerto at iba pang uri ng tugtuging pangmadla.
Ang suring- basa ay parang isang maikling pamumunang pampantikan kaya maaaring
maglaman din ng sariling kuro-kuro o palagay ng sumusulat tungkol sa aklat, akda o anumang
sinusuring- basa. Layunin nito ang paglalahad ng kaisipang nilalaman ng isang tanging aklat at
maihatid sa ilang pananalita ang kahalagahan ng aklat o akda.
Ang mabuting panunuri ay makatarungan. Ito ay hindi lamang basta pumipintas o pumupuri
kundi nagsasaad ng magkabilang panig. Unang- una, ito ay batay sa kaalaman ng sumusulat. Kung
magsusuri siya ng pelikula dapat ay alam na alam niya pati detalye ng pelikulang susuriin.
Kailangang ito’y kanyang lubos na pinag- isipan, may matapat siyang layunin, wala siyang
pagkiling o negatibong damdamin at higit sa lahat makatwiran siya sa kanyang panunuri.

Ang pagsusuring- basa ay maaaring ituon sa buong aklat mismo o sa baha-


bahagi nito. Maaari rin namang artikulo o lathalain lamang o isang anyo ng
panitikang tulad ng sanaysay at tula.
Sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan, hindi dapat iniisip na ang ginagawang pamumuna ay
upang pintasan lamang ito. Kadalasan na sa mga pagsusuring ginagawa,
lumulutang ang nagiging damdamin ng nagsasagawa ng pagsusuri. Sa
pamamagitan nito binibigyan niya ng laya ang kanyang paghanga, pag-uugnay sa sarili sa ilang
pangyayari sa akdang binasa at pagiging makatotohanan ang mga aral na nakapaloob dito.
Dapat din na isaalang- alang ang magiging damdamin ng may- akdang nagsulat ng akdang
sinusuri. Bigyang- tuon ang tunay na layunin ng pagkakasulat niya ng akda. Laging isipin na
karamihan sa mga manunulat ay pumapasok ang katauhan niya sa tauhang nilikha niya sa kanyang
sinulat, gayundin ang buhay na pinagdaanan niya, masaya man o malungkot. Sa kabuuan,
repleksyon ng may-akda ang sinulat niyang akda.
Mahalaga na sa pagsusuri, ang negatibong pamumuna ay hindi dapat na ikagagalit, sapagkat
sa pamamagitan nito, makikita ang mga bagay na maaari pang bigyan ng pansin upang mabago at
upang lalo pang gumanda at maging makabuluhan ang isang aklat o babasahin.

Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Suring- basa
LAYUNIN: Nakapagsusuring- basa ng isang sanaysay.
PAMUMUNANG PAMPELIKULA

KAALAMANG PAMPANITIKAN: PAMUMUNANG PAMPELIKULA


Isa sa kinahihiligan natin ay ang panonood ng pelikula. Sa ganitong paraan,
tayo’y lalong nalilibang lalo’t may kaugnayan ang mga pinapaksa sa ating
buhay. Sa maayos na pagsasapelikula ng buhay ay nakakakuha tayo ng
malawak na kaalaman at kaisipan na nagsisilbing inspirasyon.
Ang mga pelikula ay mauuri sa iba’t iba batay sa iba’t ibang anggulo ng buhay. May
pelikulang nagpapamalas ng kagitingan ng tauhan tungo sa paglutas ng suliraning pambayan. Ito’y
punong- puno ng aksyon, ng tunggalian, tungo sa kasukdulan at resolusyon. May pelikula namang
nagbibigay- diin sa tamang pananaw o perspektibo ng buhay ng tauhan. May pelikula ring
tinatawag na ispektakular dahil sa estetikong paglalarawan ng pag-ibig sa mga tauhan. Ang
ganitong uri ng pelikula ay tunay na umaantig sa puso’t damdamin ng mga manonood. Ang
cartoons at science fiction ay iba namang uri ng pelikulang malakas para sa mga bata, dahil sa
makulay at magandang tagpuan na nauugnay sa paksa nito. Higit sa lahat, malakas pa rin ang
pelikulang comedy na may layuning magpatawa.
Sa tagumpay o kabiguan ng isang pelikula nakasalalay ang pangalan ng direktor. Katulad ng
isang mahusay na manunulat ng panitikan, ang direktor ay may angking talino upang magawang
makatotohanan at maka-sining ang iskrip na isasapelikula.
Ang manonood ng pelikula ay isang mambabasa ng istorya. Nakikita niya ang
tama o mali sa tauhan, pangyayari, atbp. Nalilimi niya kung may kahalagahan sa
isang pananaw sa buhay o lipunan ang pelikula. Ang malinaw na positibo o
negatibong aspekto ng pelikula ay nalilimi. Sa ganitong katayuan o batayan ng
manood batid niya ang dapat o di-dapat tangkilikin ng iba’t ibang manonood,
maging bata o matanda.

