Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kultura ng Ating Lahi,
Ating Pahalagahan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1:Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Maureen B. Alfaro
Co-Awtor - Content Editor : Maria Fe B. Visda
Co-Awtor - Language Reviewer : Lyn Espiritu
Co-Awtor - Illustrator : Reicy L. Due
Co-Awtor - Layout Artist : Sherrie Shane S. Peñaflor

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala
District SLM Book Designer : Firstname MI. Lastname

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kultura ng Ating Lahi,
Ating Pahalagahan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang malaman ang
kahalagahan ng kulturang materyal.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

* Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbasa ng mga pamanang


kulturang materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, mga epiko) at di-materyal
mga magagandang kaugalian at pagpapahalaga sa mga nakatatanda)

EsP4PPP-llla-b-19

- 1.1 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pamanang kulturang materyal

- 1.2 Naipapakita ang kasiyahan sa pakikinig o pagbasa ng kuwentong


bayan, alamat at epiko

- 1.3. Naibibigay ang kahalagahan ng mga kuwentong bayan, alamat, at


epiko sa makabagong panahon.

Subukin

Piliin ang sagot sa mga nakasulat sa lobo. Handa na ba kayo? Tara na


ating sagutan.

Di-Materyal
Epiko

Kwentong
Alamat
Kultura Bayan

1.Ito ay isang pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan


sa mga ibat–ibang grupong etniko. ______________

1
2 .Ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng tao. _______________

3 .Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang


bagay, tao o pook. ________

4. Ito ay mga kuwento at salaysay na hinggil sa mga likhang- isip o kathang


isip na may mga tauhang kumakatawan sa mga uri at pag- uugali ng mga
mamamayang sa isang lipunan. _______

5. Ito ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa


paniniwala, tradisyon o nakagawian na walang kinalaman sa materyal na
bagay. __________

Aralin
Kultura ng Ating Lahi,
1 Ating Pahalagahan

Ang Kultura ay mga kasanayang gawain na minana natin sa ating mga ninuno.
Ibat–ibang paraan o istilo ng kasanayan upang mabuhay sa lugar na kanilang
ginagalawan. Kaniya–kaniyang paniniwala, kaugalian, tradisyon, pag
papahalaga, mga gawi at mga bagay na nagpapakilala sa ating pinagmulan.
Kultura rin ang nagbubuklod sa atin upang tayo’y magkaisa at magkaunawaan.

Materyal o di- materyal man ito nanatiling nakaukit sa puso natin mga Pilipino.
Kagaya na lamang ng mga kuwentong bayan, alamat, at epiko hanggang sa
ngayon patuloy natin binubuhay upang mapagyaman at makapagbigay aliw sa
atin.

Kaya tungkulin nating alagaan, mahalin, ipagmalaki at ipagpatuloy ang kultura


natin. Saan man lugar o bansa tayo mapunta laging isapuso ang mga kaugaliang
namana. Sa pamamagitan nito tayo ay makikilala saan man tayo magpunta.

2
Balikan

Pag-aralan ang salitang nakagulo sa loob ng banga. Ayusin ang mga letra upang
mabuo ang mga salitang may kinalaman sa kultura.

APAMNA NUNION

YALTERMA

DISTRAOYN
KAGIANLUA

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa ika-apat na
baitang upang maunawaan at matutunan ang tunay na pagmamalasakit
sa kapuwa sa oras ng pangangailangan

Tuklasin

Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

Alamat ng Mangga

Isang araw, nagkaroon ng anunsiyo ang hari para sa kaniyang


kaarawan. Ayon sa hari, nais niyang makatikim ng bagong
pagkain. Kaya naman hinihikayat niya ang lahat na magdala ng
isang uri ng pagkain na hindi pa niya nakakain at tutuparin ng
hari ang anumang hiling nito.

Naisip ng mag-ina na kung makahahanap sila ng bagong


pagkain para sa hari ay makahihiling
sila na pakawalan ang kawal.

