Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

RUNATAY, CZARINA ALESSANDRA N.

BS PSYCH-1A
9:30-10:30 MWF

TATLONG PINAKAMAGANDANG ARAL NA AKING


NATUTUNAN
SA PANAHON NG KRISIS DULOT NG COVID-19

1. Natutunan ko ang kahalagahan ng pag-iipon at ang malaking


tulong na dulot nito sa kasalukuyang krisis. Ang
responsableng pagwawaldas natin sa ating pera ay mahalaga
nang sa gayo’y may mapagkukunan parin tayo lalo na sa
panahon ng sakuna’ng gaya ng kasalukuyang sitwasyon
natin. Madaming paraan upang tayo’y makapag-ipon at ilan
na lamang dito ay ang pag-babadyet, pagbili lamang ng mga
importanteng pangangailangan, at ang pag-iwas sa pagho-
hoard o ang pagbili ng mga gamit na mas higit pa sa
kasalukuyang pangangailangan natin. Hindi magiging
madali ang pag-iipon ngunit kung magkakaroon lamang tayo
ng disiplina at determinasyon magiging natural na lamang
ang kaugaliang ito sa ating pang araw-araw na buhay. Oras
na natutunan natin ang kahalagahan nito’y, hindi na muli
tayo mahihirapan pa sa pagharap sa mga susunod pang krisis
na gaya ng meron tayo sa kasalukuyan.

2. Bukod sa pag-iipon, natutunan ko rin ang kahalagahan ng


pagbibigay importansya sa mga taong nakapaligid sakin
lalung-lalo na sa aking mga pamilya, kaibigan, at iba pang
mahal ko sa buhay ngayong panahon ng krisis. Kama-kailan
lamang nang ipatupad ang lockdown at quarantine sa buong
Pilipinas, kasabay nito ay ang biglaang pagbabawal sa
paglabas nating lahat sa ating mga kabahayan upang
maiwasan ang hawaan dulot ng virus. Marami satin ang
nakadama ng lungkot at panghihinyang dahil marami ang
nalayo sa iba’t- ibang miyembro ng kani-kanilang pamilya,
mga kaibigan, at ibang mahal sa buhay. Gayunpama’y
malaki parin naman ang naitulong ng social media upang
maibsan ang pangungulila ng madami satin sa ating mga
mahal sa buhay. Sa kabila ng lahat, nawa’y magsilbing aral
parin sana ang kasalukuyang krisis upang sa susunod ay
hindi na natin pa ipagsawalang-bahala ang mga relasyong
meron tayo sa isa’t-isa, maging ang mga mumunting
selebrasyon o pangyayaring makakasama natin ang ating
mga mahal sa buhay.

3. Isa sa mga mahahalagang aral na natutunan ko ngayong


krisis,ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malasakit sa
kapwa. Iba’t-iba ang kasalukuyang sitwasyon ng bawat isa
satin- marami satin ang nawalan ng trabaho ngayong
pandemic na nagdulot upang sila’y mahirapan sa
paghahanap ng kanilang ikabubuhay sa kasalukuyan.
Marapat lamang na mas pag-igtingin pa natin ang ating pag-
intindi at malasakit sa mga tao sa ating paligid dahil wala
tayong ideya sa hirap na kanilang dinaranas ngayon. Isa sa
mga paraan upang maipakita natin ang ating malasakit sa iba
ay ang pagbibigay ng relief sa mga kapus-palad nating mga
kapitbahay o kamag-anak. Hindi man direktang masusugpo
ng kaugaliang ito ang nasabing pandemic, makatutulong
naman ito sa pagdiskubre natin sa kahalagahan at mabuting
dulot ng pakikipagkapwa-tao sa gitna ng kalamidad gaya ng
meron tayo ngayon.

You might also like