PAANO DAPAT SURIIN ANG PELIKULA?


Ang husay ng direktor, ang ganda ng pelikula at reaksyon ng manonood sa pelikula ay maaaring
mabatid sa sumusunod na paraan ng pagsusuri:
1. Ayon sa nilalaman
a. Ano ang pinakapaksa o tema ng pelikula?
b. Ano ang buod ng pelikula?
2. Ayon sa artistiko at teknikal na kaanyuan
a. Maayos ba at hindi nakalilito ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari?
b. May sapat bang damdamin o panlasa sa kagandahan o sining?
c. Makatotohanan at mahusay ba ang pagkakaganap ng papel ng mga tauhan?
d. Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa? May dapat bang pungusin? May
dapat bang idagdag?
e. May maganda bang tagpuan na angkop?
f. Mahusay ba ang paglalapat ng tunog at musika?

3. Ayon sa kahalagahang pangmoral


a. May pagtutumbas ba sa tunay na buhay ang mga pangyayari?
b. Punong- puno ba ito ng sentimentalidad at tiyakang pangangaral?
c. Karapat- dapat bang panoorin kahit na ng mga kabataan?

________________________________________________________________________________
PAGSASANAY
1. Pag- usapan sa klase ang isang pelikulang Pilipino.
2. Sumulat ng isang panunuring pampelikula batay sa mga napag-alamang aralin.

LAYUNIN: Nakasusulat ng isang panunuring pampelikula batay sa napag-aralang aralin.


PAGSULAT NG BOOK REPORT

Ang book report ay isang mabisang paraan ng pagbubuod. Sa pagsulat


ng book report, inaasahang mas madaling maunawaaan ang isang seleksiyon.
Inilahad dito ang mga pangyayari nang sunod- sunod, ipinakikilala ang mga
tauhan, at inilalarawan ang tagpuan.
May ilang mga dapat tandaan sa pagsulat ng book report.
1. Kailangang basahin ang buong akda at unawain itong mabuti.
2. Tukuyin ang kabuuang diwa ng akda.
3. Kilalaning mabuti ang mga tauhan at tukuyin ang tagpuan.
4. Piliin ang mahahalagang detalye ng akda upang magamit sa buod.
5. Bigyang- pansin ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari at ideya at tukuyin ang
mahahalagang pangyayari.
6. Tukuyin ang pinakamagandang bahagi ng akda at magbigay ng paliwanag.
7. Makabubuting gumawa ng balangkas upang maging madali ang pagsulat ng buod.
8. Gumamit lamang ng mga simple’t magagaan na salita.
9. Gumamit lamang ng maikli ngunit mabisa’t maayos na mga pangungusap.
10. Hangga’t maaari, huwag ilayo sa istilo’t diwa ng orihinal na akda.

Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Pagsusuring Pampelikula
Ang panunuri ay isang paraang kumikilatis upang magpahalaga, magtimbang at bumuo ng
isang pagpapasya. Hindi nito layuning manira o mamintas kundi magbigay ng mga puna upang lalo
pang mapaganda ang isang palabas. Alamin ang kahinaan, ang kalakasan at kagalingan upang
makapagbigay ng angkop na pagpapahalaga at pagpapasya sa isang programang pantelebisyon, sa
pelikula o sa dulang pantanghalan.

Layunin: Nakasusulat ng isang pagsusuring pampelikula.


