Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lagumang Pagsusulit

FILIPINO 3
I. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahayag ng bawat bilang at
MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang mga grafema sa praktika ng ortograpiyang Filipino ay binubuo ng tinatawag
na mga titik at mga di-titik.
2. Ginagamit ang tuldok (.) upang matukoy ang pinakamaikling pagputol ng idea o
pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap. Tanda ito ng pansamantalang
pagtigil sa daloy ng idea (at pagbása).
3. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik at
kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog.
4. Isinusulat sa malaking titik ang bawat unang titik ng bahagi ng pangalan ng tao
(unang pangalan, gitnang pangalan, at apelyido), ito man ay totoong tao o kathang-isip
lámang.
5. Ang di-titik ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o
bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante).

II. Basahin ang mga sumusunod. Billugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong taon hinirang ang wikang tagalog bilang pinakaunang wikang pambansa ng
Pilipinas.
a. 1940 b. 1950 c. 1941 d. 1944
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang orthos at graphein?
a. Salita at Pabasa c. Malinaw at Pabigkas
b. Wasto at Pagsulat d. Malinis at Malinaw
3. Ito ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik:
14 katinig at 3 patinig.
a. Abakada c. Alpabetong Ponetiko
b. Alpabeto d. Baybayin
4. Ano ang pinakaunang aklat na inilimbag sa Filipinas, nang may bersyon ng mga dasal
at tuntuning Kristiyano sa paraang baybayin?
a. Docrina Christiana c. El Filibusterismo
b. Bibliya d. Noli Me Tangere
5. Sino ang nag sulat ng Bararila na inilathala taong 1940 na naging batayan ng
abakada?
a. Jose P. Rizal c. Tomas Pinpin
b. Ferdinand D. Saussure d. Lope K. Santos
6. Anong bantas ang ginagamit bago ang pagsipi ng mga pahayag, o upang ipakilála ang
mga pahayag.
a. Tutukdok c. Kuwit
b. Padamdam d. Panipi
7. Anong bantas ang ginagamit upang ibukod sa iba pang bahagi ng pangungusap o
talata ang isang idea, salita, pahayag, o pangungusap.
a. Panipi c.Tutuldok-tutuldok
b. Gitling d. Panaklong
8. Ito ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at
pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap.
a. Titik c. Bantas
b. Di-titik d. Baybayin
9. Ito ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambalpatinig at isa o
mahigit pang katinig.
a. Pantig c. Grafema
b.Di-titik d. Kambal-patinig
10. Anong tuldik ang sumisimbolo sa diin at/o haba ng pag bigkas.
a. pahilis (´) c. paiwa (`)
b. pakupya (^) d. tuldok (.)

III. Panuto: Tukuyin sa Hanay B kung anong kayarian ng pantig ang pantig na may
salungguhit sa Hanay A.
A B
1. prutas a. KPKK
2. magaling b. KKPK
3. watawat c. KPK
4. masayahin d. PK
5. presko e. KKP
f. KP
IV. Enumerasyon
Mag bigay ng sampong halimbawa ng bantas.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
V. Sanaysay. (10 puntos).
Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa “Kahalagahan ng pag gamit ng wastong bantas”.

You might also like