Activity Sheets 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o

pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang
lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o
kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/Resulta- Naghahayag ito ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari.

Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito

Halimbawa:
 Nag-aaral siyang mabuti kaya/kaya naman natuto siya ng husto.
 Nag-aaral siyang mabuti dahil dito/bunga nito/tuloy natuto siya nang husto.
Sapagkat/Pagkat/Dahil nag-aral siyang mabuti, natuto siya nang husto.
 Natuto siya nang sapagkat/pagkat/kasi/ dahil nag-aral siyang mabuti

2. Paraan at Layunin- Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin
o naiisipan sa tulong ng isang paraan.

Halimbawa:
 Upang/para matuto nang husto, nag-aaral siyang mabuti.
 Nag-aaral siyang mabuti upang /para/nang sa ganoo’y matuto nang husto

** Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon
upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta - Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta

Halimbawa:
 Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kanyang kurso.
 Nakatapos siya ng kanyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

** Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang

paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o kinalabasan- Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang

paraan:

a. Tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon

Halimbawa:
 Kung nag-aral ka nang mabuti, sana’y natuto ka nang husto.
 Natuto ka sana nang husto kung nag-aral kang mabuti.

b. haypotetikal ang kondisyon

Halimbawa:
 Kapag/ Sa sandaling/ basta’t nag-aral kang mabuti matuto ka nang husto
 Matututo ka nang husto kapag/ sa sandaling/ basta’t nag-aral kang mabuti
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
CITY OF CABUYAO, LAGUNA

Activity Sheet Blg. 6

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: ________________________________

Mga Konseptong may Kaugnayang Lohikal

MELC: Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan- bunga, paraan-resulta)

Gawain sa Pagkatuto blg. 1

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang wastong pang- ugnay
upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang.

1. Talagang parami na nang parami ang kaso ng COVID-19, namagtatagal pa ang

pandemyang ito.
A. kaya B. marami C. tila D. walang duda
2. Ingatan mo ang iyong sarili mula sa COVID-19 iiwas ka samatataong lugar.
A. bunga B. kasi C. kung D. sapagkat
3. Mapipigilan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iyong paligidpagtatakip ng iyong
bibig kapag uubo o babahing.
A. kaya B. kung C. sa D. sakali
4. Sundin ang mga simpleng hakbang na itinalaga ng World HealthOrganization maiwasan
natin ang COVID-19.
A. bunga B. kapag C. kaya D. upang
5. Manatili sa bahay ikaw ay may nararamdamang sakit kahit nasinat at ubo lamang ito.
A. palibhasa B. sa C. sakaling D.tila

Gawain sa Pagkatuto blg. 2

Panuto: Piliin sa Hanay B ang ugnayang lohikal na mayroon sa mga pangungusap na nasa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____1. Ang maaga niyang pag-aasawa iyan.

ay bunga ng kahirapan. A. Kondisyon at Resulta
_____2. Talagang hindi hadlang ang
B. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
kahirapan sa buhay at walangdudang
napatunayan ko ito. C. Paraan at Layunin
_____3. Nagsikap siya nang husto sapag-
aaral para makatulong samagulang. D. Paraan at Resulta
_____4. Hindi magiging ganyan ang iyong
buhay kung nakinig ka sanasa iyong E. Dahilan at Bunga
magulang.
______5. Tila mahirap ang sinasabi mo
kaya baka hindi ko magawa ang bagay na
Gawain sa Pagkatuto blg. 3

Panuto: Sumulat/ Bumuo ng isang pangungusap na nagpapahayag sa bawat Konseptong

May Kaugnayang Lohikal. Ang paksa ng mga pangungusap ay may kaugnayan sa hindi
pagsusuot ng face mask at faceshield sa mga pampublikong lugar dito sa Pilipinas.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Paraan at Layunin

3. Paraan at Resulta

4. Tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. haypotetikal ang kondisyon