Suriin ang pelikula ayon sa sumusunod:
A. Tagpuan C. Banghay
B. Mga Pangunahing Tauhan D. Pagsusuri

ANG BUOD

I. PANIMULA
Ang buod ay ang pinakalaman ng anumang binasang akda. Sa pamamagitan
nito ay napalilitaw at nadadalisay ang tunay na mensahe ng teksto sa
pinakamaikling paraan.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod:
1. Basahin ang orihinal na teksto. Kailangang basahin muna nang buo ang orihinal na
teksto upang makuha ang nais nitong ipahayag.
2. Itala ang mga importanteng detalye. Piliin ang mga makabuluhan at mahahalagang
detalye lamang.
3. Isaayos ang tala. Isaayos ang talang nakalap base sa pagkakaugnay-ugnay at pagkakasunod-
sunod nito.
4. Isulat ang buod. Hangga’t maaari, gumamit ng sariling salita sa paglalahad. Kung may mga
diyalogo sa kwento, nobela, dula o pinanood na akda na may malaking impact at di
maaaring mawala, ihayag ito sa iyong sariling paraan (paraphrase). Kung kailangan namang
sipiin ang orihinal na pahayag, kulungin ito sa panipi (“).

II. MGA DAPAT TANDAAN AT ISAALANG- ALANG


Sa pagsulat ng buod kailangang:
1. Mailahad ang pinakapaksa sa pinakamaikling paraan
2. Tiyaking kumpleto at di nababawasan ang mahahalagang detalye
3. Iwasang magdagdag ng sariling opinyon o pananaw
4. Mas magiging orihinal ang buod kung sariling salita (paraphrasing)
ang gagamitin at maiiwasan ang pangongopya o plagiarism

Pagsulat ng Buod

Isulat ang buod ng nobelang “Noli Me Tangere.”


PAGSULAT NG ISLOGAN
1. Ang islogan ay salita o lipon ng mga salitang ginagamit bilang battle
cry, rally cry, o catchword ninumang tao o grupo, partido man o
kilusan, bilang pagpapahayag ng tanging paninindigan o hangarin,
tunguhin o plataporma, na pinagsisikapang mapagtagumpayan.
2. Sa paggawa ng islogan, maaari ring pagbatayan ang:
 pamansag- public statement
 sawikain- maxim
 kasabihan- saying
 kawikaan- adage
 ugaling- sabi- idiomatic expression
3. Ang pananalitang ginagamit sa islogan ay makatawag- pansin, makabuluhan at
may nais ipahatid o ipabatid.
4. Ang ilang halimbawa ng islogan ay:
a. Sa ikauunlad ng bayan
Disiplina ang kailangan.
b. Bayan muna bago sarili.
c. Erap para sa Mahirap.
d. Philippines 2000
____________________________________________________________

e. Let’s DOH It.


f. Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika.
g. Tama na! Sobra na! Palitan na!
h. Reformasi (kasalukuyang rally cry sa Malaysia ng
grupo ni Anwar)
i. Sa aking buhay, ang Diyos ang mangingibabaw.
j. Pagtutulungan at pagkakaisa, Hindi kanya- kanya.
k. Kapag may katwiran, Ipaglaban mo.
l. Punong- Bayan, Lingkod ng Bayan.
m. Kung positibo ang pananaw, Kabuhayan at kaunlaran ay malinaw.
n. Magsalita ka at manindigan, Kabataan ng sandaigdigan.
o. Upang magbago ang lipunan, Partisipasyon ng lahat ang kailangan.
 Gumawa ng sampung (10) islogan kaugnay sa tema ng kumperensya.

PAGSULAT NG LATHALAIN

1. Ang lathalain ay isang uri ng sanaysay na pampahayagan na


nagtatampok sa isang piling tao, pook, ritwal at mga paksang
kinalulugdang basahin ng mga tao. Isang uri ito na ang kawilihan ay
nasa ibang bagay sa halip na sa mahahalagang tala.
2. Ang sumusunod ay ilang katangian ng lathalain:
a. batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita,
b. nakalilibang, at nagbibigay ng kaalaman, nakikipagtalo, o nagpapayo,
c. payak, madaling maunawaan, maaaring gamitan ng tayutay o idyoma kung kailangan, at
d. maaaring isulat sa anumang porma, anyo, istilo o pamamaraan.
3. Ang lathalain ay naglalaman ng kuru- kuro ng may-akda tungkol sa isang balita ngunit ang
binibigyang- diin ay ang mga nalikom na tala at ulat kaya’t naiiba sa pangulong- tudling.
Naiiba rin ito sa balita na nag-uulat lamang kung ano ang mga nangyayari.
4. Nasa pagitan ito ng balita at pangulong- tudling.