Nagpunta sila sa gubat upang


maghanap ng bagong bunga na hindi pa natutuklasan.
Lumipas ang maghapon at wala silang nakita. Pauwi na sila
nang masalubong ang isang diwata.

Binigyan sila ng isang bungang kulay berde na tinatawag na


mangga. Bilin ng diwata, itago muna ito ng ilang araw bago ibigay sa hari.

Ilang araw lamang ay naging kulay ginto ito at naging


napakabango. Hindi sila nagkamali at nagustuhan ito ng
hari. Tinupad nila ang hiling nito at nakalaya ang kawal.

Ipinatanim ng hari ang buto nito at natikman ng lahat ang


masarap na mangga.

4
A. Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang anunsiyo ng hari sa kanyang kaharian?


2. Saan nagpunta ang mag-ina?
3. Sino ang naghanap ng pagkaing hinahanap ng hari?
4. Bakit naisipan ng mag-ina na hanapin ang kakaibang pagkain na hindi
pa nakakain ng hari?
5. Paano naging kapakipakinabang ang mangga sa lahat?

B. Batay sa alamat na iyong binasa, iguhit ang emosyong naramdaman ng


mag-ina nang bigyan sila ng diwata ng bungang kulay berde.

Suriin

Nagustuhan mo ba ang kuwentong iyong binasa? Ito ay isang halimbawa ng


alamat. Ang alamat ay isang halimbawa ng kuwentong bayan na nagsasaad
kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
Ilan sa mga kilalang alamat na paboritong basahin ng mga kabataan ay ang
mga Alamat ng Pinya, Alamat ng Lansones at Alamat ng Saging. Kay sarap
basahin at balik-balikan ang mga kuwentong may hatid kagalakan sa sino
mang magbabasa ng mga ito. Gayundin din naman ang mga kuwentong bayan.
Ito ay kathang isip na kuwento na ang kumakatawan ay ang mga pag-uugali
at turo ng mga mamamayan. Ilan sa mga sikat na kuwentong bayan ay ang
Ang Inahing Manok at Lawin, Ang Punong Kawayan, at Ang Pagong at ang
Matsing. Epiko naman ay isang pangunahing pasalitang anyo ng panitikan na
matatagpuan sa mga ibat –ibang grupong etniko. Binibigkas ito ng paulit-ulit
sa tonong pakanta. Nandiyan ang Hudhud ni Aliguyon, Ang Ibalon, at Biag ni
Lam-ang. Napakasarap isipin na sadyang napakayaman ng kultura ng ating
bansa. Mayroon tayong kulturang materyal at di–materyal. Kabilang sa di-
materyal na kultura ay ang mga kaugalian, tradisyon, gawi, paniniwala o
relihiyon at sining. Dapat lamang na ating pahalagahan at pagyamanin ang
mga kulturang pamana sa atin.

5
Pagyamanin

Gawain 1

Piliin sa loob ng kahon ang mga halimbawa ng epiko, alamat at mga kwentong
bayan. Ilagay sa loob ng basket ang mga halimbawa ng epiko, sa loob naman
ng bayong ang mga halimbawa ng alamat at sa loob ng baul ang mga
halimbawa ng kwentong bayan.

Kwentong Bayan
epiko alamat

Ang Inahing Manok at Lawin Ang Alamat ng Saging

Biag ni Lam-Ang Ang Alamat ng Lansones

Hudhud ni Aliguyon Ibalon

Ang Alamat ng Pinya Ang Punong Kawayan

Ang Pagong at ang Matsing

Ang Punong Kawayan

Gawain 2
Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap ng Kulturang
Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.

6
2.

Isaisip

Basahin at unawain ang bawat pangungusap at punan ng mga salita ang patlang
upang mabuo ang konsepto ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon.

kultura mapanatiling di-materyal

materyal pahalagahan

Ang 1.) _________ ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng nakagawian ng at


3.)________________.

