Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ICT Lesson Exemplar

I. Layunin:

1. Nabibigyang kahulugan ang ICT at kahalagahan nito.


2. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet
at email
3. Nakabubuo ng mga patakarang dapat sundin para sa ligtas at
responsableng paggamit ng computer, internet at email.

II. PAKSANG ARALIN:

 Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng ICT at Panuntunan sa Paggamit


ng computer, internet at email.
 Sanggunian: Kto12-EPP4IE-OC-5
 Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen,
krayola, lapis at kartolina

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Gabay na tanong:
1. Anu-ano ang nakikitang kagamitan sa bahay, paaralan, at mga lugar-
pasyalan na produkto ng makabagong teknolohiya?
2. Makakatulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito?

Itala ang mga sagot sa pisara . tanggapin lahat ang sagot ng mga mag-
aaral.

B. PAGLALAHAD
Gawain A: “Mag Skit Tayo”
1. Bumuo ng anim na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
2. Bigyang ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nila
ang skit tungkol tungkol sa sumusunod:
 Pangkat 1 at 2: Responsableng Paggamit ng Computer
 Pangkat 3 at 4: Responsableng Paggamit ng Internet
 Pangkat 5 at 6: Responsableng Paggamit ng Email
3. Ipapakita ng bawat pangkat ang skit na nabuo.

Gawain B: “Patakarang Gagawin Natin…Dapat Nating Sundin..”


1. Ipabasa at ipaliwanag ang mga alituntunin sa ligtas at Responsableng
Paggamit ng Computer. Ito ay dapat naka powerpoint presentation o
nasa visual aids.
2. Bigyan ng mga materyales na gagamitin ang bawat grupo tulad ng
manila paper, pentel pen, krayola at lapis.
3. Mula sa nabasang alituntunin, ang bawat grupo ay gagawa ng Patakaran
sa Paggamit ng Computer Laboratory (Lab). Maaaring 3 hanggang 5
lamang bawat patakaran.
4. Iuulat ng bawat lider ang kanilang nabuong patakaran hanggang
makapag-ulat ang lahat ng mag-aaral.
5. Gagawa ng pangkalahatang patakaran sa Paggamit ng Computer Lab ,
ang klase mula sa ulat ng mga grupo na papatnubayan ng guro.
6. Ipasulat ito sa kartolina at lagyan ng mga disenyo.

IV. PAGTATAYA
Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa Pagtatasa (Kaya mo na ba?) sa LM.

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Magpasaliksik sa aklatan o iba pang pagkukunang-impormasyon tungkol sa
email.

https://theaylaonline.wordpress.com/2017/11/01/ict-lesson-exemplar/

You might also like