KATANGIAN NG BILIRAN
Nasa Biliran, Leyte ang may pinakamalinis na tubig sa
buong mundo.
Ang Biliran ay ang dating Panamao sa bayan ng Leyte. Ito
ay inaprubahang tawaging Biliran noong Abril 8,1959 sa ilalim ng Republic Act No.
2141. Ang Biliran ay may lawak na 55.5 kilometro kuwadrado. May pitong bayan at
isang isla na tinatawag na kapital Maripipi. Ang kabisera ng Biliran ay Naval.
Ang Biliran ay maraming tourist spots- isa na rito ang Tumalistic Falls.
Maaaring inumin ang tubig dito dahil ayon sa World Almanac, ito ang may
pinakamalinis na tubig sa buong mundo.
Matatagpuan din sa Biliran ang San Bernardo Swimming Pool na may natural
na mountain spring na may amoy ng pabangong Camia.

Sumulat ng isang lathalain tungkol sa isang piling tao, pook, ritwal o kalugud- lugod na
paksa.

PAGSULAT NG SANAYSAY

1. Isang kathang naglalahad ng mga kuro- kuro at damdamin ng isang tao


hinggil sa isang paksa ang sanaysay.
2. Karaniwang inuuri ang sanaysay sa dalawa: maanyo o pormal,
pamilyar o palagayan o di- pormal.
Maingat, maayos at mabisa ang paglalahad sa maanyong sanaysay; pinakapipiling
mabuti ang paksa at pananalita. Ang palagayan o di-pormal ay may pagkamalapit sa
mambabasa na parang may himig na pakikipag-usap; hindi sinusulat ito upang mangaral,
puno ito ng makakatas na kawikaan, masaya at mapagpatawa at di- gaanong mabigat ang
paksa.
3. Umaalinsunod din sa pagsulat ng isang komposisyon ang pagsulat ng sanaysay, may
simula, may panggitnang kaisipan o pinakakatawan at wakas. Maraming paraan ang
maaaring gamitin sa panimula tulad ng:
a. isang katanungan
b. pangungusap na nakatatawag- pansin
c. tuwirang banggit
d. isang pasalaysay
e. paggamit ng isang sipi
f. atbp.

Sa panggitna o pinakakatawan ng sanaysay ay


matatagpuan ang pagsasama- sama ng mga kaisipang magsing-
uri at ang paghahanay ng mga lipon ng kaisipang ito sa
makatuwirang ugnay- ugnay na pagkakasunod- sunod.
Maaaring gamitin sa wakas ang ginamit sa panimula o maaari
namang paglalagom ng buong nilalaman ng pangunahing
kaisipan.
PAGSULAT NG TULA

 Ang tula ay pagbabagong- hugis ng buhay. Sa tulong ng guniguni, ang


buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.
 Ang tula ay paglalarawan sa tulong ng guniguni at sa pamamagitan ng
wika, ng mga tunay na saligan para sa mararangal na damdamin.
 Ang isang ikinaiba ng tula sa tuluyan ay ang katotohanang ang tula ay patayutay: nabubuo
sa pagitan ng taludtod ng mga matalinhagang larawan at ng tanging bisa.
 Ang tula ay tula, may tugma’t sukat man ito o wala. Ang tuntunin sa pagsulat ng tula ay
madaling pag-aralan. Sinumang may hilig at interes ay madaling magtugma- tugma ngunit
ang hindi madaling gawin ay ang pagbibigay sa isinilang na tula ng isang tunay na
matulaing kaluluwa. Kaluluwang di- malirip ngunit nadarama dahil pumipitlag, buhay na
buhay, humahaplos, umaantig.
 May tatlong uri ng tula ayon sa pamamaraan: tulang may sukat at tugma, tulang may
malayang taludtudran o free verse, at tula sa tuluyan. Ang tula sa tuluyan ay maaaring
tuluyan sa kabuuan ngunit dahilan sa taglay nito ang kaluluwa ng isang tulang may maririkit
na pananalitang angkop lamang sa isang tula, tinatawag itong tula sa tuluyan.