Bilang isang Pilipino, tungkulin natin 4.)__________ ang kultura upang


5.)_________________ buhay.

7
Isagawa

Gawain 1

Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng magandang kaugalian


at pagpapahalaga sa nakakatanda ang bawat sitwasyon at malungkot
kung hindi.

__________1.Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong


nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay.

___________2. Nakita mo na parating si Aling Lusing na halos hindi na makalakad


sa bigat ng kanyang dalang bagahe sinalubong mo ito at kinuha ang kanyang
dala.
___________ 3. Binigyan ni Ana ng pagkain ang matandang pulubi.
___________4. Tinulungan makatawid sa daan ang mamang pilay.
___________ 5. Sinisigawan ni Lando ang kanyang inang bingi kapag sila ay nag-
uusap.

Tayahin

Isulat kung Tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at Mali kung hindi.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

_______1.Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating


pagkakakilanlan bilang isang bansa.

_______2. Bilang isang Pilipino tungkulin nating alamin at pagyamanin


ang ating kultura.

_______3. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman sa isang pangkat,


kinakailangan malaman mo ang kultura nito.

_______4.Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang natatanging


pagpapahalaga sa kultura.

8
_______5. Ang epiko ay pasalitang anyo ng panitikan na matatagpuan
sa mga grupong etniko.

_______6. Dapat nating ikahiya ang ating kultura.

_______7.Gawing kawili-wili ang pagbabasa ng kuwentong bayan,


alamat at epiko.

_______8. Tangkilikin ang mga kuwento at palabas na gawa ng mga


Koreano.

_______9. Isapuso at bigyang halaga ang mga kuwentong pamana ng


ating mga ninuno.

_______ 10. Mayaman ang Pilipinas sa kultura.

Karagdagang Gawain

Pumili ng isang kuwentong bayan, alamat o epiko. Gumuhit ng larawang


sumasagisag sa mensahe nito.

9
10
Karagdagang Gawain Tayahin Isagawa
A. Depende sa 1. Tama Gawain 1
sagot ng bata 2. Tama
3. Tama 1.  2. 
4. Tama
3.  4.  5.
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama
Pagyamanin
Isaisip
Gawain 1
1. Kultura Basket
2. Materyal at Biag ni Lam-ang
Hudhud ni Aligayon
3. Di-Materyal Ibalon
4. (kahit alin ang
mauna) Bayong
5. Pahalagahan Alamat ng Saging
Alamat ng Lansones
6. Mapanatiting Alamat ng Pinya
Baul
Ang Inahing Manok at Lawin
Ang Pagong at Matsing
Ang Punong Kawayan
Gawain 2 – depende sa sagot ng bata
Subukin: Tuklasin
Balikan
A. epiko A.
B. kultura 1. pamana 1. Nais ng hari na
C. alamat makatikim ng
D. 2. ninuno
bagong pagkain
kuwenton
3. materyal 2. Sa gubat
g bayan
E. materyal 3. Mag-ina
4. tradisyon 4. Upang
na kultura
mapakawalan ang
5. kaugalian
kawal.
5. depende sa sagot ng
bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Abac, Felamer E. et. al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitanng Mag-


aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


Ebook. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-
CG.pdf.

ESP 4 Teacher's Guide. 2017. Ebook. 1st


ed.https://drive.google.com/file/d/16guz__kV4NV-
BjsEjBCqDmPBI_lBfBxE/view.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes.


2020.Ebook.https://www.facebook.com/groups/LRMDSBataanModuleDe
velopers/permalink/1449809441876507/

Tl.wikipedia.org/wikikwentong bayan
Bugtong, pahulaan, palaisipan, paulaan, “riddle” English, Leo James, Tagalog-
English Dictionary Talahulugan tagalog- English 1990 (pahina 228)

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like