Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pribilehiyo: Hindi Pantay, Hindi Pare-pareho

Isang taon na ang nakalipas mula nang magsimula ang pandemya kung saan
maraming tao ang nahawaan at yumao. Sa pagkalat ng malubhang sakit na COVID-19,
pinatigil lahat ng bagay at ganap sa ating lipunan: pagsasara ng mga establisyemento
at pagsuspinde ng klase. Napilitan ang buong bansa, lalong-lalo na ang NCR, kung
saan pinakamarami ang apektado, na manatili sa kanilang mga tahanan. Huwag natin
kalimutan na hindi lahat tayo pare-pareho, may nasa ibaba at may nasa itaas. Kaya
hindi rin pare-pareho ang nararanasan ng bawat isa sa sitwasyon na ito dahil sa
kabuuan na pribilehiyo na meron sila. 

Ang pribilehiyo ay isang natatanging karapatan o kalamangan ng tao sa lipunan


na nakabatay sa pangkat na kinabibilangan, partikular na sa estado ng buhay na meron
ang tao. Naging mainit ang salitang ito sa social media na naging usapin ng
nakararami. Napakalaking epekto ng hindi pantay na pribilehiyo sa iba’t ibang aspeto
ngayon sa gitna ng pandemya.

Una, sa kadahilanang dapat tayong manatili sa ating tahanan, nagdulot ng


pagkawala ng trabaho ng karamihan. Ngunit, may iba naman na ipinagpatuloy ito
sapagkat pwede itong maisagawa kahit nasa pamamahay lamang. Ang problema dito,
paano ang mga hindi? Nawalan ng trabaho nang tuluyan kaya’t marami ang nag online
selling upang may mapakain sa kanilang pamilya. Sa panahong lumuwag na ang
sitwasyon, bumalik ang iba sa pagbebenta sa labas kaso nalulugi naman. 

Ikalawa, noong bumalik na ang pampublikong transportasyon, maraming


manggagawa ang nagbabakbakan tuwing umaga para lang makapasok sa trabaho.
May mga galit at sinabing bakit hindi na sila sumusunod sa social-distancing, sinabihan
na “matitigas ang ulo” . Karamihan sa mga nagreklamo ay ang mga may kaya sa
buhay, may sariling kotse, at ‘di kailangang makipagsiksikan at makipag agawan. Para
bang mas pipiliin na ng mga taong nagko-commute na  pumasok kahit hindi ligtas dahil
kailangan. Lagi na lang “no choice”.

Panghuli, sa pagtigil ng face-to-face classes humantong ang mga mag-aaral at


mga guro sa birtwal na pamamaraan ng pag-aaral. Sa aspeto namang ito, gadget at
internet ang pinaka importanteng mga bagay na dapat meron ang mag-aaral at guro.
Marami ang nahihirapan dahil sa mabagal na internet, walang kakayahan na bumili ng
laptop o cellphone, at pahirapan sa pagbili ng data. Swertehan na lamang ang labanan
kahit karapatan ng lahat na matuto, pribilehiyo ang dapat na meron tayo.

Ang lahat ng aking mga binanggit ay iilan lamang sa mga hinaharap natin
ngayon sa gitna ng pandemya. Nakakalungkot, walang may kasalanan  na hindi pareho
ang pribilehiyo na meron ka na wala ang iba. Sa lipunan, hindi na bago ito lumubha
lamang dahil sa pandemya. Alam naman natin na may mga paraan pero alam din natin
na hindi rin ito kadalian. Maging sensitibo tayo sa ating nasasabi, lalo na sa social
media, marahil isipin mo kung sabihin mong malala na ang pinagdaraanan mo, paano
pa kaya ang ibang tao?

You might also like