PAGSULAT NG TULA

 Ang tula ay may anyo: ang hanay o linya ng tula ay tinatawag na


taludtod: ang pinagsama- samang taludtod ay saknong; ang pinagsama-
samang saknong ang bumubuo sa tula. Ang bawat taludtod ay may
tinatawag na hati o sensura. Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod
ay tinatawag na sukat, at ang mga dulo ng taludtod na may
magkakahawig na bigkas ay tinatawag na tugma.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o
nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang magkatugon
ang balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga tungkulin (function) ng
mga salita at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatwid, dalawang
kawastuan ang kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika.

Pagsulat ng Paglalarawan o Deskriptibong Komposisyon

Ang hangarin nito ay maipakilala ang isang bagay sa pamamagitan ng


itsura, laki, hugis, kulay, katayuan at iba pa.

1. Ang deskripsyon o paglalarawan ay nagbibigay ng kulay at sigla sa isang komposisyon. Binubuhay


ng deskripsyon ang isang tao, lugar, bagay o pangyayari sa pamamagitan ng mga angkop na salita
at iba pang detalye na isinasama sa paglalarawan.
2. May dalawang uri ng detalye na maisasama sa deskriptibong komposisyon. Ang isa’y yaong mga
kapansin- pansin sapagkat mga sadyang katangian ng bagay, tulad ng apat na paa ng mesa. Ang
ikalawa’y yaong mga katangiang ikinatatangi nito sa ibang kauri, tulad ng baling paa ng mesa o
paa ng mesang may gulong.
3. Naiiba ang deskriptibong komposisyon sa ekspositori at naratibo sa pagsasaayos ng mga detalye.
Sa ekspositoring komposisyon, may pagkakaugnay-ugnay ang mga kuru- kuro at isipang
ipinababatid. Ang isang diwa ay kusang nagmumula sa sinundang diwa kaya nagkakaroon ng
pasulong na galaw. Sa naratibo, ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari ay di lamang
pasulong kundi pataas ang galaw hanggang sa marating ang kasukdulan. Subalit sa deskriptibong
komposisyon, ang ipinamamalas ay hindi pagsulong kundi hindi pagsasama- sama at pagbubuo ng
mga detalye upang lumitaw ang isang tiyak na impresyon o kakintalan, o pangunahing larawan.
Ang pagsasama ng napakaraming detalye ay hindi kanais- nais sapagkat may panganib na lumabo
sa halip na luminaw ang larawan.
4. May dalawang uri ng deskriptibong komposisyon: karaniwan o obhetibo at masining o subhetibo.
Ang layunin ng una ay maibigay ang karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang
pandama: panlasa, pandinig, paningin, panalat at pang-amoy. Halimbawa nito’y ang mga anunsiyo
tungkol sa mga nawala at nakitang bagay, at mga tala ng pulis tungkol sa mga taong
pinaghahanap.
Ang masining o subhetibong deskripsyon ay may layuning mapagalaw ang
guniguni ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama, damdamin, at
isipan ng naglalarawan.

 Gumawa ng deskriptibong komposisyon na ginagamitan ng masining o subhetibong paglalarawan.


Pumili ng isang paksa sa bawat pangkat.
A. Tao- 1. Si Dating Pangulong Esrada 4. Si Mary Ong Alyas Rose Bud
2. Ang Aking Ina/ Ama 5. Si Pang. Gloria Macapagal- Arroyo
3. Si Dating Senador Miriam Defensor- Santiago
B. Lugar- 1. Ang Aming Barangay/ Bayan 4. Isang Huwarang Pook
2. Pilipinas ang Bansa Ko 5. Tag-ani sa Bukid
3. Payatas, Bundok ng Basura
C. Aksyon- 1. Ang Giyera sa Mindanao
2. Ang Pangingidnap ng mga Abu Sayyaf
3. Impeachment Trial ni Pang. Estrada sa Senado
4. EDSA II
5. Ang Kasong Pagdarambong ni Dating Pangulong Estrada

Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag

Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o
nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang magkatugon ang
balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga tungkulin (function) ng mga salita
at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatwid, dalawang kawastuan ang
kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika.
Pagsulat ng Pagsasalaysay o Naratibong Komposisyon

Ang hangarin nito ay pag-ugnay- ugnayin at pagsunud- sunurin ang


mga pangyayari upang makabuo ng isang salaysay o kuwento.

