Linangin Gramatika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PETSA: HULYO 18, 2018

Ikatlong Araw (LINANGIN- WIKA)

I. Layunin

1. Napapahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng pagpili at


pagpapaliwanag ng bahaging naibigan.
2. Nakapagbigay ng tamang kasagutan hinggil sa hinihinging aspekto ng
pandiwa.
3. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.

II. Nilalaman

Aralin 1.5
A. Panitikan : Tiyo Simon
Dula : Pilipinas ni N.P.S. Toribio
B. Gramatika / Retorika : Pandiwang nasa Panaganong Paturol
( Pagbibigay ng Impormasyon )
C. Uri ng Teksto : Nagsasalaysay
Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 70-73
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina 69-72
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources :
www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : biswal, powerpoint presentation, video clip

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. PANDIWA TSEK
P- anatilihin ang katahimikan sa klase
A- yusinang hanay ng inyong mga silya
N- akikitang mga kalat ay pulutin
D- alawang kamay ay itaas at iwagayway upang magising ang inyong diwa
I-handa ang sarili sa bagong talakayan
W- astong gawain na iniatang ay gawin
A- ktibo sa klase ang kailangan at sabihing Handa na po kami!
3. Pagtatala ng liban

A. Pagbabali-aral sa nakaraang aralin

1. Ano ang pangyayaring nakapagpabago kay Tiyo Simon?


2. Anong uri ng dula ang akdang Tiyo Simon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

(Pagpapanood ng isang dulang sinulat ni Benjamin Pascual na pinamagatang


“Kalupi”)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong-aralin

1. Tungkol saan ang maikling dula?


2. Anong katotohanan ng buhay ng tao ang pinatunayan sa maikling dula?

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at Paglalahad ng bagong kasanayan

Kasanayan # 1

( Pagtatalakay ng guro tungkol sa pandiwang panaganong paturol )

Kasanayan # 2

( Mula sa tekstong “ Kapag Naiisahan ako ng aking Diyos” ay pipiliin ang iba
pang pandiwang nasa pandiwang panaganong paturol na ginamit sa teksto.
Isulat ito sa hanay ng dapat kalagyan.)

PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO PERPEKTIBONG


KATATAPOS

E. Paglinang sa kabihasnan

Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Sagutin ang tanong:
Ano ang naunawaan sa bandang huli ng nagsasalita sa teksto tungkol sa
kinasapitan ng kaniyang mga plano sa buhay?
Pangkat 2
Sagutin ang tanong na:
Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita sa pagsasabing “Iniisahan ako ng aking
Diyos”. Pangatwiranan ang sagot.
Pangkat 3
Sagutin ang tanong na:
Paano haharapin ng tao ang lahat ng mga kabiguang dumarating sa kanyang
buhay?
Pangkat 4
Sagutin ang tanong na:
Naniniwala ka bang parusa ng langit ang mga pagsubok na nararanasan ng tao?
Patunayan ang sagot.
Pangkat 5
Sagutin ang tanong na:
Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, iisipin mo rin bang iniisahan ka ng
iyong Diyos? Bakit ? Bigyan ng patotoo ang iyong sagot.
F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Paano mo haharapin ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?
G. Paglalahat sa Aralin

Ano ang mensahe o aral na iyong natutunan mula sa tekstong “Kapag


Naiisahan akon ng aking Diyos”?

H. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Gamitin o piliin ang tamang pandiwa upang magamit ng mga


ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga, tunay iba pa)

1. Sa totoo lang (maiisahan, iniisahan, naisahan) na naman ako ng aking Diyos


kanina.
2. Tunay na hindi dinukot ng bata ang kalupi sapagkat (maiiwan, naiwan,
iniiwan) ito ni Aling Marta sa kanilang tahanan.
3. Kailangang may ebidensya tayo ng siya talaga ang (kumuha, kukuha,
kumukuha) ng inyong pitaka bago natin siya ikulong.
4. Totoong siya ang kumuha ng aking pitaka sapagkat (nararamdaman,
naramdaman, mararamdaman) ko ang kaniyang kamay noong banggain niya
ako.
5. Tunay na madalas (inimbita, iimbitahan, iniimbitahan) ko ang aking Diyos na
bulabugin ako sa aking buhay.

I. Takdang-aralin

Magbigay ng limang halimbawa sa bawat aspekto ng pandiwa at gamitin


ito sa loob ng pangungusap.

You might also like