RRL - Final (Mobile Legends)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mobile Legends: Bang Bang

Ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) ay isang Multiplayer Online Battle Arena o mas kilala
rin sa tawag na MOBA. Ito ay inilathala ng Moonton Technology Co. Ltd. Ang laro ay hango sa
mga laro, gaya ng DOTA 2 at LoL. Ang laro ay nailabas sa publiko noong July 14, 2016 na agad
namang tinangkilik dahil sa portability at sa simpleng kontrols ng nasabing laro. Ayon sa sinulat
ni Migs Lopez, “On the Know: Mobile Legends Bang Bang,” ang larong ito ay sumikat dahil sa
pagkakahalintulad sa mga sikat at kilalang laro, tulad ng DOTA 2 at LoL.

Sa kasalukuyan, ang mobile game na ito ay libre na mai-d-download sa mga cellphones. Ang
laro na ito ay binibigyang laya ang manlalaro na makontrol ang karakter na gusto nila na isabak
sa labanan. May isang layunin ang mga manlalaro at ito ay ang wasakin ang base ng
kanilang mga kalaban. Ang isang maganda sa larong ito ay nagbibigay-daan upang
mabilis na makipagkomunikasyon sa mga kaibigan na naglalaro din ng larong ito. Ang
Mobile Legends ay maaaring laruin sa mga mobile phones, isang devices na maaaring
magkasya sa mga bulsa ng isang pantalon. Ito ay nagbibigay puwang at nagpapamadali sa tao
na ilabas ang kanilang mobile devices. (Aragon, 2017)

Ayon din sa afkgaming.com, ang naturang laro ay may buwanang manlalaro na umaabot sa 78
milyong katao. Nakasaad din sa artikulo na ang Pilipinas ay mayroong 100 milyong download
na kung saan ang 25 milyon o ¼ ng bilang ay aktibong naglalaro ng MLBB. Marahil na ang
kadahilanan nang paglobo ng bilang ay ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng smartphone
user sa bansa.

You might also like