1. Ang naratibong komposisyon ay pagkukuwento, at ang lahat ng tao ay nagkukuwento, kaya


maaaring mas madali itong isulat kaysa mga komposisyong deskriptibo, ekspositori at
argumentatibo.
2. Ang salaysay o kuwento ay maaaring magbuhat sa sariling karanasan, nasaksihan, napakinggan,
nabasa, o likhang- isip.
3. Ang naratibong komposisyon ay kailangang magtaglay ng mga sumusunod:
a. Mabuting pamagat- pamagat na maikli, kawili- wili, kapana- panabik, hindi nagbubunyag ng
wakas, di-palasak at orihinal.
b. Mahalagang paksa- paksang makabuluhan, hindi mababaw, na bagama’t luma na ay may sarili
namang paraan ng pagsasalaysay sa pamamagitan ng pagiging orihinal at paggamit ng sariling
kakanyahan o estilo.
c. Wastong pagkakasunod- sunod. Ang karaniwang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari ay
simula, gitna at wakas. Ngunit maaari ring gumamit ng pamaraang pabalik o flash back at
dito’y maaaring magsimula sa wakas o kaya’y magsimula sa gitna.
d. Kawili- wiling simula at wakas. Nangangailangan ng kawili-wiling simula upang makaakit
agad sa babasa at kawili- wiling wakas upang makintal ang bisa nito.

o Gumawa ng isang pagsasalaysay o naratibong komposisyon na maaaring batay sa


sariling karanasan, nasaksihan, napakinggan, nabasa o likhang- isip.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig
o nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang
magkatugon ang balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga
tungkulin (function) ng mga salita at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap.
Samakatwid, dalawang kawastuan ang kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at
kawastuang panretorika.

Pagsulat ng Paglalahad o Ekspositoring Komposisyon


Ang hangarin nito ay magpaliwanag at magbigay- linaw; sagutin
ang napakaraming katanungang umuukilkil sa isip ng tao.

1. Ang ekspositoring komposisyon ay may hangaring magpaliwanag, magturo, magtala,


mag-uri-uri, magtaya, magsuri, magbigay- katuturan, magbigay- panuto, magbalita,
sumagot sa napakaraming katanungang umuukilkil sa isipan ng tao at lumutas sa mga
sulirain ng siyentipikong pag-aaral at sulating pananaliksik.
2. Ang pormang ginagamit sa ganitong genre ng komposisyon ay pasanaysay sapagkat
ito ang mapagtalakay na porma na humahantong sa organisado at disiplinadong
pagsulat.

o Gumawa ng isang paglalahad o ekspositoring komposisyon. Ang hangarin ng


iyong komposisyon ay maaaring magpaliwanag, mag-uulat, sumagot sa suliranin
ng isang teknikal o siyentipikong pag-aaral, atbp.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang pananalita
sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang magkatugon ang
balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga tungkulin (function) ng mga salita
at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatwid, dalawang kawastuan ang
kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika.

Pagsulat ng Pangangatwiran o Argumentatibong Komposisyon

Ang hangarin nito ay mapaniwala at mahikayat ang kabilang panig sa


panig ng nagmamatwid.

