Ang Sermon Buod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Sermon

Sa kabanatang ito inilarawan ni Rizal ang mga taong nagpapakabanal sa likod ng kanilang mga
masasamang gawain sa loob mismo ng simbahan.

Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing simbahan para sa misa ng kapistahan. Maagang
nagsidatingan ang mga panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at makinig sa
banal na salita.

Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli upang makinig sa sermon na ibibigay ng
predikador.

Mayroong nakalaan na lugar at upuan ang mga prominenteng tao habang nakasalampak naman sa sahig
ang mga mahihirap. Buong tiyaga na hinintay ng lahat ang matagal na pagdating ng panauhing
pandangal ng misa. Ito ay walang iba kundi si Padre Damaso.

Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang binati ang mga taong malalapit sa kanya. Binati
rin niya si Ibarra, kinindatan niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa lahat ng kanyang
panalangin.

You might also like