Professional Documents
Culture Documents
Activity Sheets 4
Activity Sheets 4
Activity Sheets 4
1. Lalawiganin (Provincialism)
Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas, may
kakaiba pang tonoi to.
Halimbawa:
tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)
2. Balbal (Slang)
Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang.Ang mga salitang ito
noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil
hindi raw magandang pakinggan.Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
erpat – tatay tsikot – kotse
sikyo – security guard lispu – pulis
yosi – sigarilyo praning – baliw
3. Kolokyal (Colloquial)
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
4. Banyaga
Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa
wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal,
pang-agham, simbolong pangmatematika o mga salitang banyagang walang
salin sa wikang Filipino.
Halimbawa:
MELC: Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga). (F8WG-IIIa-c30)
A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng impormal na komunikasyon ang mga salitang
sinalungguhitan na ginamit sa loob ng pangungusap.
Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa ng salita sa mga uri ng salitang balbal. Gamitin
ang mga ito sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap.
Panuto: Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwasyong nakatala sa ibaba gamit
ang mga impormal na uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
pangungusap. Salungguhitan ang mga ginamit na impormal na salita.
2. May bago kang kaibigan sa Facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa
kanya kaya pinadalhan mo siya ng mensahe o private message sa kanyang messenger.
(Balbal)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaklase ngunit parang naliligaw ka. Paano ka
magtatanong sa mga taong pwede mong hingian ng tulong sa daan. (Kolokyal)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Pinakiusapan ka ng iyong nanay na bawasan ang paggamit ng gadget dahil maaari itong
makasama sa iyo. (Banyaga)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________