TEORYANG PAMPANITIKAN (Alamat Ni Tungkung Langit)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TEORYANG PAMPANITIKAN

 Alamat ni Tungkung Langit

 Femenismo – ang alamat ay nagpakita ng paninindigan at


pagiging matapang ni Alusina. Pinilit niyang kalabanin at iwanan
ang asawa na si Tungkung Langit dahil hindi na niya nagugustuhan
ang mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa.
“Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang
kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko
kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyong
pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-
iral”
 Romantisismo – makikita rin sa alamat ang labis na pagmamahal
ni Tungkung Langit kay Alusina. Habang sila ay mag-asawa pa ay
handang si bathala na gawin lahat ang mga bagay na
makapagpapasaya sa asawa at nang sila’y naghiwalay, ginawa ni
Tungkung Langit ang lahat ng kaniyang makakaya upang
mapabalik si Alusina sa kaniyang piling.
“Alunsina, ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!”
“Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko
nais na makita kang nagpapakapagod”
“Mahal kong Alusina, kapag natapos ko na ang lahat ay
wala ka nang hahanapin pa!”
“Marahil, maiibigan ito ni Alunsina”
 Sikolohikal – ipinapakita rin sa alamat na ito kung papaano nag-
iba ang ugali at pakikitungo ni Alusina sa kanyang asawa na si
Tungkung Langit.
“Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung
Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit”
“Lingid sa kaniya, nagsisimula nang mamuo sa aking
kalooban ang matinding paninibugho sa kaniyang
ginagawa”
“Inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa
kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli
ang kapangyarihang inagaw niya sa akin ngunit hindi”

You might also like