1. Hangarin ng komposisyong argumentatibo na mapatunayan ang isang katotohanan, na


makuhang mapaniwala at mahikayat ang mambabasa sa panindigan ng sumulat.
2. Sa pagsulat ng komposisyong argumentatibo, maaaring mangibabaw ang argumentasyon
subalit hindi ibig sabihin nito’y ang buong komposisyon ay pawang pangangatwiran
lamang. Sa argumentasyon, gumagamit din ng narasyon upang bigyang- linaw ang
pangyayaring kaugnay sa paksa; gumamit din ng deskripsyon upang mapatingkad ang
puntong ibig patunayan; at gumagamit din ng eksposisyon upang maipaunawa ang mga
puntong nangangailangan ng paglilinaw. Bagama’t ginagamit ang lahat ng anyong ito sa
komposisyong argumentatibo, nakatanaw ito sa iisang layunin: ang nakaimpluwensya, mula
sa simpleng pangungumbinsi tungo sa pagpapakilos.
3. Sa argumentatibong pasalita na ang hangarin ay umakit ng paniniwala at
makapagpahinuhod, kabilang ang debate at Balagtasan (Bukanegan sa Ilokano at Crisotan
sa Kapampangan). Isang halimbawa ang “Debate with Pare and Mare.”
4. Sa argumentatibong diskusyon na ang hangarin ay masuri ang isang paksang karapat-
dapat pagtalunan, magkaroon ng dagdag na kaalaman, at malinang ang mga kaalamang
batay sa mga tiyak na batas at tuntunin; kabilang ang pormal at di-pormal na pagtalakay,
panel discussion, symposium, at forum.
Sa panel discussion may isang pinuno at 4 na kasaping umuupo sa harapan upang talakayin
ang isang paksa o isyu sa loob ng 30-40 minuto. Pagkatapos, isusunod ang 30 minutong
pagtanggap sa mga puna, at pagsagot sa mga tanong ng madla.
Sa symposium, may tiyak na tapik na iniaatas sa bawat tagapagtalakay/ tagapagsalita
hinggil sa isang partikular na tema o isyu. Pagkatapos nito, may pangmadlang pagtalakay sa tema
o isyu sa pamamatnubay ng punong tagapagtalakay.
Sa forum, may mahahalagang suliraning tinatalakay at maraming paksang pinag- uusapan.
Pagkatapos, may layang magtanong ang madla sa mga tagapagsalita.

 Gumawa ng isang komposisyong argumentatibo. Pagbatayan ang alinman sa


sumusunod na mga paksa:
1. Pasiyahang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.
2. Pasiyahang itakwil ang parusang kamatayan.
3. Pasiyahang gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas.
4. Pasiyahang bigyan ng karapatang mag-asawa ang mga paring Katoliko.
5. Pasiyahang gawing legal ang prostitusyon sa Pilipinas.
6. Pasiyahang ipagpatuloy ang “family planning” sa Pilipinas.
7. Pasiyahang palitan ang kalendaryo ng pasukan ng mga paaralan.

Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
KARIKATURA (Cartoon)
Ang opinyon ng mga mag-aaral ay ipinahahayag sa pahayagang pampaaralan sa
pamamagitan ng pamatnubay na editoryal, mga kolum, liham sa patnugot at editoryal
na karikatura.
Ang editoryal na karikatura ay ang pahina ng editoryal na inilalarawan ang ipinapahayag na
opinyon sa pamamagitan ng iginuguhit na interpretasyon hinggil sa partikular na paksa o isyu. Ang salitang
“Karikatura” ay hango sa dalawang salita: “Caricature” at “Lampoon.” Ang “caricature” ay ang labis na
pagsasalarawan sa pangkalahatang disenyo. Ito ay ang larawang kumakatawan sa tao o bagay na kung
saan ang kapintasan o kakaibang katangian ay pinalabis upang makalikha ng kakatwang epekto.
Samantalang ang “lampoon” ay ang tumutuligsa naman. Ito ay isang malisyosong isinulat na
pahayag. Ang personal na pahayag ay isinulat na pauyam, bumabatikos at nangungutya.
Ang editoryal na karikatura ay isa sa pinakamatanda at kapansin- pansin na aytem sa pahina ng
editoryal. Ayon sa salawikaing Intsik, na ang isang larawan ay katumbas ng mga libong salita na inilalapat
upang makahimok.
Ang editoryal na karikatura ay maaari ring gumanap ng alinman sa tatlong gawain ng pahayagan-
upang maipabatid, maimpluwensyahan at makalibang.
Ang mabuting karikatura ay nakapag-aanyaya tungo sa kamalayan ng mambabasa upang
makahimok na tumanggap ng opinyon. Ito ay isang epektibong panlipunang lakas.
Gayunman, ang karikatura ay tulad ng pangunahing editoryal na kailangang tumalakay sa iisang
ideya. Ang paksa ay tumatalakay sa malawak na sakop. Ang tipikal na karikatura ay may mga layunin
hinggil sa politika, panlipunang kalagayan at mga suliranin ng bansa. Ang ibang karikatura ay may
mabuting pagkakalahad at kasiya- siya; ang iba naman ay seryoso at sophisticated.
Ang karikatura sa pahayagang pangkampus ay hindi kailangang maging katulad ng sa propesyonal
gaya ng mga nasa pang-araw-araw na pahayagan. Ang mga ideya sa editoryal na karikatura ay maaaring
imungkahi ng editor, o maaaring magmula sa tagapagguhit. Kung sa bagay, ang pangalan ng tagapagguhit
ay nakasulat sa ilalim ng karikatura, kahit na ang ideya ay hindi sa kanya. Marahil, ang gumuhit ay higit na
mahirap kaysa sa nagbigay ng ideya. Ang karikaturang editoryal ay malawak ang nasasakupan ang paksa.
Ang iba ay maaaring:
Inspirasyunal- hal., ang pangalan ay kumakatawan bilang isang inang nag-aaruga sa kanyang anak.
Pangungutya- hal., ang kahihiyan ng babae sa pagsusuot ng napakaikling palda sa loob ng silid-aralan
sa isang kolehiyo ng mga madre.
Pagkakakulong- hal., mga suliraning kinakasangkutan ng mga taong gumagamit ng droga.
Ang mga ideya sa karikatura ay kinakailangang maging maingat sa paglalahad. Ang karikatura o
ang gumagawa ng karikatura ay kinakailangang tanungin ang sarili hinggil sa:
1. Makasakit ba sa iba ang karikatura?
2. Lubha ba ang pagmamalabis?
3. Disente ba ang karikatura?
4. “Corny” ba ang karikatura? Halimbawa, sumobra ang ideya tulad ng isang kabalyerong
nakikipaglaban sa mga dragon o nagliligtas ng isang dalagang nasa kagipitan. Ang mag-aaral na
umaakyat sa isang napakatarik na bundok upang marating ang kastilyong mayroong karatulang
“tagumpay.” Ang isang bulkang pumuputok na may nakasulat na “Rebolusyon.”
Ang karikatura ay maaaring makapag-isip ng bagong pamamaraan upang magamit na muli ang
lumang paksa sa makabagong paraan.
Mga Mungkahi para sa Paggawa ng Karikatura
1. Kung napagpasyahang gumamit ng karikatura, tiyakin na ito ay nagawang maayos batay sa
mabuting panlasa at makabuluhan.
2. Tulad ng editoryal, kinakailangang ito ay tumatalakay sa iisang paksa lamang.
3. Ang layunin ng karikatura ay upang maisalarawan ang ideya, limitado ang gamit ng salita at mga
lebel. Sa karikatura hindi na kailangan ang pamagat di tulad ng larawan sa pahina ng mga balita.
4. Gumamit ng mga simbolo tulad ng: kalapati para sa kapayapaan, o puso para sa pagmamahal, o
laureado para sa tagumpay. Tiyakin na ang simbolong ginamit ay para sa pangkalahatan. Ang
mensahe ay higit na mahalaga kaysa sa pagguhit.
5. Maging orihinal. Huwag gayahin ang sa iba. Linangin ang sariling istilo.
6. Ang karikatura ay katulad ng pangunahing balita at pamagat, na maaaring pagmulan ng
demandang libelo.

Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet

Pangalan: _______________________________________________________
Antas (Elementarya/Sekundarya/Tersyarya): ________________________
Paaralan: _______________________________________________________
Gurong Tagapagsanay: ___________________________________________
Pagguhit ng Editoryal kartun
Nanalasa ang isang malakas na unos sa isang maralitang lalawigan
(pangalanan ang unos at ang pook na kinaganapan ng sakuna). Ikinasawi ito ng
maraming mamamayan at nagdulot ng malaking pinsala sa maraming
ari-arian.
Gumuhit ng editoryal kartun na naglalarawan ng trahedya at humihiling
ng tulong sa mga mambabasa.

You might also like