Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LAC (Learning Action Cell)

Ayon sa UNESCO ISO 2006 na inilahad sa DepEd Order no. 35, 2 2016 o "The

Learning Action Cell as a K to 12 Basic Education Program School-Based Continuing

Professional Development Strategy for the IMprovement of Teaching and Learning"sinasabing

and partisipasyon ng mga guro sa pampropseyonal na gawain ay may positibong epekto sa

kanilang mag paniniwala , pamamaraan, pagkatuto ng mga mag-aaral at implementasyon ng

mga repormang pang-edukasyon.

Ipinahayag ng DepEd Order No. 35, s. 2016 ang layuning maitaas ang antas ng proseso

ng pagtuturo at pagkatuto upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral. Isinusulong din

na magkaroon ng suporta sa bawat isa ang mga guro upang paunlarin ang kanilang kakayahan

sa nilalaman, pedagohikal na kaalaman, kasanayan, gawi at mapalakas ang kolaboratibong

kaisipan sa mga nangangasiwa ng mga paaralan, mga guro at komunidad sa kabuuan.

Sinasabi ring upang maging epektibo ang paglulunsad ng Learning Action Cell,

kinakailangang magkaroon ng kritikal na paglilimi ang kaguruan sa pagbabago sa kanilang mga

gawi at paniniwala sa pagtuturo sa loob ng klasrum. Tumataas din ang kanilang kaalaman at

pag-unawa sa kurikulum at nababago ang pedagohiya o kadalasang ginagawa na may layuning

maitaas ang partisipasyon ng mga mag-aaral at kahusayan sa paaralan.

Department of Education (DepEd) [2016]. The learning action cell as a k to 12 basic education
program school-based continuing professional development strategy for the
improvement of teaching and learning (DepEd Order no. 35,
s.2016).Retrieved.from.https://www.deped.gov.ph/wpcontent/uploads/2016/06/DO_s201
6_035.pdf.
Kung gayon masasabing ang kakulangan sa pagsasanay sa pananaliksik ay

nakaaapekto sa interes, tiwala sa sarili, at pagganyak ng mga guro upang makagawa

ng pananaliksik. Ito ay makikita sa natuklasang pag-aaral na isinagawa ni Vásquez

(2017). Iniulat niya na dahil sa kakulangan ng palihan para sa mga guro na

makapagsagawa ng pananaliksik, nawawalan sila ng kumpiyansa sa sarili na

makapagbuo at makapagsulat ng pananaliksik.

Pinatotohanan ito nina Sheikh, Sheikh, Kaleem & Waqas (2013) na ang

pakikilahok sa mga seminar, kumperensiya, at kurso na nauukol sa pananaliksik ay

may positibong epekto sa mga mananaliksik dahil malalantad sa kanila ang iba’t ibang

metodolohiya, estilo, at mga konsepto ng pagsasagawa ng pananaliksik.

Sanggunian:

Vasquez, V.E.L (2017). Teachers as researchers: Advantages, disadvantages and


challenges for teachers intending to engage in research activities. Retrieved from
https://www.academia.edu/719736 on April 24, 2021.

Sheikh, A.S.F.,Sheikh, S.A., Kaleem, A., Waqas, A. (2013). Factors contributing to lack
of interest in research among medical students. Advances in Medical Education and
Practice. Retrieved from https://doi.org/10.2147/AMEP.S51536 on April 24, 2021.
Ayon kay Tindowen (2019), inirerekomenda niyang ang mga paaralan ay dapat na

magsagawa ng pananaliksik na kolaboratibo, masusing paggabay at pagpapayo ng kapuwa

guro, at iba pang pamamaraan na makatutulong upang lalong mapanatili at mapataas ang

pagganyak ng mga guro sa pagsasagawa ng aksyong pananaliksik.

Tindowen,D.J (2019). Teachers’ Conception and Difficulties in Doing Action Research.


Retrieved from https://www.researchgate.net/publication/334963031 on February 22,
2020.

You might also like